Share

Chapter Six

"Where have you been? I have been contacting you many times, M," unang bungad ni Elite L sa kanilang Impératrice.

Kaninang umaga ay tinawagan siya nito para makipagkita sa isang liblib na lugar. Something unusual about their Impératrice, Eleuthera, is sure of it. Wala sa diksyonaryo nito ang makipagkita nang hindi nagaganap sa kanilang Headquarter o kaya naman ay sa mga lugar kung saan nakabase ang grupo.

Napansin ni Elite L na balisa ang Impératrice. Nilapitan niya ito at sinipat nang mabuti.

"You are not fine. Why so uneasy? Care to tell me what happened and why you called a meeting in HQ before you texted me that I was in great danger, but you didn't show up? "

That's Elite L, with her unending questions. Despite that, she always denied that she cared for anyone. She has a big ego. She was not expressive about her emotions.

Tumingin nang diretso sa mata ni Elite L si M. Gaya ng inaasahan, ang mga mata ng Impératrice ang kahinaan ni L o mas kilalang Eleuthera Augustine. May mga mata itong kasing lalim ng karagatan kung sisidin. Muntik na naman malunod dito si Eleuthera. May kulay na asul na mga mata ang Impératrice ng Au clair de lune ang totoong pangalan ng kanilang organisasyon na nakatago sa pangalan na Inconnue. Inconnue ay isang introduksyon ng not known or not undefined sa salitang French—mas madalas nga lang tawaging Unknown ang kanilang samahan.

Meanwhile, Au clair de lune is a French translation of Under the Moonlight.

"Nakipagkita ako sayo rito to answer your questions," pagputol ni M sa katahimikang nabuo sa pagitan nilang dalawa.

Ordinaryong pagkakataon na para kay M ang pananahimik ni L pagkatapos niya itong matitigan.

Eleuthera is not an exception. M's blue eyes can make everyone shut off.

"Uh oh. Come to your senses, young L."

Napailing si Eleuthera at napangisi bago ito umupo siya sa damuhan.

"M, hindi ka ba nangangalay? Umupo ka nga rin. Aaw kong tingalain ka. Masyadong masakit sa leeg at alam kong mahabang usapan ito."

Umupo ito sa harap niya. Walang pakialam kung marumihan ang mamahaling suot nito.

"Saan ko ba dapat simulan, L?"

Napabuntong hininga ito, sa kabilang parte ay nakasimangot lang si L. Kahit natatakpan ng mga maskara ang kanilang kalahating mukha ay kitang-kita pa rin ang kurba ng kanilang mga labi.

"Magsimula ka sa simula at tapusin mo hanggang sa katapusan, M."

Letters serve as their codename. Binubuo rin ng mga pagkakakilanlan ang kanilang grupo. Ang Royalties ang namumuno o nagpapatakbo ng grupo at kinabibilangan ni Impératrice. Elites, ikalawa sa may kapangyarihan. Kinabibilangan ng mga taong eksperto sa mga mahihirap na bagay. Seeker, ang taga-track ng grupo at sila rin ang nagsisilbing spy sa mga misyon. Isa lamang ang tatlong 'yan sa maraming sangay ng kanilang grupo.

"They want you, L."

Napangiwi siya sa sinabi nito.

They want her? Ano siya isang bagay para gustuhin nila?

"Gusto nila ako para saan? Akala ko pa naman ay gusto nila akong patayin. I'm a big hindrance to whoever is behind this shit. " She looked calm when she said the word "patayin".

Sinubukan pagmasdan ni M ang mukha ng dalaga. Wala man lamang siyang nakita na takot rito.

"If they can't have you, they will kill you."

Hindi takot ang nararamdaman ni Eleuthera sa pagkakataon kundi pagkalito at bahagyang pagkainis. Pagkainis dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya gustong makuha ng mga ito.

Hindi niya nga nagagawa ang tungkulin niya sa Unknown tapos gusto nila siyang makuha o kapag hindi siya nito mapakinabangan ay papatayin siya.

Alam naman niya ang ikalawang option ang mangyayari.

"Anong gusto nila sa akin? Compared sa ibang Elites ay mas mapapakinabangan pa sila, eh."

The Impératrice sighed. Playing innocent again, she thought.

"Sa pinakadulo ng isip mo, alam kong alam mo ang sagot, L. Sa ngayon ang mapapayo ko lang sa 'yo ay ang sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan. Don't trust anyone else."

May ngising gumuhit sa mga labi ni Eleuthera.

"Even you? Should I not trust you?"

Hindi ni M inaasahan na sasabihin ito ni L.

Pinagdududahan ba siya nito? May konting kirot siyang nararamdaman sa kanyang puso. Parang kapatid na niya ito kaya't nasaktan siya.

"Bakit ka natigilan, M? Alam mong sa buong grupo, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko." Eleuthera's words make her smile. "So sensitive," she added, and rolled her eyes.

"You're really cute, L. Kahit pag-irap ay walang makakatalo sa iyo."

"Tsk. M, sabihin mo na lahat na dapat mong sabihin. Kailangan kong umuwi agad."

Kanina pa siya nangangating umuwi. Nag-aalala siya kung ano ang lagay ni Zayn Eros sa kanilang bahay. Baka kinakain na ito ng boredom dahil hindi ito nakikita ng kanyang pamilya kaya wala itong makausap.

"Yun lang naman ang sasabihin ko, L." Sa katunayan ay mayroon pa si M dapat sabihin—ang rason kung bakit hindi siya nagpakita sa meeting at kung bakit nawala siya ng ilang araw—pero dahil ayaw niyang mag-alala pa si Eleuthera ay mananahimik na lamang siya.

Hindi kumbinsido si Eleuthera na ito lang ang sasabihin ni M. Wala nga lang siyang nagawa nang tumayo na ito mula sa pagkakaupo at naglakad papalayo pagkatapos magpaalam.

She sighed deeply.

Hindi nasagot ang mga katanungan niya at feeling niya ay mas nadagdagan lamang ang misteryo sa buhay niya. Mala-puzzle ito, sobrang komplikado ng bawat piece. Mabuti nga ang puzzle ay clue na nasa harap na mismo ng manlalaro habang siya ay hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.

She was still thankful, though, because she had learned that their Impératrice was okay and not in danger.

Nanatili muna siya ng ilang minuto bago napagdesisyonan na umuwi na.

Katulad ng inaasahan, pag-uwi niya ay wala ang kanyang mga magulang. Nagpaalam ito sa kaniya na gagabihin ang mga ito sa pag-uwi.

Naabutan naman niya si Zayn Eros na natutulog sa kanilang sofa.

"Hobby mo na talaga ang pagtulog, Eros?"

Umupo siya sa katabing single sofa at tumitig sa mukha ng tulog na binata.

Sa totoo lang ang sanay na sanay na siya kung paano makitungo sa mga lalaki. Masyado nga lang siyang maawtoridad sa mga ito bukod tanging kay Darren lang siya naging mabait. Sa haba rin ng panahon ay si Darren ang katangi-tanging nakakatiis sa ugali niyang pabago-bago

Kaya hindi niya maisip ang rason kung bakit sa tuwing kasama niya si Zayn Eros ay nagdadalawang-isip siya kung ano ang ikikilos. Nako-conscious siya kapag kaharap ito.

Alam niyang kahit anong oras ay maaari niyang bawiin ang kanyang pagsang-ayon sa misyon na 'to. Ngunit hindi niya maisip mula nang iligtas ang lalaki na pabayan ito sa ere. Gusto niyang protektahan si Zayn Eros hanggang sa makauwi ito sa pamilya.

"Pasensya na kung nasusupladahan kita minsan. At sana ay 'wag kang masyadong mag-alala sa sitwasyon mo, tutulungan kita. Pangako yun. Iiuwi kita sa inyo. Kaya naman habang nandito ka pa, huwag kang hihiwalay sa akin," mukhang baliw niyang pagkausap kay Zayn Eros.

Kahit sinong makakakita ay magugulat sa kanya. May isang munting matamis na ngiti kasi ang sumisilip sa kanyang mga labi.

Sa kabilang banda, pilit pinipigilan ni Zayn Eros ang kumurba ang labi.

Unti-unting binuksan ni Zayn Eros ang kanyang mga mata, nagpapanggap na bagong gising talaga. Pagkaupo niya ay tumingin siya kay Eleuthera nang may seryosong mukha na ikinangiwi ng dalaga.

"Bakit ganyan ka makatingin?" bulalas ni Eleuthera.

Hindi sumagot si Zayn Eros. Nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" segunda pa ni Eleuthera.

"Woy! Sagutin mo ko…" ang boses ni Eleuthera na mula sa may kalakasan ay humina nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya.

Napaawang ang labi niya.

Nang ilang hibla na lang ang layo nila sa isa't isa ay ngumiti nang pagkatamis-tamis si Zayn Eros na ikinaatras ni Eleuthera.

'May nakita ba akong anghel? Bakit mukhang model siya ng toothpaste? Bakit sobrang linis at puti ng ngipin niya? Perpekto rin ito,' wala sa sariling puna niya sa isipan.

Pumikit siya nang mariin. Sa isip niya ay binabatukan at pinapagalitan na niya ang sarili.

'Ano bang pinag-iisip mo, Eleuthera? Tsk.'

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang nagsalita si Eros na ikinatigil muli ng kanyang mundo.

"Nanliligaw ka ba para sagutin kita, Era?"

"Pardon?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Nang maintindihan ang sinasabi nito ay sumama ang tingin niya rito.

"You're really cute when you're mad, Era." His eyes landed on her lips before he continued talking, "And Era, sleeping may be my hobby, but watching you this close is my favorite thing to do."

Eleuthera should be composed and calm, because she was trained to be one, but she has lost it. Her eyes darkened and her brow furrowed.

"You, Zayn Eros. Umalis ka ngayon sa harap ko!" sigaw niya na tila'y wala ngayon sa harap niya ang kausap niya.

Akala ni Eleuthera ay aalis talaga si Zayn Eros o kaya ay kakaripas ito ng takbo pero nanatili ito sa pagkakaupo. Seryoso na ulit ang mukha.

"May… problema ba?" Hindi niya mapigilan mag-alala nang napagtanto niya na sinigawan niya ito.

Pilit niyang sinisiksik sa isip niya na nag-aalala siya rito dahil obligasyon niya ito.

Pero bakit nga ba siya nawala sa sarili? Bakit mabilis na siyang mapikon? Hindi naman siya ganito.

"Ano na kaya ang nangyayari sa hinaharap?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Eros.

"Hinaharap?" naguguluhan na tanong niya pabalik.

"Kung saan ako nanggaling," matipid nitong sagot na naintindihan naman na ni Eleuthera.

Akala kasi ni Eleuthera kanina kung saang hinaharap.

Hindi siya nakasagot sa tanong ni Zayn Eros. Hindi niya alam kung ano dapat ang isagot dahil wala naman siyang alam sa nangyayari roon. Hindi niya rin mabigyan ng paliwanag ang lalaki kung bakit siya napunta sa hinaharap at bumalik sa panahon niya na kasama si Zayn Eros.

Kung naguguluhan ang lalaki ay sa tingin niya ay mas naguguluhan siya.

"I'm sorry kung wala pa akong ginagawa sa ngayon."

Ginulo ni Zayn Eros ang dating magulo ng buhok ni Eleuthera.

"Hindi ko naman alam ang reason why I am here pero alam ko na mayroon talaga. Habang nandito pa ako, gagawin ko muna ang maari kong gawin."

"Pfft. Ang cute mo mag-tagalog, Eros."

She chuckled.

"I'm serious, Era!"

"No, you are not serious. You are Eros!" Natawa na naman siya muli.

Napatampal na lang sa noo si Zayn Eros dahil sa kakulitan ni Eleuthera.

"Be thankful kasi cute kang tumawa. Mukha ka lang baliw," bulong ni Zayn Eros.

Hindi narinig ni Eleuthera ang binulong ni Zayn Eros kahit gustuhin niya dahil masyado siyang nadi-distract sa sarili niyang isip.

Tumawa ba talaga siya at nagpa-cute sa harap ng lalaki?

Napatampal siya sa noo habang nakatulala.

Nagiging weird siya lately kapag kasama niya si Zayn Eros.

TUNOG NG PAG-TYPE ni Eleuthera sa keyboard ng laptop ang maririnig sa loob ng silid. Nasa loob siya ng underground room na matatagpuan sa bahay nila. Ang daan lamang papunta dito ay nasa kanyang silid.

Suot ang kanyang salamin sa mata ay seryoso siyang nakatitig sa screen.

"Mahahanap ko rin kayo. Kung ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo then ako na lang ang sasagot sa mga tanong ko." Kasabay nang huli niyang salita ay ang pagpindot niya sa 'enter'.

Sa mundong ginagalawan niya, wala dapat siyang pagkatiwalaan. Mahirap ang sitwasyon niya, mahirap maghanap ng sagot — mga tanong na imposibleng masagot — na maaaring binaon na sa pinakamalalim ng mundo.

Kailangan niyang panatilihin paganahin ang isip niya over her heart dahil kapag ang puso niya ang paganahin niya ay matatalo siya at kapag ganun ay maraming mapapahamak.

Gusto na niya itong tapusin lahat, isa na roon ang pagbabalik kay Zayn Eros sa panahon nito bago pa sila paglaruan ng oras.

"I'll make sure that I'm going to win this game. And it will end well. "

Sa loob ng guestroom ng bahay ng mga Augustine ay matatagpuan si Zayn Eros na nagsusulat sa isang notebook.

Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat na impormasyon na alam niya na magiging susi para makabalik sa panahon kung saan dapat siya naroroon. Hindi ito kasing dami ng patak ng ulan but as long as it will help ay mahalaga na itong pagtuunan ng pansin.

Lahat na impormasyon ay isa lang ang tinuturo — isang tao lang ang tinutukoy at ito ay si Eleuthera Augustine o may alyas na Elite L.

Si Eleuthera nga ba talaga ang susi para makabalik siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status