Share

Chapter Two

Gusto nang hablutin ni Eleuthera ang kanyang kaibigan na ngayon kung maka-monologue ay wagas. Malapit na niya itong masapak sa tindi ng pagpapatama na pinaparinig nito sa kanya.

"Minsan kahit hindi natin hilingin ay darating ang tao para sa atin," nakatingin si Darren Ramirez sa kanya nang sinabi ang mga katagang yun. 

Kung pwede lang na itaas ng ilang centimeter ang isang kilay ni Eleuthera ay ginawa na niya.  

Hindi na talaga siya nasanay sa mga ganitong pakulo ng kanyang matalik na kaibigan. 

"Masasabi na lang natin sa sarili na siya na talaga ang katapat natin. Siya 'yong tipo ng tao na walang kaalam-alam na nagdudulot ng pagbabago sa akin. Pagbabagong nagugustuhan ko dahil alam ko sa sarili ko na nag-grow ako dahil sa kanya. 

"Stop it, Darren," bulong ni Eleuthera na mukhang naintindihan naman ni Darren dahil natatawa na ang itsura nito.

Pumunta si Darren sa harap ni Eleuthera dala ang isang rosas. Tinitigan ito ni Eleuthera. 

Hindi siya nagsasawang makatanggap nito mula sa kaibigan. Kung paano kaespesyal sa kanya ang lalaki ay ganun din kaespesyal sa kanya ang mga binibigay nito. 

Nang iabot ni Darren ang tangkay ng rosas ay munting ngiti itong tinanggap ng dalaga. Nahihiya man siya sa mga pakulo nito ay hindi niya ito magagawang matanggihan. 

Mabuting kaibigan si Darren at ang tangi niyang magagawa ay i-appreciate ang mga ginagawa nito sa kanya. 

"Yiiieeee, asus pre! Ang chessy mo!" pang-aasar ng isa sa mga kaibigan ni Darren na ikanapula ng pisngi ng huli.

"Mauna na kami ni Eleuthera, mga pre," pagpapaalam nito. Hindi na pinatulan ang mga kaibigan na lalaki. 

Makatapos magbigay ng kaunting paalam ay nauna nang naglakad palayo si Eleuthera. Sanay na naman ang mga kaibigan ng lalaki sa ganitong pakikitungo ng dalaga. Ayaw kasi ni Eleuthera na may pumasok na iba sa buhay niya. Mapapahamak lang ang mga ito kung hahayaan niya. Para sa kanya, mas magandang mag-isa.

Nabigla siya nang may umakbay sa kanya. Hindi niya ito hinayaan na magtagal kaya tinapik niya ang kamay ng salarin. Saglit siyang lumingon dito ng may matalim na mga mata. Mabilis naman na inalis ng binata ang pagkakaakbay sa kanya.

"Aww naman, Eleuthera. Ang harsh mo talaga sa akin," reklamo ni Darren kaya pinitik ni Eleuthera ang ilong nito. 

"Pasalamat ka mahal kita," he murmured. 

"Kaya tayo napagkakamalan na mag-jowa dahil dikit ka nang dikit sa 'kin," nakangiwing turan ni Eleuthera kalaunan ay bigla itong natawa. Walang kaalam-alam sa huling sinabi ni Darren.

Nakabungisngis na nakayuko si Darren kay Eleuthera habang sinasabayan itong maglakad. 

Isa pa kaya ayaw minsan ni Eleuthera na makatabi ang matalik na kaibigan ay dahil sa nagmumukha siyang duwende sa tuwing sila ay magkasama. 

"Ren-ren," pagmamaktol ni Eleuthera na kulang na lang ay magpapadyak sa lupa nang akto na namang ipapatong ni Darren ang kamay sa ulo niya.  

Tuluyan nang tumawa si Darren. Naglitawan tuloy ang dimples nito sa pisngi. 

Eleuthera is not blind; she can see why Darren is always giving her favorite flower, but she doesn't feel the same way. She sees him as a brother; he is crucial to her. Eleuthera can't afford to lose him, and she can't handle the emotions he's showing her. She doesn't want to hurt him any longer, yet she cannot push him away. 

"Salamat pala," anas ni Eleuthera. Tinutukoy ang hawak niyang rosas. "Kaya lang ay baka nauubos na ang pera mo sa kabibili nito?" 

Hindi na nagpapigil si Darren, ginulo na nito ang buhok ni Eleuthera bago bumulong sa tenga ng babae.  

"Hindi ako titigil sa pagbibigay ng pink rose sa iyo. Hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin. Ngiti mo lang ay sapat na, Eleuthera."

Nagsitaasan ang balahibo sa batok ni Eleuthera nang tumama ang hininga ng kaibigan sa kanyang balat. 

Hindi ni Eleuthera alam kung ano ba ang dapat gawin para huwag magpatuloy ang lahat na ito. 

Nasasaktan siya sa bawat oras na nakikita niyang nasasaktan niya ang kaibigan. May mga bagay kasing hindi masusuklian kahit gustuhin niya.

She reached out to Darren. 

Naalala niya ang lahat ng bonding at pakikipaglaban na ginawa nilang magkasama. 

Darren is the first boy buddy of Eleuthera, medyo mailap siya sa mga lalaki lalo na sa mga hindi katrabaho at ni minsan hindi niya hinahayaang may makalapit sa kanya.

He is the only one who did not blink when talking to her. He is not intimidated by her.

Sa kanya lang si Eleuthera naglalabas ng sama ng loob. Pinapakita niya rito ang kahinaan niya. Napakita niya kay Darren ang totoong siya. 

When she is with him, she can be herself; she is a strong woman yet has a fragile heart. He knows a lot of things about her.

"Darren, I am sorry. I'm sorry kasi–" 

He did not let her finish her sentence; he kissed Eleuthera's forehead. A kiss full of emotion and unsaid words

 

"Shh. Don't be sorry. Wala kang kasalanan dito, Eleuthera. Alam mo bang hindi ako nagsisi na minahal kita? Kasi ito na ang pinaka the best na nangyari sa buhay ko."

Loving someone is the hardest thing to do. You don't know what the result is. It's like gambling; there is a time when luck is on your side and a time you lose. In love, you need to know when to let go, and that's what Darren cannot do. He could not stop himself from falling for Eleuthera, even though he knew what he was to her. 

"Huwag nang umiyak. Baka akalain ng mga tao, pinapaiyak kita," anito. Ang mga labi ay hindi naalisan ng matamis na ngiti.

Ang pananaw ni Darren ay kung mahal mo ang isang tao handa kang masaktan para sa kanya. Handa kang manatili sa tabi niya kahit ang sakit-sakit na. 

Nang tumahan na si Eleuthera ay hinawakan ni Darren ang pala-pulsuhan ng dalaga.

"Let's go, baka hinahanap na tayo ni M." 

Umaakto si Darren na para bang hindi siya  nasasaktan. Its either ayaw na niya 'yon pag-usapan o ayaw niyang marinig na papatigilin siya ni Eleuthera.

Bumaba ang tingin ni Eleuthera sa kamay ni Darren na nakahawak sa kanya. 

May nakapagsabi na sa kanya na sa oras na magkagusto ang isang kaibigan sa iyo at sa oras na dumating talaga ang oras na malaman nito na hindi talaga kayo tinadhana sa isa't isa ay hindi lang ang nararamdaman nito ang nawawala. Maging ang pinagsamahan at pagkakaibigan ay nasasayang at binabalewala kapag dumating sa punto na isinuko nang isa ang nararamdaman nito.

Binitawan ni Darren si Eleuthera noong sumakay na sila sa motor niya. Mabilis niya itong pinatakbo na hindi naman inaalintana ni Eleuthera. Tiwala naman si Eleuthera na hindi siya ihuhulog  ni Darren sa kalsada.

"You need to let go of your feelings. But you should not forget about us, Darren," she murmured under her breath. 

Mahinang napabuntonghininga si Eleuthera nang hindi man lamang gumalaw ang balikat ni Darren indikasyon na wala itong narinig. Wala rin naman siyang planong iparinig ito rito. 

Napapikit siya habang may katamtamang higpit nakahawak sa balikat ni Darren, 

Sa bawat pagsampal ng ihip ng hangin sa kanya ay ang paghampas din ng alaala na nagpabalik sa kanya sa realidad.  Sa pait ng kanyang realidad.

Binalikan ng isip niya kung bakit ba siya narito ngayon.  

She's in danger. At any moment, someone might attack her. 

Pumasok sa isip niya ang reaksyon ni Zayn Eros kanina. 

Hindi niya hahayaan na madamay ito sa gulo ng buhay niya. Kung kailangan itali ito para hindi na makalabas ng bahay ay gagawin ni Eleuthera huwag lang ito mapahamak. 

Hinihiling niya na sana ay 'wag makialam si Zayn Eros sa laban niya.

Nakarating sila sa kanilang Headquarter nang matiwasay at walang humaharang sa daan. Nauna si Eleuthera na pumasok sa loob, habang inaayos ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Wala dapat makakilala sa kanila. Ang nakakataas lang ang may karapatan na alamin kung ano ba ang sa likod ng maskara. 

Nasa likod niya lang si Darren. Nakasuot din ito ng itim na telang panakip sa kalahating mukha at isang itim na salamin na nagtatago sa kanyang mga mata. 

Kahit anong lihim nila Eleuthera sa pagkatao niya ay alam nilang may makakaalam. Walang lihim na hindi nabubunyag subalit ay hindi niya alam kung handa na ba siya para dito.

Katulad nang dati walang katao-tao sa HQ maliban sa lalaking nadatnan nila ni Darren. May mga mission na naman siguro ang mga kasamahan nila. Mission na walang nakakaalam kung makakauwi ang mga ito nang buhay o malamig nang bangkay.

Para sa isipan ng iba ay nakakakilabot pero hindi na sa kanila na sanay at nanumpa.

"Elites," tawag ng lalaking malapit na mag 30's. Hindi man lamang nag-abalang tumayo sa pagkakaupo nito sa single sofa. 

Umupo ang dalawa sa mga nakalaan na  upuan kahit hindi binibigyan ng permiso.

"Hindi ako magtatagal dito kaya sabihin mo na ang mga dapat mong sabihin," diretsong ani ni Eleuthera. 

Wala siyang plano ngayon na magsayang ng oras lalo na at may naghihintay sa pag-uwi niya. 

"Eh, bakit?" tanong ng lalaki. 

Napaismid si Eleuthera sa sagot ng lalaki. Hindi niya alam kung lutang ba ito o kailangan pa talagang may explanation ang lahat.

Hindi marunong magpaliwanag si Eleuthera at ayaw na ayaw pa man niyang magsalita nang sobrang dami.

Napansin ng lalaki na ayaw niyang sumagot.

"Inutusan ako ni Impératrice na papuntahin kayo rito."

Napakunot ang noo ni Darren. "Why?" Darren asked him. 

"I don't know," simpleng sagot nito. 

Gustong batukan ni Eleuthera ang lalaki dahil hindi man lang ito nagtanong kay M. Wala man lang kaalam-alam kung bakit inutusan. 

Hindi ugali ni M na ipatawag sila na hindi ito ang haharap lalo na ang magpatawag without a reason. Nagtext siya na magkita-kita sila ngayon nila Ren-ren bago niya matanggap ang huli nitong mensahe na nasa kapahamakan siya. 

Sa hindi nito pagsulpot ay nagsimula nang magtaka si Eleuthera.

"Where are you, Impératrice? Napaka-weird naman na nagpatawag ka pero walang rason," she whispered to herself. 

Walang ibinigay na sagot si Lelios kaya umalis na ang dalawa. Tahimik lang sila hanggang makarating sa paaralan ni Darren — ang paaralan kung saan ang misyon nito para mag-undercover.

"Wala ka bang ideya kung bakit wala si Impératrice  roon?" 

Umiling si Eleuthera bilang sagot.

"Sigurado ka?" 

Hindi pero hindi niya maaaring sabihin kay Darren kung bakit. Dalawa lang kasi ang rason para kay Eleuthera: Una ay baka may biglaan ang babae na lakad at ikalawa ay baka iniiwasan nitong pag-usapan ang tungkol sa huling mensahe nito kay Eleuthera na napaka-imposible naman. 

Kilala ni Eleuthera ang ugali ni M, ayaw nitong may napapahamak sa grupo.

"Yeah. I'll go first. I'm sleepy," matipid niyang paalam.

Tinatamad siyang magsalita lalo na sa ganitong sitwasyon dahil baka ano pa ang masabi niya na hindi dapat. Ayaw niya rin magsinungaling nang mas malalim.

"Sige. Take care, Eleuthera." 

Bago tumalikod ay maangas na tinapik ni Eleuthera ang balikat ni Darren.

"Sila ang mag-ingat, Darren." She smiled a bit. "See you."

Malungkot na tinanaw ng lalaki ang dalaga na papalayo sa kanya. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang sensasyon sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay ito na ang huling beses na makakausap niya ito.

Habang naglalakad ay napaisip si Eleuthera sa kasalukuyan na ginagawa ng lalaking iniwan niya sa bahay. 

"Sana naman walang siyang ginawang kahit na anong kalokohan sa loob ng bahay. Malalagot ako kila mama," she uttered to herself. 

Hiling niya rin na sana ay hindi ito lumabas. Ayaw niyang mapahamak ito nang dahil sa kanya. 

Sa sobrang init niya sa mga mata ng kalaban ay alam niyang kahit sino ay maaaring madamay. 

Kalahating oras pa bago umalis ang tricycle na sinakyan ni Eleuthera papauwi. Augusto na pero ang init pa ng panahon lalo na ngayon dikit-dikit pa sila sa loob.

"Dito na lang po!" malakas na pagpara niya kaya naman mukhang mababasag na ang eardrums ng kanyang mga katabi. 

Napatawa siya nang marahan.

Peace po, lihim niyang paghingi ng tawad.

Nahirapan pa siyang bumaba. Hindi naman kasi maipagkakaila na chubby siya at sa kabutihang palad hindi pa naman overweight. Sa tangkad niya kasi siya bumawi. 

Medyo malayo pa ang kalsada na  hinintuan ng tricycle sa bahay ng mga Augustine. May kalye pa kasing kailangan lakarin. Malayo rin ang bahay nila sa ibang bahay kaya kahit sumigaw siya nang sobrang lakas ay walang makakarinig. 

Sa likod ng bahay ay maraming punong kahoy. Ilang minutong paglalakad ay makakarating na sa talon na isang milagro na malinis pa rin hanggang ngayon.

"Ma?" 

Gaya ng nakagawian ay ang mama ang una niyang hinanap pero hindi ito ang lumabas.  

Isang binata ang una niyang nakita na mukha nang bampira ang kulay ng balat pero hindi naman maputla. Galing ito sa Amerika kaya naman ganito ang appearance ng lalaki. Kulay gatas ang balat at may matangos ang ilong. 

Sa pagkakaalam ni Eleuthera ay purong Pilipino ang lalaki. 

Nilampasan niya ang binata. Diretso siyang naglakad sa loob kahit medyo nakaharang ito sa pintuan. 

Hindi man lamang nag-abalang tumabi. Nabangga niya tuloy ang balikat nito.

"Oh, baby. Kamusta ang lakad niyo ni Darren?" tanong ng mama niya na halos sigaw na. 

Medyo may kalayuan ang distansya nila. Nasa kusina ito at nagluluto ng pagkain.

Dahil sa hilig ng mama niya na magluto kahit ano ang oras ay nasanay na rin si Eleuthera maya't maya ay kumain. 

Nagmano muna siya saka umupo sa harap ng mesa bago sumagot. 

"Ayos naman po." Humikab siya. "Nakakapagod, Mama," sumbong niya.

Nahagip ng mata niya ang mansanas sa mesa kaya kumuha siya ng isa at tumayo para hugasan ito.

"Malapit na 'tong niluluto ko para sa tanghalian. Hintay na lang, anak." 

Tumango siya sa mama niya. Hindi rin siya nito nakita dahil ang atensyon nito ay nasa pagluluto.

"Nasaan si papa, Mama?" 

Nagtataka siya na wala ito sa sala para manood ng paborito nitong programa.  

Pagkahugas niya sa mansanas ay bumalik agad siya pagkakaupo.

"Pumunta sa bahay ng tito mo," sagot nito.

Kita ng dalawang mata ni Eleuthera na dumaan si Zayn Eros sa likod ng ina ni Eleuthera. Pasimple rin ang binata na sumilip sa kawali. 

Hindi ito pinansin ng ina ni Eleuthera na pinagtaka ng dalaga.

 Hindi snobbish ang mama niya kaya ang pag-ignore nito sa isang tao ay ngayon lang nangyari.

Halos matunaw na sila Zayn Eros sa pagtitig ni Eleuthera. Sa isipan ng dalaga ay parang may mali.

"Zayn Eros," bigkas ni Eleuthera sa pangalan ng binata. 

"Sinong Zayn Eros, nak?" Bakas sa tono ng ina ang pagtataka habang si Zayn Eros naman ay umiiling na nakatingin kay Eleuthera.

Kumunot ang noo ni Eleuthera. 

"Ahm, wala po, Mama. Nag-iisip lang ako ng pangalan para sa gagawin kong story," nauutal na sagot ni Eleuthera.

"Gano'n ba, Anak? Galingan mo, ah," inosenteng na sagot ng mama niya.

"Opo." Nagpanggap siyang natatawa. "Ma, sa kwarto muna po ako," paalam ni Eleuthera.

Pasimpleng binigyan ng senyas si Zayn Eros na sumunod sa kanya.

Sa pagpasok sa kwarto ay hinawakan niya ang doorknob at hinintay ang binata na makapasok. Pagkapasok ni Zayn Eros ay maingat niyang sinara ang pinto at hinagod ng tingin ang binata.

"Ba–" Pinutol ni Eleuthera ang tanong ni Zayn Eros. 

Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. "Bakit hindi ka nakikita ni mama?" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status