Share

CHAPTER 1

"ANO?" napatayo si Daniella nang marinig ang sinabi ni Attorney Jaime Elarcosa. Legal ba ang sinabi nito? Kaya lang, masyado ng magulo ang kanyang utak at ang pinakamabuti niyang gawin ay maniwala na lang sa abogang pinagkatiwalaan ng kanyang ama.

"I'm sorry, iha. Ako ay napag-utusan lamang. It's up to you kung susundin mo ang sinabi ng Papa mo sa kanyang last will." Sabi ng abogado.

"But that was ridiculous! He forced me to be a conservative woman! At ngayon, sinasabi mo sa akin na nasa last will niya na dapat magkaanak ako para makuha ko ang dapat sa akin? Saan naman ako maghanap ng lalaking magpakasal kaagad at kaya akong buntisin in less than three months?" nag-echo ang boses ni Daniella sa loob ng kanilang study room. Wala siyang hypertension ngunit biglang tumaas ang kanyang bp pagkatapos basahin ng abogado ang last will ng kanyang Papa.

Last week lang namatay ang kanyang Papa dahil sa sakit sa puso. Noon pa man, laging idinadahilan nito ang sakit upang sundin niya ang lahat ng mga kagustuhan nito kahit labag sa kanyang kalooban. In her whole life, never pa siyang nakapag-suot ng mga seksing damit o kahit make-up man lamang. Dahil gusto ng kanyang Papa na umasta siyang parang si Maria Clara. And now that he's dead, must she abide by his last will? She has her own money and definitely, she could survive just fine without the inheritance.

Ngunit nang makita niya ang pagmumukha ng kanyang madrasta, biglang nagbago ang kanyang isip at hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Paloma na kunin ang lahat mula sa kanya. Over her dead body! Kung kailangan niyang lumandi ng todo-todo ay gagawin niya upang magkaanak lang siya bago sumapit ang deadline. Tiningnan ni Daniella ang babaeng nakaupo sa kabilang dulo ng mesa at ang paraan ng pagtaas ng kilay nito ay senyales na hinamon siya. Pwes, hindi niya ito uurungan!

Samantalang si Paloma ay lihim na natuwa sa problemang kinakaharap ng kanyang stepdaughter. Ngayon pa lang, sigurado na siya na lahat ng mga ari-arian ng mga Reyes ay mapapasakanya. Sa loob ng tatlong buwan, imposible na makahanap ng isang lalaki si Daniella. Bakit? Dahil masyado itong konserbatibo mula sa pananamit at pananalita at base sa kanyang experience, mas gugustuhin ng isang lalaki na marunong magpaseksi ang kasintahan nito. Oo nga at may hitsura naman ang babae pero hindi sapat iyon upang makabingwit ng isang mapangasawa. Hindi rin ito marunong makipaglandian sa sinumang lalaki. At sigurado siyang hindi papayag ang hitad na maging disgrasyada tulad niya. 

“I wish you luck, Ella.” Sabi ni Paloma kay Daniella.

“Salamat pero hindi na kailangan,” inirapan niya si Paloma bago muling itinuon sa abogado ang kanyang buong atensyon.

“May plano ka na ba kung ano ang gagawin mo?” Nag-usisa si Paloma. Noon pa man ay mainit na ang dugo nito sa kanya ngunit sinubukan niyang intindihin ang anak ni Gregory dahil totoong minahal niya ang lalaki. Subalit sa paglipas ng ilang taong nagsama sila sa isang bubong, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ni Daniella sa kanya. Kung tratuhin siya nito ay parang isang basura na pinulot lang ng ama nito -binihisan at pinakain! At ngayong wala na si Greg, sisiguraduhin niyang matuto ito ng leksyon sa buhay.

“Kung meron man, hindi ko ito kailangang ipaalam sayo.” Sinagot niya si Paloma. Tumaas ang isa niyang kilay dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang concern ito sa kanya. Siguro ay gusto nitong pumalpak siya upang mapasakanya ang lahat. Hmmmp!

Pinili ni Paloma na huwag na lang sagutin ang bruhilda niyang anak-anakan kasi ma-stress lang siya. “Salamat, attorney. Kung tapos na tayo dito ay mauna na ako,” nagpaalam si Paloma at nauna ng tumayo.

Kanina pa nakaalis ang kanyang madrasta ngunit nagngitngit pa rin ang kanyang kalooban dahil sa testamentong binasa ni Attorney Elarcosa. “Baka naman nagkamali lang si Papa?” Tinanong niya ang abogado.

Matagal na silang magkaibigan ni Gregory ngunit hindi niya maintindihan ang ginawa nito. “Sana nga hija, pero hindi, eh. Bweno, tawagan mo na lang ako kapag may gusto ka pang itanong sa akin.”

“Sige po, maraming salamat.” Sabi ni Daniella sa abogado bago ito nagpaalam na umalis.

Una sa lahat, hindi siya basta-basta magpapabuntis. Kailangan, may breeding din ang lalaki at gwapo. Aba, kawawa naman ang magiging anak niya kung sakaling pangit ang maging ama nito, di ba?

Kinuha niya ang isang hello kitty na notebook at isang pilot na ballpen. Inilista niya doon ang lahat ng mga katangiang pisikal na gusto niya sa isang lalaki. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na rin sa wakas ang kanyang first mission. May guide na siya kung ano ang magiging overall look ng lalaki. Hindi sapat na gwapo lang, dapat ay super gwapo at super hot pa. Aba, minsa na nga lang siyang lumandi, doon pa ba sa alanganin ang hitsura.

Hindi rin naman ito magiging lugi sa kanya dahil maganda naman siya at sexy. At mayaman pa! Kung tutuusin ay napakaswerte nito sa kanya. Isa na lang talaga ang problema - hindi niya alam kung saan hahanapin ang kanyang ideal man. Kung sa online naman ay baka magsasayang lang siya ng oras. Marami kasing manloloko at nagpapanggap lang. So, she should go out and venture to the outside world. 

Saan kaya siya pupunta? She listed down all the places that were usually packed with tourists. At nangunguna sa kanyang listahan ang Bantayan Island. Malayo iyon mula sa kanilang bahay sa Oslob. Pero baka may makakila sa kanya doon mahirap na. So Bantayan is a no-no. Hindi rin pwede sa Panglao o sa kahit anong tourist destination sa Pilipinas. Kahit na hindi siya masyadong naglalabas ng bahay, nangangamba pa rin siyang baka may makakilala sa kanya. 

Well known ang kanyang Papa dahil napabilang ito sa listahan ng mga mayayamang tao sa buong bansa. At ilang beses na din itong na-interview sa mga magazines at may mga litratong nailathala kasama siya. 

How about abroad like Hong Kong or Singapore? Or sa Europe kaya or sa States? Hay, andami niyang pwedeng puntahan pero iisa lang naman ang kanyang pakay, ang makahanap ng tamang lalaki para buntisin siya.

Pero ang tanong, paano ba lumandi? Wala siyang karanasan. NBSB pa nga siya, eh! Sobra na siyang frust

She has been to Hong Kong before with her parents but it was a long time ago. Sigurado siyang marami ng nagbago doon lalo na sa Disneyland at Oceanpark. Sa dinami-rami ng mga turistang naroon, imposible namang wala siyang magugustuhan.Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na may negosyong Travel and Tours upang i-arrange ang kanyang overseas trip to Hong Kong. 

Bago siya natulog, ipinatawag niya si Patty ay kinausap. Simula ng mamatay ang kanyang tunay na ina, naging malapit siya sa babae. Dalagita pa ito nang magsimulang manilbihan sa kanilang bahay at dahil wala rin itong balak mag-asawa, tanging ito lamang ang naging confidante niya sa loob ng bahay.

“Bakit?” kaagad na nagtanong si Patty nang makapasok siya sa silid ni Daniella at nagtaka siya kung bakit nakalabas ang maleta nito. “Aalis ka?” dagdag pa ni Patty.

“May pupuntahan lang ako saglit, Patty.” Sumagot si Daniella.

“Saan?” Nag-usisa si Patty.

“Basta,” ang tanging sagot ni Daniella dahil ayaw niyang mag-alala ito. May tatlong buwan siya upang maghanda at maghanap ng lalaki kaya natiyak niyang hindi naman siya kukulangin sa oras. Kahit isang buwan lang, gusto niyang magliwaliw muna at palitan ang anumang malungkot na alaala noong bata pa siya. Totoo na lagi silang nagta-travel dati ngunit panay ang away ng kanyang mga magulang at siya ang naipit sa gitna.

Bago natapos ang araw na iyon ay natanggap na ni Daniella ang kanyang hotel voucher, airline ticket at itinerary. She would fly to HK via Cathay Pacific tomorrow morning. As in bukas na ang alis niya. Sabagay, marami namang boutique sa HK kaya hindi na niya kailangan pang magdala ng maraming damit. Sa Panda Hotel siya naka book sa may Tsuen Wan. 

Ala una ng madaling araw, lumabas na ng bahay si Daniella. Kailangang agahan niya ang kanyang pag-alis dahil malayo ang airport mula sa kanilang bahay. Mga five to six hours din ang kanyang bubunuin sa kalsada. Hindi na rin siya nagpahatid sa kanilang driver upang hindi na ito maabala pa. May mga pay parking area naman ang  airport.

Habang nasa airport siya, napansin ni Daniella na parang may nakamasid sa kanya. Biglang nagsitayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa tuwing lilingon siya ay wala namang tao. Pero hindi naman siya manhid upang hindi maramdaman na may nakatingin sa kanya. Upang kontrolin ang takot sa kanyang dibdib, binilisan niya na lang ang paglalakad patungo check-in counter.

“Excuse me, Miss. You dropped this,” he said.

Boses pa lang ng lalaki, gusto na niya itong ikonsider bilang ama ng magiging anak niya. At habang inimagine ang pagmumukha nito na sobrang gwapo, awtomatikong nakapaskil sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti bago niya ito nilingon. “Salamat,” sabi ni Daniella at sa unang pagkakataon ay namangha siya kung gaano ka unreliable ang tadhana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status