Share

Chapter Four

Mga huni ng ibon ang siyang maririnig sa paligid. Sobrang tahimik nilang lahat. Nagpapakiramdaman ng mga galaw, at nakakailan nang buntonghininga.

Walang gustong magsalita kaya tumikhim na si Eleuthera. Nakakarindi na kasi ang katahimikan. Hindi niya kaya ang ganitong eksena kaya sa oras na nagkakaganito sila ay siya ang nag-iingay.

Ayaw niya sa maingay ngunit ayaw niya rin sa katahimikan na sobrang bigat sa dibdib.

"Wala ba talagang may balak na magsalita sa inyo?"

Umiling si Venus at Kris habang si Heavenzy naman ay nanatiling nagpapanggap nang tulog.

"Magpapaliwanag kayo o ano?" she asked with authority.

Ginagamit na naman niya ang malakas na personalidad niya bilang kapitan.

Habang may tensyon na namumuo sa magkakaibigan ay tahimik na nakikinig lamang si Zayn Eros. Nakasandal siya sa puno ng mangga habang pasimpleng nakikinig.

Ayaw ng binata ang makialam sa pinag-uusapan ng mga babae kahit tungkol naman ito sa kanya.

"Kris?" paglipat ni Eleuthera ng tanong sa isa pang kaibigan. "I need your answer. Bakit niyo siya nakikita?"

Napangiwi muna si Kris bago napilitan sumagot. Kapag kasi siya ay nanahimik ay mas dadami lang ang tanong ni Eleuthera.

"Paano ko ba sasagutin ang tanong mo, Eleuthera?" napapabuntonghininga nitong sagot.

"Hindi namin alam ang tunay na nangyayari sa 'yo. Wala kaming ideya kung ano na ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo. Kaya nga kami pumunta rito ay para kahit naman papaano ay malinawan kami. Palagi mo na lang kinikimkim ang lahat sa sarili mo," patuloy nito nang may pagtatampo.

Tumigil ang pagdaloy ng oras ni Eleuthera sa kanyang narinig.Hindi siya makatingin nang diretso sa mga kaibigan niya. Bagkus ay binaling na lang niya ang mga mata sa damo. Pinipilit niyang alisin ang kabang nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung paano maiiwasan ang mga namumuong tanong sa isipan ng tatlo. Sapagkat isa man doon, wala siya dapat sagutin nang tama.

May mga bagay na kailangan panatilihin na lihim para wala nang ibang mapahamak.

Kahit pa nagmukha siyang hindi mabuting kaibigan ay magpapatuloy siya para lamang masiguro na hindi ang mga ito madadamay sa gulo niya.

"Nang makita namin si Zayn Eros ay akala namin kamag-anak mo lang siya. Alam kasi naming hindi ka 'yong tipo na babae na magpapapunta ng kaibigan o estranghero na lalaki sa bahay niyo. Kaya nagulat kami nang malaman na hindi siya nakikita ng mga magulang mo. Sino ba siya Eleuthera? Huwag mong sabihin na hindi siya tao," segunda ni Venus kay Kris.

Sa pagkakataon na ito hindi na alam ni Zayn Eros kung mananahimik na lang siya o kailangan na ba niyang magsalita.

Alinman doon ay walang napili si Zayn Eros. Tumayo siya sa pagkakaupo sa damo para sana ay umalis at hayaan ang mga ito na mag-usap. Subalit ay natigilan siya nang magsalita si Heavenzy.

"Are you a ghost?"

Napaawang ang mga labi ni Zayn Eros nang biglang bumangon si Heavenzy at mariin siyang tinitigan mula ulo hanggang paa.

Nakaramdam siya nang kaunting pagkailang sa ginawa ng babae. Kung nakakamatay lang ang talim ng mga mata ay napatay na siya nito.

Nang makita nitong wala siyang planong magsalita ay tinuon na nito ang pansin kay Eleuthera.

"O higit pa doon, Eleuthera?"

"Hindi siya kalaban para tingnan mo siya ng ganyan, Heavenzy," mahinahong paalala ni Eleuthera sa babae.

Nilipat nito ang tingin kay Zayn Eros. "Doon ka muna sa bahay," anito.

Sinunod ni Zayn Eros ang babaeng nagligtas sa kanya. Tahimik na hinayaan ng magkakaibigan na makalayo ito.

Minasahe ni Eleuthera ang kanyang kamay para mabawasan ang nararamdaman na kabigatan sa kalooban.

"Kung anuman siya ay hindi na yun importante. Huwag na kayong mag-abalang mag-isip ng kung ano-ano. Kaya ko na 'to."

Sa pamamagitan ng mga sinabi niya ay gusto niyang maintindihan ng mga kaibigan niya na wala silang dapat malaman pa.

Tumayo siya at pumalit kay Zayn Eros sa pwesto nito kanina.

"Nagbago ka na nga, Eleuthera." Mapait na napatawa si Heavenzy. "Dati lang ay kami ang unang nakakaalam ng mga nangyayari sa 'yo. Ngayon kahit isang simpleng impormasyon ay wala ka nang sinasabi."

"Sana ay mag-process sa utak mo na hindi lang ako ang nagbago sa grupo. Kayo rin naman ah? Lahat tayo nagbago 'wag niyong i-deny 'yan dahil it was clear as crystal," walang gana na pagsagot ni Eleuthera.

Hindi mapigilan mapatayo ni Heavenzy kaya napasunod sa pagtayo ang dalawa.

"Eleuthera… Heavenzy, stop na," nagmamakaawang pagpigil ni Venus sa nagbabantang gulo na mangyayari sa kanila.

"No, Venus. Kailangan na natin malaman kung bakit siya nagkakaganyan," seryosong pahayag ni Kris, sumasang-ayon kay Heavenzy.

"Pero…"

Pinutol ni Heavenzy ang sasabihin ni Venus.

"Pumunta kami dito dahil sa natanggap naming sulat na nasa kapahamakan ka raw pero sa nakikita ko mukhang okay ka lang naman, Eleuthera."

Nagtagpo ang mga mata nina Eleuthera at Heavenzy. Mga matang nag-aalab dahil sa nakatagong emosyon.

Mula sa kalayuan ay narinig ni Zayn Eros ang sagutan ng magkakaibigan. Nasa may tagong lugar ito kaya naman ay hindi siya nakikita ng iba pa.

Hindi siya nagpatuloy sa pag-alis dahil pakiramdam niya kanina ay may maririnig siya. Hindi nga siya nagkamali.

"Hindi niyo ba naisip na pinaglalaruan lang kayo kung sinuman na nilalang na 'yan? Wala ako sa kapahamakan at nag-iingat ako para huwag nalagay sa sitwasyon na 'yan."

Hindi pa rin ni Eleuthera iniiwas ang kanyang paningin. Taas-noo niyang sinasalubong ang mga tingin nito.

Kahit pa nakakapaso…

"Nag-iingat ba talaga?" Umangat ang mga sulok ng labi ni Heavenzy. "Hindi mo kami maloloko. Alam ng lahat na magnet ka ng gulo."

Ang kamay ni Eleuthera na nasa loob ng kanyang bulsa ay napayukom.

"Nanahimik na ako, Heavenzy. Kung mangyari naman 'yan ay huwag na kayo makialam. Buhay ko 'to. Just mind your own bussiness."

"Mind our own business? Kaibigan ka namin, Eleuthera. Nakalimutan mo na ba 'yon?" hindi makapaniwalang sagot ni Kris.

Eleuthera surprised her bestfriends by saying, "Sometimes, things change so roughly that you can never get back to what you were before."

Eleuthera looked at them but not in any one's eyes. She's looking deeply into their souls.

"Eleuthera," Venus worriedly mentioned her name.

Mabigat ang paghinga ng bawat isa. Mas dinikit pa ni Eleuthera ang kanyang likod sa puno para roon kumuha ng lakas na ngayon ay nauubos na.

Nakayukom na ang mga kamay ni Heavenzy. Blanko ang mukhang nakatitig ito kay Eleuthera.

Hindi matanggap ng tatlo ang narinig mula sa bibig ng bunso sa kanila. Hinihiling ni Kris na sana bawiin ito ng kaibigan at sabihin na biro lang ang lahat gaya ng dati.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi binawi ni Eleuthera ang mga salita niya.

This time, it's not a prank.

Naputol ang mabigat na atmospera nang tumunog ang cellphone ni Heavenzy.

Kinuha ito ng dalaga sa kanyang bulsa. Pagkatapos mabasa ang laman ng text message ay walang salitang tumalikod ito kay Eleuthera.

Nagsimula itong maglakad palayo. Hindi pabalik sa bahay ni Eleuthera kundi papunta sa daan na maghahatid rito sa labasan.

"Uuwi na kami," mabigat sa loob na paalam ni Kris.

Hinigit nito papalayo si Venus na nakatulala kay Eleuthera.

Nang makaalis na ang tatlo ay lumabas si Zayn Eros sa kanyang pinagtataguan. Bigo siyang may marinig na mahalaga na makakasagot sa kanyang katanungan.

Nabaling ang tingin niya kay Eleuthera na ngayon ay papalapit na sa kanya. Walang suot na kahit na anong reaksyon ang dalaga.

Magmula nang pinaalis niya si Zayn Eros ay palihim na niyang pinagmamasdan ang mga galaw nito. Alam niya ang ginawang pakikinig ng lalaki sa argumento nilang apat.

"Bumalik na tayo sa bahay," mahinang bigkas nang tuluyan siyang makalapit sa lalaki.

Hindi na si Eleuthera tumigil sa paglalakad.

Pagkapasok ni Zayn Eros sa bahay ay nakita niyang pumasok ng silid nito ang dalaga. Umupo siya sa sofa na nasa sala at hinayaan ang sarili na malunod sa isipan.

Alam ni Zayn Eros sa sarili niyang isang malaking kasinungalingan ang mga sinabi ni Eleuthera kanina. May parte sa kanya na gustong damayan ang babae ngayon ngunit wala siyang karapatan upang gawin yun.

Gagawa muna siya ng paraan para magkaroon ng karapatan.

***

"Eleuthera…"

Hinihingal na napadilat si Eleuthera. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo. May lumbay rin na namumuo sa anino ng kanyang mga mata.

"Panaginip na naman?" tanong niya sa kawalan.

Eleuthera rolled over in her bed. Her arm reached out to her pillow and she hugged it as if it were a person. And her life depends on it.

She needs to stop her uneasiness and the heaviness in her unexplainable longing heart.

Ilang beses na siyang nagigising galing sa napakahabang panagip. Panaginip na paulit-ulit siyang binabagabag dahil sa laman nitong tila ay realidad. Sa tuwing iniisip niya ito ay nagtatayuan ang kanyang mga balahibo sa batok.

"Eleuthera, are you okay?" tanong ni Zayn Eros.

Bigla na lamang itong pumasok sa kwarto niya.

Napatakbo talaga si Zayn Eros papunta sa kwarto ni Eleuthera. Nanaginip kasi siya tungkol sa dalaga. Sa panaginip niya ay hindi maganda ang kalagayan ni Eleuthera. It was so vivid that he almost forgot that it was not true.

"Yes, I am," she answered after she smiled weakly.

Magsasalita pa sana ang binata pero inunahan na siya ni Eleuthera.

"Labas na. Doon ka sa kabilang kwarto matulog."

Sa narinig ay napangiti si Zayn Eros. Naglaho nang parang bula ang kanyang mga alalahanin.

"Its already six in the morning, Eleuthera."

Eleuthera peeked at her wall clock, but all she saw was a blurred number. It is seemingly impossible to identify it.

Habang pilit inaaninag ni Eleuthera ang orasan ay abala naman si Zayn Eros sa pagtimbang kung dapat ba niyang sabihin ang tungkol sa panaginip niya kay Eleuthera o huwag na.

She dismissed what occurred.

"Hey?" she called him when she noticed his expression that told her that he wanted to tell her something.

.

"Ha?" wala sa sariling tugon ng binata.

Hindi ito nilubayan ng tingin ni Eleuthera hanggang sa makuha nito ang nais niyang ipahiwatig.

Napakamot sa batok si Zayn Eros. Nagdadalawang-isip na sumagot.

"Spill it."

He sighed in defeat.

"I dreamed of you..." he started to say, "You are alone in that place. You are screaming for some help. "

Eleuthera agaped. "Where is it? Can you remember?"

"In front of the burning hut. You are kneeling and crying—"

"Enough," Eleuthera said, cutting his sentence.

When she realized she had shocked her with her tone, she shyly smiled.

. "Malas i-share ang panaginip kung masama ang lagay nito."

"Ah…" Zayn Eros laughed awkwardly. "Ikuha muna kita ng tubig," anito para lamang makalabas sa kwarto ng babae.

She nodded her head and mouthed, "Thank you."

The moment Zayn Eros closed the door, Eleuthera sighed.

Bumangon siya ng kanyang kama at binuksan ang bintana sa kwarto. Sinalubong siya ng malamig na hangin na rason para mapangiti siya.

Ngiti na kalungkutan ang laman.

"Good morning," she whispered before her tears started to flow down her cheeks.

It's another day for Eleuthera—another day to endure the pain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status