Share

Chapter 2

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong magsimba.

Nagayos ako at nagluto na din ng breakfast sa kitchen para kay Ash, hindi pa ito gising at puyat na naman panigurado Kaya hinayaan ko nalang itong magpahinga.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako bago napagpasyahang magayos at pumunta ng simbahan. Nagcommute lang ako kaya ko naman magcommute at ayaw ko ding maisturbo ang ibang driver doon.

Natapos naman ng maaga ang misa, bago pa man makalabas ng simbahan ay may nakita akong isang babae. Mukhang nangangailangan ito ng tulong sa sobrang daming dala. Nilapitan ko ito at tintulungan. 

Nung una ay tumatanggi pa ito ngunit bumigay din ito sa pangungulit ko. 

"Salamat talaga, nagkasabay sabay lang kasi yung mga pinakuha e."

"Naku! Walang anuman kahit sino naman ang makakita sayo na ganun tutulungan ka e." Sabi ko rito at pinakawalan ang isang ngiti. 

"Ako nga pala si Sophie, nice to meet you." sabay abot ng kamay nito.

"Calista, Calista kesh. Nice to meet you too." sabay tanggap sa kamay nito.

Nang makilala ko si Sophie ay nagpaalam na din akong uuwi na. 

Nang makauwi ako sa bahay, naabutan kong nasa sala si Ash at nanonood. 

"Kesh, have you eaten before you leave?"

"Yes girl, bakit?" 

"I see, wala lang." then she laugh. 

"Weirdo, sige bihis muna ako." sabi ko rito at pumanhik na papunta sa taas.

Pagkatapos kong magbihis ay saktong dating din nila tito galing sila ng U. S you know work. 

Hinug nila ako pagkatapos ko silang salubungin. 

Natapos ang isang araw ng wala man lang kaming ginawa ni Ash kundi ang magchikahan at nagreview, gumawa ng assignment echeneme.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. As usual lol. 

Inayos ko ang gamit ko at chineck kung kompleto ba o may kulang pa sa dadalhin ko. 

Bago ko pa man makalimutan ang uniform ko para sa work ko later ay pinaalala na ito ni Ash. 

"Hey girl, uniform mo nakita ko dun sa cabinet. Wala kang work?" she asked. 

"I have, nakalimutan ko lang kunin." sabi ko rito at nagmamadaling kinuha ang uniform na naroon. 

Naga-part time job ako sa isang coffee shop malapit sa school. 

Monday, Wednesday and Friday ang schedule ko doon kaya nagaadjust din ako minsan sa time lalo na kapag may important groupings ay di na ako nakakapasok sa trabaho which is naiintindihan naman ng manager ko. 

Pero syempre bawas din sa sahod ko bawat absent ko. 

Pagkatapos ni Ash na magayos ay hinatid kami sa school. 

"Aantayin pa ba kita mamaya girl?" 

"Mauna ka na girl, No need." 

"Okay." 

Andito kami sa cafeteria and after this may dalawang subject pakong papasukan bago dumiretso sa coffee shop na pinagtatrabahunan ko. 

Pagkatapos naming kumain ni Ash sa cafeteria at magchikahan ekeneme. 

Naghiwalay din kami nito ng landas magkaiba ang schedule namin obviously. 

Natapos ang klase ko sa araw na yon. 

May ibang assignments na ibinigay, buti na nga lang ay walang groupings or groupwork today. 

"Kesh! Ikaw na sa counter." sigaw ni Iris. 

Isa sa mga katrabaho ko. 

Nagmadali akong pumunta sa counter. 

"Yes sir? What's your order sir?" 

"Espresso, Medium size." sambit nito sa malamig na tono. 

"Okay. I'll repeat sir, One Espresso, Medium." 

Tumango lamang ito at nagbayad na. Umalis ito ng counter at umupo sa isang table.

Pagkatapos magawa ang order nito ay mabilis ding naiserve ni Iris.

Kapag schedule namin ni Iris ay madalas kami lang dalawa. Minsan naman ay may napapahalong isa.

Ako ang lagi nilang inaassign sa counter. Marunong daw kasi akong makipagusap ng maayos sa costumer ewan ko ba sa kanila.

Minsan ay pinagoovertime kami dito kapag kinakailangan.

Maraming nangyare sa araw na iyon. Umuwi akong pagod at gutom sa bahay.

"Hey girl, you okay?" nagaalalang tanong nito.

"Yeah, pagod lang." ngiti ko rito.

"Eat your dinner na, tapos na kami kanina e natagalan ka e."

"Madaming costumer e kaya natagalan."

"I see, akyat na ako ha magshoshower." sambit nito.

Tumango nalang ako at nagtungo sa kusina nagmadali akong kumain para makapagpahinga na.

Bago ako matulog ay nahalf bath na muna ako at nagtoothbrush.

Kinaumagahan ay ganun uli ang nangyare.

Maaga akong nagising at pumasok na kasabay si Ash yun nga lang ay may group project kami. Ayos lang naman kasi Tuesday naman.

Pumunta kami sa bahay ng isang classmate ko para sa groupings. 

Nagsimula kaming magbigay ng idea sa isa't isa tungkol sa topic na ibinigay sa amin. 

Mag aalas syete na ng gabi namin natapos yung group project na ginawa namin sabi ng papa ng classmate namin ihahatid nalang daw kami kasi delikado na. Ayos lang din naman sakin kasi alam kong wala na akong masasakyan ng ganto ng oras kung magcocomute ako.

Nakarating naman ako ng ligtas sa subdivision nila Ash nagpasalamat agad ako sa classmate ko at bumaba na.

"Hey darling, How's your school?" bungad ni tita ng makita ko ito malapit sa may gate.

"Okay naman tita." sabay ngiti ko dito. Umamba ito ng beso kaya nilapit ko ang pisnge ko dito.

"Halika na sa dining, kakain na tayo."

"Susunod ako tita, magpapalit lang ako ng damit."

Nang matapos akong magpalit ng damit ay sumabay ako kumain kala Ash.

"Hey babygirl, Sasali ka ba sa fashion show nyo next week?" bungad na tanong ni tito kay Ash. 

"Yes, Of course!" she giggles. 

"I see, how about you darling?" tita asked. 

"Hindi tita, tsaka baka this weekend uuwi ako kala mama." 

"Oh okay, bago ka umuwi sa inyo ipagshopping mo muna family mo darling. Don't worry, my treat." then she winked at me. 

"Naku, tita wag na kasho-shopping ko lang nung nakaraan treat nyo rin po wag na tita nakakahiya na." nahihiyang sagot ko dito. 

"Isipin mo nalang gift ko sa kanila yun. Ano ka ba, hindi na kayo iba sa amin." sabay ngiti nito. 

Sabagay, okay na din yun at alam ko ding di na naman ako makakatanggi diba. 

Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan tungkol sa kung saan saan. 

Friday ng gabi nagpaalam agad ako kay tita na uuwi na ako para kinaumagahan ay nandun na ako. 

Sumakay ako ng Bus pauwi sa bahay namin. 

Walong oras ang byahe kaya nagpahinga muna ako at umidlip sa bus. 

Naalimpungatan ako ng may tumabi sa inuupuan ko. 

Lalaki ito pero parang kilala ko hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero alam kung nakita ko na ito. 

"Hey wait nameet na ba kita?" 

"No, I don't know you."supladong sagot nito. 

Biglang nag flashback yung pangyayare sa mall nung nakaraang araw. 

"Hoy! Ikaw nga, yung bumangga sakin sa mall tapos di ka man lang nagsorry." inis na singhal ko dito. 

"Hey, I don't know you. And what's hoy? What's bumangga?" iritang sagot nito habang nakakunot ang noo. 

Nung narinig ko yung accent ng pagsasalita nya alam kong may lahi ito ang cute ng boses nya. 

"Hey miss, what's hoy?" curios na tanong nito. 

"Wala ka ng pake dun. You should say sorry. You're annoying grr."inis na sambit ko dito. 

"I don't know you okay? But sorry even if I can't remember what i did to you." sambit nito. 

Nanahimik nalang ako at di na ito pinansin kinuha ko ang earphone sa small bag ko at sinalpak ito sa cellphone. 

Bago ko mapindot ang kantang gusto ko ay may narinig akong ring ng cellphone. Chineck ko kung akin yung ngunit nagkamali ako. Imbes na pindutin ang kantang gusto ko ay pinakinggan ko nalang ang sasabihin nito. 

"Konichiwa?" mahinahong sagot nito.

Wow Japanese. Naaamaze ako sa pagsasalita nito. 

"Hai, I'm on my way. " naririnig kong sambit nito. 

"I'll call you later, Bye bye." 

Pumikit ako para di nya mahalatang nakikinig ako at pasimpleng pinlay ang kantang kanina ko pa nais na pakinggan. 

Maya maya ay tinapik ako nito.

"How many hours will take this ride?"

"Eight hours. Why?" kunot noong tanong ko dito.

"Nothing, I just want to know."

"Oh okay."

"By the way, what's your name?" he asked.

Napakunot ang noo ko sa tanong nito ngunit sinagot ko nalang din ito.

"Calista Kesh Suarez. How about you?"

"Akio Itsuki Akiyama." he said.

"I see." pagtugon ko dito ng matapos na ang usapan masyado ng awkward.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas ay dinalaw ako ng antok at umidlip pansamantala.

Nagising ako ng may maramdamang gumalaw sa may pisnge ko. Nakita kong nakasandal na ang ulo ko kay Akio kaya mabilis ko itong inayos at humarap sa may bintana.

"I'm sorry." I said.

"It's okay."

Mabilis ding lumipas ang oras at nakarating na rin ako sa terminal. Nakasabay kong bumaba si Akio ngunit hindi ko na pinansin ang presensya nito.

Pumara ako ng tricycle para makauwi na sa bahay namin. Bago pa man umalis ang tricycle na sinasakyan ko ay nakita ko si Akio na nakatingin sa Akin. Umiwas lamang ako ng tingin rito. 

Pinatunog na ni manong ang makina ng tricycle ngunit bago pa man ako umalis ay narinig ko ang sigaw ni Akio.

"Hajimemashite!" he shouted.

Hindi ko nalang ito pinansin bukod sa hindi ko ito narinig ng maayos ay hindi ko din naman alam ang meaning noong salitang yun.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay kumatok ako sa pinto. Maaga pa at paniguradong tulog pa ang mga tao rito.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya malamang sa alamang tulog at namamahinga pa ang mga tao 

rito.

Bumungad sakin ang nanay ko.

Sinenyasan ko ito na wag maingay upang matuloy ko ang pagsorpresa ko sa tatay at isa kong kapatid.

Niyakap ko na lamang muna ito at dahan-dahang nagtungo sa kwarto ng kapatid kong si Charmaine.

"Surpriseee! Goodmorninggggg!" malakas na sigaw ko para magising ang mga ito.

Hindi naman ako nagkamali at nagising ang mga ito.

"Ate naman aga aga eh. Wait a-ate?" nauutal na sagot nito at gulat na gulat.

"Hindi charm. Kuya, kuya moko." natatawang biro ko dito.

"Ate naman e, hindi ka naman kasi nagsabing uuwi ka ngayon."

"Surprise pa ba yun kung sinabi ko charm naku."

"Anak naman, aatakihin ako sa puso sayo." biro ni papa.

"Sorry na pa gusto ko na kasi kayong makita kaya umuwi na ako baka bukas ng gabi ay uuwi na din ako." malalim na hininga ang pinakawalan ko pagtapos kong sambitin ang salitang yun.

"Edi pagod ka nyan?" nagaalalang tanong ni mama.

"Fashion show kasi namin sa lunes ma. Kasali kasi si Ash kaya need nila ng tulong dun. Wag kang magalala ma kaya ko." matamis na ngiti ang pinakawalan ko.

"Sa susunod anak magsabi ka kung uuwi ng hindi ako nagugulat. " natatawang biro ni papa. 

"Oo nga pala, pinagshopping kayo ni tita Amanda. Regalo nya daw sa inyo." 

Binigay ko ang mga shopping bags na hawak ko kala mama at charm.

"Naku anak! Sabihin mo kay Amanda salamat nagabala pa sya." 

"Tingnan mo ate ang ganda ng damit oh!" tuwang tuwa na sambit ni charm.

"Pag sumahod ako bibilhan pa kita nyan. Gusto mo ba?" sabay pakawala ng ngiti rito. 

"Wag na ate, baka kulangin ka sa allowance mo e." 

"Ano ka ba? Magbi-birthday ka na din naman e regalo ko nalang." 

"Kahit yung mumurahing damit nalang ate." pagpupumilit nito. 

Nginitian ko na lamang ito at 'di na sumagot alam kong iniisip nito ang gastusin ko pero okay lang naman para sa kanila naman yun at minsanan lang. 

Nagpahinga muna ako kahit saglit dahil pagod sa byahe. 

Nagising ako alas syete ng umaga. Nagayos ako bago bumaba sa kusina at hanapin si mama. 

"Charm? Si mama?" tanong ko rito. 

"Nasa palengke ate. Hindi ka na nya ginising para magpaalam at pagod ka daw." 

"Ah sige. Nag almusal ka na ba?" 

"Oo ate ikaw nalang hindi." tumango ako rito bago bumalik sa kwarto at kinuha ang coin purse ko. Bibili nalang ako ng meatloaf at gatas magluluto nalang muna ako. 

Naglakad ako papunta sa malapit na tindahan.

"Aling marya? Pabili po!" 

"Ano iyon iha? Nakauwi ka na pala." tanong nito. 

"Babyahe din ho ako mamayang gabi mabilis lang po may pasok pa po kasi ako." sambit ko rito. 

"Ah ganun. Ano nga ang bibilhin mo?" 

"Isang meatloaf po tsaka isang gatas." sabay abot ko rito ng bayad. 

"Teka lang iha kukuha lang ako at nasa loob ang pinamili ko." 

Habang nagaantay ako nagulat akong may tumawag sa akin. 

"Hoy Calista Kesh!" malakas na sigaw nito. 

Translation:

Konnichiwa- Hello (mas ginagamit ito bilang pagbati ng good afternoon or good noon) 

Hai- Yes/okay. 

Hajimemashite! - Nice to meet you (for the first time) 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status