The Broker Series #2: ASSET
The Broker Series #2: ASSET
Author: Hxnnxhssi
PROLOGUE

"Kompleto lahat 'yan." Binaba ko ang shades na suot ko para maayos na makita ang pera sa attache case na hawak ng kalbong lalaki. Napangisi ako dahil ngayong gabi ay mapupunta lahat 'yan sa kamay ko.

"Magandang nagkakalinawan tayo, Kevin!" Sabi naman ng isang matandang lalaki. Mukha ito ang leader ng mga bugok na 'to. Pinaikot ko ang hawak kong pistol sa mga daliri ko habang inaantay ang maganda timing para lumusob. Wala akong pakialam sa mga mawawala ngayon. Ang mahalaga lang ngayon ay makuha ko ang pera at mga drugs sa mga tanga.

"Kung ganito tayo lagi walang gulong magaganap." Hininto ko ang pag-ikot sa baril at hinigpitan ang pagkahawak duon. Sinilip ko sila mula sa malamig na pader na pinagtataguan ko.

Mga sampung tao ang nandito at ang laman ng bala na hawak ko sa eight. Swerte naman ng dalawa tatagal pa sa mundo.

Sumilip ulip ako sa kanila na ngayon ay nagkakamayan na. lumipat ako ng pwesto at pinuntirya ang may hawak na pera.

"Kalbo, masyado ka ng matagal dito sa lupa panahon na para ilagay sa ilalim ng lupa." Mahina kong sabi. Pinaputok ko ang baril ng sunod sunod at apat agad ang naitumba ko.

Nagtago ako sa likod ng pader ng palitan nila ako ng putok. Tumakbo ako sa kabilang at dalawang bala ang pinakawalan ko.

Apat na lang ang kailangan. Sumilip ako para tignan sila pero napatago ako ng paulanan nila ako ng bala sa kabila ako sumilip at hindi nila iyon na pansin. Ang dalawang tinggang natitira sa baril ko ay binaon ko na sa dalawang tao na wala naman kwenta ang buhay.

Ngayon ay wala na akong bala. Dalawa lang ang pwedeng mangyari. Mamatay ako o mamatay sila. Nakatago ako dito sa pader at umupo ako ng makita ko ang isang anino. Bigla s'yang lumitaw pero mali ang tutok n'ya ng baril dahil nakaupo ako. Inagaw ko iyon at hinampas ko ang walang bala kong baril sa mukha.

Umikot ako para paputukan ang isa pang lalaki. Ngayon ay dalawa na lang kaming buhay sa lumang bodega na ito.

Inipit ko ang nakuha kong baril sa lalaki sa likudan ko. Hinawakan ko s'ya sa kwelyo para itayo. Nagdudugo ang ilong nito dahil sa pagkapalo ko ng baril sa kan'ya.

"Gusto sana kitang buhayin kaso ang pangit naman kung ganun!" Seryoso kong sabi dito at isang suntok ang iniwan ko sa kan'ya para bumalik sa sahig na pinagmulan n'ya.

"Sino ka ba?" Nagsmirked ako sa tanong n'ya. Tumalikod ako sa kan'ya para kunin ang nagkalat na pera sa sahig pero huminto ako ng maramdaman ko s'yang gumalaw.

"Rifle Winchester!" Inubos ko ang bala ng baril n'ya sa katawan nito.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
hirafax446
try ko ito parang maganda
goodnovel comment avatar
Olivia
mukang madugo ang kwento nito
goodnovel comment avatar
Emma
Prologue palang nakuha na ako sana maganda hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status