Share

Chapter 8

Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ni Ash ang pinagkainan bago dumiretso sa sala. 

"Truth or dare tayo!" sigaw ni Ash. 

"Boring yun walang thrill." bored na sagot ko rito. 

"Sagot o inom nalang!" sigaw pa nito. 

"Sira ka may pasok bukas!" sagot ko rito. 

"Wala nagannounce na kanina." sambit nito. 

Akala ko ay nagbibiro ito ngunit ng magbrowse ako sa laptop ko na kanina ko pa dala sa kusina, totoo ang sinabi ni Ash walang pasok dahil pinaghahandaan nila ang pagbisita ng ibang school sa school namin, hindi nila pinapasok ang estudyante upang magayos at maglinis sa iba't ibang sulok ng campus, sabagay kapag maraming estudyante na naroon ay makalat parin ito kaya siguro hindi ito nagpapasok iyon pala ang pinagmeetingan kanina. 

"Bakit ngayon lang ako nainform?" kunot noong tanong ko na nakatingin parin sa laptop ko. 

"Hindi ka kasi nagbrowse kanina." bored na sagot nito. 

"Ganun? Sige payag na ako sa challenge mo." pagsang-ayon ko rito. 

"I knew it!" tumili pa ito. 

Inirapan ko lang ito at binalik ang tingin sa laptop ng napansin kong nakatingin sa akin si Akio. 

"What?" tanong nito ng napansing nakatingin rin ako sa kanya. 

"How about you? Wala kang pasok?" Pinagtaasan ko ito ng kilay. 

He chuckled. 

"You didn't know huh?" anito bago pumaskil sa mukha ang mapangasar na ngiti. 

"Ay naku kesh! Tapos na magaral yan si Akio, graduated na, gets?" bahagyang sagot ni Ash. 

Uh, malay ko ba pake ko ba sa kanya. 

Tumango tango nalang ako rito kahit gusto ko pa magtanong, baka magfeeling kasi ang isang 'to na interesado ako sa buhay niya sa tingin niya palang tsk nvm. 

"Mas matanda siya sa atin ng 3 years." dugtong ni Ash. 

Gets kaya pala may sariling kotse na. 

"Ah okay." bored na ani ko ng hindi tumitingin sa kanila. 

"Simulan na natin?" nakangiting sambit ni Ash. 

I nodded. 

Nagpaikot ito ng isang bote agad iyong tumapat kay Akio. 

"First and last girlfriend?" mabilis na tanong ni Ash. 

"Alice? Yeah alice the one and only." siya naman ang nagpaikot ng bote at tumapat ito sa akin. 

"First kiss?" Ash smirked.

"Wala. Wala pa akong first kiss." sagot ko habang tinitingnan sila pero umiiwas lang ng tingin sa akin si Akio. 

Anong problema nito? 

Hindi ko nalang ito pinansin at pinaikot nalang ang bote. 

(parang ikaw pinaikot ikot at dinurog durog, yoko na nga kbye.)

Napatapat ito kay Ash.

"First fling?" Akio smirked.

"Hmm tyler? Idunno." mabilis na pinaikot ni Ash ang bote kaya napatutok na naman ito pabalik sakin.

"Ako na naman?" singhal ko habang nakaturo sa sarili ko. 

"Yeah, Who's you crush?" Akio smirked. 

Parang kusa nalang tumigil ang mundo ko, punyeta ka Akio!

"I d-don't have." nauutal pa na sambit ko mas lalong lumaki lang ang ngiti ni Akio na para bang ano mang oras ay ibubunyag nito ang nalalaman niya.

"Really huh?" he said while teasing tone plays with it. 

Punyeta ka! Letse. 

Umiwas ako ng tingin at pinaikot ang bote, unti-unti itong tumigil at tumapat kay Akio.

Now, it's my turn. 

"Why did you and Alice broke up?" i smirked. 

His hands tightened into fists. He grabbed the bottle of soju and drank it straight away.

Gotcha! Bingo. 

Sinamaan muna ako nito ng tingin bago pinaikot ang bote hanggang sa matapat uli ito kay Ash. 

"Do you like someone?" he smirked. 

Her forehead creased. 

Mabilis pa sa isang kisap mata na tinungga ni Ash ang soju at pinaikot ang bote. 

"Hoy hala ikwento mo sa akin yan Ash makakatikim ka ng sapak sa akin tamo." sigaw ko rito habang pinapakita pa ang kamao ko rito. 

Tumawa lang ito at napailing iling, sinamaan ko pa ito ng tingin bago tumingin sa bote na papaikutin nito. 

Tumtutok uli ito kay Akio. 

Buti nga. 

"Did you and Alice already had sex?" she grinned.

"Wtf. Seriously Ashley Natasha!?" his jaw clenched. 

"Hey, I'm serious." Ash pouted. 

Mabilis na ininom ni Akio ang laman ng bote at hinagis ito. 

"Hoy nagawawala ka pa dito!" sinamaan ko ito ng tingin ngunit kinunotan lang ako nito ng kanyang noo at umiwas ng tingin. 

Napikon lang eh. 

Ashley laugh so hard. 

See? Siraulo talaga tong magkaibigan na 'to eh. 

Napansin kong nakatulog na si Akio sa inuupuan niyang sofa, bahagyang nakatagilid ang ulo nito, habang si Ash hindi pa din tapos tumawa. 

Niligpit ko isa isa ang pinaginuman namin. Pinunasan ko ang basang lamesa at inipon ang mga bote ng soju na ubos na. Napansin kong pumasok na si Ash sa kwarto niya. 

Pumasok ako sa madilim kong kwarto at kumuha ng isang kumot at unan, naglakad ako pabalik sa sala kung saan naroon si Akio. 

Inayos ko ang hihigaan nitong sofa at bahagyang inayos ang pagkakahiga nito bago ko ilagay ang kumot. 

Pagkatapos kong ayusin si Akio sa sala sinilip ko si Ash sa kwarto nito, mahimbing na itong natutulog. Agad akong bumalik sa kwarto ko at sinara ang pinto noon, naghalf bath muna ako bago balikan ang laptop ko, tinapos ko ang isang chapter na sinusulat ko bago ako nahiga sa kama at natulog na. 

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto nakita kong papasok roon si Akio kaya mas mabilis pa kay flash akong pumikit at nagpanggap na tulog, pinakiramdaman ko kung anong gagawin nito, tahimik itong umupo sa tabi ng kama ko na para bang pinagmamasdan ako.

Napaigtad ako ng hawiin nito ang magulong buhok ko, agad akong tumalikod rito para hindi mapansin ang pagkagulat ko. Ikinabigla ko ang sunod niyang ginawa hinalikan niya ang noo ko bago lumisan sa kwarto ko. 

Punyeta yun, bakit nanghahalik nalang siya bigla?! 

Humikab ako at sinilip ang maliit na alarm clock sa bedside table na katabi ko. 

Alas tres pa lang ng madaling araw gising na siya? 

Dahil sa kuryusidad ko dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko at sumilip sa nakaawang na pinto nakita kong bumalik sa hinihigaan niya si Akio at natulog uli. 

Bumalik ako sa kama ko at nagtaklubong ng kumot habang pinipilit ko ang sarili ko na matulog kahit ayaw na ng mga mata ko. 

Bakit niya ako hinalikan!? Madaling araw pa! Nakaw halik yung siraulo na yun ah! AaaaAaa

Mabilis kong tinanggal ang nakataklubong kumot sa mukha ko at nakipagtitigan sa kisame.

Anong oras pa lang gusto ko pang matulog! 

I gritted my teeth. 

Sabi nila kapag hindi ka makatulog magbilang ka lang ng one to one thousand aantukin ka, pero bakit naka two thousand na ako hindi pa din ako makatulog. 

Bakit ba kasi ang aga aga manggising niyang si Akio!? Bukas sasampalin ko talaga yan. 

Nanatili akong nakatitig sa kisame at di namalayang mag aalas singko na, napagpasyahan kong mag jogging dahil hindi naman ako masyadong nakainom ay hindi naman ganun sumakit ang ulo ko. 

Nagmamadali akong nagpalit ng black tube at pinatungan ito ng white tank top, tinernuhan ko ito ng grey na jogger, sinuot ko din ang white rubber shoes na regalo sakin ni mama. 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at dumiretso sa kusina dala ang tumbler at cp ko, nilagyan ko ng tubig ang tumbler ko at nagsulat ng maliit na notes para if ever na magising si Ash ay malaman niya na nagjogging ako. 

Pinindot ko ang elevator na naroon at dali daling umalis dahan dahan akong nagjogging papunta sa park bitbit ang tumbler ko, nang maramdaman ko ang pagod ay umupo muna ako sa bench na naroon at uminom ng tubig nagpahinga ako saglit bago napagpasyahang mag jogging ulit. 

Isang oras mahigit ang ginugol ko sa pagjojogging bago maisipang umuwi, nadatnan kong nakatopless si Akio at nagluluto, nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako nito napansin, hindi ko nalang din sana ito papansinin at didiretso na sa kwarto ko para maligo at magbihis. 

"Kanina ka pa diyan?" he asked. 

Bahagya na akong nakatalikod rito at papunta na sana sa kwarto ko kaya hindi ko makita ang ekspresyon nito. 

Unti unti akong humarap rito. 

"Hindi naman, kararating lang din nagjogging." I plastered a smile. 

"Uh okay, magbihis ka na kakain na tayo." he said while cooking. 

I nodded. 

Naligo ako at nagbihis ngunit hindi muna ako lumabas, nagscroll na muna ako sa laptop ko at nagbasa ng comments ng mga readers ko. 

"Kakain na." narinig kong sabi ng kung sino. 

Tiningnan ko ito, si Akio pala hindi ko naramdaman ang presensya nito dahil nalibang rin ako sa pagbabasa. Tumango ako rito, tinalikuran ako nito at iniwang bukas ang pinto. Inayos ko ang laptop ko at pumunta sa kusina. 

Hindi pa man ako nakakarating sa kusina ay may naamoy na akong mabango, sobrang pamilyar ng amoy na yun hindi ako pwedeng magkamali spaghetti! 

Simula pagkabata ay spaghetti na ang paborito ko, madalas akong lutuan ni mama nito lalo na kapag maraming cheese tuwang tuwa ako. 

Nakangiti akong naglalakad papunta sa kusina. Nakita ko na nakahanda ang spaghetti sa lamesa at may burger sandwich rin na naroon mas lumapad ang ngiti ko sa nakikita ng mga mata ko. 

Umupo ako sa isang upuan at sumandok ng pagkain, nakita ko ring sumandok ng pagkain si Akio, kumuha rin ito ng isang pitsel na tubig. 

Almusal ba ang spaghetti? Hayaan mo na nga basta paborito ko ito. 

"May cheese pa ba diyan?" tanong ko rito.

Kumunot pa ang noo nito bago sagutin ang tanong ko. 

"Meron nilagay ko sa ref." sambit nito habang iniikot ang pasta sa tinidor. 

Mas mabilis pa kay flash kong kinuha ang cheese na nasa ref at niyadyad sa spaghetti na kinakain ko. 

"Hindi ka ba mauumay diyan?" nawewerduhang tanong nito. 

"Nah, bakit nga pala spaghetti niluto mo? Andaming stock diyan na pang breakfast ah?" sabi ko ng hindi man lang sumusulyap sa kaniya dahil busy ako sa pagyayadyad ng cheese. 

"Namiss ko yung spaghetti." tipid na sagot nito. 

I nodded. 

Hindi ko nalang ito pinansin at kumain na ng kumain. Panigurado akong tanghali na naman magigising si Ash. 

Susubo na sana ako ng pasta ng mapansin kong nakatitig si Akio sa akin at nakakunot ang noo. 

"Bakit?" tanong ko pa rito. 

"Wala antakaw mo." sagot nito at bumalik sa pagkain. 

Sinamaan ko lang ito ng tingin at kumain ulit. 

Bahala sya sa buhay nya basta masaya ako sa pagkain hmpk. 

Siya na ang nagboluntaryo na maglilinis at maghuhugas ng pinagkainan kaya't hinayaan ko nalang ito at pumunta sa sala para manood ng tv. 

Palabas pala ngayon yung movie ng kathniel yung "Barcelona: A love untold." 

Nanonood ako hanggang sa naramdaman kong umupo si Akio sa tabi ko. Nakafocus ako sa pinapanood ko yun yung time na aalis na si Mia. 

"Mia mahal kita." Ely. 

"You don't have to, wag mo'kong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo'ko dahil mahal mo'ko, because that is what i deserve. Salamat sa lahat, Ely. Sana pagdating ng panahon, magkita ulit tayo sa kwento ko." Mia. 

Hindi ko namalayan unti unti na palang tumutulo luha ko. Mahilig akong manood ng mga movie at madalas ko ding iyakan yung masasakit na clips dun. 

"Hey, why are you crying?" he asked. 

Agad kong pinunasan ang luha ko at hinila ang maliit na unan na nasa sofa para ipangtabon rito. 

"A-ah eh w-wala masakit l-lang yung m-movie." sagot ko rito. 

He chuckled. 

"It's okay you don't need to hide." sambit nito. 

Dahan dahan kong binaba ang unan ba ipinangtabon ko sa mukha ko. 

He smirked. 

Inabutan ako nito ng tissue mabilis kong tinanggap yun at pinunas sa luha ko. 

"Uyy! Uy! Yieee." Ash giggled. 

Kalalabas lang nito ng kwarto niya at halatang bagong gising, umayos ng upo si Akio at humarap sa tv, ibinato ko kay Ash ang hawak kong unan bago pumasok sa kwarto ko. 

Miyerkules ngayon at may work pa ako kaya kinuha ko ang cellphone at wallet ko may  dala rin akong maliit na bag na laman ang uniform ko.

Nagpaalam ako kay Ash at Akio bago umalis. 

"Girl! I need to go." mabilis na sabi ko rito at bumeso. 

Nakita ko pang kumaway si Akio bago ako umalis kaya nginitian ko lang ito at kinawayan pabalik. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status