Share

Chapter 4

JONI POV

NASA hapag-kainan na silang lahat at wala ni isang nagtatanong kay Angela, sa nangyari rito kagabi na ipinagtataka ni Joni. Para ngang wala talagang nangyari kagabi.

"Dross," tawag niya nang makita itong patungo sa hardin at sinundan niya ito.

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"Ah, eh. Kasi ano eh, kasi may nangyari kagabi. Si Angela-

"Kung tinatanong mo iyong kagabi na nangyari kay Angela. Oo, alam ko rin iyon at nagtataka ako kung bakit parang ngayong umaga ay wala na sa kanila ang lahat." Nanlaki ang mata ni Joni, kahit pala si Andross ay natatandaan ang lahat.

"Pero paanong tayong dalawa? Paanong natatandaan natin ang lahat?" takang tanong niya.

"I don't know. And I really don't understand what happened." Hinawakan niya sa braso si Andross at nakadama na siya ng takot.

"I think we need to get out of this place. Baka may mangyari sa atin dito, baka – baka may misteryong nangyayari na sa atin at dapat natin itong iwasan."

"Pero Joni, tingin ko dapat natin alamin ang bagay na 'yon." Hinawakan siya ni Andross sa kamay at tumitig sa kanya. "Joni, simula nang pumunta tayo rito ay may gumugulo na sa akin sa panaginip ko. Isang babae. Tingin ko, nangangailangan siya ng tulong." Nagulat siya at napatitig na rin sa binatang nasa harap niya.

"P-panaginip?" bulalas niya, "pero paano – paano kung hindi niya pala kailangan ng tulong? Dross, mas mabuti pang 'wag na lang natin pakialaman 'yan, baka makagawa pa tayo ng bagay na ikakapahamak natin. Please Dross, umalis na tayo rito parang-awa mo na," nagmaakaawang sabi ni Joni, sa binata. Napabuga ito ng hangin at binitawan ang kamay niya.

"Sige. Pero bukas pa, dinala kasi ni Mang Pancho ang van at pinaayos pa, na flat kasi ang gulong," tugon ni Dross.

"Sige. Salamat Dross." Nakahinga ng maluwang si Joni. Siguro, mas mabuting umalis na sila sa lugar na iyon para kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip na iyon ni Andross ay maiwasan nila ang kapahamakang dulot no'n

COLT POV

NAGLALARO si Colt ng games sa cellphone niya at nasa hardin siya ngayon kahit gabi na at hindi alintana ang lamig dulot ng hangin.

"Colt." Napalingon si Colt, sa malambing na boses na iyon. Pero dahil wala siyang makita ay ipinagpatuloy niya ang naudlot na paglalaro.

"Colt." Napatayo na siya. Nakadama na siya ng inis sa tumatawag na iyon sa kanya.

"Sino ba 'yan? Lumabas ka nga at 'wag kang mang-trip!" inis niyang utos dito.

"Colt."

"Lumabas ka nga! 'Wag mo akong bad trip-in!" inis pa ring utos niya. Nanlaki ang mata niya sa biglang pagsulpot ng isang babae. Napakaganda nito at may maamong mukha, sexy din ang katawan nito at kitang-kita iyon sa puting bestidang suot nito. "Who are you?" tanong na niya rito. Lumapit ito sa kanya at may lungkot ang mga mata nito.

"Kailangan ko ng tulong mo.Tulungan mo ako, Colt." Tumulo ang mga luha nito. Nakadama ng awa si Colt, sa babaeng umiiyak sa harap niya.

"Don't cry, lady." Hinawakan nito ang mga kamay niya at napaigtad siya sa lamig ng mga kamay nito.

"Bakit ang lamig mo?" gulat na tanong niya sa babae.

"Tulungan mo ako. Parang-awa mo na, ang tagal-tagal ko ng nakakulong sa lugar na iyon. Napakadilim doon at ang lamig-lamig. Parang-awa mo na Colt, tulungan mo ako."

"Saan ka ba nakakulong? At paano kita matutulungan? Hinila siya ng babae at sa halos tagong lugar ng bahay siya dinala nito. May pinto doon at nagulat siya nang kusang bumukas iyon. May hagdanan pababa doon at sa dulo ay may pintuan.

"Nasa ilalim ako. Nahihimbing nang matagal na panahon."

"Pero bakit nandoon ka? Bakit ka nakulong doon?"

"Dahil pinagkaisahan ako ng isang mangkukulam at magulang ko. Sabi nila isa raw akong halimaw," umiiyak na naman ito, "sumpa raw ang kagandahan na meron ako at sumpa raw ako."Hinawakan ni Colt ang mukha nito, awang-awa siya rito. "Tulungan mo ako, parang-awa mo na. Ang tagal ko ng nagtitiis sa pagkakakulong doon."

"Oo, tutulungan kita. 'Wag kang mag-alala ako ang sasagip sa'yo." Ngumiti na ang babae. Napakaganda talaga nito, lalo na kapag ngumingiti ito at kahalina-halina ang kagandahan nito.

"Salamat. Sa oras na mailigtas mo ako ay bibigyan kita ng gantimpala."

"Maging akin ka lang ay isang napakagandang gantimpala na iyon para sa akin."

Ngumiti na naman ito."Sa aking muling paggising ikaw ang magiging akin, ginoo."

"Handa akong magpa-angkin sa'yo."

"Hoy! Colt!" Napabalikwas si Colt, nang tampalin siya sa balikat. 

Si Markus pala iyon na nasa harapan niya. Napalinga siya sa paligid at hinanap ang magandang babaeng kausap niya kanina.

"Bakit diyan ka natutulog? Ang lamig lamig dito," sita sa kanya ni Markus.

"Nasaan na 'yong babaeng kausap ko?" tanong niya.

"Huh? Babae? Nagpalinga-linga rin ito. "Nananaginip ka lang 'ata pare, eh."

"Meron talaga akong kasamang babae at humihingi siya ng tulong!" diin ni Colt kay Markus.

"Pare, tumayo ka na diyan. Doon ka na matulog sa kwarto mo." Tumayo siya pero hindi siya naglakad paalis doon. Naalala pa niya ang pinag-usapan nila ng babaeng iyon at nangako siya na tutulungan niya ito. 

Hinawakan niya sa balikat si Markus."Samahan mo ako Markus at papatunayan ko sa'yong totoo ang sinasabi ko."

"Ha?"

Hindi na siya nagsalita at naglakad na siya paalis. Sinundan naman siya ni Markus pero bago pa sila nakarating sa pupuntahan nila ay nakasalubong na nila si Andross. Kasama nito sina Camilla, Viena, Angela at Joni.

"Oh, nandito lang pala kayo, eh. Mag -iusap sana tayo at sina Mia, Froilan at Levi na lang ang kulang pakitawag na lang sila, Cam," sabi ni Andross.

"Saka na muna iyan, total nandito kayo sumama na rin kayo at may ipapakita ako sa inyo," aniya habang seryosong nakatingin sa mga nakasalubong.

"Ano naman 'yon, Colt? Mamaya nangti-trip ka lang ha, sasapakin talaga kita!" banta ni Viena.

"Hindi interesting ito," tugon niya rito at naglakad na siya. Sinundan naman siya ng mga ito hanggang sa nakarating siya sa balak niyang puntahan.

"T-teka bakit tayo nandito?" may bahid na takot na tanong ni Joni.

"Dahil nandito ang tinutukoy ko," tugon ni Colt. Hinawakan na niya ang door knob.

"Tigilan mo na 'yan, Colt! Naka-lock iyan kaya hindi ka makakapasok diyan." Pero nang pinihit niya ito ay nag-click ang door knob at bumukas ito na ikinagulat ni Andross.

"Paano-

"Akala mo lang siguro," nakangiting putol ni Colt sa sasabihin pa sana ni Andross.

Tuluyang bumukas ang pinto at isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanila. Nakadama siya ng kilabot pero desidido siyang iligtas ang magandang babaeng nag-aantay sa kanya sa lugar na iyon. 

Kinapa na niya ang gilid ng pader sa loob ng lugar na iyon at nang makapa niya ay agad niyang pinindot ang switch, nagliwanag iyon at hagdanan pababa ang meron doon. Sa baba ay isang pinto na naman.

"Totoo nga! Meron talagang hagdan at pinto sa baba," natutuwang bulalas niya.

"Tigilan na natin ito, Colt. Pumunta na tayo ng sala at may dapat tayong pag-usapan." Napatingin si Colt kay Joni dahil ito ang nagpipigil sa balak niyang gawin.

"Ayaw niyo bang malaman kung anong meron sa loob niyan? 'Wag nga kayong komontra!" inis niyang tugon dito.

"Eh 'di tara na! Ano pa bang inaantay natin dito?" sabat ni Viena.

Napangiti si Colt, at lumakad na siya pababa. 

JONI POV

WALANG nagawa si Joni. Nakatingin lang siya sa papasok na si Colt at sumunod ang mga kasamahan niya sa trabaho at kaibigan niya.

"Joni? Are you okay?" tanong ni Angela sa kanya.

"Oo. I'm okay."

"Sumama na tayo sa kanila. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa atin doon sa loob."

"Pigilan mo sila! Napalingon si Joni sa nagsalita. May bumulong sa kanya at hindi niya alam kung sino.

"Joni, bakit?" tanong na naman sa kanya ni Angela.

"May sinabi ka ba?" tanong niya rin sa kaibigan.

"W-wala. Bakit?"

"Wala, wala."

Nabuksan na ni Colt ang pinto sa ibaba at pumasok na ito sa loob. Sumunod na rin ang iba kay Colt at sila ang huling pumasok. Sumalubong sa kanila ang isang tipikal na basement na may mga lumang kagamitan at kung anu-ano pa.

"So, ito ang ipapakita mo sa amin, Colt?" sarkastikong tanong ni Viena.

"Hindi. Nasaan na ba iyon? Sabi niya nandito raw siya at nakakulong."

"Naka-drugs ka ba, Colt? Sino naman makukulong dito eh, isang lumang basement lang namin ito!" inis na sabi ni Andross.

"Pre, sabi niya nandito siya at humihingi siya ng tulong sa akin. Maganda siyang babae napakaganda at-

"Ayon oh! Babae na naman!" sabat ni Camilla, "paano naman mapupunta ang magandang babae sa lumang basement na 'to ha, Colt? Anong gagawin niya rito magtatago?"

"Kinulong siya rito!" diin ni Colt.

"Tama na nga 'yan! Magsiakyat na tayo sa taas at may pag-uusapan pa tayo," utos na ni Andross.

Handa na sana silang umalis sa lugar na iyon, nang may malakas na lumagabog at napalingon silang lahat doon. Isang cabinet na tumumba bigla at kahit ang mga gamit doon ay nagsitalsikan. Lumapit si Colt doon at may tinulak ito sa ding-ding na ikinagulat nilang lahat.

"'Tol, may elevator dito. Makalumang elevator," sabi ni Colt.

"Really? Can I see?" tanong ni Viena at agad lumapit."Wow! Ganito pala itsura ng lumang elevator."

Isang lumang elevator nga ang nandoon. Mukha itong hawla o platform na may nagpapataas na kadenang mahaba na pinapataas ng makinarya at nagpapababa rin para sa paghatid ng tao o bagay sa itaas at para maipababa rin. Kulay lumang ginto ito, marahil sa tagal na rin ng panahon at may supot na rin ng gagamba sa paligid nito.

"Tara, let's try!" aya ni Colt.

"Uy! Baka sa sobrang kalumaan niyan ay marupok na 'yan at mapahamak kayo!" sita ni Markus kila Colt.

" 'Wag ka ngang duwag!" nakangising sabi ni Colt at pumasok na sa lumang Elevator sumakay na rin si Camilla at Viena at mayamaya ay bumaba na ito.

"Sumunod kayo, ha! Wag kayong kj!" habol ni Colt, habang pababa ang sinasakyan nila. Nang umakyat ang elevator ay nagkatinginan pa sila nina Markus, Andross at Angela.

"Tara," yaya ni Andross.

"Pigilan mo sila! Napalingon na naman siya sa nagsalita. Ngayon iba na ang tono ng boses nito. Nakakatakot na ang boses nito at parang galing sa ilalim ng lupa.

"Sino 'yan?" tanong na niya at nakadama ng takot.

"Ha? Anong sino 'yan?" tanong rin ni Andross. Napatitig siya kay Andross, nag-iisip kung sasabihin ba niya rito ang naririnig niya pero baka magmukha siyang baliw. "W-wala," pagsisinungaling niya.

"Tara na!" yaya na rin ni Angela. Wala tuloy siyang choice kundi sumama sa mga ito pasakay sa elevator.

ANGELA POV

NAGTATAKA si Angela dahil kakaiba ang kinikilos ngayon ni Joni at mukhang takot na takot ito. Panay ang linga nito habang nakasakay sa lumang elevator na meron sa basement, pag tinatanong naman niya ito kung anong problema wala lagi ang sagot nito.

"Ang tagal niyo naman!" reklamo ni Colt, nang makalabas sila ng elevator. Parang isang underground ang lugar na iyon. Malawak ito at may mga lumang kagamitang pambahay rin.

"Andross, ano ang lugar na ito? Bakit may ganito kayo?" tanong na niya kay Andross.

"Hindi ko rin alam. Ngayon ko lang nalaman na meron pa lang underground sa bahay na ito."

Sinundan na naman nila si Colt, may tinatahak kasi ito na hindi nila malaman kung saan. Mahabang hallway ang pinuntahan nila at sa dulo n'on may pinto na naman.

"Dito na iyon!" sabi ni Colt. Binuksan ni Colt ang pinto at kadiliman ang sumalubong sa kanila sa loob ng pinto. Bago pumasok si Colt, luminga-linga ito at may nahanap ito saka kinuha. Lampara sinindihan niya ito gamit ang lighter niya at nang makapasok sila ay lumiwanag na sa loob.

"Oh my God! This is real!" sigaw ni Colt. Kaya mabilis silang pumasok at lahat sila ay natigagal sa nakita nila sa lugar na iyon.

"S-sino 'yan at bakit nandito siya?" tanong ni Markus.

Napatingin siya kay Andross, nagtatanong ang mga mata niya. "Hindi ko alam. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yan, eh." Muling napatingin siya sa babaeng himbing na himbing sa kama na nasa gitna ng kwarto.

"She's so beautiful," humahangang bulalas ni Colt. Nilapitan niya ito at hinaplos ang mukha nito.

"Look! May weird na libro rito," kuha ng atensiyon ni Viena sa kanila. Binuklat ito at nangunot ang noo ni Viena, "I can't understand this." Mabilis na kinuha ni Colt, ang libro at kahit itoay  hindi naiintindihan ang nasa loob ng libro.

"I think this is Latin word," sabi ni Colt, "sino marunong bumasa at umintindi ng Latin."

"Me. Pero konti lang," tugon ni Camilla.

"Sige, try this." Iniabot kay Camilla, nang kinuha ito ni Camilla ay binasa niya ito at nangunot din ang noo nito. "Sabi dito ang kapangahasan ay kapahamakan ang dulot. Wow! What's that mean?"

"Basahin mo pa," naiinip na utos ni Colt.

"No! tama na 'yan!" sigaw na ni Joni, na ikinagulat nilang lahat.

A/N

Enjoy repz 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status