Share

Chapter Eight

When she walked up to him quickly and embraced him without thinking carefully about what would happen as a result, her mind and heart were screaming for it.

Within a few seconds, their world stopped on its axis; the hand of the clock was prevented from ticking. It felt like there was no time, no wind, and everything had disappeared from their sight.

At first, Zayn Eros was stunned. He did not know what to say or what to do as he bathed in her warmth. He felt his own heart beating crazily, and he was so preoccupied with it that his hands just automatically embraced her, and he uttered those words.

When the time came, she pulled away her arms from him, leaving him with the feeling of familiarity.

"Eleuthera."

The voice broke Zayn Eros's building feelings. He was supposed to be the first person who would call her name, but someone got his throne. Before she turned her back to him and faced the guy who called her, he saw her weary smile.

"Darren, you are here," she said, as if she was really expecting the guy to show up.

Zayn Eros stayed on his stand, starstruck.

"Eleuthera, sino siya?" Darren asked Eleuthera, referring to Zayn Eros.

Eleuthera takes a peek at Zayn Eros, formulating the idea of how she will introduce him. Kris noticed her best friend's sudden silence. To save her ass, she made an undesirable laugh.

"Ang init ng panahon, noh?" Kris asked, but no one answered her.

She rolled her eyes.

Zayn Eros takes the opportunity to snatch Eleuthera's hand.

"Hey?" Eleuthera whispered in shock.

"Let's go home. I know, you are tired. I can see that you are sleepy already. "

Ang totoo gusto ni Zayn Eros na itakas si Eleuthera sa mga tanong na ibabato ng mga taong nasa paligid nila ngayon. Sa palagay niya ay hindi naman masasagot ng dalaga ang mga ito.

He wants to run away with her.

"No." She removed her hand from Zayn Eros' hold, leaving him dumbfounded.

"Let me put an end to it now." Eleuthera caught the attention of her best friends. "But first, let's clean up this mess."

"Ako na bahala, Eleuthera."

Venus called the guards of their subdivision, giving them the order to take charge of what they called a mess. After talking to the in-charge, she hung up her phone. "Okay na, they knew what to do."

Naglakad si Eleuthera sa gilid, sinundan siya ng mga kasama. She met Heavenzy eyes, though she pretended that it was nothing.

"Let's cut our ties."

"You must be kidding, Eleuthera." Hindi makapaniwalang natawa si Kris.

"Ano ba ang rason mo? Hindi naman pwedeng wala, Eleuthera."

"Hindi ako nagbibiro, Kris. Ang rason ko, Venus?" She laughed wryly. "Ayaw ko na kayong makita."

"Eleuthera, what are you up to?" pakikisali ni Darren sa usapan nila. " Why do you keep on pushing them away from you? It is obvious that they love you and care for you so much. This is not the best friend I know. This is not so you, Eleuthera," he bitterly added.

Of all the people, Darren was the first person Eleuthera believed would understand and respect her decision. She thought he was the last person she thought could do this to her because she believed he knew her for real.

She fell into silence.

From the corner, Zayn Eros noticed the sudden uncomfortably in Eleuthera's eyes. He saw that she was left with no choice.

Even after hearing those harsh words from her, Zayn Eros could not help but feel the desire to hug her again.

"Sawa kana ba sa amin? Eleuthera, 'wag mo naman kaming iwan, oh. Ayusin natin 'to Kung may mali sa akin, babaguhin ko 'yon. Nanumpa tayong magkakaibigan na hanggang pagtanda ay magkasama pa rin tayo kaya please ayusin natin 'to," Venus eyes are starting to be teary.

Mas nasasaktan pala siyang makitang bumibitaw na ang bestfriend niya kaysa noong kaibigan lang ang tingin sa kanya ng lalaking mahal niya.

"Hindi ka man lang ba mag-e-explain? Ganito na talaga, hanggang dito na lang? Okay lang naman kahit magsinungaling ka. Sabihin mo sa amin na ayaw mo na kaming maging kaibigan dahil duwag kami, o kaya wala kaming kwenta. Mas okay na marinig 'yon, Eleuthera!

"Mas magandang marinig mula sa bibig mo ang mga pagkukulang namin o kung saan ka nagsasawa sa amin at kung bakit humantong ang lahat sa ganito. 'Wag mo naman kaming pahirapan. Sobrang sakit kasi na iiwan mo kami na wala man lang kahit katiting na rason."

"Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayaw ko na? Isipin niyo nang isipin ang rason ko, wala akong pakialam. Ang akin lang naman ay 'wag niyo na akong tatawagan, i-text o anumang walang kwentang bagay na 'yan. Hindi ba naging malinaw sa inyo ang sinabi ko nung isang araw? I told you to mind your own business! I'm no longer your friend since that f*cking day."

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Lumapit si Heavenzy kay Eleuthera nang walang makikita na kahit na anong pag-aalinlangan.

"Oo."

"May tanong ako at dapat sagutin mo."

"Make it faster, you're wasting my time, Nakamura."

"Last name basis na pala ngayon. I want to ask you kung totoo ba ang lahat na ipinakita mo sa amin—kung naging masaya ka ba nung magkasama pa tayo?"

"What a useless question," Eleuthera uttered, then she smiled sweetly. "Of course not. Hindi ako naging masaya at hindi kailanman ako nagpakatotoo sa inyo. Sino ba naman ba kasi kayo? Lahat na ipinakita, pinadama ko sa inyo ay peke lang. Nasagot ko na ba ang tanong mo—"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Eleuthera ay lumapat na sa kanyang pisngi ang kanang kamay ni Heavenzy. Sa sobrang lakas ng sampal nito sa kanya ay tumabingi ang kanyang ulo.

Napatakip sa bunganga si Venus, hindi niya akalain na gagawin ito ni Heavenzy. Sa kabila ng mga maanghang na salita ng kaibigan ay hindi niya ito naisipan saktan pisikal—si Heavenzy pa talaga ang gumawa, ang babaeng sobrang pinapahalagahan si Eleuthera.

A smirk escaped Eleuthera's lips, "Ang hina, ang hina mo talaga Heavenzy. Inside out," She stretched her neck.

"Eleuthera, stop this shit now. Even me, I can't understand why you are doing this!" pagsaway ni Darren saka pumagitna sa kanilang dalawa.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ni Eleuthera at pilit tumitingin nang diretso sa mga mata nitong umiiwas. "Hindi ganito ang Eleuthera na nakilala at minahal ko."

"Bitawan mo ako, Ramirez. Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa 'yo sa oras na hindi mo ako bitawan," makahulugang pagbabanta ni Eleuthera. Binigyan niya ng diin ang bawat salita.

"Ano'ng ibig mo sabihin?"

"Bitawan niyo na ako. Hayaan niyo na akong umalis sa buhay niyo. Pagod na ako. Pagod na akong magpanggap ng isang pagkataong hindi naman ako. And please, act as if you've never met me."

"Bitawan mo na ang babaeng 'yan, Darren. Hayaan na natin siya kung saan siya masaya," galit na tumingin si Kris kay Eleuthera. "Akala ko pa naman, totoo ka. Nagkamali pala akong pagkatiwalaan ka."

"Eleuthera."

"Ramirez, hindi ako ang babae para sayo. Ang nararamdaman mo ay mawawala rin. Walang permanente, maglalaho at maglalaho ang lahat." Marahas na inalis ni Eleuthera ang mga kamay ni Darren.

Tahimik na nagmamasid si Zayn Eros, ayaw niyang makisawsaw sa mga ito. Aalis din naman siya kaya bakit pa? Babalik siya sa buhay niya kung saan wala siyang ibang pagtutuunan ng pansin kundi ang sarili at pamilya niya.

Ngunit pagbalik niya ba ay makakalimutan niya ang babaeng tumatakbo ngayon sa kanyang isipan.

Alam ni Eleuthera na sa oras na tumalikod siya sa kanila ay hindi na pwedeng lumingon pa at bumalik.

"Venus, sa sobra mong bait ay nakakainis na. Bawasan mo 'yan kung ayaw mo makakilala ulit ng isang tulad ko na sasaktan at maliliitin ka."

"Eleuthera, maglalaho na lang ba lahat?"

Hindi niya pinansin si Venus.

"Kris, 'yong bunganga mo pigilan mo minsan, ang sarap lagyan ng tape. Paalala ko lang naman, baka kasi makita mo ang katapat mo, sa huli'y umuwi ka nang luhuan."

"Matatanggap ko sana ang mga paalala mo pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyadong mapanakit."

Isa lang naman ang dapat niyang gawin at iyon ay ang humakbang paalis. Ngunit kaya niya ba ang huling beses ng lahat?

Pagsasamahan at pagkakaibigan ay maglalaho na bigla. Maari pang magdesisyon na humakbang upang magpaliwanag, hindi nga lang ito kasali sa pagpipilian.

Hindi siya dapat pumili kung dapat niya bang sundin ang puso o isipan o kaya naman ay maging masaya kasama sila o magisa't iligtas ang lahat.

Nang tumigil ang mga mata niya kay Heavenzy ay naubusan siya ng salita. Gusto na lang niyang maglaho na parang bola.

Marami ng pinagsamahan ang mga babae. Ang daming pagsubok na ang dumaan, hindi sila nito natibag bagkus naging mas matibay sila.

Heavenzy can't believe their tangled bond will be broken without any accurate explanations.

Hindi na nagpaalam si Eleuthera. Tumalikod na siya sa mga ito.

Nagpatuloy si Eleuthera sa paglalakad, may parte sa kanya na kating kati nang lumingon ngunit hindi nararapat. Kailangan niyang panindigan ang bawat desisyon na gagawin niya o hindi siya magtatagumpay—masasayang ang lahat kung nagkataon.

"You seem unhappy about what you did."

"Ba't ikaw natuwa ka ba sa pakikinig? Isa ka palang dakilang tsismoso," pabirong sagot ni Eleuthera.

"Hindi ko alam saan ako pupunta and that was the reason why I stayed. I don't have any bad intentions."

She didn't respond. She was silent as a deep night. Her footsteps are light, to the point where she is not even making any noise.

Zayn Eros was curious about what Eleuthera was thinking—what was going on in her mind? He wants to get to know her and understand her.

"Hindi ko alam bakit mo 'yon ginawa. Hindi ba sumagi sa isip mo na ikaw lang ang mas maaapektuhan?"

Hindi kumibo si Eleuthera.

Magkasabay silang naglalakad kaya nakikita ni Zayn Eros ang mukha ni Eleuthera. Masyado itong mahirap basahin.

"You are so quiet. Ang hirap basahin ng isip mo. Ang hirap malaman ng gusto mo."

Akala ni Zayn Eros ay hindi na magsasalita si Eleuthera, he was wrong. Makatapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita ito.

"Zayn Eros."

Nagtatakang lumingon muli si Zayn Eros kay Eleuthera. Tumigil ang babae sa paglalakad. Napatulala ito sa unahan.

"Bakit?"

Unti-unting napunta kay Zayn Eros ang mga mata ni Eleuthera.

"You called my name, didn't you?"

"What are you talking about? I never called your name," depensa ni Zayn Eros.

Hindi na pinagpilitan ni Eleuthera na tinawag siya ni Zayn Eros. Nauna na ulit siyang naglakad kahit pa ang bugso ng puso niya ay malakas.

"May tumawag ba sa 'yo?" habol na tanong ni Zayn Eros. "Wala rin naman kasi akong narinig," segunda pa nito.

"Wake up, baby."

Nanlaki ang mga mata ni Eleuthera nang muli na naman niyang narinig ang tinig ng isang lalaki.

Pamilyar ang boses nito. Sobrang pamilyar sa kanya. Ito ang nagbibigay sa kanya ng kilabot.

"Era, hey." Lumapit sa kanya si Zayn Eros. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

Tumingin ito sa mukha niya. "B–Bakit ka umiiyak?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status