Share

Chapter One

Ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana ay tumama sa mukha ni Zayn Eros. Kunot noo na gumalaw ang kanyang pilikmata hanggang sa tuluyan nang bumukas ang kanyang mga mata.

Umawang ang kanyang natutuyong labi dahil sa pagkauhaw. Pakiramdam niya ay sobrang haba ng kanyang naging tulog.

"Damn it, where the hell am I?" gulat niyang tanong sa sarili, ang unang mga salita ring lumabas sa bibig niya nang magising siya.

Ang mga nakikita niya ngayon sa loob ng kwarto ay halos puro kulay rosas. Magmula sa pader hanggang sa bedsheet na mariin niyang hinawakan.

Sa unang tingin pa lang ay alam na niyang babae ang may-ari ng kwarto na kung saan siya naroon.

May pagkamalawak ang naturang silid.

Sa pagtingin niya sa likod ng pinto ay may nakadikit ditong mga litrato. Kailangan niya pang makalapit para maaninag ito nang maayos kaya bumaba siya sa kama.

Napansin niya rin na nag-iba na ang damit niya. Nakasuot siya ngayon ng plain v-neck t-shirt at itim na short.

Pumasok sa ilong nya ang bango ng damit na naghahalo sa mabangong amoy ng kwarto kinaroroonan niya.

Ihahakbang na sana ni Zayn Eros ang mga paa para makalapit sa may pintuan nang biglang may tumayo nang tuwid sa harapan niya.

Sa sobrang gulat ay umawang na naman ang kanyang mga labi at ang mga mata niya ay nanlaki.

"Hey," matipid na pagbati ng dalaga.

Kung gaano siya kabigla ay ganun naman kakalmado ang babaeng kaharap niya ngayon.

Hindi lang sa pagsulpot ng dalaga siya nabigla kundi sa pamilyar na mukha at presensya na hatid nito.

Napatitig si Zayn Eros sa dalaga.

Saan niya ba nakita ito?

Mahabang buhok na itim, her pale lips, and her black eyes. She is more or less five feet tall and has a chubby face and body. She looks younger than he does.

Pinitik ng dalaga ang mga daliri nito sa harap ng mukha niya dahilan para mapaatras ang ulo niya nang kaunti.

"Are you checking on me?" malamig nitong tanong sa kanya, bakas ang hindi pagkagusto sa pagtitig niya.

He batted his eyelashes.

I'm sorry. I didn't mean to make you uncomfortable," he uttered in hushed tones because he was embarrassed that he had been caught.

Naglinya ang mga labi ni Eleuthera nang sa ikalawang pagkakataon ay matulala na naman ang lalaki sa harap niya. Ngayon ay kung makatingin ito sa direksyon niya ay parang wala siya.

"Are you okay?" she asked sincerely.

Alam niyang sobrang hirap ang pinagdaanan ng lalaki. Nag-aalala rin siyang nag-iwan ng malaking sugat ang mga nangyari sa puso nito.

In that question, he came back to his senses.

"Ano ang nangyari? Nasaan ako?"

Sa wakas ay lumabas na rin sa bibig nito ang mga tanong na kanina pa inaasahan ni Eleuthera na marinig.

Ngayon ang dalaga naman ang nakatitig kay Zayn Eros na nagpaiwas sa huli ng tingin.

Hindi si Zayn Eros naiilang kundi ayaw niya lang malunod sa mga mata ni Eleuthera.

"Maupo ka na muna," alok ni Eleuthera na magiliw niyang tinanggap.

Pagkaupo niya sa sofa ay umupo rin ang babae sa kama nang paharap sa kanya.

"I'm Eleuthera Augustine," napakalamig ng boses na pagpapakilala nito.

May konting ngiti ang lumabas saglit sa labi ng dalaga. "At narito ka sa bahay ko – ng pamilya ko pala."

She crossed her arms.

"May naaalala ka na ba sa mga nangyari bago ka nakapunta rito?"

Ang tanong ni Eleuthera ang naging hudyat para maalala niya ang lahat. Ang utak niya ay parang faucet na tuluyang binukas para bumuhos ang tubig na maikukumpara rin niya sa kanyang memorya.

Ngayon na natatandaan na niya ang lahat ay iniisip niya kung paano siya nakaligtas sa mga tama ng baril na natamo niya?

Napatingin siya sa sariling katawan.

Walang kahit na anumang sugat siyang nakikita o nararamdaman na kahit anumang sakit.

Pinanood lang ni Eleuthera si Zayn Eros sa pagkilatis nito sa sarili. Bakas na bakas ang kaguluhan sa mga mata nito at pagkataranta sa mga kilos.

"Paano?"

Hinanap ng mga mata ni Zayn Eros ang mga mata niya hanggang sa magkasalubong ang mga ito.

"Ikaw ang huling tao na nakita ko bago ako nawalan ng malay. Ikaw ang nagligtas sa akin mula sa kapahamakan."

Eleuthera tilted her head. Sa tono ng pagsasalita ni Zayn Eros ay parang ang sarili nito ang kausap hindi siya. Mukhang pinapa-realize nito sa sarili ang mga nangyari.

"Pero may mali. May mali sa nangyayari. Panaginip lang ba ang lahat na yun?" Zayn Eros asked in confusion.

Hindi siya maaring magkamali. Ito ang babaeng nagligtas sa kanya pero paanong wala man lang siyang natamong sugat?

"And even I was confused. I was confused about why things felt surreal. Kaya naman ay naghanap ako ng kasagutan sa mga tanong ko hanggang sa may mahanap nga ako pero nakakabaliw naman."

Tumigil si Eleuthera sa pagsasalita para humugot ng hangin at lakas ng loob.

"Narito ka sa mundo ko, Eros," Eleuthera continued without breaking their eyes.

"What are you saying and how did you know my name?" For Zayn Eros, it's either he is dreaming or the woman in front of him is crazy and a stalker.

"Gusto kong sabihin sa 'yong nagbibiro lang ako pero hindi ko magawa. Maging ako man ay ayaw maniwala sa nalaman ko pero ano ang magagawa ko kung ito ang totoo?"

"Stop playing around. Napaka-impossible ng mga sinasabi mo. I'm about to thank you for saving my life, but why did you have to tell those lies? We are not in the fairytale book, and none of them is true. "

Bahagyang napaawang ang bibig ni Eleuthera matapos marinig ang mga sinabi ni Eros. Wala siyang oras para iligtas ang nilalang na 'to para magsinungaling lang. Totoo naman kasi lahat na sinasabi niya na 'di niya rin alam kung paano ipaliwanag. Hinihiling nga niya na sana panaginip lang ang lahat. Sinampal na niya ang sarili niya, hindi pa rin siya nilamon ng realidad. In another words, totoo ang lahat.

Maikli lang ang pisi ng pasensya ng dalawang tao na ito kaya kailangan nilang magtimpi sa isa't isa.

Kung maaari nga lang na iwan na ni Eleuthera si Zayn Eros ay ginawa na niya. Hindi niya nga lang magawa dahil obligasyon niyang pangalagaan hanggang sa hindi pa niya natatapos ang kanyang misyon.

"I'm not jerking 'ya, dude. Maniwala ka sa hindi ay wala na akong pakialam dahil realidad na mismo ang gagawa ng paraan para makita mo kung ano ang pinagsasabi ko. Sa oras na malaman mo ang totoo ay narito lang ako para bigyan ka ng malakas na palakpak na sa wakas ay naniniwala ka na. Sa ngayon, naiintindihan ko kung nagdadalawang isip ka pa, napakabilis nga naman ng lahat. Kaya let me tell you everything I know that is enough for you to believe me."

Dapat nga ba niyang paniwalaan si Eleuthera? Walang makitang rason si Zayn Eros para magsinungaling ito sa isang bagay na alam niyang wala naman makukuha ang dalaga kung tutuusin.

"Before you met me, it was August 14, 2022, and I was 23. But now, your time comes back to the past, where my 21-year-old self belonged. You come back to the same date and month, but in a different year. Look at how time plays with our lives. It is not funny, right?"

It was quiet outside, as if they were just the two of them. He looked around until his gaze stopped on the small calendar on the desk. The moment he saw the year in the upper right corner, his breath hitched.

"Hindi ko lang 'to panahon, nabuhay kana rin rito. Kaya lang 'yang katawan mo ay hindi na dapat na narito, bumalik ka sa panahon ng nakaraan mo at hindi dapat."

Mula sa bulsa ng suot na damit ni Eleuthera ay kinuha niya ang kanyang cellphone at binigay ito kay Zayn Eros. Inabot naman ito ni Zayn Eros at malaya niyang tiningnan muli ang petsa. Nang hindi pa nakontento ay pumunta pa siya sa social medias ng dalaga.

Kahit ano ang makita niya ay kinukumpirma nitong totoo ang mga sinabi ng dalaga.

Kung totoo nga ang lahat, bakit kailangan pa niyang mapunta sa lugar at panahon na ito?

Magulo ang mga pangyayari kaya ay kailangan ay mayroon siyang pagkakatiwalaan at masisilungan.

Sinauli niya ang cellphone kay Eleuthera.

"Eleuthera…" Zayn Eros' voice sounded like a baby lost in the middle of a crowd, suffocating in a river of strangers.

Eleuthera's heart ached at the way Zayn Eros looked at her. His expression conveyed vulnerability. He was pleading for help and enlightenment.

Kailangan ng lalaki ng tulong niya para mabuhay.

Ang takot na namumuo sa puso ni Zayn Eros ay nawala nang ngumiti si Eleuthera. Napansin ni Eleuthera ang gulat kay Zayn Eros kaya agad din itong naglaho.

"Err." Napakamot ang dalaga sa batok. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita makabalik sa panahon mo."

"Thank you," pagpapasalamat niya na ikinangiti muli ni Eleuthera pero bumalik din sa walang emosyon na mukha.

"Walang anuman, Eros. Sabihin na natin na trabaho ko rin na tulungan ka"

Tumayo ito sa pagkaka-upo.

"Kailangan mong makabalik as soon as possible kung hindi ka makakabalik agad maaaring mamatay ka dahil hindi nabibilang ang katawan mo dito sa panahon ko. Magugulo ang lahat kung nagpadalos-dalos ka kaya kung maaari lang ay manatili ka lang dito sa bahay at 'wag kang aalis nang 'di ako kasama."

Lumapit si Eleuthera kay Zayn Eros. Pinatong nito ang kamay sa balikat ng lalaki at bahagyang tinapik.

Ang simpleng kilos ng dalaga ay sapat na para kumalma pansamantala si Zayn Eros.

"Gagawin ko ang lahat para 'wag kang mapahamak."

Hindi na hinintay pa ni Eleuthera ang sagot ni Zayn Eros, naglakad na siya papuntang pintuan. Bago siya lumabas ay lumingon muna siya. "Sa ngayon, namnamin mo muna ang pagkakataon na narito ka sa nakaraan. Ang bilis lumipas ng oras kaya i-enjoy mo muna habang naghahanap ako ng paraan para makabalik ka," aniya habang inaayos ang pagkakabuhol ng buhok.

Walang ibang nagawa si Zayn Eros kundi tumango.

"Sumunod ka na lang sa kusina. Magluluto lang ako ng makakain natin," pagbibilin ni Eleuthera bago ito lumabas at sinara ang pintuan.

Alone in the bright room, Zayn Eros stared into nothingness, savoring slowly every detail he learned from Eleuthera.

Hindi niya aakalain na posible 'tong mangyari sa buhay. Simula pa lang ng araw niya rito sa panahon kung saan nalampasan na niya – sa panahon ni Eleuthera Augustine ang babaeng hindi niya inaakala na darating sa buhay niya.

When he first saw her, he already knew that she was not just an ordinary lady. She's different too. Is it because she saved him, or is there still another reason? He is unsure.

"Paano ba ako makakabalik?" he whispered in the air.

Kailangan niyang bumalik bago pa mahuli ang lahat.

Marami pang katanungan sa isip niya. Mga katanungan na hindi basta-basta masasagot. Kung malaman niya ang sagot sa isa, mas magiging komplikado ang lahat.

The more he seeks the answers, the more his life will be in trouble.

But he is Zayn Eros de la Vega, and this situation can not beat him. He was born to take risks and survive.

"WHAT WERE YOU THINKING?"

Natigil ang pagsubo ng kanin ni Zayn Eros nang putulin ni Eleuthera ang katahimikan.

Sinubo muna niya ang kanin bago sumagot sa babae, "Iniisip ko lang ang pamilya ko. Dapat nasa bahay na ako ngayon, eh, pero ito imbes na umuwi kila Mom ay napunta ako sa panahon na 'to." Bumuntonghininga siya. "Sana ay hindi sila nag-aalala sa akin ngayon at sana ay huwag silang madamay sa gulo na iniwan ko."

"Sa sobrang lalim ng inisip mo kanina ay hindi mo na napansin ang nasa paligid mo." Bahagyang umiling si Eleuthera at ngumiti. Gamit ang serving spoon ay nilagyan niya ng fried egg ang plato ni Zayn Eros na kanin na lang ang laman. "Kain lang nang kain. Mas mag-aalala ang Mom mo kung uuwi ka sa kanila ng payat."

Mahinang natawa si Zayn Eros nang makitang tapos na palang kumain si Eleuthera. Mukhang kanina pa ito natapos kumain.

"Thank you."

"Kanina ka pa nag-thank you sa akin, baka masobrahan at magka-diabetes ako," mapagbirong sagot ni Eleuthera.

Pigil ang ngiting nagpatuloy si Zayn Eros sa pagkain. Simple lang naman ang nasa mesa. Mayroong fried rice, fried egg at hotdog ang nakahain.

Sobrang gaan ng loob niya sa dalaga. Parang matagal na niya ito kakilala dahil sa bilis ng loob niya na mapalagay rito.

"May pupuntahan muna ako ngayon, Eros. Okay lang ba sa 'yo na maiwan muna rito?"

"Hindi ba ako pwedeng sumama?"

Nang umiling si Eleuthera ay nakaramdam ng kabigatan sa dibdib si Zayn Eros.

"Ako na lang ang maghuhugas. Mag-ayos ka na," pagboluntaryo ni Zayn Eros.

Binago man niya ang paksa ay nalaman pa rin ni Eleuthera na hindi komportableng maiwan nang mag-isa sa bahay. Gustuhin man niyang isama ito ay hindi maaari.

"Are you sure? Hindi ko 'yan tatanggihan," pilit ang ngiting pagpatol niya sa alok nito.

MINADALI NA NI Zayn Eros ang pagkain. Pagkatapos ay naghugas siya. Hindi naman kasi sa kanya big deal ang paghuhugas lalo na at lumaki siyang independent.

Nang makatapos sa paghuhugas ay umupo muli sa harap ng hapag kainan. Nasa kwarto nito si Eleuthera kaya sinasakop siya ng katahimikan sa kusina. Tamang oras lang para makapag-isip siya ng plano.

Nabala ang pagmuni-muni niya nang tumunog ang cell phone ng dalaga. Nakapatong ito sa mesa kaya kinuha niya, at akma na sana siyang tatayo para ibigay ito sa dalaga pero napatigil siya nang aksidente niyang mabuksan ang text message.

Paulit-ulit niyang binalikan ang mensahe, nagbabakasakaling namalik-mata lang siya. Anuman ang gawin niya ay sobrang linaw niya itong nababasa at walang nagbabago kahit isang salita.

Sa mga nabasa niya ay nagsimula na nang tuluyan ang kanyang isipan na bumuo ng mga katanungan sa babaeng sumagip sa kanya.

Sino nga ba talaga si Eleuthera Augustine?

May humawak sa balikat ni Zayn Eros dahilan nang paglingon niya. Napatitig siya sa mga itim na mata ni Eleuthera, mga matang binabalot ng misteryo. Kahit emosyon at kislap ay walang makikita.

Hindi na naman niya napansin ang paglapit nito. Mabilis na inagaw ni Eleuthera ang cellphone habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"I'm warning you, if you still want to go back in your time, don't do anything without my permission, and don't mess with my business," she warned him.

Pagkatapos sabihin ang mga salitang 'yon ay umalis na ito ng bahay nang walang pasabi.

Nabigla si Zayn Eros sa kung paano mas nagdilim ang mga mata ng dalaga at kung paano siya naapektuhan ng sobrang lamig nitong mga boses.

Ang mabait nitong awra kanina ay parang naglahong parang bula.

Nang umalis ito nang walang paalam ay alam na ni Zayn Eros na nagtayo na ito ng pader sa pagitan nila.

Eleuthera.

"It's early to say this, but this time, I'm the one who's going to protect you, Era. You can't stop me. As long as I'm here, no one can touch you. "

Hindi niya alam kung ano ang kanyang naisipan. Pinapasok na naman niya ang sarili sa kapahamakan, ngunit sigurado na talaga siya sa bagay na 'yon.

"I'm hoping you'll let me get to know you a little better."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status