Share

KABANATA 4

"Moni oyats?" yaya ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami ng street foods. Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong hapon.

"May class pa kaming tatlo," sagot agad ni Cristel. Iba ang school ni Althea sa amin, do'n ba sa school ng mga magpipiloto, FA at kung ano anong may kinalaman sa lintek na eroplano na ’yan.

"Ikaw, Joyce?" I asked, raising an eyebrow.

"May kailangan pa akonh ipasa," she answered.

Since ’di ko pa rin nahahanap yung phone ko, pinuntahan ko pa si Jinx sa room niya. Nadatnan kong tutok na tutok siya sa professor. Sa desk niya ay may makapal na librong paminsan-minsan ay sinusulyapan niya. Naghintay akong matapos ang klase niya at nang matapos ay nagulat siya nang makita ako.

"Woah! Miss mo ’ko?" salubong niya sabay akbay sa akin.

"Miss ka riyan! Ibalik mo ’to sa pinsan mo. Nakalimutan ko kasing ibalik, eh hindi ko mamam alam kung saan amg school niya." Inabot ko sa kaniya ang ziplock na siyang pinaglalagyan ng panyo ni Levi.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi. "Dami mo pang sinasabi, gusto mo lang malaman kung saan siya nag-aaral, eh."

Inabot ko siya para mabatukan. "Tanga. Edi sana tinanong na lang kita, duh?

"Sus. Puwede mo naman siya i-message. Alam mo naman ’yung contact number at i*******m niya, ah!"

"Nawala phone ko nung isang gabi sa bar, eh--"

"Sa yaman mong ’yan, ’di ka makagawa ng paraan? May iPad ka, may laptop ka, may pera ka pambili ng bago--"

"Puwede bang ibigay mo na lang ’to? Dami mong sinasabi, eh," inis na saad ko at pinagsiksikan sa dibdib niya ang ziplock pero tiningnan niya lang ito habang tumatawa.

"May pupuntahan pa ako, eh." Napakamot siya sa ulo niya.

"I didn’t ask you to give this to him now. Edi itabi mo lang at ibigay mo ’pag nagkita kayo. You’re so bobo." Umirap pa ako at tinanggal ang kamay niyang naka-akbay sa akin pero ibinalik niya iyon.

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo siyang makita. Pagbibigyan naman kita." Tumawa siya.

Kumunot ang noo ko. Tiningala ko siya at napatingin naman siya sa akin. Kita kong pinagtitinginan kami ng ibang college students; nanghuhusga ang tingin. Malamang ma-i-issue na namam kami ni Jinx at aakalain ng karamihan na may relasyon kami.

"What? Bait mo ako itinutulak sa pinsan mo? May girlfriend siya, right?"

Napatitig siya sa akin bago muling umiwas ng tingin. Ginulo niya ang buhok at itinangay ako palakad sa hallway.

"Basta. Puntahan mo na lang ang school niya. Tanungin mo lang sa guard ang pangalan no’n. Sabihin mo 4th year. Kalbo rin ’yung guard ro’n."

4th year? Seryoso? Kung ganoon, tatlong taon ang tanda niya sa akin? Kaya ba young lady ang tawag niya sa akin? Corny.

"Hindi ka.mabbuhay nang kaunti lang ang sinasabi mo, ’no?"

Ngumuso siya. "Ikaw na nga ang tinutulungan!"

"Ayoko nga! May girlfriend ’yung tao, okay? Saka na-gwapu-han lang ako pero hindi ko siya gusto. Ayoko sa masungit!"

"Scam ’yan! Sinabi rin ’yan ni Hailey dati na ayaw niya sa masungt pero tingnan mo at patay na patay sa pinsan ko."

"Sino si Hailey?" kunot-noong tanong ko kahit alam ko naman talaga na girlfriend ni Levi ang tinutukoy niya.

"Girlfriend ni Lev. Dati kasi sabi niya sa akin, never niya magugustuhan si Lev kasi nga masungit tapos---"

"Sino?"

"Si Hailey?"

"Nagtanong?" pagsusungit ko.

Lalo siyang natawa. "Iyan ba ’yung walan gusto? Sinasabi ko sa ’yo, Gwy, hindi ka na makaka-ahon. Levi ’yan, eh."

Habang nag-da-drive ako papunta sa school na sinabi ni Jinx ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa sinabi niya. Hindi makakaahon? Asa naman. Hindi ko naman hahayaang malunod ang sarili ko, ’no.

Hindi naman kalayuan ang school nila sa school namin. Law school ’to, ah? Bakit kaya hindi rito nag-aral si Jinx? Bumaba agad ako ng sasakyan.

Napatingin pa ang iba sa akin na naririto sa labas ng school dahil hindi ako naka-uniform. Sa unibersidad kasi namin, you can wear whatever you want to wear. May mga pumapasok ngang naka-pantulog o kaya naka-short pero walang paki ang mga tao. Wala nang panahon o oras ang mga college student na kagaya ko na manghusga sa dami nang ginagawa.

Sinadya kong iwan sa sasakyan ang ziplock para medyo humaba ang usapan namin ni Levi. Hinarang ako ng guard na panot nang akmang papasok na ako.

"I.D?" masungit na tanong niya. Panot!

"Uh..." I gulped. "I’m here for Levincent Zyjan---"

Tinuro niya ang isang signboard kaya binasa ko ito sa isip ko.

Outsiders are not allowed.

Grabe naman ’tong school na ’to. Ang higpit masyado, ah? Nagpuppy eyes ako sa harap ni manong panot. Sana gumana!

"Miss, hindi gagana sa akin ’yan."

Advance naman nito mag-isip!

Umayos ako ng tayo at sumimangot. "Sige na, kuya. Importante lang talaga!"

"Anong year ba ’yan, miss? Kung gusto mo ay iwan mo na lang dito at ilista ang pangalan ng pagbibigyan mo. Puwede naman maghintay ka na matapos ang klase, mga isang oras," parang nauubusan na pasensyang aniya.

Bakit ba laging mainit ang ulo ng mga guard sa school?

"May sasabihin din kasi ako sa taong pagbibigyan ko nito, kuya! Sige na!"

Gusto ko rin siyempre makita si Levi! Baka ito na last kita namin, sayang din.

"Miss---"

"What’s happening here?"

Napatingin ako sa nagsalita at agad nagliwanag ang mukha ko. Namataan ko agad ang seryosong ekspresyon niya. Ang mga mata nito ay sa akin nakapukol. Hindi ko alam kung masama ang tingin o sadyang ganoon lang siya tumingin. Para bang hindi siya nasisiyahang makita ako rito.

"Hi!" nakangiting bati ko. "Tara!"

Hinila ko na lang bigla si Levi papunta sa sasakyan ko. Kunot lang ang noo niya habang tamad na nagpapahila sa akin. "What are you doing here?"

I smiled at him. "Hindi mo ba tatanungin kung paano ko nalaman ang school mo or... You’re expecting me na hahanapin ko talaga at pupuntaham kita anytime?"

"Kinda. You look like a stalker, though." He shrugged his shoulders.

Huminto ako at sinamaan siya ng tingin. "Grabe ka sa akin, ah! Hindi ako stalker, ’no. Your cousin told me about your school!"

He only sighed and jammed his hands to his pocket. "So, what now?"

I rolled my eyes. Ang sungit talaga!

"Well, ibabalik ko lang ang panyo mo,"  nakangiting sabi ko pa at binuksan ang front seat para makuha ang panyo. Pinasok ko ang kalahati ng katawan ko sa sasakyan para maabot ang panyo..

"You drove all the way here just to give this shit to me?" Kunot-noong aniya.

"Uhm... Yes." Kinagat ko ang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Nakita kong napatingin siya roon pero agad ring ibinalik ang tingin sa akin.

"Why don’t you text my girlfriend again? Since destroying our relatinship was your only intention." Nag-igting ang kanyang panga.

"Eh?"

He sighed and looked away while biting his lower lip. I cleared my throat. "Do you want me to play with your nonsense game?"

"I don’t know what you’re saying," medyo inis na saad ko. Isa sa mga ayoko ay ’yung bigla na lang magagalit sa akin nang walang dahilan.

Text ang girlfriend niya? Ni hindi ko nga kilala ang girlfriend niya saka ano bang alam ko sa number no’n? Wala naman akong pake sa kanila!

"You know... We’re not in good terms right now and you still have the guts to show up in front of me?"

Kumunot ang noo ko. Eh, anong pakialam ko kung hindi sila okay? I pursed my lips, trying to analyze what he’s saying.

"Then?"

 

"Then?" parang di makapaniwalang aniya. "Ha!"

"Ano bang problema mo?" iritadong tanong ko.

"You. You are my problem, damn it!" Napatalon ako ng bahagya nang hampasin niya ang hood ng sasakyan ko. His jaw clenched and he’s having a hard time to breathe. He looks more handsome when he’s mad!

Shit, what’s wrong with me?

Tumayo ako ng ayos. Pinindot-pindot ko na naman ang ilong ko gamit ang magkabilang-index finger dahil sa kaba.

"W-what do you m-mean? W-what did I do?"

He heaved a deep sigh, trying to calm himself. He put his tongue inside his cheeks and avoided my gaze. "If you think you can ruin our relationship that easy, you’re wrong."

He then looked at me with his dark eyes.

"Please, stop showing up in front of me. I’ll never like you. I’m not interested in you."

I stunned. Pakiramdam ko ay nabuhusan ng alcohol ang sugat sa puso ko dahil sa kakaibang hapdi na dumaloy rito. Pati ang pag-lunok ay hindi ko magawa ng maayos; parang may nakabara sa lalamunan ko.

Huminga ako ng malalim. No, hindi ako papayag na ganituhin ako nang kung sino man. Taas-noo ko siyang tiningnan at sarkastikong tumawa, pilit.

"Lakas din ng apog mo, ’no? Anong akala mo, gwapo ka? Tss, ni hindi nga ako pinagpawisan sa presensya mo, eh. Huwag na huwag mo akong pag-aakusaham sa bagay na hindi ko naman gina--"

Kusa akong natigilan at napasandal sa sasakyan ko nang mabilis niyang kinain ng hakbang ang pagitan naming dalawa. Napigil ko ang aking pag-hinga. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niyang nanlilisik. Taas-baba ang dibdib niya at ang pag-hinga niya ay malinaw na malinaw sa pandinig at pang-amoy ko.

Nakatukod ang kanang kamay sa sasakyan. Kaunting galaw na lang ay maaaring magtama ang mga labi namin.

Sana may magtakbuhan at aksidenteng maitulak si Levi.

"W-what is this?" Mabilis kong naitulak si Levi nang marinig ang pamilyar na boses.

Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. It was Marga, Luis’ girlfriend. Nakatakip ang parehong palad sa bibig niya, nanlalaki ang mga mata. Problema niya?

"Shit," Levi hissed.

"So... Ikaw ’yung babaeng lumalandi kay Levi, huh?" nanggagalaiting aniya.

"Keep your nose out of it, Marga," he scowled at her.

"Stay out of it? Ha! Inaabuso mo na yata ’yung pagiging mabait ng kaibigan ko, Levi?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" hindi napigilang pagsingit ko.

"At ikaw na babae ka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang sigawan niya ako. "Hilig mo talagang maki-kabit, ’no? Pati ba naman jowa ng bestfriend ko!"

"Ano? Hindi kita maintindihan!"

"Malandi ka kasi. Sulutera!"

"Ang basher mo, ’no? Puwede bang i-explain mo muna sa akin kung anong nangyayari? Huwag mong inuuna ang galit mo sa akin!" iritadong sigaw ko.

Sarkastiko siyang ngumiti. "Ang hilig mo pala talaga sa L, ano? Una, si Luis. Ngayon, si Levi. Para kang mauubusan ng lalaki parati!"

"Ano bang sinasabi mong tangina ka?" pigil ang inis na sigaw ko.

Kalma, self. Girlfriend ’yan ng kaibigan mo. Respetuhin mo si Luis, Gwy.

"Marga!" baritonong saad ni Levi. "Mind your own business, please!"

"Hindi ko hahayaan na ginagago mo ang kaibigan ko habang pinipilit niyang ayusin sarili niya para makipag-ayos sa ’yo!" Hinarap niya ako. "Kasalanan mong lahat ’to! May nalalaman ka pang text, ha? Sinadya mong kay Hailey i-send ’yun, ’no? Para ano? Para ipamukha na may relasyon kayo nitong gagong ’to?"

"Ano?" Kumunot ang noo ko. Text? Bakit ko naman i-te-text ang jowa niya? Ni hindi ko nga alam ang number--- wait.

Oh shit. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Cristel, pota ka!

Naalala ko ring hindi mapakali si Levi noong pauwi kami ng Batangas dahil hindi yata sila okay ng girlfriend niya. Shit, anong pinagsasabi ni Cristel?

At kung may t-in-ext nga talaga si Cristel, paanong napunta naman ang number ni Hailey sa phone ko? Ni wala akong pakialam sa relasyon nila! What the hell?

Jinx...

What if? What if hindi talaga kay Levi ’yung binigay niyang number sa akin? Baka pinag-trip-an ako at sa girlfriend ni Levi ang number na ibinigay niya sa akin! Gagong ’yon!

"Oh, ano? Naaalala mo na ang kagagahan mo? Alam mo bang matagal na akong nagtitiis sa ’yo? Pero hindi kita makanti dahil ayokong ibaba ang standards ko sa mga kagaya mo. Isa pa, nirerespeto kita dahil kapa--" Natigilan siya saglit. "D-dahil kaibigan ka ni Luis! Pero hindi ko mapapalampas ’to! Alam mo bang ayokong kinakanti ang kaibigan--"

"Alam mo rin bang wala akong pakialam sa iniiyak mo?" inis na pigil ko sa kaniya. "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang."

Napaawang ang labi niya. Humakbang siya papalapit sa akin. "Kakaiba ka rin talaga--"

"Marga!" gigil na sigaw ni Levi na siyang nakapagpatahimik sa kaniya. "I said stop meddling with my business! Not because you’re my girlfriend’s bestfriend, you have the rights to meddling with my problems! Stay fucking out of it!"

Naaawa akong napalingon kay Marga na ngayon ay nanunubig ang gilid ng mga mata. Nakaawang ang labi niya. Bahagya siyang napaatras habang napapahiyang nilalaro ang mga daliri niya.

"Levi--"

Napahinto kaagad ako nang linhunin niya ako.

"Leave."

I gasped. "But I’m not---"

"I said leave!" malakas na sabi niya kaya napayuko ako at nagmamadaling umalis.

Habang nag-da-drive ay biglang tumulo ang luha ko. Pinalis ko ito. Nang medyo nakalayo na sa school nila ay hininto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Yumuko ako sa manibela at doon humagulgol. Ang OA ko naman, parang ’yun lang.

Ang bigat kasi sa dibdib kapag hindi mo man lang nasabi ’yung gusto mong sabihin. Iyong mag-e-explain ka pa lang at susubukan i6defend ang sarili mo, sisigawan ka na agad. Iyong para bang tinanggalan ka ng karapatan na magpaliwanag.  

Hindi ko alam kung dahil ba sinigawan niya ako or ano kaya ako nakakaramdam ng ganito. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Pero sa lahat ng nangyari ngayong araw, isa lang ang tanong na paulit-ulit gumugulo sa isipan ko...

Why did he kiss me?

The following days, I busied myself doing my school works. Bumili na rin ako ng bagong cellphone. Nilibang at isinubsob ko ang sarili ko sa mga school works para hindi na pumasok sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraan. Ayoko nang isipin ulit si Levi. Babalik na lang ako sa dating college life ko kung saan tamang pagsasabay lang ako ng acads at paglalandi.

Maaga akong nagising ngayon kahit late na akong natulog. It wasn’t a nice sleep, ofcourse. Sino ba namang makakatulog ng mahimbing pagkatapos ng napakahabang pakikipag-argumento sa sarili? Ewan ko ba, tuwing susubukan ko na lang matulog, biglang papasok ang mga ideya sa utak ko.

Noong elementary ako ay nakahiligan ko na ang pagsusulat ng mga tula. Nadiskubre ko ang kakayahan kong makagawa ng nobela noong 2nd year highschool ako. Wala pa akong kaalaman gaano noon sa pagsusulat at kung anong pumasok sa isip ko ay isusulat ko.

Pero nitong college lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsulat sa isang plataporma o app na w*****d. Maraming nagbabasa roon kaya naisipan ko na ring magsulat. I’m an anonymous writer. Ayokong muna kasing magpakilala, baka magulo ang tahimik kong buhay.

Naalala kong last na update ko nga pala ay noong bago pa kami pumuntang Batangas. Hindi ako nag-a-outline ng nobela na siyang importanteng gawin kaya madalas ay nagkaka-writer’s block ako.

Hindi ako maaaring mahibg writer dahil nakakapagsulat lang ako depende sa mood ko. Hindi ko rin gaanong p-in-opromote ang story ko dahil nga mabagal akong mag-update at hindi pa ako ganoon ka-confident sa mga naisusulat ko. Hindi ko nga alam kung bakit dumadagdag pa rin ang reads, votes, at followrs ko, eh.

Kumain muna ako ng sandwhich ko at uminom ng gatas bago naligo. Mas gusto kong inuuna ang breakfast bago maligo para deretso toothbrush na rin. Hindi ko kinalimutang dalhin ang macbook ko dahil kakailanganin namin ito ngayong araw. May schedule lang naman kami kung kailan namin kakailanganin ng gadgets sa school.

Nag-apply lang ako ng light makeup. High waisted maong pants ang suot ko at longsleeve croptop. Suot ko rin ang paborito kong boots na itim, iyong isinuot ko sa Batangas. Hindi gaanong kita ang tiyan ko dahil naka-high waist naman ako. Ayokong magsuot ng revealing na damit sa school kahit pa puwede naman.

Iyon ang isa sa mga bagay na nagustuhan namin nila Joyce sa school na pinapasukan namin ngayon. Maaari naming suotin ang kahit anong gusto naming suotin o kung anumang trip namin sa buhay.

Dumaan muna ako sa milktea shop; Umorder ako ng paborito kong Okinawa flavor at dumeretso na sa school. P-in-ark ko muna ang sasakyan ko at dumeretso na sa may gate.

Napatili ako nang bigla akong may makabunggo dahilan para matapon ang milktea ko. As in, tapon. Nasira ’yung sealed.

"Shit, sorry, miss!" natatarantang saad ng lalaki. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang magtama ang paningin namin. "Gwy, ikaw pala."

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Aaron. Napansin ko kasing namumutla siya at hinihingal.

"Ha? O-oo. Sige, mauuna na ako. Pasensya na, papalitan ko na lang ’yung milktea mo. Emergency lang!" aniya at gumilid upang makadaan siya.

Agad kong hinawakan ang polo niya. "Saan ka pupunta?"

"Diyan lang. Saglit lang ako, importante lang talaga." Hinawakan niya ang kamay ko upang alisin ito at agad siyang tumakbo.

"Hoy, may klase tayo!" sigaw ko pero tuluyan na siyang nakalayo.

Bakit siya nagmamadali? May nangyari ba? Anong prolema no’n?

Magkaklase kasi kami ni Aaron, pareho kaming BFA ang course. Pareho kasi kaming mahilig sa Arts. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy na sa pagpasok. Namataan ko kaagad si Marga na nasa akin kaagad ang paningin, animo’y inaabangan ang pagdating ko.

Hindi ko siya pinansin at naupo na lamang. Sa ilang araw na pagpasok at hindi natahimik ang buhay ko. Maya’t maya nagpaparinig si Marga at dalawa niya pang kaibigan. Isang beses pa nila akong pinag-trip-an. Nilagyan nila ng lupa ’yung bag ko.

Tss, ’di ko alam kung paano pa sila nagkakaroon ng oras. Pero na-appreciate ko naman ay pinaglaanan pa nila ako ng oras nila.

Akalain mo nga namang, mararanasan ko ulit maging highschool. Hinanap si Aaron ng mga prof namin kaya pinagtakpan ko na lang at sinabing may emergency. Wait, hindi ko pinagtakpan. Sabi naman talaga niya sa akin, may emergency, eh. Sinubukan ko siyang tawagan noong may vacant pro cannot be reach.

Nakailang text na rin ako sa kaniya pero ni isa ay walang reply.

"Luis!" tawag ko sa lalaki nang madatnan siyang naglalakad sa corridor.

"Uy, Gwy! Busy ka?" Inakbayan niya ako.

"Aba, confident kang akbayan ako, ah? Baka makita tayo ng girlfriend mo, ano na namang isipin."

"Wala naman tayong ginagawang masama, eh."

"Kahit na, ’di ka dapat gumagawa ng bagay na alam mong ikaseselos niya."

Tinaasan niya ako ng kilay bago huminga ng malalim. "Nakakapagod rin kasi. Kahit anong gawin ko, lagi na lang niya akong pinagdududahan. Never pa akong nagloko sa babae. Tapos ’yung ex ko na may boyfriend na, pinagseselosan niya pa rin."

Napanguso naman ako sa sinabi niya. Halata ngang stress na siya. Architecture kasi ang course niya tapos stress pa siya sa jowa niya.

"Mahal mo, ’di ba?" Siniko ko siya ng mahina.

"Sobra." He sighed. "Pero hindi naman puwedeng ganoon lagi. Na porke mahal ko, papayag na akong ginaganoon niya ako. May damdamin din ako, ’no!"

Tumawa ako at kinurot ang dibdib niya. "Hay nako! Alam mo namang wala siyang kaibigan, ’di ba? Let’s say na may kaibigan dito pero alam nating lahat na hindi naman totoo sa kaniya ang mga ’yon. Alam mo... ’Yung mga babaeng kagaya ni Marga, for keeps ’yan. Kailangan lang ng atensyon niyan at dapat lagi mo siyang in-a-assure. ’Di ba, sabi mo, may nakita kang anti-depressants sa bag niya dati?"

Nilingon niya ako. "Woah, ikaw ba ’yan, Gwy? Himala at hindi ka nagrarant sa ’kin tungkol sa kabaliwan ng girlfriend ko."

Umirap ako. "Kahit naman ginagano’n ako ng girlfriend mo, naiintindihan ko siya."

"Thank you, Gwy."

Lumayo ako sa kaniya at binatukan siya kaya iritado niya akong tiningnan. "Tama na drama, kadiri ka!"

Napuno ng tawanan naming dalawa ang hallway. Nag-asaran pa muna kami bago naghiwalay dahil may aasikasuhin pa raw siya.

Naglalakad akonh patungong library nang may mapansin akong tumatakbo tungo rin sa direksyon ko. Naningkit ang mata ko nang mamukhaan siya. Hinihingal siyang huminto. Lumingon muna siya sa likod bago yumuko habang hawak ang tuhod at pilit pinapakalma ang sarili.

"Thea!" tawag ko at lumapit sa kaniya. "Why are you here?"

Ramdam ko ang pinaghalong kaba at gulat nang mag-angat siya ng tingin. Nag-alala kaagad ako sa itsura niya.

"G-gwy, ikaw pala..." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Uh... Wala, may dinaanan lang ako. Sige, una na ’ko, ah?"

Bago pa ako muling makapagsalita ay tumakbo na siya papalayo. Napatitig na lang ako sa kawalan. She was acting weird a while ago. Is she okay?

Ano namang dadaanan niya rito gayong iba naman ang school niya sa amin?

Hay. Tatanungin ko na lang siguro siya kapag nagkita kami ulit. Gusto kong sa personal siya tanungin dahil iba talaga ang pakiramdam ko, eh. Dumeretso ako sa library saglit. Hindi pa ako nagtatagal, nakaramdam ako ng gutom. Naisipan ko kaagad na pumunta sa kainan ng street foods na siyang tambayan naming magkakaibigan.

Namilog ang mga mata ko nang makitang kumpleto sila bukod kay Zeus, Althea at Aaron. Wow, what a coincidence!

"Oh, ayan na pala ’yung kaibigan niyong rich kid!" parinig agad ni Jinx kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gwy! I-te-text pa lang sana kita, buri at dumating ka na," si Denise.

"Kuya, 10 pesos nga pong fishball tapos 20 pesos na kwek-kwek," sabi ko sabay abot ng isang daan kay kuya nago bumaling ulit sa mga kaibigan ko. "Si Althea?"

"Huh?" Halos pare-pareho sila ng reaksiyon.

"Bobita, malamang nasa school niya!" Inirapan ako ni Cristel.

"Bobo, nandito siya kanina, ah? ’Di niyo nakita?" takang tanong ko.

Nagkatinginan naman sila.

"Huh? Ano namang ginagawa niya rito?" tanong ni Cristel.

"Tumatakbo siya, eh. Sabi niya may dinaanan lang pero ewan." I shrugged.

Hinampas ng mahina ni Nicole si Joyce. "Ikaw? Nakita mo si Althea? Halos magkasunod lang kayo ni Gwy dumating."

Tiningnan ko si Joyce at mukhang malalim ang iniisip niya. Tiningnan nita kami bago umiling.

"Hindi ko nakita." Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Nagtama ang paningin namin at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko talaga mabasa ang isip ng isang ’to.

Kinuha ko ang kwek-kwek at fishball. Yep, sa isang kamay lang, bale napipi ’yung plastic cup pero keri lang.

"Libre mo ’ko!" Naluwa ko kaagad ang kakasubo lang na kwek-kwek nang akbayan ako ni Jinx. Siniko ko siya kaya napadaing siya at lumayo.

"Bwisit ka, kita mong kumakain, eh!" inis kong sigaw at muling kinain iyong naluwa ko. Buti na-shoot pa rin sa baso.

"Kadiri, sinubo ulit amp!"

"Sarili ko namang laway ’yon, paki mo ba? Ikaw nga kinakain mo ulit ’yung tinga mo, eh, hmmp!" Inambaan ko siya na tutusukin ng stick.

"Luh, paano mo nalaman ’yun?"

I winkd at him. "Ako lang ’to, Jinx. Letse, bumili ka ng sa ’yo!"

"Okay. ’Di mo pa naman nakukuha sukli, ’di ba?" He smirked at lumingon kay kuya. "Kuya, apat na siomai tapos tig 10 pesos na buko juice! Dagdagan mo na rin ng limang calamares, salamat! Bawas mo sa isang daan ’yung bayad, kuya!"

Inirapan ko na lang siya at naupo sa tabi ni Adrian.

"Gwy, saan si Aaron?" tanong ni Luis.

Naalala ko tuloy bigla ang mokong na ’yon. Sabi niya sasaglit lang siya, hindi na bumalik.

"Hindi nga pumasok, eh. May problema ba, Adrian?"

He sighed. "Nag-aalala nga rin ako, eh. Kasi nagsasabi naman ’yon kapag hindi siya makakapasok. Ni hindi rin nagrereply sa akin."

Si Aaron at Adrian kasi talaga ang pinaka-close.  Halos hindi sila mapaghiwalay. Para silang magjowa dahil lagi nilang alam kung nasaan ang isa’t isa kaya nakakapagtakang hindi alam ni Adrian ngayon.

Okay ka lang ba, Aaron?

"Gwy?" tawag ni Adrian matapos ng ilang segundong katahimikan.

"Hmm?" I looked at him.

"Do you still want to run?" seryosong tanong niya.

"Bakit siya tatakbo? Tapos na eleksiyon, ah!" singit ng kakarating lang na si Jinx.

Pero nanatili akong nakayingin kay Adrian. Alam kong may kahulugan ang tanong niya. I asked myself.

Do I still want to run away from this shit? Do I still want to escape and hide? Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na ilang beses ko nang pinagtangkaan ang sariling buhay. I’m stuck between trying to live my life and trying to run from it.

Nginitian ko siya. "Don’t worry about me because I can turn my sadness into a joke. You know, I’m strong..." but pretending to be strong is exhausting.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status