Share

CHAPTER 4

Tinanghali ng gising si Daniella dahil sa isang tao na walang magawa sa kanyang buhay! Kaya't ipinagpaliban na muna niya ang pagpunta sa Disneyland. Mas maigi kasi na kapag pupunta sa isang themepark ay umalis na ng hotel bago mag-alas otso ng umaga. Samantalang siya ay kagigising pa lang at malapit ng mag eight-thirty.

Pagkatapos niyang mag-shower ay bumaba na siya sa third floor upang kumain ng breakfast. She's starving. Konti lang kasi ang kinain niya kagabi. Malapit lang ang restaurant sa front desk kaya madali lang niya itong natunton.

Kumuha siya ng rice, chicken curry at hard-boiled egg. Nagpaluto din siya ng omelette. Gusto niya sanang maupo malapit sa mga nakahilerang pagkain kaya lang baka hindi siya makakain ng maayos dahil sa dami ng taong dadaan sa harap niya upang mag-refill ng pagkain.

May nakita siyang bakanteng mesa sa may dulong bahagi ng restaurant at doon siya naupo. Bago sinimulan ang pagkain ay tiningnan niya muna ang buong paligid. Kadalasan sa mga kumakain ay mga Indiano at Intsik. Mangin-ilang lang ang hindi niya tukoy ang nationality. Tulad ng isang lalaki na mag-isang naupo sa mesang malapit lang sa kanya.

Tiningnan niya ito from head to foot. Infairness, hindi na masama ang isang iyon. Masasabi niyang pasok ang hitsura nito sa mga lalaking gusto niyang maging ama ng kanyang anak. Matangkad, matipuno, long hair at blue eyes. Blue eyes plus brown skin equals super hot! Ano kaya ang nationality nito?

Nang tiningnan niya ulit ang mukha nito ay nahuli siya ng lalaki kaya agad siyang nagbaba ng tingin at hinigop ang mainit na kape. Halos mapaso ang kanyang dila sa init kaya napamura na naman siya. Nakita niyang natawa ang lalaki at nagtaka si Daniella kung may kalakasan ba ang kanyang boses nang magmura siya kanina o baka naman iba ang dahilan kung bakit ito natawa. Masyado lang talaga siyang assuming.

Nakadalawang tasa pa siya ng kape bago tumayo at bumalik sa kanyang kwarto. At habang naghihintay ng elevator, naabutan siya ni Mr. Blue Eyes. So, silang dalawa lang magkasabay sa elevator?

“Hello,” binati ni Marcus ang babae dahil silang dalawa lang naman ang nasa elevator. Mukhang nagulat ang babae dahil sa kanyang kapreskuhan kaya ngumiti siya para dito.

Ilang beses siyang napakurap nang ngumiti si Mr. Blue Eyes sa kanya. Tahimik niyang tinanong ang Diyos kung bakit pinadalhan siya ng isang anghel? “Hi. Sorry pala kanina kung nahuli mo akong nakatitig sayo,” humingi siya ng dispensa sa kabastusang ginawa. OMG! Ngunit panandalian lamang ang kanyang tuwa dahil biglang may pumasok na seksing babae bago magsara ang elevator. Panira talaga ang bagong dating.

At habang paakyat ang elevator, napansin niyang panay ang pagsiksik ng katawan ng babae sa nakatayong lalaki kahit na malaki pa ang espasyo sa loob. She was flirting in broad daylight! Dahil sa inis ay nakalimutan niyang pindutin ang 19th floor. Magkasabay na lumabas ang dalawa sa 18th floor.

Bagsak ang kanyang mga balikat nang makarating sa 19th floor kasi first time pa niyang magka-crush sa isang lalaki, kasawian kaagad ang inabot niya. Nang makapasok siya sa kanyang silid, agad siyang humarap sa salamin at tiningnan ang sarili.

Masakit man aminin, pero walang-wala siya sa kalingkingan ng babae sa elevator kanina. Bago pa tuluyang malugmok sa kalungkutan, kinurot ni Daniella ang kanyang singit at pinagalitan ang sarili.

Bitbit ang kanyang pouch ay bumaba ulit siya. May mall sa ibaba ng hotel at mayroon din sa kabilang kanto. Magwi-window shopping muna siya. Sa dinami-rami ng mga turistang naka check-in sa Panda, imposible naman na walang magkakagusto sa kanya maski isa.

Pero wala talaga. Ni isa ay walang nangahas na lumapit sa kanya. At this rate, natitiyak niyang hindi na talaga siya makakahanap ng dyowa. Bumalik siya sa itaas na isang biguan. 

Habang si Marcus ay hindi natutuwa sa ginawa ni Daniella. As per order kasi, kailangan niyang harangan ang sinumang lalaki na gustong lumapit sa babae. Nahirapan tuloy siya  kanina sa dami ng lalaking gustong makalapit sa dalaga. Kung bakit ba kasi napakaganda nito at nagsuot pa ng seksing damit na lalong nagpapalibog sa mga kalalakihan – including him of course. Mabuti na lamang at natauhan ang babae at bumalik sa kwarto nito.

He made a mistake this morning when he followed her to the elevator. And it was late when he realized his error. Mabuti na lang at may pumasok na isa pang babae at lantarang nakipag-flirt sa kanya. He had no choice but to allow her advances or risk being caught on by Daniella. This time, he made sure that he was invisible to her beautiful eyes. But fate has a different plan for him.

“Hey, going somewhere?” Marcus waited for the right timing before he showed up near Daniella.

Nilingon ni Daniella ang lalaki at pasimple niya itong tiningnan ng masama. “Yes. Mag-isa ka lang yata, nasaan na ang girlfriend mo?”

“Hindi ko naman ‘yon girlfriend, eh. Actually, single pa ako at available din. Can I get your name, Miss Beautiful?” Alam ni Marcus na hindi kasama sa kanyang job description ang makipag-flirt kay Daniella pero type niya kasi ito. May kung anong katangian ang babae na hindi niya kayang ipaliwanag pero kaya nitong gisingin ang kanyang natulog na damdamin.

“Daniella Reyes, and yours if you don’t mind?” Napansin na kaagad niya na magaling mambola si Mr. Blue Eyes, at naisip ni Daniella na subukan ang kanyang kakayahan na lumandi.

“Marcus Madrigal,” sabi niya at nagtaka siya sa kanyang sarili kung bakit ibinigay niya sa babae ang tunay niyang pangalan. “Ah, but you can just call me Marcus, Dani.”

Dani? Wow ha, feeling close lang kumag! She became uncomfortable when he called her Dani because nobody called her that! However, she loved it how he pronounced her new nickname, and Daniella smiled at Marcus. “Hmmm, Marcus suits you. Para kang mandirigma sa nakaraan at gusto ko ang kulay ng mata mo.” sabi niya. Dapat sana ay mag-enjoy lang siya sa HK ngunit nang makilala niya si Mr. Blue Eyes ay nagbago ang kanyang plano. Buo na ang kanyang desisyon pagdating kay Marcus Madrigal. Anyway, halata namang malibog ang lalaki kaya sigurado siyang hindi to magrereklamo sa kanyang gagawin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status