Share

CHAPTER 3

Pagkatapos niyang magbayad ng security deposit sa front desk ay agad nang pumanhik sa 19th floor si Daniella kung nasaan ang kanyang kwarto. Maraming mga pinoy ang nakasabayan niya sa elevator. Nakinig lang siya habang nag-uusap ang mga ito. Pagdating sa 15th floor ay nagsilabasan na ang ilan at dalawa na lang silang natira sa loob.

Kahit papaano ay naibsan ang kanyang takot sa dibdib dahil may kasama siya patungong 19th floor. Nakakatakot din naman kasi kung mag-isa ka lang sa loob . Di ba uso sa mga Asian horror ang mga multo na nasa elevator?

Biglang nanlamig ang kanyang batok at nanindig ang kanyang mga balahibo doon. Nang bumukas ang elevator ay patakbo siyang lumabas at hinanap ang kanyang room number. Ayaw na sana niyang lumingon dahil sa kaba ngunit ginawa pa rin niya. Mas lalo tuloy siyang natakot nang mapansin ang lalaking nakasunod pa rin sa kanya.

Silang dalawa lang nasa mahabang pasilyo ng ikalabing-siyam na palapag at medyo madilim ang naturang lugar. Naka dimlight kasi. Mabilis ang kanyang mga hakbang habang hinanap ang kanyang silid at nang makita ito ay agad niyang binuksan at pumasok. Doon na siya nahimasmasan sa loob. At natawa sa sarili.

Bakit naman kasi siya natakot? Uso pa ba ang multo? At isa pa, baka turista iyong nakasabayan niya? Para siyang gaga, sa totoo lang.

Naisip niyang sana'y nag-chek-in na lang siya kaagad nang dumating siya sa Hong Kong kanina. Pero hindi, eh. Inuna niya ang kanyang pamamasyal at pagsa-shopping kaya ginabi siya sa labas. Nag-overreact pa siya nang may magdoorbell sa labas.

Ayaw niya sanang pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas ngunit naalala niya na baka isa ito sa mga hotel staff na nagpanhik ng kanyang mga shopping bags. Tama nga ang hinala niya. Ang taga- concierge nga ang nasa labas!

"Thank you, sir." nagpasalamat siya at binigyan ng tip ang lalaki. Tumanggi ito ngunit ipinagpilitan pa rin niya ang pagbibigay ng tip. 

Nang makaalis na ang lalaki, naglagay siya ng "Don't Disturb" sa labas ng pintuan at siniguradong naka-lock ito. Inilagay niya sa sofang naroon ang mga nabiling gamit. Malamig ang klima ng Hong Kong dahil malapit na ang Winter pero bearable naman. Ganunpaman, bumili pa rin siya ng turtleneck na blouse, jacket, rubber shoes at jeans. 

Napansin niya kanina na bukas pa ang mall sa ibaba ng hotel ngunit tinamad na siyang bumaba pa. Sa mga susunod na raw na lang. Marami pa namang pagkakataon. Bukas ng umaga, maaga siyang aalis patungong Disneyland. 

Itinabi na niya ang blue jeans at black na  blouse na susuotin bukas. In Hong Kong, it's advisable to wear rubber shoes than sandals. Nadala na siya. Unless you'll take a taxi everytime, sandals were okay. Balak niya kasing mag MTR lang sa lahat ng kanyang mga lakad para feel na feel niya ang HK. At isa pa, napaka-efficient naman ng MTR nila. Iyon nga lang, kailangan pa niyang maglakad ng ilang metro galing sa Tsuen Wan Station patungo sa Panda Hotel. 

Kaya nga siguro bihira lang ang overweight sa mga tao doon dahil halos lahat ay naglalakad. Istrikto sila sa proper loading at unloading area. Napansin ni Daniella na disiplanado ang mga tao o takot lang sa multa.

Bakit kaya ganun? Kapag nasa Pinas, walang paki maski saan magtapon ng mga basura pero kapag nasa ibang bansa, sobrang maingat naman na hindi magkalat. Kailangan pa ba talagang may malaking penalty sa bawat pagkakamali upang sundin ang isang regulasyon? Katulad na lang ng bawal kumain o uminom sa loob ng mga public transportation. 

Naglaro muna siya ng Temple Run sa kanyang smartphone bago natulog. Ngunit bigla na lang siyang nagising nang marinig ang kakaibang ingay sa kabilang kwarto. Teka, hindi ba soundproof ang nakuha niyang kwarto o nanaginip lang siya? 

Idinikit niya ang kanyang teynga sa dingding at nakinig. Totoo at hindi panaginip. Binuksan na lang niya ang television at naghanap ng palabas na magugustuhan. Sa bandang huli, sa Disney pa rin ang bagsak niya dahil wala namang magandang palabas sa mga oras na iyon.

Maski malakas na ang volume ng kanyang tv, naririnig pa rin niya ang magsing-irog sa kabilang silid. Kaya lumapit siya sa kinaroroonan ng telepono. Binasa niya ang instructions kung paano makatawag sa kabilang kwarto at nag-dial ng numero. Ngunit patuloy lang na nagri-ring ang telepono sa kabila.

Napakasalbahe talaga, naisip niya. Hindi niya ito tinantanan hangga't sa may sumagot na. After 10 times of trying, finally, someone answered the phone. Lalaki ang sumagot. At kahit gaano pa kagandang pakinggan ang boses nito, wala siyang pakialam. Naimbyerna na siya.

"Excuse me, mister. But please minimize your voice while lovemaking. If you must know, I can report you to the front desk for causing a public disturbance." litanya ni Daniella at nang hindi sumagot ang lalaki sa kabilang linya, napamura na siya. "Putang-ina!" Hindi na niya napigilan ang sarili pa dahil sa inis.

"Ano'ng sabi mo?"

Nagulat si Daniella nang marinig ang tanong ng lalaki. Kung ganun, isang kababayan ang kanyang napagalitan. But it doesn't matter. He deserved to be reprimanded! "Wala akong pakialam kung magkababayan man tayo. Aba'y nakakaistorbo na kayo. Daig n'yo pa sina Gardo Versoza at Rosanna Roces, ah!" tuloy-tuloy ang ratsada ni Daniella. 

"Just mind your own business,” he said.

Antipatiko! Aba'y binabaan lang naman siya ng telepono. Bukas, makikita nito ang hinahanap. Bumalik siya sa kama at pinilit ang sarili na muling matulog ngunit hanggang sa kanyang panaginip ay naiinis pa rin siya.

While at the next room, Marcus was disappointed after he talked with the woman next door. Her rudeness and callousness were beyond his imagination! Binuksan niya ang kanyang smartphone at binasa ulit ang email na ipinadala ni Alexander Ortega sa kanya. Baka mali ang pagkaintindi niya sa sinabi nitong may breeding ang babaeng pinasusundan ng client nito.

Did he perhaps follow the wrong woman? Nah, there’s no way he made a mistake and Marcus shook his head in disbelief. He was one hundred percent sure that he followed Daniella Reyes from Mactan airport to Hong Kong. Kanina habang nakabuntot siya dito, napansin niyang may class nga ito. And his impression on her was great - until now. 

So what if she heard them? She was supposed to just keep quiet and ignored them because that was the proper thing to do! Pero ano ang ginawa nito? Tumawag sa telepono at sinermunan siya na parang isang bata. At dahil sa ginawa nito ay hindi siya natapos sa kanyang ginawa hanggang sa mawalan na siya ng gana at pinaalis na lang ang kasama niyang babae. Na-bwesit talaga siya sa babae. Naghintay siya ng dalawang oras, bago tumawag sa frontdesk at nagpakonek sa room ni Daniella.

“Hello,” pagod ang boses ng babae ng sumagot ito sa telepono.

“Miss, paki-check kung tumatakbo pa yong maliit na kamay sa relo mo,” sabi ni Marcus at habang hinintay ang sagot ng babae, pinigilan niya ang kanyang sarili na matawa.

“Bakit ba? Tumatakbo pa naman siya,” sumagot ito, at sa tingin ni Marcus ay sandaling nakalimutan ng babae kung nasaan ito. Siguro ay inisip lang ni Daniella na isang kaibigan ang tumawag.

“Ah ganun? Sige, habulin mo.” Sabi ni Marcus at narinig niya ang malakas na pagmura ni Daniella bago niya ibinaba ang telepono. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status