Share

KABANATA 7

"H-huh?" takang tanong ko kay Aaron at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin.

"I mean... You’re my friend and I am home when I’m with my friends." Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "Pucha, nababading na naman ako."

Tumingkayad naman ako para maakbayan ko siya. "Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Basta here lang ako."

"Drama natin, sis," sabi niya kaya natawa na lang din ako.

Nilibre ko na lang siya ng street foods bago umuwi. Hinatid pa nga niya ako kahit pa may sasakyan naman akong dala.

Pagkapasok ko ng room kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Marga kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor naman sa 'kin. Ilang araw ang dumaan at parang nabunutan kami lahat ng tinik nang matapos na ang exam. Na-kuwento pa sa amin ni Cristel na nahimatay si Joyce noong unang araw ng exam.

Halos sumakit pa ang tiyan ko katatawa dahil pangarap niya raw ’yon dati. Nag-alala tuloy ako bigla dahil baka pinaoagod ni Joyce ang sarili niya. Mahirap talagang magtrabaho habang nag-aaral. Lalo na at nakaka-stress ang college life.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Nicole, sa kanila lang available, eh. Ayoko kasing mag-inom sa condo, nakakatamad maglinis. Nagce-celebrate kami dahil tapos na ang exams. Kaming girls lang dahil magba-bar ang boys at tinatamad naman kaming sumama. Mas lalaki rin kssi ang gagastusin namin kapag nagbar pa.

"Pre, pa’no ba kasi ’to?"

Stress na stress na si Cristel habang hawak ang bote ng gin. Tawa naman kami nang tawa sa kanilang dalawa ni Joyce habang sinsindihan ang gin.

"Aray, putek!" Nilayo kaagad ni Joyce ang kamay niya matapos sindihan ang gin at mabilis naman itong tinakpan ni Cristel at inalog.

"Lalakas mag-inom, mga ’di naman marunong magsindi ng gin!" Sabay hagalpak ng tawa ni Denise.

"Paano tayo matututo? Eh, may taga-sindi tayo lagi," sabi ni Cristel. Tinutukoy niya sina Luis.

"Oo, and hindi naman tayo lahing umiinom ng gin," saad ni Nicole. Pangiti-ngiti lang ako sa ginagawa nilang katangahan.

Nang matapos sila ay nagturuan kami kung sino ang unang iinom. Natatakot kami sa kinalabasan ng lasa.

"Pucha, baka magtae naman kami niyan!" reklamo ni Nicole.

"Hoy, ’wag mo ngang laitin ’yan dahil pinaghirapan namin ’yan!" nakangusong sabi ni Cristel.

Si Cristel ang unang tumikim then mukha namang okay ’yun base sa ekspresiyon niya kaya uminom na rin kami. Good thing, hindi naman gano’n kasama ang lasa. Medyo nalasahan lang namin ang gin pero masarap naman. Grapes ang juice na hinalo namin.

"Hoy, babae, kanina ka pa tahimik, ah?" Siniko ako ng mahina ni Althea na siyang katabi ko. Napabuntong-hininga naman ako.

"Oo nga!" mema sabi nalang si Cristel dahil hindi niya kayang hindi siya dumadaldal.

"Badtrip kasi! Naguguluhan ako!" Uminom ulit ako ng isang baso. "Si Levi kasi! Sabi niya hindi niya ako gusto dahil kagagaling niya lang sa breakup pero muntik na akong halikan! Hinatid pa ako noong kailan!"

Binatukan ako nang0 malakas ni Denise at halos masubsob na ako sa table. "Eh, ano naman ngayon? Nakikipaghalikan ka rin naman sa iba."

"Hindi! Iba, eh. Ugh! Basta!"

"Binibigyan mo naman ng malisya Eh, gano’n ka rin naman sa ibang lalaki,nah? Umaasa ’yung lalaki tapos sasabihin mong laro lang. Oh, ano?"

Tuloy-tuloy na sabi ni Joyce at hindi naman ako nakasagot sa kaniya dahil tama siya. Ugh, nakakainis!

Nagtawanan sina Nicole. "Grabe ’yung atake, beh."

"Eh, hindi naman siya kagaya ko na player!" bawi ko nang makapa ang isasagot sakan'ya.

"Player? Baka malandi?" sarkastikong sabi ni Joyce. May galit talaga sa ’kin ’to, eh!

Tumawa ng sarkastiko si Nicole. "You don’t know him yet to say that, Gwy."

"Tama! Tama!" Pagse-second voice na naman ni Cristel kaya binatukan ko na lang siya at nagpatuloy naman kami sa pag-inom habang nagpapatugtog ng mga kanta ng Lany para chill lang daw.

Panglimang gin na namin pero hindi pa ako nahihilo. Gano’n din si Joyce at Denise. Ang titibay,  eh!

"Tangina ka, Nicole! Huwag mo namang ubusin ’yung pulutan! Inuman ’to, ’te, hindi handaan!"

Binatukan ni Cristel si Althea na umiinom ng gin kaya bumuhos sa mukha ni Althea ang gin.

"Bobo ka! Hindi ako si Nicole! Kadiri!" Tumayo na si Althea para maghilamos.

"Shenglot." Tawa ni Denise.

"Sorry, akala ko si Nicole. Hi, Nicole!" Niyakap niya pa ng mahigpit si Nicole.

"Maingay na nga kapag hindi lasing, mas maingay naman kapag lasing. Ugh! Sakit sa tainga." Kunot-noong reklamo sa kaniya ni Joyce.

Narinig iyon ni Cristel at sinigawan pa si Joyce sa tapat ng tainga kaya napaiwas siya at napatakip sa tainga.

Tumayo ako para magCR at nakaramdam ako bigla ng hilo. Okay, it’s a prank! Nahihilo na pala ’Ko, hindi ko lang feel kasi nakaupo. I almost lost my balance when Althea and I bumped to each other but I still manage to walk properly. Pagkatapos kong magCR ay napaiwas ako nang dere-deretsong pumasok sa CR si Denise at hinawi pa ako. Dinig ko ang pagsuka niya kaya umalis agad ako.

"Baby it’s alright; I’ll be right by your side! Nothing to cry out loud! Nothing to cry about!"

Malakas na kanta ni Cristel at nag-act pa na parang may gitara tapos naghe-headbang pa. May pagpiyok pa siya pero tuloy lang.

"Omg, guys, tuko!" Natatarantang niyuko ni Nicole ang mga ulo namin kaya sa taranta ay napayuko nalang din kami nila Joyce. Shet, anyare?

"Ratatatatatatat!" Parang gusto kong maiyak sa inis nang nakadapa si Althea habang pinagbabaril kami gamit ang kamay niya. What the hell?

Matino pa sila nung iniwan ko, ah? Nahihilo na ako pero alam ko pa rin ang ginagawa ko!

"Victory!" Nakataas pa ang dalawang kamay ni Cristel at Althea habang tumatalon-talon.

"Waaaaah!!" Sabay-sabay na sigaw namin nang makita si Denise na may hawak na kutsilyo at naglalakad palapit sa amin! Nagsiksikan kami sa sulok.

"Magka-kaibigan tayo rito, p’re, kalma!" takot na sigaw ni Nicole.

"Walang ganiyanan!" sigaw pa ni Althea.

"Request backup!" Sigaw ni Cristel na para bang naglalaro siya ng ML.

Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahilo dahil sa mga pinaggagawa nila. Matino pa ako promise! Nadadala lang ako.

Nakahinga kami ng maluwag nang umupo si Denise at naghiwa lang ng mangga. Umupo nalang ulit kami ni Joyce na nakahawak pa rin sa ulo namin dahil sa hilo. Shit, I need to sober up!

Napapikit ako at gusto na lang maiyak sa eksena ng mga kaibigan ko. Please lang, hindi ko sila kaibigan.

Hinila ko nang walang sabi si Joyce at binigay sa kaniya ang susi ng sasakyan bago ako dumeretso sa likod at nahiga.

"Hoy, lasing ka ba?" takang tanong niya.

"I’m not lasing!" She mocked my words bago pinaandar ang sasakyan. "Gusto ko ng mainit."

Nanlaki ang mata ni Joyce. "Oy, anong mainit ’yan? Hindi ka tapos mag-aral, ah!"

"Ano bang sinasabi mo? Kunot-noong tanong ko. Ang sakit na ng ulo ko!

"Huwag ka munang mag-aanak, ayoko pa maging ninang. Wala pa akong mabibiga—"  Sinabunutan ko siya.

"Gusto ko ng mainit na sabaw o kape!"

"Hindi ka umiinom ng kape, ’di ba?" tanong niya pa.

"Umiinom ako, hindi ko lang talaga hilig! Basta mainit! Dalian mo na!" sigaw ko pa sa kaniya.

Ilang beses ko siyang pinagmumura ng malakas dahil pagewang-gewang ang pagda-drive niya at sobrang bilis! Bumabaliktad ang sikmura ko! Mabuti nalang at madaling araw na kaya wala na masyadong sasakyan sa kalsada.

Agad akong bumaba nang hmihinto niya ang sasakyan sa tabi ng coffee shop na pinagtatrabahuhan niya.

"Fuck you, Imperial," sabi ko matapos sumuka sa may basurahan at napagtantong sinadya niya iyon para masuka talaga ako!

Tinawanan niya lang ako at pumasok na kami sa coffeeshop. Binati siya ng dalawa niyang ka-trabaho. Pagewang-gewang naman akong naglakad papunta sa isang table.

"Ay, sorry!" Wala sa sariling sabi ko nang mabangga ko ang isang table at natapon ang mga kapeng nasa ibabaw.

"Oh my gosh!" Maarteng bulalas ng babae na napatayo. "Ano ba naman ’yan! Lasing ka ba, Miss? Tss, next time kung iinom ka, huwag kang manggulo!"

Tinaasan ko siya ng kilay pero naningkit ang mga mata ko nang mukha siyang familiar. Parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala. "Sorry na nga, ’di ba? Don’t worry, I’ll pay for it."

"Calm down." Lumipat ang tingin ko sa lalaking humarang sa amin at pinaupo ulit ang babae. Pupungay-pungay ang mata ko at medyo malabo ang mata ko. "Are you okay?"

"Me?" Turo ko sa sarili ko bago tumawa. "Of course, I’m okay! Bakit hindi? Tingin niyo ba hindi ako magiging okay matapos akong i-reject n crush ko? Hell, no!"

Nakatingin lang siya sa akin at nakipagtitigan naman ako sa kaniya. Nanlaki ang mata ko at napaturo sa mukha niya. "Hala! Kamukha mo ’yung crush kong nang-reject sa akin!"

"Hoy, gago," tawag ni Joyce mula sa malayo. Hindi ko siya pinansin pero nakita ko siyang pumasok sa loob.

"Damn it, Zy! I need a fucking tissue!" inis na sabi ng babae.

Ngumiti na lang ako.

"Good bye!" Tumalikod ako at umupo na sa isang table doon.

Lumabas si Joyce na may dalang kape at inilapag sa harap ko kaya agad kong ininom pero agad ko ring nadura nang mainitan.

"Nag-usap kayo?" tanong ni Joyce na umiinom na rin ng kape.

"Nino?" inosenteng tanong ko at hinipan ang kape bago uminom.

"Akala ko ba, hindi ka lasing? Hina niyo naman! Buti pa ’ko!" Pagmamalaki niya pa. Sus, may tama na rin siya kasi madaldal na siya. "Si Levi. Nandito siya."

Nanlaki ang mata ko at napalingon-lingon sa paligid. "Levi? Nandito si Levi?"

Nakita kong napatingin sa amin ’yung babae at lalaki na nabangga ko.

"Do you know her?" Dinig kong tanong ng babae sa lalaki.

"Nakakahiya ka," tumatawang sabi ni Joyce at inalalayan ako papuntang wash room tapos hinilamusan niya ako. Medyo nawala naman ang tama ko dahil sa tubig sa mukha ko pero nahihilo pa rin ako. Ininom ko na lang ang coffee at nang maubos ay medyo nawala na rin ang hilo ko. "Alis na ako, may maghahatid na sa ’yo."

"What?" naguguluyang tanong ko. "H-hey!" tawag ko pero umalis na si Joyce at iniwan na lang ang susi sa table. Napaangat ako ng tingin nang umupo si Levi sa unahan ko.

"Okay ka na?" anong niya at napakagat naman ako ng labi. Shet, iniwasan ko nga siya ng ilang araw, 'di ba? Tapos... Heto na naman yung puso ko, naghaharumentado na naman.

"Y-yes. Uh... Uwi na ako." Tumayo ako pero hinatak niya ako paupo ulit. "Hmm?"

"Let’s talk, young lady," seryosong aniya. Ano na naman ba?

"A-anong pag-uusapan natin?" Damn it, umayos ka Gwyneth! Umiwas ako ng tingin. "Nasaan na ’yung girlfriend mo?"

Tumaas ang kilay niya and the side of his lips rose up. "Girlfriend? We’re done."

"Ah... Sino ’yung kasama mo?" tanong ko ulit at uminit ang mukha ko nang mahina siyang tumawa.

"Are you jealous, young lady?" He leaned forward; bumilis an tibok ng puso ko.

"N-no. Why would I?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Stop assuming things. You’re just my game, too..." Napalunok ako nang maalala ang simabi niya sa akin noong birthday niya.

Tama, Gwy. I'm just his game kaya hindi dapat ako magpaapekto.

"Nag-usap lang kami ni Hailey."

Oh. So, si Hailey pala ang kasama niya kanina? Ang ganda niya! But she really looks familiar.

"Hmm?" naiusal ko na lang.

"Can we go our for a walk?" tanong niya at kumunot naman ang noo ko.

"It’s already 3AM, Levi! At saka, bakit ako sasama sa ’yo! We’re not even close." Umirap ako at tumayo na bago lumabas pero makulit siya at sinundan pa ako palabas.

"Maglalakad-lakad lang. I have to tell you something."

"Bakit hindi na lang dito?" pagmamatigas ko.

He’s maybe my typer but I’ll never admit that to him.

"Para may thrill." Tumawa siya kaya napatitig ako sa kaniya pero nag-iwas din nang lingunin niya ako. Shit! Bakit ganito ba ang epekto niya sa akin?

"Thrill your face, bahala ka riyan," sabi ko at tumalikod na pero napatigil nang magsalita siya.

"Nasa akin ang susi ng kotse mo." Sabay taas niya ng susi.

"How did you get that?"

"Naiwan mo sa table." Ngumisi siya. "Sasama ka o sasama ka?"

I sighed and nodded.

At dahil curious din ako sa sasabihin niya, sumama na lang ako. Curious lang talaga, promise! Walang halong landi, char!

"Lol, whatever." I rolled my eyes.

Tahimik lang kaming naglalakad sa isang eskinita. Tanging buwan at street lights lang ang nagbibigay liwanag habang tahimik kaming naglalakad. Ni hindi ko alam kung saan kami patungo.

I cleared my throat to break the silence between us. Napatingin naman siya sa akin at ayan na naman ang nakakalokong ngiti niya na hindi ko maintindihan. Ano bang problema niya? Ang hirap-hirap niyang basahin!

"Who’s your crush?" Naglalaro na naman ang hindi ko maintindihang ngiti sa mga labi niya.

"Marami akong crush. Gusto mo ba ng listahan?" walang kuwentang sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Why don’t you just say their name?"

"Sa sobrang dami, hindi ko na matandaan pangalan ng iba." I pursrd my lips and shrugged.

"Sino lang ang natatandaan mo?" Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Wala!" inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

"Aang cute mo," aniya na siyang nakapagpahinto sanakin sa paglalakad. I blushed. "Huminto ka? Kinilig?"

"Sorry, pero hindi ako marunong kiligin." INirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Ano bang sasabihin mo? Gusto ko nang umuwi!"

"Gusto ba talaga?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino muna crush mo?"

"Ikaw-- wala nga!" Hinampas ko siya sa inis ko.

His lips twisted sexily with a ghost of a smile. I immediately looked away. "Crush din kita."

Napahinto ulit ako at gulat na tiningnan siya pero agad kong iniling ang ulo ko para ipaalala sa sarili na laro lang ’to.

"Kinilig ka ulit?" sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Bakit ba ang daldal niya? Parang hindi naman siya ganito nung una kaming nagkasama. Tahi-tahimik niyang tao, eh. "Are we playing hide and seek here?"

"Ewan ko sa ’yo." Inirapan ko ulit siya at huminto ulit sa paglalakad bago siya hinarap. "Uhm... Nung nangyari pala nung birthday mo and ’yung mga nasabi ko... kalimutan mo na lang.'"

"Why? That was one of the most beautiful thing I’ve ever heard." He licked his lips, teasing me.

I glared at him. "Trip mo ba ako?"

"Medyo," he playfully answered. I groaned.

Bakit ba ang kulit ng lahi ng isang ’to? Nahawa na yata sa pinsan niya!

"Ano ba kasing sasabihin mo? Ibigay mo na sa akin ang keys ko!"

Yes, keys! Nandoon din ang susi ng condo unit ko at iba pa.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Halos maduling ako sa sobrang lapit niya sa akin at nagtama pa ang ilong namin.

"W-what are you d-doing?" utal-utal na tanong ko.

"Ibibigay ko ang kiss," painosenteng aniya.

I felt the butterflies swarming in my stomach. I gulped and pushed him a little.

Huminga ako nang malalim bago siya mahinang tinulak. "Shut up."

Lumayo naman siya at mahinang tumawa. Ano bang nakakatawa? Kanina pa siya, ah! Trip na trip niya yata ako?

"Uwi na tayo. Inaantok na ako," sabi niya.

"What? Akala ko ba may sasabihin ka?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko na, eh," sabi niya kaya binatukan ko siya ng malakas at kumunot naman ang noo niya sa akin. Bumalik na naman tuloy ang suplado look niya!

"Ang hilig mong mambitin, ’no?" inis na sabi ko.

"Tara."

Luh, bipolar? Bigla na naman nagbago mood niya. The heck? Ayoko na talaga sa earth! Ang hirap-hirap niyang basahin, nakakaurat!

Nakasimangot akong sumunod sa kaniya. Napatingin ako sa phone ko nang may magtext. 4am na pala.

From: Luis

Tapoos na kayo? Katatapos lang namin uminom.

Nagreply naman ako at sinabing kanina pa kami tapos. Hinablot ko kay Levi ang susi ko nang ilahad na niya ito.

"Kitakits na lang," sabi ko at pumasok na sa kotse ko. Napangiti pa ako nang makitang nakasunod siya sa akin. Nagpark na ako nang makarating sa condo ko at kinatok ang bintana niya. "Ingat, thank you!"

"Sasabihin ko na," sabi niya at tinitigan ako sa mata. "With or without your permission, I’ll court you."

Kumindat pa siya bago umalis kaagad. Naiwan na naman akong nakatulala. Bakit ba palagi na lang siyang nagbibitaw ng salita na hindi ko agad ma-po-proseso at maiiwan ako nang tulala? Pero okay rin siya, kinilig ako slight.

Seryoso ba siya sa sinabi niya o baka ginu-goodtime niya lang ako? Seryoso? liligawan niya ako? First time yata may nagsabi sa akin ng ganon, ah?

Nawala ako sa iniisip nang magring ang phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sinoang caller.

["Gwy, hija?"]

"Ate Mel? Bakit po napatawag ka?"

May problema ba? Tumatawag lang naman siya sa akin kapag may problema o may inuutos sila tita.

["Ano kasi, hija... 24 hours nang wala ang mommy mo. Baka alam mo kung nasaan siya."] parang hinihingal pang sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Po? Baka naman po may pinuntahan lang."

["Hindi, hija. Ang dinig ko kasi... nag-awayxsila ng daddy mo kaya umalis ang mommy mo dala ang iilang gamit niya..."]

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nag-away? Bakit naman?

Ano bang pake ko? Tss. Nung ako ba ang nawala, hinanap ba nila ako?

"Baka nagpalipas lang siya, Ate. Sige na, inaantok na ako," saad ko.

["Hija--"]

Pinatay ko na ang tawag nang hindi siya pinapatapos magsalita.

Ang dami ko nang iniisip masyado. Una, si Levi. Pangalawa, si Levi ulit. Charot. Pangalawa, si Aaron. Kung bakit ganoon ang akto niya. Wala naman nagbago sa tratuhan namin pero ang weird ng ikinikilos niya lately tapos lagi siyang puyat.

Tapos sumabay pa ’yung away ng mag-asawa. Sus, kaya na nila 'yan. Pero aaminin kong kahit papaano ay nag-aalala ako kay Tita. Na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Lol, whatever. Kaya naman na niya ang sarili niya.

Kakatapos lang ng last period kaya agad kong inayos ang mga gamit ko. Kaninang umaga ay tumawag sa akin si Ate Mel at sinabing hindi pa rin umuuwi si Tita. I tried to contact her but no response.

"Kain tayo! Libre ko!" Inakbayan ako ni Aaron habang palabas kami ng room. Nahulog pa ang isa kong notebook kaya yumuko ako para kuhanin ito.

"Saan?" I asked him. 

Nagulat ako nang makita na nasa labas ng room si Levi. Prenteng nakasandal lang siya habang ang magkabilang kamay ay parehong nakasuksok sa bulsa niya. He's wearing a white loose tshirt and black pants. Nagreflect ang araw sa dogtag niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil nasilaw.

"Ay, sige una na ako." Ginulo ni Aaron ang buhok ko. Tumingin muna siya ng makahulugan kay Levi bago umalis.

"Hi," bati ko. Syempre, feel na feel ko na manliligaw ko siya! Ngumuso ako at kunwaring inilagay ang ilng hibla ng buhok sa likod ng akin tainga.

"Gano’n kayo ka-close?" tanong niya na tiningnan pa ang balikat kong inakbayan kanina ni Aaron.

"Yup!" Ngumiti ako.

"Where do you want to go?" tanong niya at namilog naman ang bibig ko.

"Niyayaya mo akong magdate?" Malawak ang ngiting tanong ko.

"What do you think?" Napairap ako nang makita ang babaeng nagbubungisngisan sa gilid habang nakatingin kay Levi.

"Yes?" Patanong na sabi ko. "Tara na!"

"Date, then," linal na sabi niya at napangisi na naman ako nang hawakan niya ang isa kong kamay. He intertwined our fingers.

"Kahit saan naman. Basta, ikaw ang kasama." I winked at him as I swayed our hands.

May ilan kaming nakasalubong na blockmates ko. Ngumingiti lang ako tuwing kakantyawan nila kami.

Inismiran niya ako.

"I think I’m inlove with you" pabirong sabi ko sa kaniya habang inaabangan ang magiging reaksiyon niya.

"Do you have any evidence to support your statement?"

Namilog ang mga mata ko at tinawanan siya.

"Wala ka sa court, sis." Umirap ako.Tinanggal niya ang kamay niya kaya sumimangot ako pero napangiti din nang akbayan niya ako dahilan para mas magkalapit kami. Amoy na amoy ko ruloy ang pabango niya. "May tanong ako. ’Di ba, if you’re a lawyer, you should fight for justice? Bakit may mga lawyer na nasa panig ng criminal?"

"Because a case is a case. Your loyalties lie with whoever is giving you money. Young lady, the justice system here in our country is suck. If you’re poor and has no power, fighting for justice is nonsense."

I nodded. What he said is true. Kapag mahirap ka, hindi ka nila pagsisilbihan at uunahin. Sa pera na lang umiikot ang mundo ng mga tao. Nang dahil sa pera, maraming nagiging sakim at mapagmataas.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinanood ko naman siya na pumasok sa driver's seat. Sa byahe papunta sa hindi ko alam ay naki-connect ako at nagpatugtog ng mga kanta ng Lany. Bagay naman siya pang-roadtrip e.

Bumaba kami sa isang park na wala masyadong tao. Hininto niya ang sasakyan doon at naupo siya bigla sa bubong ng sasakyan kaya sumunod ako. Inalalayan niya pa ako kahit kaya ko naman.

"Why are we here?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto lang kitang makasama." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Bumaba siya ulit at pagbalik ay may nga dala na siyang pagkain!

"Saan ’yan galing?"

"I bought this earlier," sagot niya kaya nilantakan ko agad ang fries. Kinuha niya rin ang phone niya at nagplay ng kanta ng Lany. Sumandal ako sa balikat niya habang pinapanood ang paglubog ng araw. "This is my first time watching sunset with someone."

Napatingala ako sa kaniya. "Hindi niyo pa ba nagawa ’to ni Hailey?"

He shook his head. "Ayaw niya sa mga ganito. Ang unromantic kaya niya."

"Do you srill love her?" curious na tanong ko.

"I like you but not that deeper. You’re confusing me. Let’s be practical. Hindi biro ang tagal ng pinagsamahan namin ni Hailey kaya hindi ko naman agad matatapon lang ng basta-basta ang mga ala-ala namin." Inakbayan niya ako dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya. "How abot you? Is this your first time?"

Ngumiti ako sa kaniya. "My first time with you."

Hindi pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam. ’Yong pakiramdam na safe ako kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay protektado ako. Humiga ako sa braso niya habang pinapanood namin ang mga bituin nang mag-gabi na. Nag star gazing din kami.

Maya-maya pa...

"Tell me a story about your family. I want to know you more." Natigilan ako at hindi mahanap ang tamang salita. Nang mapansin ay siya ang nagsalita. "’Yong mother ko ngayon... she’s not my real mom."

"Where’s your real mom?"

"Namumuhay bilang teenager." Mahina siyang tumawa. "Buti at mabait ang step mom ko. Ginagawa niya lahat para makuha ang loob ko. Never niya ako pinagmalupitan. I love her. Mabuti siyang ina habang ’yong totoong nanay ko..."

Ngumiti siya ng mapait bago ako tinitigan ng deretso sa mata.

"Inuuna qng pagpapaganda at kinalimutan ang pagiging ina." Kapwa kami binalot ng katahimikan. Although, he’s smiling, I still sense the pain in his eyes and voice. "Do you wanna know why I wanted to be a lawyer?" 

"Gusto ng parents mo?" hula ko.

"Of course. I’m a family of lawyers, but... I have my own re

ason."

Na-curious naman ako bigla sa reason niya. Buti at gusto niya rin ang ginagawa niya. Mahirap kasing gawin ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto.

"What is it?"

"My biological mom was raped by my dad’s bestfriend but no one believed her because my dad’s bestfriend wasn’t proven guilty, but for me... A person found not guilty is not being found innocent."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status