Share

Chapter 3

"Hoy Calista Kesh!" malakas na sigaw ng isang lalaki. 

Nilingon ko ito at hindi ako nagkamali na sya yon. 

"Hoy Lucas Nathaniel Villacorta! Ang aga aga napakalakas na ng bunganga mo." pabalik na sigaw ko rito. 

Lumapit ito sa akin. Childhood bestfriend ko si Nate. 

"Eh bakit ka sumigaw?"natatawang tanong nito. 

"Naku nate tigilan moko at baka ihampas ko itong meatloaf na'to."

Naglakad ako at alam kong na kasunod ito. 

"High blood ka na agad biro lang eh. Hindi ka na mabiro." sambit nito sa mapangasar na tono. 

"Ang aga aga yan mukha mo bumungad sakin." 

"Mukha kong gwapo." confident na sagot nito. 

"Bakit ka andito? Anong kailangan mo?" natatawang tanong ko rito. 

"Wala."

"Wala mukha mo."

"Wala ka bang pasulubong dyan?" tanong nito.

"Naku Nate, pasalamat ka may nabili ako. Oh!" abot ko ng dalawang polo shirt na binili ko rito.

"Sabi ko na e. Ako pa, malakas ako sayo e." then he winked.

"Tusukin ko mata mo, gusto mo?" birong tanong ko rito.

"Joke lang naman hindi na nga po madam Cali." sabay bow nito sa harap ko.

"Ginagawamue?" natatawang tanong ko dito 

"Makikikain na din po sana ako madam."

"Sus! Miss mo lang ako ih yiee si Nate miss ako." biro ko dito. 

"Hmpk. Oo naman namiss kita Kaya lutuan mo na ako kasi aalis ka na din mamaya." 

"Ito na po Sir Nate." ginaya ko ang pag bow nito sa akin. 

Pumunta na ako sa kusina at binuksan ang lata ng meatloaf pinirito ko muna ito. 

Nagprito din ako ng dalawang itlog, hiniwa ko ang ilang piraso ng meatloaf sa maliit na piraso at hinalo ito sa fried rice then charan! 

Hinain ko ito sa lamesa kung saan naroon si Charm at Nate.

"Kumain ka na po Sir Nate." inabutan ko ito ng plato, kutsara at tinidor.

"Salamat alipin." may tono pa ang pagsasalita nito na akala mo ay nasa trono talaga sya. 

"Hoy anong alipin ikaw alipin ko aba!" inis kong singhal rito. 

"Oh sorry na madam." tawang tawa na sambit nito. 

"Mayaman naman kayo ah. Bat andito ka? Namumulubi ka na?" biro ko dito. 

"Ayoko nung luto nung chef namin ikaw nalang magluto para sakin. Bayaran ko nalang pinamili mo." sambit nito. 

"Aba Aba! Masasarap nga pagkain senyo bat andito ka?" 

"Eh kasi ngayon ka nalang uli umuwi. Sa susunod ipagluto mo uli ako tapos mamaya ng tanghali dito din ako." seryosong sabi nito. 

"Oh bakit? Andaming pagkain senyo ah. Wag mong sabihin na pinalayas ka na senyo." biro ko dito. 

"Hindi nga po madam Cali. Mamimiss ko po kasi uli luto nyo kaya dito muna ako." Sabi nito. 

"Ehem!" sarkastikong ubo ni charm habang nakatingin sakin. 

"Oh bakit ganyan naman tingin mo sakin charm?" taas kilay na tanong ko rito. 

"Wala ate. Paturo lang nito oh, ang hirap e." sambit ni Charm. 

"Patingin nga. Ito yan yung isolve mo tsaka mo makukuha sagot." sambit ko habang itinuturo ang papel na hawak ko. 

"Wag kang nakikinig dyan sa ate mo mali turo nyan." tawa ni Nate. 

Binato ko ito ng tinidor na hawak ko. 

"Hoy! Anong mali ka dyan? Eh isa ka din sa nagpaturo sakin dati mali ba ha?!" sigaw ko rito. 

"Napakaingay mo madam. Oo na biro lang eh. Ansakit nung binato mo." tawa nito habang hawak ang parte kung saan sya natamaan nung ibato ko ang tinidor. 

"Pikonin si ate, ano Kuya?" natatawang biro ni Charm. 

"Ikaw gusto mo din mabato? May kutsara ako rito." tingin ko rito. 

"Joke lang ate high blood ka na naman." 

"Oh ano yan at nasa labas palang ako maririnig ko na sigawan nyo." sambit ni mama na kararating lang. 

"Ma oh! Pinagtutulungan nila ako." sumbong ko rito. 

"Naku, mamimiss ka lang ng mga yan kaya inaasar ka." natatawang sambit ni mama. 

"Grabe naman kayo. Minsan na nga lang ako umuwi inaasar nyo pako!" 

"Sorry na po madam Cali."

"Che! Wag nyo akong kakausapin ha." biro ko dito. 

"Tama naman si tita mamimiss ka lang namin kaya sinusulit na namin pangaasar namin." saad ni Nate. 

Napansin kong tapos na kumain si Nate. 

"Kanin? Gusto mo pa?" tanong ko rito. 

"Hindi na madam. Tapos na ako maliligo muna ako, babalik ako rito. Ipagluto mo ako madam ha?" Naniniguradong tanong nito. 

"Oo sige. May gagawin din naman ako. Balik ka nalang mamaya babush!" paalam ko rito. 

Umalis din agad si Nate. Naghugas ako ng pinggan at naligo. 

"Ma? Mama." tawag ko rito. 

"Oh eh ano ba yun? Bakit?" tanong nito. 

"Anong lulutuin mo para sa pananghalian po?" tanong ko rito. 

"Sinigang na baboy. Paborito mo iyon diba?" nakangiting tanong nito. 

"Opo. Ayos lang ba na ako na magluto mama? Dadayo kasi rito si Nate mamaya ipagluto ko raw sya." masiglang sambit ko rito. 

"Oo naman anak. Minsan lang naman pati iyon kumain rito kaya pag bigyan mo na." 

"Anong minsan mama? Nung narito ako halos dito na iyon tumira." sabi ko rito. 

"Simula nung lumuwas ka pa maynila. Hindi na iyon nagpupunta rito." 

"Ganun ba? Sige ma." mahina Hong sambit ko rito. 

"Oh sya. Sige maiwan na kita rito may gagawin pa ako." Sabi ni mama bago ako iwan magisa sa kusina. 

Hiniwa hiwa ko sa maliliit na piraso ang baboy at nagpakulo ng tubig. 

Saktong pag dating ni Nate ay katatapos rin ng niluluto ko. 

"Ambangooo madam. Pakibilisan gutom na ako." sambit nito habang nakahawak sa tiyan nya. 

"Aba ikaw na nga makikikain ikaw pa nagmamadali." natatawang biro ko. 

"Namiss ko na luto mo madam." 

Sinalin ko sa malalim na mangkok ang niluto kong sinigang at hinain sa hapag ang sinaing na kanin. 

Kumuha na rin ako ng limang plato at inilagay ito sa lamesa. Tinulungan ako ni Nate na maghain kahit papano. 

"Ma, Pa, Charm! Kain na ho." tawag ko dito 

Nagdasal na muna kami bago kumain.

"Tita? Tito? Pwede po bang hiramin si madam Cali mamaya? Pupunta lang kami dun sa tabing dagat." tanong ni Nate kay mama at papa. 

"Oo naman iho,Uuwi na rin mamaya si Cali sulitin mo na." biro ni papa. 

"Pa! Para namang mawawala ako porebs." natatawang sabi ko

"Sanaol ate, sanaol!" sambit ni Charm. 

"Anong sanaol? Magaral ka dyan aba." turo ko rito habang kumakain. 

"Joke lang ate. Si ate umuwi lang rito lagi ng high blood." pagbibiro nito. 

"Kanina pa kayo ha? Ikaw Charm kanina ka pa lalo ka na Nate!" 

Nabulunan ito kaya mabilis na inabutan ito ni mama ng tubig. 

"Ano ba madam Cali, kumakain na nga lang ako e." nakasimangot na tugon nito. 

"Pfft. Sorry, sadya." sabay peace ko dito. 

"Hay Naku! Hala sige, mamaya na kayo mag-asaran at kumain na muna." natatawang saway ni Mama. 

Mabilis lumipas ang oras. Ala una na ng hapon sabi ni Nate ay susunduin nya ako ng Ala una y medya. 

Nagpalit lamang ako ng damit at sinuot ang isang cargo pants at isang black crop top. 

Nakita ko na si Nate na nakasakay sa isang Black Ford Raptor na kotse nito. 

Nakasuot ito ng black floral shirt at white maong shorts.

"Nuks pogi natin sir!" sambit ko rito. 

"Syempre ako pa!" then he winked. 

"Maling sinabi ko lumaki uli ulo mo." 

"Ganda ng outfit ah?" bati nito. 

"Opkurs!" pang-gagaya ko sa confidence nito. 

"All black madam. San ka makikiramay? " 

"Che!" inis na singhal ko dito. 

"Joke lang madam. Tara na!" pinagbuksan ako nito ng pinto at nagdrive na. 

Nakarating kami sa madalas naming pagtambayan simula pagkabata. Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng kotse at kumuha ng konting snacks sa likod. 

May dala rin itong maliit na mat para maupuan. 

"Kailan sunod na uwi mo madam?" tanong nito. 

"Hindi pa nga ako umaalis. Gusto mo na uli ako pauwiin. Pfft." natatawang sagot ko rito. 

"Kailan nga?" seryosong tanong nito. 

"Hindi ko pa alam Nate madami pa akong dapat gawin sa maynila." 

"Ganun ba? Sana ay narito ka bago ako umalis." malungkot ang tono nito. 

"Aalis ka? San ka pupunta?" curious na tanong ko rito. 

"Pag aaralin ako ni Mommy sa ibang bansa."

"Pumayag ka?" tanong ko rito. 

"Oo, wala naman akong magagawa." kibit balikat na sagot nito. 

"Magiingat ka! Susubukan kong umuwi." ngiting sagot ko rito

"Umuwi ka ha? Mamimiss kita madam." niyakap ako nito. 

"Sus! Mamimiss din kita." niyakap ko ito pabalik. 

Nagkwentuhan lang kami at naglibang hanggang sa mag alas singko ng hapon inabangan naming bumaba ang araw. 

Alas sais na kami umuwi. Pinagbuksan ako nito ng pinto. 

"Uuwi ka na?" tanong nito. 

"Oo aayusin ko nalang yung gamit ko magpapalit din ako ng top." sambit ko rito. 

"Antayin kita hatid na kita sa terminal." nakangiting sagot nito. 

"Sige, pumasok ka muna kukunin ko na yung gamit ko." 

Inayos ko ang gamit na dala ko at nagpalit ng top naghilamos at nagtint din ako para maayos padin akong tingnan. 

"Tara?" aya ko rito pagkalabas ko ng kwarto. 

"Tara. Tita, tito alis na kami hatid ko lang po sa terminal si Cali." magalang na tugon nito bago magmano kay mama at papa.

"Pa, Ma, Charm alis na kami." niyakap ko muna sila mama bago ako tuluyang humiwalay. 

"Sige mag ingat kayo ha! Lalo ka na Cali magiingat ka sa maynila." sambit ni mama. 

Kumaway ako sa kanila bilang paalam. Katulad ng nakasanayang gawin ni Nate ay pinagbuksan ako nito ng pintuan. 

Mabilis rin akong nakarating sa terminal at naka hanap ng bus. Natulog lang ako upang magpahinga. 

Alas singko na ng madaling araw ako nakarating sa maynila. Nagtaxi nalang ako mula terminal papunta sa subdivision nila Ash. 

Alam kong gising na ang mga kasambahay para magluto ng breakfast kaya nagdoorbell na ako upang makapagpahinga na. 

"Magandang Umaga po miss Cali." magalang na sambit nito ng pagbuksan ako ng pinto. 

"Magandang Umaga po!" pabalik kong bati rito. 

Hindi ko na inabalang gisingin sila tita at dumiretso na sa kwarto namin ni Ash. Kumatok ako rito. 

"Oh my God girl! You're home Goodmorninggg!" niyakap ako nito.

"Goodmorninggg! Aga mo ah?" natatawang tanong ko. 

"I know kasi na uuwi ka kaya maaga talaga ako gumising." she giggled. 

"Ganun? Matulog ka pa, magpapahinga na din muna ako." 

"Nah! Bababa na ako magpahinga ka na rito." 

"Why? Hindi ka na inaantok?" tanong ko rito. 

"Hindi na. May gagawin din akoo sa baba kaya sige baba na ako magpahinga ka na." bumeso ito sakin bago bumaba.

Inilagay ko ang bag na ginamit ko sa closet pati ang ibang damit na hindi ko nagamit. 

Nagbihis ako at natulog. 

Alas dose ng tanghali ay ginising ako ni Ash para kumain. 

"Girl? Kain muna tayo baka malipasan ka ng gutom." katok nito sa kwarto. 

Tumayo na ako at naghilamos pagkatapos ay sumunod ako sa kanya papunta sa baba para kumain. 

"Sila tita girl?" tanong ko rito.

"Mamayang gabi pa daw ang uwi." Sabi nito. 

Nagchikahan nalang kami habang kumakain. 

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso ako sa taas para maligo at magayos. 

Kinuha ko ang laptop ko at napag-desisyunang magwattpad nalang. Matagal na akong nagwawattpad pero sa ngayon hindi na madalas dahil sa araw araw din akong nasa school at madami din akong inaasikaso. 

Alas sais ng gabi ng mag aya si Ash na samahan siyang magpasukat ng mga dress ba gagamitin nya sa fashion show. 

"Girl? May gagawin ka ba now?" tanong nito. 

"Wala naman bakit?" 

"Yey! Samahan mo nalang ako magpapasukat na kasi ako ng mga dress." masiglang sagot nito. 

"Sige magbibihis lang ako." 

Nagbihis ako at pumunta kami sa dress shop na pinasukatan nya. 

"Hi ma'am Ash and ma'am-" bati ng isang staff habang nakatingin sa akin. 

"Cali po, Cali nalang." nginitian ko ito ng unit pinagtaasan ako nito ng kilay. 

Hindi ko nalang ito pinansin at sumunod na kay Ash. 

Isa isang sinukatan si Ash sa mga damit na gusto nito. 

Mabilis din naman itong natapos at nag-ayang magshopping si Ash as usual. 

Sumama nalang ako rito. Nakauwi naman kami ng ligtas pagkatapos naming mamili. 

Umakyat na ako sa taas dahil busog naman ako at kumain na kami sa mall. Naghalf bath at natulog na din ako. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status