Share

Chapter 5

ANGELA POV

"BAKIT naman? Eh, nandito naman na tayo, bakit hindi natin alamin kung anong meron diyan?" tanong ni Viena. Nilapitan ni Angela, ang babaeng nakahiga sa kama at niyugyog ito.

"Hey! What the hell are you doing?" sita sa kanya ni Colt.

"Baka naman, anak iyan ng care taker o nino man na nagtatrabaho rito at nanti-trip sa atin. Miss, gumising ka na, tigilan mo pangti-trip mo!" inis na paggigising niya pero hindi ito gumagalaw. Inalog-alog na niya ito at balak na niyang sampalin ito pero hinawakan na siya ni Colt, sa kamay na ikinakislot niya sa diin ng pagkakahawak nito.

"Don't you ever dare try to hurt her!" banta na nito.

"Colt! Ano ba! Nasasaktan mo na si Angela!" sita ni Andross at lumapit na ito sa kanila. Tinulak siya ni Colt kay Andross at binitawan niya.

"Pagsabihan mo 'yang girlfriend mo. Masyadong bayolente at gustong saktan ang magandang babaeng nasa kamang ito." Natitigan niya ang babaeng kanina ay ginigising niya. Tama ito, maganda talaga ang babae at makinis ang balat para itong artista, hindi, mas higit pa doon. Sa kagandahang taglay nito.

"Dalhin kaya natin siya sa Ospital, baka naman coma lang 'yan at need niya ma-Ospital," suhestiyon ni Viena.

"No! Alam ko magigising siya! At nasa librong iyan ang sagot para magising siya!" diin ni Colt.

"Nababaliw ka na ba, Colt? Paano mo naman nalaman na nasa librong iyan ang sagot?" naiinis ng tanong ni Joni.

"Dahil siya mismo ang nagsabi sa akin!" Tinuro ang babaeng nasa kama. "Tinuro niya kung nasaan siya kanina no'ng nasa hardin ako at nang nakababa na kami rito binulong niya kung anong dapat kong gawin, para magising siya."

"Nakahithit na naman 'ata 'to si Colt, eh," nakangising bulalas ni Camilla.

"Hindi ako naka-drugs at nagsasabi ako ng totoo kaya basahin mo na 'yan, Camilla."

"Sige na nga. 'Wag ko ng basagin trip mo! Nagbasa ulit ito ng tahimik sa libro. "Oh ito, ayon sa libro ay may ritwal ng habang buhay na pagtulog. Weird din ng libro, mukhang nakahithit nagsulat nito," natatawang sabi ni Camilla.

"Hanapin mo kung paano magigising ang babaeng ito!" sigaw na utos ni Colt.

"Oo na oo na! High blood? Nagbasa ulit ng tahimik, "ito 'yong reverse ng ritwal ng habang buhay na pag tulog! Wait babasahin ko na muna at iintindihin, ha."

"Sige.," payag ni Colt.

"Sabi rito sa librong may Latin na salita ay para raw magising siya ay kailangan daw alayan ang magandang babaeng 'yan ng dugo ng isang birhen na lalake." Napatingin siya sa sinabi ni Camilla, matapos basahin ang lumang libro, "ipainom ito at kasabay ay banggitin ang salitang-

"Gumising ang natutulog na diwa. Bumangon ang nakahimlay na katawan at ibalik ang nakatulog na pagkabuhay," nakangisi si Camilla, pero siya ay nakadama ng kilabot. "Ang weird talaga, ha. Parang sa pelikula lang ito, ah? Horror movies," tumawa pa ito. Pero walang natawa sa sinabi nito lahat ay seryoso pa rin.

"Sino ang birhen na lalaki diyan? Umamin na," nakangising sabi ni Colt.

Walang nagsalita pero ngising-ngisi pa rin si Colt at tumingin pa ito isa-isa sa mga kaibigan niyang lalaki.

"Tigilan na natin ito. Siguro ang dapat ay dalhin natin sa Ospital ang babaeng 'yan. Paano kung na-coma lang talaga siya?" tutol niya sa mga ito.

"Angela, ano ba! Wag kang kj!" sita sa kanya ni Viena.

"Oo nga. Hindi ba kayo na-we-werduhan diyan sa itsura ng libro? At itong babae? Bakit buhay pa siya kahit matagal na siyang nandito sa pinakailalim ng bahay niyo, Dross? Paano kung may masamang mangyari kapag ginawa natin iyan?" sabat na rin ni Joni.

"Subukan lang natin. Kapag hindi naman umepekto ay tigilan na natin ito," sabi naman ni Andross.

"Markus, pahingi ng dugo mo. Sa ating lahat, 'di ba ikaw ang virgin pa?" nakangising sabi ni Colt.

Napatingin lahat kay Markus at natatawa naman ang iba.

"Sa gwapo mong iyan ay virgin ka pa rin?" natatawang tanong ni Camilla kay Markus.

"Sana sinabi mo ng mabinyagan kita," natatawang dagdag rin ni Viena."

"Thank you na lang Viena, pero ayoko kasing makipag-sex for pleasure. Dahil for me, sex is for love, not only for pleasure," seryosong tugon ni Markus.

"Oo na. Ikaw na! Pahingi na ng dugo mo nang matapos na ito," sabat ni Colt.

" 'Markus!" pigil ni Joni. Nagkatitigan ang dalawa.

"Pwede ba Joni, 'wag kang kj! Parehas lang kayo nitong best-friend mo eh, mga Kj!" inis ng sabi ni Colt at inabot kay Markus ang kutsilyo.

" 'Wag Markus! Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag ginawa natin ito!" pigil pa rin ni Joni. Natigilan si Markus at hindi na inabot ang kutsilyo.

"Ang o-OA niyo!" inis na namang sabi ni Colt.

"Aray!" sigaw ni Markus. Dahil sinugatan na siya ni Colt sa braso at nang nagdugo na ito ay kaagad sinahod ni Colt ng baso ang dugo nito.

"Are you crazy, Colt? Bakit ginawa mo 'yon?

"Ang OA niyo kasi, eh! Nilapitan nito ang magandang babae na nakahiga sa lumang kama at walang malay.

"Please wake up, Miss," sabi pa ni Colt at ibinuhos ang lahat ng dugo sa bibig ng magandang babae.

"C-Colt!" bulalas ni Angela. Lahat sila ay nag-antay sa susunod na mangyayari pero limang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nangyayari.

"Hay naku! Sabi ko na, eh!" bulalas ni Colt. "Walang silbi naman pala ang librong 'yan, Camilla! Nilapitan niya si Camilla at kinuha ang libro saka ito tinapon. 

"Nababaliw ka ba na Colt!" sigaw ni Camilla. " 'Wag ka ngang magwala, Colt! Hindi mo pa kasi sinasabi ang magic word!" sita at paalala ni Camilla.

"Magic word? Anong-

"Gumising ang natutulog na diwa. Bumangon ang nakahimlay na katawan at ibalik ang nakatulog na pagkabuhay," sigaw ni Camilla, na itinaas pa ang dalawang-kamay, "boom!" dagdag ni Camilla at natawa pa na parang biro lang ang lahat.

Nagulat na lang ang lahat at napatili ang mga silang kababaihan, nang biglang humangin ng malakas. Sa sobrang lakas nito ay nalaglag ang lahat ng mga kagamitan na nandoon at nabasag din ang bombilya ng ilaw kaya nawalan ng liwanag ang buong kwarto na kinaroroonan nila.

"Saan galing ang hangin na 'yon? Wala naman kahit anong panggagalingan n'on?" narinig niyang tanong ni Viena. Kahit siya nag-iisip kung saan nga ba galing ang hangin na iyon. Saradong-sarado ang kwarto na ito at ito ang pinaka-ilalim ng basement ng rest-house nila Andross.

Bumukas ang ilaw at nagkatinginan silang lahat.

Ang babae!

Nawawala na siya sa kama na kinahihigaan niya!

"Umalis na tayo rito. Natatakot na ako!" sabi ni Viena. Magsisialisan na sana sila.

"Sino kayo?" Napalingon sila sa tinig na iyon ng isang babae. Napakalambing ng boses nito at napakaganda sa pandinig.

"N-nabuhay ka?" gulat na tanong ni Colt.

Ngumiti ang napakagandang babae sa kanila at lumapit ito unti-unti sa kanila. "Oo. Di'ba ito ang nais mo, ang mabuhay ako? At heto na ako sa harap niyo. Buhay na buhay." Ngumiti na naman ito.

Napakaamo ng mukha ng babae, subalit nangilabot siya sa ngiti nito. Hindi maganda ang pakiramdam niya at may kakaiba talaga sa babaeng ito. 


"Paanong? Paanong nagising siya?" tanong ni Joni, kitang kita na gilalas na gilalas ito.

"Dahil sa inalay niyong dugong birhen na lalaki sa akin." Tumingin ito kay Markus at lumapit ito rito. "Maraming salamat binata, sa pag alay mo ng iyong dugo." Nakita nilang parang natulala siya Markus at nawala sa sarili. 

"Walang anuman." hahawakan sana ni Markus, ang mukha ng dalaga nang hilahin ni Colt ang babae.

"Don't touch her! She's mine!" mabalasik na banta ni Colt kay Markus.

"Umalis na tayo rito," aya na ni Camilla. "Nangingilabot na ako. Doon na natin sa taas kausapin ang babaeng 'yan, tara na! Nauna ng lumakad paalis si Camilla kaya sumunod na rin sila. 

"Sino ka ba talaga? At saka anong trip mo ngayon, bakit sa ilalim pa ng basement trip mong matulog?" tanong ni Viena, sa magandang babae na natagpuan nila sa ilalim ng basement. Nasa sala na sila ngayon at doon inaalam na nila kung sino nga ba ang babaeng natagpuan nila, sa ilalim ng basement.

"Hindi ko mawari ang iyong sinasabi. Ano ang ibig pakuhulugan ng trip?" naguguluhang tanong ng babae. Makikita mo na naguguluhan ito sa sinasabi ni Viena

"Napakamakata naman nitong magsalita. Ano ba ang pangalan mo?" tanong ni Camilla sa babae. 

"Cassandra. Iyon ang pangalan ko."

"Napakagandang pangalan at bagay na bagay sa'yo," humahangang bulalas ni Colt.

"Cassandra?" gulat na tanong ni Andross.

"Bakit Andross, kilala mo ba itong babaeng ito? Siguro chicks mo ito, ano?" nakangising tanong ni Viena. Nakadama siya ng inis. Marahil nga babae ito ni Andross, dahil sa lalaki naman ang bahay na ito at ano naman ang gagawin ng isang magandang babae sa bahay na ito kung wala naman siyang kakilala rito.

"H-hindi, ah. Parang narinig ko na kasi ang pangalan na iyon, eh."

"Fine! Fine! Tanungin na ulit kita, Cassandra. Anong ginagawa mo sa ilalim ng basement bakit doon ka natutulog? Saka taga-saan ka ba?" tanong ulit ni Viena.

"May isang mangkukulam na nagkulong sa akin sa lugar na iyon at pinatulog niya ako, sa matagal na panahon." Makikita ang gulat ng bawat isa sa kanila pero mayamaya ay tumawa sila Viena at Camilla.

"May saltik naman pala itong babaeng ito," tawa tawang sabi ni Camilla.

"She's not crazy! Don't call her like that!" galit na bulyaw ni Colt, na ikinagulat nila Camilla at Viena.

"Colt, easy. Nasabi lang naman naming iyon dahil sa sinabi niya. Tama bang sabihin na may mangkukulam daw na nagkulong sa kanya at pinatulog siya ng mahabang panahon? Ano siya si Sleeping beauty? Hindi na naman napigilan ni Viena, ang mapabungisngis. "Ano sa tingin mo iisipin naming eh, 'di nababaliw na siya."

"Hindi ako nasisiraan ng utak. Tanging pawang katotohanan ang aking sinasabi. Kailangan natin mag-ingat, marahil ngayong nagising na ako sa aking pagkakahimbing ay maaaring bumalik siya at guluhin na naman niya ako. Kailangan ko ng tulong niyo, na malupig ang kasamaan niya," pakiusap ni Cassandra. Ayaw niya man paniwalaan ang sinasabi ni Cassandra, pero hindi niya maintindihan kung bakit kinikilabutan siya sa sinasabi nito.

"Tingin ko, she need a Doctor. Ahm, kung hindi natin malalaman kung taga saan siya, siguro after natin siyang mapa-Doctor ay dalhin natin siya sa Pulis, baka hinahanap na siya ng mga magulang niya," suhestyon naman ni Joni.

"Hindi! Sa akin lang si Cassandra! Hindi siya pwedeng malayo sa akin!" sigaw ni Colt. Mukha na itong desperado sa paningin  niya.

"Colt, nababaliw ka na ba? May saltik sa utak ang babaeng iyan! At kailangan natin isauli kong saan man siya galing, baka mamaya mapahamak tayo dahil diyan o kaya ipakulong tayo ng kung sino man ang naghahanap sa kanya!" inis ng sabat ni Markus.

"Hindi niyo mailalayo sa akin si Cassandra! Tumayo ito at hinawakan sa kamay si Cassandra. "Halika na, Cassandra. Magpahinga na tayo sa kwarto ko." Hinila ang babae.

"Colt, ano ba! 'Wag kang gumawa ng kalokohan sa babaeng 'yan, tandaan mo nandito ka sa pag-aari ko!" banta na ni Andross.

"Bakit naman ako gagawa ng masama sa kagaya ng ganito kagandang babae? Nasisiraan na ba kayo ng bait?" parang wala na sa sariling sabi ni Colt.

Lahat sila ay napatangang nakatingin lang kay Colt, ngumiti pa si Colt na parang naka-droga. Hinila na nito si Cassandra at umalis na.

"High ata 'yong kumag na 'yon," sabi ni Camilla.

"Lagot ang babaeng iyon baka bukas hindi na makalakad 'yon," tatawa-tawang sabi ni Viena.

"Hindi magandang biro 'yang sinasabi mo, Viena!" saway na ni Andross kay Viena, kaya natahimik na ito, "bukas magtatanong ako sa care taker naming kung kilala nila si Cassandra, nang makauwi na siya sa kanila. Sa ngayon, magsitulog na muna tayo."

Nagtayuan na sila at nagsipuntahan sa kanya-kanya nilang kwarto. Nakatulog naman sila kaagad pero nagising siya sa isang ungol at gumagalaw pa ang kama niya.

"Bakit hinayaan niyo siyang magising? Bakit?" Napalingon siya kay Joni, na bumubulong.

"Joni?" tawag niya rito. Nagulat siya ng umupo ito gising na ito, nakayuko at may binubulong ito. "J-Joni?

Nagulat siya nang humarap ito at nakadilat ang mga mata nito pero puro puti lang ang makikita sa mga mata nito.

"Hindi niyo dapat hinayaang magising siya. HINDI DAPAT!!!!!

A/N 

-Enjoy 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janel Pabelonia
dopat di putol putol
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status