Share

CHAPTER 1

5 years ago...

"Welcome home, Young Master." 

"Where's my father?" Wika niya at naglakad papasok ng kanilang tirahan. 

"His Majesty’s in his room, Young Master." Sagot ng mga katulong na agad niya namang tinanguhan. Agad niyang tinungo ang hagdanan at mabibilis ang hakbang na umakyat patungo sa kwarto ng kaniyang ama. 

Binuksan ng mga guwardiya ang pagkalaki-laking pintuan. Tuluy-tuloy siya sa pagpasok at hinanap ang kanyang amang naka-himlay sa kaniyang kama. 

"Father." Tawag niya sa kaniya na halos hindi na makagalaw. Gumuhit ang ngiti sa labi ng matanda at tumingin sa kaniya. Ni hindi na nito maigalaw ang kaniyang mga kamay sa sobrang panghihina. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Malakas pa ang kaniyang ama nang umalis siya ng bansa. Alalang-alala pa niyang masigla pa ito. Ngunit ngayon, ni paggalaw ng isang daliri ay hindi na niya magawa. 

"L-LIFE..." pabulong na halos na wika ng kaniyang ama. Hindi na nito magawang maibuka ang kaniyang mga labi sa sobrang panghihina. Nahabag siya sa kaniyang ama. Lumuhod siya sa kaniyang tabi at isinaklop ang kaniyang mga kamay sa nanlalamig na kamay ng kaniyang ama. 

"I'm----d-ying..." 

"No. No, no, no. Do not say that, Father. Gagaling ka pa. Do not leave me yet. Father..." 

Napa-ngiti ang kaniyang ama. Masaya siyang makita ang pinakamamahal niyang anak sa mga huling sandali ng kaniyang buhay. Siya na lamang ang natitira sa kaniya. At ngayon, mawawala na siya. Ayaw niya pang lisanin ang mundo. Gusto nya pang mabuhay ng matagal kasama ang pinakamamahal niyang anak. Gusto niyang masaksihan ang kaniyang kasal, ihele ang kaniyang magiging mga apo, at maging mabuting manugang sa magiging may-bahay ng kaniyang anak. Naluluha siya sa isiping hanggang dito na lang ang buhay niya. Kung hindi niya lang sana hinayaan ang mga 'yon... 

"P-Pa...pers..." sabi niya na sinundan ng ubo. Tumingin siya sa isang envelope na nasa paanan ng kaniyang ama. Kinuha niya ang mga iyon. 

"What are these for, Father?" Naguguluhan niyang tanong ngunit wala nang lakas pang sumagot ang kaniyang ama. Kinuha niya ang papel na naka-singit sa seal ng envelope. Iyon ay para sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang ama na naka-tingin lamang sa kaniya at tumango ng marahan. Wala na siyang nagawa at binasa ang sulat. 

For my beloved son, 

I want you to give this envelope to my friend. I want you to find my friend. My friend can help you. I want you to be strong. You know how much I love you. I love you more than anything in this world. My friend will protect you against them. If only I could live more, I want to witness you being happy with your wife. Having children, my grandchildren, I want to be the best grandfather for the both of them, and I want to do many things, but this is my end already. I love you, son. You are my everything. 

"R-R-Rin..." 

"F-Father..." hindi na niya napigilan ang sariling lumuha habang hawak ang kamay ng kanyang amang diretso ang tingin sa kaniya at maliit na naka-ngiti. Hinagkan niya ang kamay ng kanyang ama habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. 

Wala na. Wala na ang kanyang ama. 

"D-Dad... Do not leave me yet, Dad. Please, Dad. Do not. My Father!" Pagtangis niya at niyakap ang amang wala nang buhay. 

"DAD!" 

Napa-igtad siya sa gulat nang maka-rinig ng mga sigawan sa ibaba. Napa-tingin siya sa pinto at pinahid ang kanyang mga luha. Bigla itong bumukas at iniluwa ang sikretaryo ng kanyang ama. 

"Young Master! We are under attack! The Lord---Oh, God! My Lord!" Gulat na gulat niyang asik nang makita ang wala nang buhay niyang pinagsisilbihan. Malungkot na tumingin siya sa kaniyang ama at isinara ang mga mata nitong naka-tingin sa kaniya. Nabawian siya nang buhay habang siya ang kasama at may ngiti sa kaniyang labi. 

"He's dead." Malamig niyang sabi at hinawakan ang kamay ng kaniyang ama gamit ang dalawang kamay. Hindi alintana ang putukan ng mga baril sa ibaba at mga sigawan ng mga tauhan nilang hindi mapakali. Nanatili siyang kalmado ngunit sa loob-loob niya'y lukob na lukob na siya nang takot at pangamba. 

*BOOM!* 

"Y-Young Master, you need to get out of here at once---" 

"P-Philip!" Nagulantang siya nang bigla itong natumba. Iniharang niya ang kanyang sarili upang maprotektahan ang kaniyang ama sa lalaking nasa pintuan---hawak ang baril na may silencer. 

"W-Who are you!? What do you want from me!?" Pagmamatapang niya. Hindi sumagot ang lalaking naka-mask. Tanging mga mata lamang niya ang makikita. 

"Hand those to me." Wika nito at itinutok ang baril sa envelope na nasa kama. Napa-tingin siya doon bago iyon kinuha. 

"No. This is mine." How long is he gonna act brave and strong? He knows that he ain't that strong. Siguro kung normal na suntukan lang ay may ibubuga pa siya. Ngunit propesyonal na mamamatay-tao ang nasa harapan niya. Wala siyang laban. 

"Give it to me---Gwaaaah!" Namilog ang mga mata niya nang bigla itong nanginig at natumba. Ngunit hindi iyon ang naka-kuha ng atensyon niya. Kundi ang babaeng nasa likod nito. 

"W-Who are you?" 

Hindi ito sumagot. Sa halip, kinuha nito ang envelope na hawak niya at hinawakan siya sa pulsuhan at matalim na tumingin sa kaniya, "We don't have much time. Let us go!" Aniya at hinila na siya ngunit hindi siya nagpa-tianod na ikina-hinto ng babae at tumingin sa kaniya habang nangungunot ang noo. 

"I can't leave my Dad here!" 

"Just come with me!" May iritasyon sa boses niyang sabi at muli siyang hinila. 

"Let us handle him." Wika ng babaeng may takip sa bibig na kakapasok pa lamang. Tumango ang babaeng tinawag niyang 'Commander'. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ngunit naputol iyon nang hilahin na siya ng babae. 

Hindi niya maipaliwanag. Sino ang babaeng ito? Siya ba ang tinutukoy ng kanyang ama na kaibigan nito? Ang mas nagpapagulo sa isip niya ay kung bakit ganon ang kaniyang kasuotan. 

Naka-one piece swimsuit kasi siya na kulay puti at may bunny headband na suot. Naka-paa lamang siya kaya't nadudumihan ang suot niyang stockings na kulay itim. Naka-single ponytail lang din siya at mahaba ang brunette balayage niyang buhok na mukhang natural. Hindi siya masyadong maputi. Katamtaman lamang ang kulay ng kaniyang balat. Isip-isip niya ay baka may lagnat ang babaeng iyon dahil ang init ng kaniyang kamay. Hindi niya malaman kung normal lamang iyon o ano. 

Tuluy-tuloy lamang sila sa paglalakad. Mabibilis ang kanilang paghakbang. Hindi nila magawang dumaan sa main door dahil patuloy ang pagdating ng mga lalaking hindi nila alam ang pakay. Sa backdoor sila dumaan---sa kusina. 

"SAKAY!" Nagulat siya sa sinabi niya. Sa tingin niya'y mataray ang babae dahil sa naka-arko niyang kilay. Napaka-pula din ng kanyang labi dahil sa lipstick niya. Dumalo kaya ng party ang babaeng ito kaya ganito ang suot? Para itong nag-cosplay sa isang children's party. 

Nagulat na lamang siya nang bigla niya siyang itinulak patabi. Nagka-bungguan silang dalawa dahil kasama ang babae upang maiwasan ang paparating na bala. Otomatikong nag-init ang kaniyang mga pisngi sa malambot na bagay na dumidiin sa kaniyang dibdib. 

"FUCK! SAKAY NA KASI!" Singhal ng babae sa kaniya at sapilitan siyang ipinasok sa back seat. Wala na siyang nagawa nang pagsaraduhan na niya siya ng pinto at sumakay sa driver's seat. 

"W-W-Wait! What about my Dad!? My Father's corpse was still there---" 

"Let my underlings handle it, man. And---just shut up and hold TIGHT!" Pagtataray sa kaniya ng babae na ikina-inis niya. Hindi pa nakakabit ang seatbelt niya nang biglang humarurot ang kotse. Sobrang bilis. At pakiramdam niya'y lilisan na ang kaniyang kaluluwa. 

Nang matagumpay na niyang naikabit ang seatbelt ay mahigpit siyang humawak sa itaas. Hindi niya mapigilan ang pagtingin sa babae. Napaka-seryoso nito at nangungunot ang noo. She looks so damn hot. He cannot take his eyes off of her. She this party girl-flirty vibe. He cannot understand. But he knows by this time, natatakot na siya sa kaniya. 

*** 

"Goodbye, Father." May lungkot na wika niya at hinulog ang puting rosas sa bumababang kabaong ng namayani na niyang ama. Tumabi sa kaniya ang babae. Umupo ito. 

"Until we meet again." Ani nito habang naka-ngiti at tuluyan nang hinulog ang rosas. Parang na-magnet ang mga mata niya sa kaniya. Her smile, made his mood brighten up. Just by seeing it. 

"Halika na?" Aya nito sa kaniya. Hindi siya sumagot at bumalik na sa pwesto niya. Agad siyang tinapik sa balikat ng kaniyang matalik na kaibigan at pinsang buo. 

"Condolence, bro. Be strong." Ani nito na tinanguhan niya lamang. Pairap siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. 

"Shall we go home now, little bro?" Anito na may ngiti sa labi. Tinabig niya ang kamay niyang akmang hahawak sa kaniyang balikat. 

"Home? What makes you think I'll let you two live to our property?" Madiin niyang asik sa kaniya na nagulat sa kaniyang sinabi. Hindi kalauna'y sumulpot ang ina ng lalaking 'yon. 

"Oh c'mon, Van. Kailan ba kayo magkakasundo? And stop acting rudely to us---" 

"You're not a saint, bitch. Lumayas kayo sa bahay NAMIN, at ayoko nang makita pa ang mga pagmumukha ninyo kahit kailan. You are the ones who killed my father. Ang kapal ng mukha niyong magpakita sa akin!" Nanggigigil sa galit niyang sabi at itinulak silang dalawa. Agad namang rumesponde ang nag-iisang kapatid ng kaniyang ama na si Yohan. 

"Van! Respect your Dad's burial! Will you please stop fighting? Hanggang dito ba naman?" Kalmado ngunit may pagbabanta at diin niyang sabi na inismiran lang niya at nag-martsa paalis. Sumunod agad sa kaniya ang babae. Agad silang dumiretso sa kanilang tahanan na tapos nang i-renovate. Hindi pa din alam ang puno't dulo ng pag-atake. Mabuti na lamang at may nagsugod sa ospital ng bangkay ng kanyang ama. Buong linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magtago sa kaniyang kwarto. At ngayon lamang siya lumabas. Dahil ngayon na ang libing ng kaniyang ama. 

"This is your father's attorney. Attorney Gilbert Shuman. Please take a seat, everyone." Pagpapakilala ni Yohan sa panauhin at iginiya sila paupo. Kumpleto ang lahat. Ang mga anak at asawa niya, maging ang mag-inang Liorei at Alessandra. Nakatayo lamang sa isang tabi ang babae na pinaglalaruan ang kaniyang buhok. 

"This is his last will and testament." Panimula ni Attorney. Ito ang pinakahihintay ng lahat. Walang nakakaalam kung kani-kanino ba ibinahagi ng ama ni Van ang kanyang mga yaman at ari-arian. Hindi din nila alam kung kasama na ba doon ang yaman na nagmula sa ina ni Van dahil buhat nang mawala ito ay walang binabanggit ang kanyang ama ukol doon. Kaya naman kating-kati na silang malaman kung kanino ba mapupunta ang halos lahat ng iyon. 

"The eldest son inherited it all." Wika niya na nagpa-tahimik sa kanilang lahat. 

"M-Mine?" Hindi makapaniwalang sabi ni Liore na nagulat sa sinabi ng abogado. Lahat ay hindi makapaniwala. Paanong sa kanya napunta ang lahat? 

"THAT'S ABSURD!" Tutol agad ni Van na nag-iinit na naman lalo ang ulo. 

"Here is the proof. It was signed TWICE by My Lord. I am not faking. Everything was given to Gerson Liorei---" 

"What the fuck!? I am the REAL son here! What do you mean 'ALL'!?" Tuluyan na siyang sumabog. Hindi siya naniniwala. Imposible iyon! Siya ang tunay na anak dito! Siya ang tagapagmana ng kaniyang ama! Kaya paanong mapupunta ang lahat ng iyon kay Liore!? 

"I-I don't know. But it was My Lord's decision. I do not have the rights to oppose him. He signed it twice. And it has the Dragon's seal." May bahid ng takot na wika ng abogado. Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ang dalawa na naka-ngiti lamang sa kaniya. Nanginginig ang mga kamao niya sa poot. Una, pinatay na ng mga ito ang kaniyang ama. Ngayon naman ay nanakawin nila ang dapat na para sa kaniya!? 

"GERSON FUCKING LIOREI---!" Akmang susugurin na niya siya nang may kamay na pumigil sa kaniyang braso. Lahat sila ay napa-tingin sa babae. Inilingan siya nito. 

"Don't." Anito. Nangunot ang noo ni Van at malakas siyang itinulak. 

"Who are you to interfere!? You don't know anything!" Aniya ngunit nanatiling walang emosyon ang babae. 

"Poor, Van. No one's left to you---" 

"SHUT THE FUCK UP, THIEVES!" And there, he attacked him. Agad naman silang nagkagulo at pinaglayo. Nanatiling naka-ngisi si Liore sa kaniya na natatawa pa. Todo pigil naman sa sarili si Yohan. Sa loob-loob niya ay tutol din siya. Naguguluhan siya sa ginawa ng kaniyang kapatid. Sinabi nito sa kaniya na kay Van niya balak ipamana ang lahat ngunit nagbago ang isip nito? Wala siyang alam sa mga nangyayari. Ngunit malakas ang kutob niyang kagagawan ng dalawa ang lahat. Simula nang dumating silang dalawa, nagkandaletche-letche na ang lahat. 

"Stop. That won't work." Awat sa kaniya ng babae at hinawakan siya sa braso at inilayo kay Liore. 

"LET ME FUCKING GO!" Singhal niya sa kaniya at tinabig siya. Bahagyang napa-atras ang babae. Napa-buntong hininga na lamang siya at napa-iling. 

"Don't worry. As long as those files are with me, the truths will be safely concealed. Starting today, I will be your guardian. Huwag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan. Kukuhanin natin pabalik ang mga ninakaw nila." Naka-ngiti niyang sabi bago siya hinawakan sa batok. Hinila niya siya palapit at isinubsob sa kaniyang dibdib para mayakap. Nanlaki ang mata nilang lahat. 

"I can't just neglect my friend's son like this." Dagdag nito habang hinahagod ang kanyang buhok. Umakyat lahat ng kanyang dugo sa kaniyang mukha at hindi naka-galaw. H-His face is buried in her chest! 

"Shall we go home?" Aya nito sa kaniya na nagpa-alerto sa kanila. 

"W-Where are you going? That's my son!" Pigil ni Alessandra sa kaniya nang akma na siyang aalis kasama si Van. Humarap siya sa babae at tinaasan siya ng kilay. 

"Bakit ko sasabihin sayo? Edi pati 'yon ninakaw mo?" Mapang-asar niyang sabi na nagpa-milog sa mga mata ni Alessandra.  

"H-How dare you! I am not a thief! Kayang-kaya kitang bilhin---" 

"I'm priceless. I am too unique. You cannot find anyone who can be higher than me. Moneys can be replaced. But lives can't." Putol niya sa dapat na sasabihin ni Alessandra na nagpa-singhap sa kaniya at napa-hawak sa kaniyang dibdib. 

Lumapit siya kay Yohan at ipinasok ang kapiranggot ng papel sa kaniyang bulsa, "If you need anything, just look for me. I give professional services. Kung may gusto kang ipatumba," tumingin siya sa dalawa, "---tawagan mo lang ako." Dugtong niya at iniwasan na sila ng tingin. 

"Don't doubt me. I am the most trusted friend of him. Wala siyang itinatago sa akin. I knew everything they did to him. Moneys can be replaced. But lives cannot. Mauuna na kami." Anito at tuluyan nang lumabas habang hila-hila si Van. 

"W-Wait a minute! What's your name by the way?" Tanong nito nang makapasok na sila sa kotse. 

"Call me OCA." Aniya na nagpa-kunot sa kaniyang noo. Tumingin si OCA sa kaniya, "---It means One Call Away." Naka-ngisi niyang sabi bago siya kinindatan. Napa-irap naman si Van dahil doon. 

"Seriously?" 

"Psh. Just call me France. That's all." Wika niya at doon na nagtapos ang kanilang pag-uusap. 

Tumingin si Van sa labas ng kotse at naikuyom ang mga kamay niyang namamanhid. Tumulo ang luha sa kaniyang mata. 

"I'll avenge you, Father."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status