Share

Chapter 1

"Hey kesh! Wake up na malalate na tayo!" Ash shouted.

"Ash! Arg ang ingay mo ang aga aga!" Pabalik na sigaw ko.

"Gumising ka na po kasi malalate na tayo!" Sigaw nito pagkatapos kalampagin kama na hinihigaan ko.

Tumayo na ako at nagayos.

"Ash tara na!" Sigaw ko dito.

"Hindi na tayo kakain?" Tanong nito.

"Sa school nalang late na tayo diba!" Iritang sigaw ko.

"Ito na nga!" Pabalik na sigaw ng magaling kong kaibigan.

Nagmamadali kaming pumasok sa school hindi alintana kung hindi pa kami kumakain. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa naman ang bruha naming teacher. 

Halos magtatalon sa tuwa ang mga kaklase ko habang nakikinig sa isang estudyante na ipinadala ng isang teacher para sabihin na wala ang 

teacher na dapat magturo sa amin. 

Dahil na din sa gutom hinila ko si Ash papunta sa cafeteria. 

"Hoy kesh, easy baka mabalian ako." natatawang biro ni Ash. 

Sa sobrang irita ko ay tinarayan ko lang ito. 

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso din agad kami sa room at nakinig. 

Samantalang ako lutang at malalim ang iniisip. 

Mabilis ding natapos ang klase namin kaya napagpasyahan namin ni Ash na magshopping. 

Ay mali, sya lang pala. 

May pinagiipunan ako at wala akong pera para sa ganong bagay. 

Hinatid kami ng driver ni Ash sa isang mall alangan sa park medj obob naman selp. 

Unang pinuntahan ni Ash ay ang salon kikay kikay si Ash at medyo spoiled kaya minsan hindi ako makasabay dito. 

While me walang alam sa mga ganyang bagay pulbo lang ang alam kong gamitin. 

At oo nga pala kala Ash ako nakatira sa ngayon. 

Sapagkat pinilit ako ni tita na doon nalang muna daw para hindi din sayang ang pera sa pagrent ng apartment. 

Atleast dun daw safe ako at may kasama si Ash, nahiya din akong tumanggi dito at isa pa hindi din ito papayag kung tatanggi ako. 

Gaya ng sinabi ko kala Ash ako nakatira madalas ding wala sila Tita Amanda sa kanila kaya kung tutuusin parang kami lang ni Ash ang nakatira roon kasama ang ibang kasambahay at bodyguards nila. 

Nahihiya man ako pero wala naman akong magawa sinabi ko din Kay tita na tutulong nalang ako sa ibang gawaing bahay ngunit ayaw nito.

"Kesh, Alin maganda dito?" anito. 

Nanatili akong nakatulala at halos walang naririnig. 

"Kesh? Hey Kesh?! Hoy!" pasigaw na sambit nito.

Doon lang ako nakarecover sa pagkatulala.

"Ay sorry Ash, ano ba yon?" tanong ko rito. 

"Sabi ko alin maganda dito? Ayos ka lang ba kanina ka pa tahimik ah?" nagaalalang tanong nito. 

"Ito maganda bagay sayo yan at ayos lang ako wag ka magalala" sambit ko habang tinuturo ang kulay ng cutics na napili ko. 

Pagkatapos namin sa salon ay dumiretso kami sa isang sikat na branch ng mga damit. 

Habang namimili si Ash ng mga damit na gusto nya ay may nakita akong simpleng dress kaya nilapitan ko ito. 

Isang puting dress na off shoulder ang ganda ng design neto kahit napaksimple lang ngunit ng makita ko ang presyo nito ay ibinalik ko nalang ito sa lagayan. 

Ang pera na iniipon ko ay para sa nanay ko reregaluhan ko ito sa kaarawan nito. 

Ang iba naman ay para sa gastusin ko sa school.

Scholar ako dito kaya projects at baon lang ang problema ko may part time job ako kaya may sapat na panggastos din ako. 

Nagulat ako ng makitang hawak na ni Ash ang dress na sinasabi ko. 

"Gusto mo nito?" nakangiting Sabi nito. 

"Ah, eh hindi tiningnan ko lang."sabi ko rito kahit nanghihinayang ako sa dress na yon. 

"Kesh, kunin natin to don't worry ako magbabayad." sambit nito. 

Ayan na nga ba sinasabi ko. 

"Wag na Ash ayos lang. " nakangiting sabi ko dito. 

Hindi nagpatinag sa sinabi ko si Ash kinuha nito ang dress at kinaladkad ako sa counter. 

Hindi nalang ako umimik alam kong hindi ko na ito mapipigilan. 

Kaya hinayaan ko nalang ito at magpapasalamat nalang mamaya. 

Binigay sakin ni Ash ang dalawang shopping bag na hawak nito.

Nabigla man ako ay kinuha ko na rin ito. 

"Ayan kesh gamitin mo yan ha? Ako pumili nyan ikaw kase di ka papayag kapag binilhan ka." nakangising sambit nito. 

"Andami naman nit-" 

"Shh kaya nga di ko sinabi sayo na pinilian at binilhan kita kasi alam kong magiingay ka naman na kesyo sayang achuchu~" mapangasar na sabi nito. 

"Sobra naman kasi ito Ash okay na sana yung dress mahal na yon e pano pa to?" nahihiyang sambit ko dito. 

"Alam mo kesh daig mo pa nanay na nagsesermon e, kung si mommy pa yan nako mas madami pa binili sayo." sambit nito. 

Totoo naman yun baka nga kapag si tita ang kasama ko ay mas higit pa rito. 

"Oh bat di ka makaimik dyan?" natatawang sabi nito. 

"Ewan ko sayo Ash." inirapan ko ito. 

"Halika bili tayo ng sapatos treat ko okay?" 

"Tama na 'to Ash." pigil ko rito. 

"Hindi! Bibili pa tayo, nagagamit mo yan wag ka magalala." 

At last wala na naman akong nagawa at alam kong hindi ko ito mapipigilan. 

Saktong alas sais y' medya ay nakauwi na kami sa kanila, napakarami naming hawak na shopping bags kung sa akin ay higit kensi sa kanya naman ay doble pa nito. 

Nang makarating ako sa kwarto naming dalawa. Oo, kwarto namin wag na daw ako humiwalay sa kanya at dalawa naman ang kama roon. 

Inayos ko ang mga pinamili ni Ash sa akin halos walo o siyam na pares ng damit ang laman ng isang shopping bag.

Ang iba naman ay puro dress at ang iba ay liptint, concealer, etc.. 

Ni hindi ko nga alam kung saan iyon gagamitin meron ding mga clips, headbands at iba pang kachuchuhan sa katawan ay naroon. 

Ang huli namang shopping bag ay mayroong dalawang rubber shoes at binilhan rin ako nito ng dalawang heels, para daw iyon sa dress at ibang pang alis na damit. 

Inilagay ko ito sa walk in closet ni Ash sa kabilang side non ay ang mga damit at gamit ko sa kanya naman and kabilang side gaya ng gusto nya. 

Pagkatapos kong ayusin ang pinamili namin ni Ash ay naghalf bath ako at dumiretso na sa dinning table.

Nakita ko roon si Ash na ka-skype sila tita, nang mapansin ako nito ay tinawag ako at kinamusta pagkatapos noon ay kumain na kami ni Ash at umakyat para matulog na.

Kinaumagahan maaga akong nagising kahit walang pasok ngayon. 

Tutulong nalang ako sa gawing bahay habang wala pa sila tita at alam kong hindi ako papayagan non kaya habang wala pa sila tsaka ako gagawa. 

Naligo at nagayos ako then nagheadband lang ako nalang magluluto ng breakfast since tulog pa si Ash at 5:30 palang. 

Nagluto lang ako ng fried rice, ham,eggs and hotdogs, nagtoast lang din ako ng tinapay sakto katatapos ko lang magtimpla ng gatas ay saktong baba din ni Ash. 

"Goodmorning Ash! Kain ka mainit pa yan." masiglang bati ko dito at kumuha ng pinggan at kutsara para sa aming dalawa. 

"Goodmorning kesh! Aga mo ah? Anong meron?" 

Gagang to di porket maaga nagising may nangyare na? Char HAHAHAHAHA

"Hindi ko din alam girl basta nagising akong maaga." 

"Oo nga pala kesh, di daw makakauwi sila mommy today tapos sabi nya nilagyan nya ng pera Atm ko magshopping nalang daw tayo." masayang paliwanag nito. 

"Kashoshopping lang natin kahapon ah? tsaka andami na non tama na yon." 

"Madami pa nga akong balak bilhin para sayo kulang  pa yan later salon tayo ha?" 

"Nag salon ka na kahapon ah? mamaya ulet?" nagtatakang tanong ko dito. 

"Yep, sino bang nagsabing ako magpapasalon ikaw girl need mo yun." 

"Naku, nagsasayang ka lang ng oras at pera." 

Hindi ako ganun kagandahan ngunit hindi ako pangit average lang kumbaga hindi maganda hindi din naman pangit. 

"Tse kesh! Basta salon later!" inirapan ako nito bago umakyat para magayos. 

Niligpit ko ang pinakainan namin at umakyat na din para kausapin si Ash nagtatampo na naman yun dahil ayaw ko na naman sya pag-gastusin. 

"Hey Ash, oo na sasama na ako wag ka na magtampo dyan." sambit ko bago pakawalan ang isang malalim na hininga. 

As if naman may choice pako mahirap  suyuin tong gagang to kaya gora nalang jusko. 

"Talagaaa?! Treat ko naman e aayusan langgg kitaaa." masiglang sabi nito. 

"Oo na jusko ayusin mo lang Ash ha?!"

"Oo naman, trust me!" 

"Kalokahan mo wala akong tiwala sayo." biro ko rito. 

"Ganun ha." sabay bato ng unan sakin. 

"HAHAHAHAHAHA gaga maligo ka na para maaga tayo makaalis." binato ko din ito ng unan. 

"Payag ka na, final na yan ha!" 

"As if may choice ako Ash." inirapan ko ito bago kumuha ng damit at nagbihis na. 

Nang makarating kami sa mall ay pinagtitinginan si Ash opkurs napakaganda nyan. 

While mukhang alalay nya HAHAHAHAHA. 

"Girl, may gusto ka bang bilhin? Kasi sabi ni mommy bilhan kita ng gusto mo." sambit nito habang abala sa pagtitingin ng damit. 

"Wala naman girl." sambit ko kahit meron pero ako ng bahala dun. 

"Ayun ang kyut! girl eto soutin natin today." masayang sabi nito. 

"Eh ang kyut nga, bagay ba sakin yan parang sayo lang pwede yan e." 

Dalawang maong na palda ito isang kulay puti isang pink, ang top nya is crop top na sleeveless also pink and white. 

Binigay nya sakin yung white top and pink na palda.

Kinuha ko nalang ito at nagbihis na. Pagkatapos naming magpalit dinala ako nito sa salon. 

Pinacurl nya yung buhok ko at madami daming achuchu ang pinaayos nya hanggang sa antukin ako at nakatulugan ito. 

Nagising ako ng yugyugin ako ni Ash sabi nito ay tapos na. 

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin liek woAh may nabago naman mga be HAHAHAHAHAHA dejk. 

Naiilang man ako wala naman akong magagawa dahil pinalagyan ni Ash ang mukha ko ng light make up.

Ayos lang naman hindi lang ako sanay Pagkatapos namin doon ay kumain kami nito dahil na din sa gutom. 

Bago kami umuwi ay dumaan kami sa isang shop kung saan puro cellphone ang nakikita ko. 

Nagtataka man ay sumunod nalang ako dito. 

"Bibili ka bagong phone?" takang tanong ko dito. 

"Nope, sayo yan." 

"ha?!" gulat kong tanong. 

"Yep, sabi ni mommy bilhan kita ng phone para macontact mo ng maayos si tita." ngiting paliwanag nito. 

"Hindi naman kailangan eh nakocontact ko naman sila mama Ash." nahihiyang sabi ko rito. 

"Wag ako sabihan mo girl si mommy, si mommy may gusto nyan as if naman makakahindi ka dun." sagot nito habang iniiling ang ulo nya. 

"As if may choice girl." 

"Oo nga pala kesh, tinanong kasi ni mommy si tita kung ano yung gusto mo they said matagal mo nang gusting bilhin yung instax kaso wala ka lang sapat na pera." 

"Ah oo bibilhan ko din yun pagtapos ng birthday ni mama gusto ko muna syang bilhan ng ref, gustong gusto nya yun ." sabay ngiti rito. 

"Yun nga kaya sabi ni mommy bilhan nalang kita. Wag mo na daw gastusin yung pera mo ipunin mo nalang muna maliit na bagay lang naman daw yun para kay mommy." 

"Nakakahiya na Ash madami na yung binigay nyo sakin e."

"Ano ka ba? Wala lang yun, kaibigan kita hindi ka na iba sakin lalo na kay mommy at daddy."

Katulad ng gusto ni tita Amanda pumunta kami sa isang shop para bumili ng instax na matagal ko ng pinangarap.

Nakapili na kami ng magandang kulay kinukuha nalang yung stock kaya nagtingin tingin muna kami ni Ash sa mga camera na nandoon.

Sa hindi inaasahang may lalaking nakabangga sakin ngunit wala man lang paumanhin na binigay kahit nalapag nya ang bag ko tuloy tuloy lang ito sa paglalakad.

Pinulot ko ang bag ko. Sa inis ko hinanap ko ang lalaking walang hiyang bumangga sakin, ngunit hindi ko na ito nakita. 

Nang makuha namin ni Ash ang dapat naming kunin ay umuwi na din kami kahit na nawala ako sa mood ay masaya pa din ako dahil sa binili ni tita para sakin. 

Siguro ay magpapasalamat nalang ako kay tita pag balik nila. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status