GENTLE DESIRE FROM A RAKE (TAGALOG)
GENTLE DESIRE FROM A RAKE (TAGALOG)
Author: GABBY MCBRIDE
PROLOGUE

As a young man of only twenty-three with exceptional wealth and good looks, Marcus Madrigal chooses to live lavishly. Fast cars, private jets, all-night partying, and uncomplicated sex with several women. 

Kahit saan siya magpunta, dinudumog siya ng mga babaeng gustong mapabilang sa mga naikama niya.  Palay na nga ang lumapit, aayawan mo pa ba?

From Paragliding, skydiving, water rafting, cliff diving, and car racing, he just can't get enough of these thrills. He has mastered how to be a daredevil.

Last year he went to Switzerland to fly an Albatross, a fighter jet, just for a day. He was also able to trek at the majestic South Peak of Mount Hua in China. It was two thousand and one hundred sixty meters and the most popular among climbers in the mountain range.

Marami ang nangarap na makaakyat sa Mount Everest. But for him? He spared himself the long preparation before the climb and just skydived past it. 

It's not that he has a death wish or something. The truth is, he has nothing to do with his massive wealth. And he was bored. At saka, magtatampo sa kanya ang mga kababaehan kung iisnabin lang niya.

Thanks to his father's impressive genes, namana niya ang mala-adonis nitong kagwapohan at kakisigan. Most women loved his manly attributes and his animalistic way in lovemaking.  Some said he was just a debonair playboy. 

However, his lavish lifestyle had a price to pay. He got sick, not just once, not even twice, but three times. He was admitted to the hospital for over fatigue. After the third time he was brought to the hospital, he decided to review his lifestyle.

That same year he signed up with the military and excelled in their training but he was not able to finish what he started due to the reason that he didn't like it anymore. Ganyan si Marcus Madrigal, ningas-cogon 'ika nga.

Hanggang sa makapasok siya sa isang organisasyon ng mga soldiers for hire. Malaki ang kita plus his favorite adrenaline rush.Pero hindi nagtagal, nagsawa rin siya. Umalis siya sa grupo at nagsimulang mamuhay ng tahimik sa Camotes Island.

Sa magandang isla ng Camotes, natagpuan niya ang isang babae na nagpapatibok ng kanyang puso sa unang pagkakataon – si Veronica Cortes.Pagkatapos ng ilang buwang pangliligaw, nagbunga rin ang kanyang mga pagsisikap. Nang sinagot siya ni Veronica, agad siyang nagpahayag ng kanyang kagustuhan na magpakasal silang dalawa.

 Masaya silang naninirahan sa Pilar ng dalawang taon at mas lalo pang naging masaya nang mabuntis si Veronica. Iniluwal nito ang kanyang panganay na anak, isang babae. Sobra-sobra ang kanilang kasiyahan nang dumating sa kanilang buhay si Ariana Madrigal, ang kanilang panganay.

Ang unang birthday ng kanyang anak na si Ariana ay pinaghandaan nilang mag-asawa kaya sa kanilang maliit na bayan ay matatawag itong bongga. Nagpa-cater sila ng pagkain upang hindi na mapagod ang kanyang asawa na si Veronica sa pagluluto. In fact, Marcus hired a photographer to document every details during the event.

Naging emosyonal si Marcus habang pinagmasdan ang kanyang mag-ina na masayang hinipan ang kandila sa birthday cake ni Ariana. Pumalakpak ang ilan sa mga bisita habang ang mga kamag-anak ni Veronica ay kumanta ng Maligayang Kaarawan para sa kanyang anak.

Ngunit ang masayang awitan ay napalitan ng sigawan nang biglang pumailanlang sa ere ang putok ng isang baril. Sumigaw si Veronica at umiyak naman si Ariana. Nagulat si Marcus sa bilis ng pangyayari ngunit nang makita niya kung kanino nakatutok ang baril ng kalaban, tumakbo siya palapit sa dalawa ngunit mas mabilis ang bala kaysa kanyang mga paa. Nasaksihan niya kung paano sinubukang protektahan ni Veronica ang kanilang anak ngunit tinamaan ito sa ulo…at pati na rin ang kanyang isang-taong gulang na anak!

Bago niya naramdaman ang pagpasok ng mga bala sa kanyang katawan, nakabulagta na sa lupa ang kanyang mag-ina. Nakadilat lang ang mata ni Veronica samantalang si Ariana ay hindi niya kayang tingnan ang maliit nitong katawan.

Ilang araw siyang namalagi sa hospital at nagpagaling. Ngunit marami na ang nagbago sa mga nagdaang ilang araw. Oo nga at naging maayos ulit ang kanyang katawan ngunit nanatili namang durog ang kanyang puso. Namatay si Veronica na hindi man lang nito nalaman ang kanyang tunay na pagkatao, ni hindi man lang niya ito naipakilala sa kanyang ama, at mas lalong hindi nito narasanan ang mabuhay ng marangya dahil simple lang sila sa Camotes.

When he was discharged from the hospital, nailibing na ang kanyang mag-ina. Bago tumuloy sa kanilang bahay ay nagtungo muna siya sa sementeryo kung saan nakahimlay ang dalawang babaeng nagmamay-ari ng kanyang puso.

"Ipapangako ko sa inyong dalawa na magbabayad sila! Uutangin ko kay Satanas ang kanilang mga buhay! Pangako 'yan!" bagsak ang mga balikat na kinausap ni Marcus ang kanyang mag-ina na nasa ilalim na ng lupa. Bakit? Bakit pa siya binuhay ng Panginoon? Sana'y namatay na lang siya kasabay nina Veronica at Ariana. Hindi sana siya mangulila!

Aminado si Samuel Velasquez na hindi biro ang nangyari kay Marcus. Masyadong mabilis ang lahat na parang isang kidlat lamang na dumaan at nawala, ngunit sa pag-alis nito ay may pinsalang idinulot. "Pare, tama na. Kahit ilang balde ng luha ang iluluha mo, hindi na sila babalik. The least you can do for them is to continue living."

Matagal na silang naging magkaibigan ni Samuel ngunit parang gusto niyang sapakin ang pagmumukha ng kaibigan dahil sa sinabi nito. "Madaling sabihin dahil hindi naman ikaw ang nawalan ng mga mahal sa buhay!" binulyawan niya ito.

"Naintindihan kita. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng pamilya lalo pa at sa harap mo mismo sila pinatay. Pero huwag mo ring kalimutan na buhay ka. Sa tingin mo, bakit ka ba binuhay ng Maykapal? It's because you're still needed in this world! Someone out there needs you,” kalmadong nagpaliwanag si Samuel ngunit tiningnan lang siya ni Marcus ng masama.

Pagkalipas ng ilang minuto, nahimasmasan si Marcus at napagtanto niya na tama ang sinabi ni Samuel. May mga bagay na kailangan niyang tapusin at nangunguna sa kanyang listahan ang pagtugis sa mga kriminal na pumatay sa kanyang mag-ina. "Tama ka, Sam. I must live to avenge their wrongful death!" Nangako siyang pagbayarin ang lahat ng maysala sa biglaang pagkamatay nina Veronica at Ariana.

Sumang-ayon si Samuel sa gustong mangyari ni Marcus. Mas nanaisin pa niyang mabuhay ito sa galit kaysa mawalan ng pag-asang mabuhay. “Count me in, buddy.” Sabi niya bago niya ito kinumbinse na sumama sa kanya pabalik sa Hacienda Velasquez.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status