Share

CHAPTER 5

Marcus wasn’t surprised at her bluntness. Well, ma-shock siguro siya kung nagbait-baitan ito sa kanya. “I like your honesty,” sabi niya ngunit parang may mali kay Daniella, hindi lang siya sigurado kung ano ‘yon.

Ngumiti si Daniella at binigyan ng calling card si Marcus. “So, friends na tayo? Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap, naka-roaming ang number ko.”

Nadismaya si Marcus sa ipinakita ni Daniella. Napaka-arogante ng dating lalo na ng tiningnan siya nito mulo ulo hanggang paa. Did she just looked down on him? Ang paraan ng pagbigay nito ng calling card ay parang siya na ang magaling at mayaman sa lahat. “Hindi ko kailangan ng kaibigan Dani, ngunit kung kaya mo akong paligayahin sa kama, welcome kang puntahan ako sa aking silid kahit anumang oras.” Nang mapansin niya ang pagtiimbagang ng dalaga ay lihim na natuwa si Marcus.

“Ganun ba? See you around then,” sabi ni Daniella dahil kahit isa itong babaero ay wala siyang pakialam. Katawan lang ng lalaki ang kanyang kailangan! Nang magbukas ang elevator ay sabay na silang pumasok at nauna na siyang pindutin ang kanyang floor number at saka tinanong ang lalaki. “What floor?”

“Nineteen,” sumagot si Marcus.

Pareho sila ng floor? Nagkibit siya ng balikat ngunit bigla siyang may naisip na isang magandang ideya at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at kaagad na isinagawa ang kanyang plano. “Oh no,” she massaged her head and tightened her hold at the handrail.

Nang marinig niya ang kakaibang boses ng lalaki, kaagad niya itong tiningnan at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niya na para itong matumba. “Okay ka lang?” Tinanong niya si Daniella ngunit na ito nakasagot nang mawalan ito ng malay. Nang makarating sila sa nineteenth floor, kinarga ni Marcus ang babae palabas sa elevator at nagpasalamat siya na magkatabi sila ng silid. Gamit ang isang kamay ay binuksan ni Marcus ang bag ng babae at kinuha ang card key nito.

Nagtaka si Daniella kung bakit alam ni Marcus ang kanyang room number. Inakala niya kanina na dadalhin siya nito sa silid ng lalaki. Kaya lang, hindi pa siya pwedeng magsalita dahil sa paningin ni Marcus ay wala siyang malay.

Nang makapasok si Marcus sa silid ni Daniella, kaagad niyang dinala sa kama si Daniella upang mahiga ito, at kaagad niyang minasahe ang mga daliri nito. Nalipasan kaya ito ng gutom? O baka naman may sakit ito?

Ang paraan ng pagmasahe ni Marcus sa kanyang kamay ay sobrang masakit at hindi niya ito kayang tiisin kaya napahiway siya sa sakit. Mahina siyang umungol upang panindigan ang kanyang pagdadrama.

“Sa wakas ay gising ka na, ano’ng nangyari?” Tinanong ni Marcus ang babae. “Okay ka lang ba?” dagdag pa ni Marcus sa nag-alalang boses.

“Okay lang ako, salamat.” Sumagot si Daniella.

“Mabuti naman kasi may gagawin pa ako,” sabi ni Marcus at saka ito tumayo at naglakad papunta sa may pintuan.

Nagpanic si Daniella nang makitang paalis na ang lalaki. Ni hindi man lang ito nag-attempt na halikan siya o kahit hawakan man lamang! Mabilis siyang bumangon at patakbong sinundan si Marcus. Bago pa nito nabuksan ang pintuan, naabutan niya ito kaya hinarang niya ang lalaki na umalis. Sandali lang naman ang kailangan niya, eh. “Aalis ka na? Hindi pa nga kita napasalamatan ng maayos,” sabi ni Daniella.

“Okay lang. By the way, ang galing mong umakting,” sabi ni Marcus, at napangiti siya ng mawalan ng kulay ang pagmumukha ni Daniella.

So he knew and yet, he stayed mum and didn’t react. Plan A has failed and for sure, she would never have a second chance to be this close to him! “Actually, mas magaling ka nga eh, kasi napansin mo ‘yon. Sandali lang ha, may ibibigay lang ako.” Sabi ni Daniella at nang tumango ang lalalaki, nagtungo siya sa mini-fridge at kinuha ang bote ng wine na binili niya kagabi.

“Wine?” Napakunot ang noo ni Marcus nang makitang may bitbit na wine si Daniella. Ngumiti siya at hinintay na ibigay ito sa kanya.

“Salamat ha, at sana ay mapatawad mo ako.” Sabi niya at mas lalong kumunot ang noo ng lalaki. Matamis siyang ngumiti rito upang ma-distract ito, at bago pa nakahuma si Marcus, malakas niya itong hinampas sa batok. Bumagsak sa sahig sang katawang ng lalaki at tinakpan ni Daniella ang kanyang bibig nang makita itong nakahandusay.

She bent her body and placed a finger below his nostrils to know if he was breathing. Delikado ang kanyang ginawa kanina at pwede iyong ikinamatay kapag hindi magawa ng maayos. Nang makumpirma na buhay pa ang lalaki, hinatak niya ang katawan nito papunta sa kama, kaya lang ang bigat ni Marcus. Pinagpawisan ang kanyang kilikili sa kanyang ginawa pero hindi niya kinaya na pahigain ito sa kama kaya hanggang sa sahig lang ito.

Bago pa ito magising, mabilis na kumilos si Daniella upang itali ang mga kamay at paa ng lalaki. “I’m sorry,” muli siyang humingi ng paumanhin sa lalaking walang malay bago niya kinuha ang mga biniling leash para sa kanyang aso na si Sky at maingat na itinali ang mga kamay ng lalaki at pati na rin ang paa nito. Ipinasuot rin niya kay Marcus ang nabiling pet cone para kay Sky upang hindi nito makita ang kanyang pagmumukha kapag gagawin na niya ang bagay na ‘yon!

Disoriented si Marcus nang magising siya. Nasaan siya? Sinubukan niyang bumangon pero hindi niya magawa. Bakit? May sakit ba siya?Saka lang niya napansin na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. At may suot pa siyang kung ano ngunit wala siyang makita kundi ang putting kisame. Para siyang isang injured na aso o pusa sa kanyang hitsura. Mabuti pa ang isang aso kapag injured dahil hindi naman nakagapos. Sino ang pangahas na gumawa nito sa kanya?

"Hi Marcus, mabuti at gising ka na pala.” Binati ni Daniella ang kanyang guest.

Nagulat si Marcus nang biglang tumambad sa kanyang mukha si Daniella Reyes. Then he remembered everything. Ang lakas ng loob nitong hampasin siya ng bote kanina at hindi pa ito nakuntento, iginapos pa ang kanyang mga kamay at paa. Pero bakit? "What do you want from me?" tiim-bagang siyang nagtanong sa dalaga.

"I want your baby,” she announced.

"What? Are you crazy?" dumadagundong sa buong silid ang boses ni Marcus dahil sa kanyang narinig. Anong akala nito sa kanya?

"Of course not! Pakipot ka pa, eh baby mo lang naman ang gusto ko.” Sabi ni Daniella. 

Marunong ba itong magbasa ng kanyang isip? Kaya siguro higit na ipinagbabawal na may lalaking makalapit sa babae dahil isa itong baliw. How could she ask for a baby from a complete stranger? She's a lunatic! "You're crazy!" sinigawan niya si Daniella habang pilit na kumakawala sa bagay na iginapos nito sa kanya.

"Nope, desperada lang talaga akong magka-anak.” Hindi na nahiyang umamin si Daniella sa totoo total hindi naman sila magkakilala at imposible na magkita silang muli sa Pilipinas.

"Pero bakit ako?" mukhang seryoso nga ang dalaga. Pero hindi niya pa rin maintindihan kung bakit siya ang natipuhan nito. At bakit kailangan pang magpunta ito sa Hong Kong? Marami namang lalaki sa Pilipinas.

"I like you, Marcus. You're perfect to be my child's father. You can only blame yourself when you tried to flirt with me,” she said.

No, he couldn’t allow her to use him the way she wanted to! Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya aanakan ang sinumang babae. Dahil kung magkataon, mahihirapan siyang iiwanan ito. At baka may mangyari na namang masama sa magiging mag-ina niya, katulad ng dati. "Teka, hindi ka naman pangit. I'm sure na maraming mga lalaki diyan ang naghangad na maangkin ka at mapangasawa. You don't have to do this!" he tried to persuade her but when he looked into her eyes, he saw her desperation, fear, and distress. Marcus, stop it. Wala ka sa posisyon na tumulong sa kanya. Kailangang makatakas ka, or else!

"Nice try, mister. But no, I'm running out of time and I need you now. Fertile ako ngayon kaya sigurado akong mabubuntis kaagad. I'm sorry but I have to detain you here for the meantime,” humingi siya ng paumanhin kay Marcus.

"Hindi pwede! May trabaho akong tao." pagdadahilan niya. He realized that the most dangerous person was a crazy woman!

"It's okay. How much is your monthly salary? I'll pay you ten times or twenty times. Magkano ba ang gusto mo?" tanong nito sa kanya.

"Hindi ko kailangan ang pera mo. Pakawalan mo ako dito o ipapapulis kita!” Binalaan ni Marcus ang babae.

"Hmmm, I can't let you do that." Sabi ni Daniella.

Nanlaki ang kanyang dalawang mata nang dumungaw sa kanya si Daniela at wala itong suot na pang-itaas. “Ano’ng balak mo?” Tumaas ang kanyang boses habang sinubukan na makawala mula sa tali. "No! Pag-isipan mong mabuti ang iyong gagawin, Dani. Hindi ka ba mahihiya kung magpang-abot tayo sa korte? Pagpipyestahan tayo ng mga media dahil bihira lang ang ganitong kaso."

Inismiran lang ni Daniella ang sinabi ni Marcus dahil wala siyang pakialam. Isa pa, hindi ito gagawin ng lalaki. "I'll cross the bridge when I get there, mister. Now, stay and don't move."

Talaga ngang nahihibang na si Daniella Reyes. Pero teka, hahayaan na lang ba niyang sirain nito ang kanyang pagkatao at pagkalalaki? He's one tough guy and he was a seasoned mercenary. Sigurado siyang matatakasan niya ang isang baliw na gustong pagsamantalahan ang kanyang pagkalalaki.

Nababasa ni Daniella ang nasa isip ni Mr. Blue Eyes. Balak nitong tumakas. She just shrugged of her shoulders. Well, he could try his best to untie himself but he would only be frustrated in the end.

"What do you think you're doing?" tinanong ni Marcus si Daniella.

"Obvious ba? Syempre, huhubarin ko itong mga suot mo para makapagsimula na tayo." Kung naririnig lang siya ng kanyang ama, siguradong kakalbuhin siya nito. Pero hindi naman talaga siya Maria Clara. Oo nga at parang pang Maria Clara lahat ng mga damit niya pero ginawa lang niya iyon upang mapasaya ang kanyang ama. Dapat kasi ay hinubaran muna niya ito bago itinali. Hindi na sana siya mahihirapan. Pero naisip din ni Daniella na maigi na rin yong sisirain niya ang damit nito upang huwag nang mangambisyon na tumakas pa. Unless, makapal talaga ang mukha nito at kayang maglakad sa labas na nakahubad.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
cat_wittymaggi
🤣🤣🤣🤣 laugh trip ako dito..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status