Chapter 2
Almira's POV
"Argh!" Inis na ungol ko at parang batang nagpagpag ako ng paa habang nakaupo sa sofa ng sala namin.
Kasalukuyang napapahilamos ng mukha dahil sa inis, kapag naalala ko ang nangyari kahapon.
Isang halik na hinding-hindi maalis sa isip ko, kahit nga kagabi na matutulog na ako laging lumilitaw ang scene na 'yon. At kapag pumapasok siya sa isip ko ay hindi ko maiwasan mapaungol sa inis.
"Argh! Nakakainis talagang lalaki na 'yon!" inis na sabi ko, nang pumasok na naman sa isip ko ang eksenang 'yon.
"Girl! Para malaman mo kung sino talaga ang nanghalik sa'yo kahapon, maybe nandito siya." sabi ni Jessy saka pinakita ang tablet niya.
Tiningnan ko ang tablet niya.
"Nand'yan? Paano naman siya nagkakasya sa tablet mo?" nakahalumbabang sabi ko.
"Gaga! Try mo kaya kung magkakasya siya dito!" sarcastic na tugon niya. "I mean, eto oh..."
Pinakita niya sa'kin ang column ng mga hottest teen hearthrob sa Eislerville Academy. Kinuha ko sa kamay niya ang tablet niya at tiningnan ng mabuti ang website.
"Bakit parang di ko ata 'to nakita noong ini-stalk ko ang website nila?"
"Eh sinearch ko lang naman ito sa website nila and viola! Eto ang lumabas!" Tumili si Jessy. "Grabe! ang ha-hot nila oh!"
"Ikaw talaga! Napakahilig mo." sabi ko saka inirapan siya.
"Syempre!" sabi niya saka tumawa. "Oh sino dito? OMG! Ang ga-gwapo nila oh!" sinimulan niya ng i-scroll down ang mga pictures.
Infairness, ang ga-guwapo nga ng mga nandito. Pwede silang ipantay sa mga sikat na actor, k-pop boyband or kahit kay Harry Style man 'yan. Iba ang karismang dala ng bawat picture.
Scroll lang siya ng scroll at kapag may lumilitaw na picture, tili ng tili ang mokong. Mababasag na ata eardrum ko sa lakas ng tili niya.
"Evan Fernandez ang hot niya din, ang cute pa ng smile." sabi niya sa pagitan ng pagtili. Muli ay nag-scroll down siya at tumili na naman.
"Aray naman! Mabibingi na ako sa'yo!" reklamo ko. "Pero wait! pakibalik nga 'yong pic ni Evan."
Ini-scroll niya pabalik para makita ko ulit ang picture. Instantly, lumaki agad ang mga mata ko. Umawang ang bibig ko.
"Siya! Siya 'yong nagnakaw sa'kin ng halik kahapon! Siya talaga 'yon!" turo ko sa picture ni Evan na naka close-up. Hindi ako pwedeng magkamali. That stupid! That jerk. Siya talaga 'yon!
"OMG, talaga?" gulat na sabi ni Jessy.
"Oo siya talaga 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali!"
"Pero infairness gwapo siya ah? At sikat siya girl! OMG Sana ako na lang hinalikan niya." pagdaday-dream nito.
"Aray naman!" binatukan ko siya. Masyado kasing ambisyoso.
"Naiinis na nga ako diyan. Nag-a-ambisyon ka pa sa lalaking 'yan." Inis na sabi ko habang tinuro-turo ang picture ni Evan sa tablet ni Jessy.
"He's so cute kaya, at saka don't be mad, Gwapo naman ang kumuha ng first kiss mo girl! Haaay... sana maging first kiss ko din siya."
"Kahit gwapo pa 'yan kung ayoko naman magpahalik. Ayoko ko! Ok?" inis na sabi ko.
"Ok, highblood lang teh? So ano na ang gagawin mo kapag nakita mo si Evan?" Tanong niya.
"Papatayin!" gigil na sabi ko.
"Oy! 'Wag naman! Ibalato mo na lang sakin." Ang landi-landi talaga ng baklang 'to.
I gave him a death glare. He chuckled.
"Joke lang." sabi ni Jessy saka nagpeace sign. "Buti pa girl, labas na muna tayo. We should take the last week of vacation! Kesa mainis diyan, cheer up and lets go shopping!"
"Hmm, mabuti pa nga, baka kumulubot pa ang face ko sa kakaisip sa bwisit na lalaking 'yon." pagsang-ayon ko saka tumayo na ako. Pero napatigil ako nang magring 'yong cellphone ko.
My mom's calling.
"Yes, Mom, napatawag ka po?" tanong ko sa kabilang linya.
"Get dressed at pumunta ka dito sa office."
"Hah? Bakit po?"
"Mr. and Ms. Gonsalez wanted to see you para sa arrange marriage."
"Eh Mom, napaaga naman ata?" Napatingin ako kay Jessy na medyo nanamlay, kasi hindi kami matutuloy ngayon.
"Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng time. The rest, hectic na ang schedule nila. Kaya sweetie magbihis ka na ah? Be beautiful. Sige na bye-bye na."
"Pero Mo-" Napabuntong hininga na lang ako kasi in-end call na ni mommy ang tawag.
Haaay! Napatingin ako kay Jessy na nagkibit balikat na lang.
*********
"So I hope on August we can make the wedding perfectly." sabi ni Mr. Gonsalez.
"Of course we can make it. And i can't wait for it!"
Masayang sabi ni Mommy sa dalawa. Tae! Hindi ko lubos maisip na sa August ay ikakasal na ako.
I can't even imagine that I am wearing a wedding dress. Kung hindi lang talaga sa condition ni Mommy na mag-aaral ako sa Pilipinas especially sa school ni Daddy, kapalit ng pagpayag ko ng arrange marriage na 'yan. Hinding -hindi talaga ako papayag, magkatsunami man, lindol o mabuhay man ang patay, hindi parin ako papayag.
Pero as my Mom said. Gagawa din daw naman siya paraan para magkahiwalay naman kami agad, kapag napirmahan ko na 'yong magiging share namin sa yaman nila.
'Yon lang naman ang habol ni Mommy ang yaman. At hindi ko magawang magalit sa kanya. Kasi she gave me everything what a girl wants. At iyon na din ang tulong na alam kong gusto kong ipaabot sa kanya. And you know that for the sake of my mom's happiness pagbibigyan ko siya.
Because I owe my life on her. I have a broken family, and si Mommy na lang ang meron ako. Kaya dapat lang na sundin ko siya.
Besides, I don't believe in love. Most especially In a long-lasting relationship. Lahat nawawala, lahat aalis din. Lahat susuko at lahat magbabago. Naniniwala kasi ako sa salitang 'Walang Forever'
"Excuse me lang po, wash room muna ako." paalam ko sa kanila.
Lumabas ako pero sa lobby ako pumunta at hindi sa CR.
Pumunta ako sa bintana para sumagap ng fresh air.
"Akala ko ba sa wash room ka pupunta?"
Halos mapatalon ako sa gulat, dahil sa pagsulpot ni Jerome mula sa likod ko.
"Sinusundan mo ba ako?" pataray kong tanong sa kanya.
"Your Mom's request." ani niya tsaka nagkibit-balikat.
"So, you're now my bodyguard, huh?" sarcatic na sabi ko.
"Ok lang, kahit habang buhay pa 'yan, basta ba ikaw lang ang babantayan ko." at saka nagwink pa siya sa'kin.
"Tss..." Napangiwi ako. "Hoy! Excuse me lang ah. Kung iniisip mo na gusto ko ang arrange-arrange marriage na 'yan, you're wrong! Because you are not my type ok?" kahit sabihin na natin na gwapo siya.
Mas gusto ko na lang maging matandang dalaga, kesa ang magmahal ng mga taong manloloko.
Just like my Dad. Niloko niya si Mommy, sumama siya sa mas mahal daw niya.
Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
"Ok lang naman. Kasi ang pagmamahal, pinag-aaralan. Kapag kinasal na tayo, you will be learn to fall inlove with me."
Parang gusto kong masuka sa sinabi niya.
"Kahit pumuti pa ang uwak. Hinding-hindi 'yon mangyayari! Pwede ba 'wag kang magambisyon?" prankang sabi ko. Then tinalikuran ko siya at naglakad paalis.
I called my mom na umalis ako. Nag-deny na lang ako na masama ang pakiramdam ko para hindi na siya magtanong pa.
***********
EVAN
"Hon... late ka naman..." sabi ng babae na pumulupot bigla braso ko.
"Bago na naman 'yan?" Bulong ni Kris sa'kin sabay siko.
"Actually, lima silang bago," nakangising sagot ko.
"Huh? Lakas mo talaga!"
"Hon, saan gusto mong pumunta?" tanong ng babae sa'kin. Hindi ko siya kilala. Actually hindi ko kilala ang mga girlfriend ko. Basta isang halik ko lang sa kanila. Girlfriend ko na 'yan. Hahabulin na nila ako, hanggang sa kung anu-ano ng endearment ang itatawag nila sa'kin..
Tsss... babae nga naman, basta nakakita ng gwapong lalaki kulang na lang eh, sila na mismo maghubad ng panty nila sa harapan namin.
"Ikaw Hon, kung gusto mo sa condo unit ko." sagot ko at kinindatan siya.
Namula ang babae saka mas lalong lumawak ang ngiti.
"Sige ba!" at saka hinigpitan ang pagpulupot sa braso ko, habang naglalakad kami.
"Babe?" gulat sabi ng babae sa harapan namin, at saka napatingin sa babeng nakapulupot sa braso ko. "What the fu*ck! Who's that girl, Evan?"
"Huh?? Ahm..." napakamot ako sa ulo.
"'Yon oh! Nabuking na naman siya!" sabi ni Darren kay Kris saka tumawa nang malakas.
"Then? Who the hell are you too?" inalis ng babae ang pagkakapulupot ng kamay niya sa braso ko at hinarap ang bagong dating na babae nang nakapamewang.
"I'm Evan's girlfriend so stop flirting him!" palaban na sabi ng babaeng bagong dating.
"Well, for your shitty information I'm am his girlfriend. And we are dating today, So don't ruin our moment!"
"Girlfriend ka nga niya pero hindi ka niya mahal, kaya pwede ba huwag kang mag-ambisyon. Dahil ako ang mahal niya!" sigaw ng isang babae.
"Patay pare. What are we going to do now? Mukhang magpapatayan na naman ang mga chicks mo oh!" sabi ni Darren na natatawa sa nakikita niyang eksena.
"Ano pa, edi dating gawi." sabi ko saka naglakad at nilampasan ko ang dalawang babae. Tuloy-tuloy lang sa dakdakan ang mga ito. Hay naku! Laruan ko lang kayo 'no! Kaya bahala kayong magpatayan diyan. Wala naman akong pake sainyo.
Nang medyo nakalayo na kami. Tinawag ng dalawa ang pangalan ko. Napansin siguro nila na wala na kami sa harap nila. Nagsmirk ako at tinaas ang right hand ko, saying as bye-bye, nang hindi tumitingin sa kanila.
"Grabe ang mga girlfriend mo ah? Ang ho-hot." natatawang sabi ni Kris habang nililingon-lingon ang dalawa.
"Sus! Pipili ba naman 'yan si Evan ng panget?" sabi ni Darren saka tumawa ng malakas.
Other girls who hated me called me a cassanova, playboy, jerk, asshole at kung anu-ano pa, because I have so many girlfriend. Well as I've said earlier, babae ang kusang lumalapit sa'kin after ko silang halikan.
****
ALMIRAFirst day of school! Yes! nakaka-excite naman."Remember my darling. Be a good girl." Pahabol ni Mommy sa'kin nang paglabas ko sa bahay.Ibig sabihin lang ni mommy, huwag akong magsasalita ng kung ano-ano tungkol sa background ng pamilya namin. I mean, na daddy ko ang dean ng Eislerville Academy.Ok! lets keep a secret a secret."Pwede bang sumabay sayo?" tanong ng lalaki sa likod ko, habang binubuksan ko na ang pintuan ng kotse na nakapark sa parking lot namin.Napalingon ako sa nagsalita. Teka... sino 'to?? Tiningnan ko siya from head to toe.Nakauniform siya. Panglalaki na uniform
ALMIRANext Day...Madaling natapos ang first day ko. Pero atleast, walang masyadong gulo na nangyari. I mean, bukod sa sigawan ng mga babae kapag nakikita ang mga hinahangaan nila, typical first day of school feels lang ang nangyari.Wait. Hinahangaan? Well, wala 'yon sa vocabulary ko. Kasi ako mismo ang hinahangaan ng mga boys.Si Jessy naman, hanggang matapos ang uwian, halatang asar na asar doon sa babae: kay Tori. Eh paano ba naman kasi, natapos 'yong first day na laging nakabuntot sa kanya si Tori.Kung anu-ano ang tinatanong. At kung dumikit ito sa kanya, eh halos tumalon si Jessy at kumaripas ng takbo sa sobrang pandidiri. Yeah, may fangirl na agad siya.
Chapter 5ALMIRA"A-aray..." mahina kong anas habang hinihimas ang kamao ko.Ang sakit ng kamay ko. Ang tigas kasi ng mukha ng lalaking 'yon!Tumuloy na ako sa paglakad para hindi niya mahalata na masakit ang kamay ko.Pero atleast! Nasuntok ko na siya ngayon, na dapat noon ko pa ginawa.He's known for bieng a playboy in this school. At kung inaakala niya na pati ako mahuhulog sa patibong niya, pwes! nagkakamali siya. He's very wrong to the highest level!"Sige na... susubuan na kita.""Ako na lang T-Tori. See? May kamay naman ako."Napatingin ako sa bench kung saan kasalukuyang pinipilit subuan ni Tori si Jessy. Bigla ay napangiti ako sa nakita ko.
ALMIRALunch Time. Pumunta kami ni Tori sa cafe para maglunch. Napaka-elegante ng cafeteria ng Eislerville Academy. Ang ganda ng ambiance, at sobrang instragramable ng dating, ang bawat sulok nito."So 'yon ang gustong ipalabas ng Evan na 'yon?" tanong ko matapos kong marinig ang sinabi ni Tori."Oo... kaya pinapalabas ni Evan na ikaw ang nanghalik mismo sa kanya, hindi lang dahil gusto ka niyang inisin. It's because, he wanted you to get bullied, with his other girlfriends."Tumaas ang kilay ko."Girlfriends?? As in with S? Ilan ba ang girlfriends, niya?" kunot-noong tanong ko."I don't know... pero marami sila. At saka 'yong pa
ALMIRAInalis ko ang headset ko sa lakas ng tili ni Jessy."Talaga? Niyakap ka n'ya? Tapos tinawag ka pang girlfriend?" tili ni Jessy habang nagvi-video chat kami. Hindi pa kasi ako inaantok kaya nakipagchika na muna ako sa kanya.Nasa baguio pa kasi siya and hindi pa daw siya makakapasok bukas. Hay naku naman! Nabo-bored na ako sa school wala akong kachika. Nand'yan naman nga si Tori, pero mas feel ko parin kausapin ang bestfriend ko."Sabi ko na sa 'yo, may gusto siya sayo eh." pahabol niya.I rolled my eyes."Tsss, wala noh! It's just one of his plan para mabullied ako ng mga fangirl niya at ng mga gi
Almira"Hurry up, Almira! Nangangati na ang paa ko papuntang Mall." sigaw ni Jessy. Its weekend kaya naman naisipan namin pumunta sa mall. And at the same time, bibili ako ng bago kong make-up, since nakuha ni Mr. Gomez ang make-up ko.Ang lalaki kasi na 'yon! Argh! Forget it kumukulo lalo dugo ko sa lalaking 'yon.Nang paglabas ko sa kwarto ko. Halos lumuwa ang mata ni Jessy, at nakaawang pa ang bibig dahil sa suot ko."Wow! Oh my gossh! You're so gorgeous Almira.""I know right! " I proudly said. Suot ko lang naman ang slim jeans, na talagang nashape ang perfect legs ko, and croptop long sleeves. Tapos isang napakataas na heels na tinerno ko sa jeans ko.
Almira's POV."Class dismissed!"Nagsitayuan na kami hudyat na natapos na ang araw."Are you free today?" tanong ni Evan, na bigla na lang sumulpot sa harapan ko."Bakit" tanong ko habang nakataas ang kilay."Yayayain sana kita lumabas." he said at saka ngumiti, a killer smile.Tss... kung akala mo madadala mo ako sa pangiti-ngiti mong 'yan, Hell no!"I don't have a time for that." nakataray na sagot ko sa kanya."Alam mo ang taray mo. Hindi bagay sa 'yo." sabi niya dinaan niya ang kamay niya sa mukha ko.
Almira's POV.Its time to rest. Haay! napagod ako sa party kanina.Pagkatapos ko maligo, at nagbihis ng pantulog. Kinuha ko ang suklay at humarap sa salamin.Habang nagsusuklay ako ng buhok, I noticed my hand. Napatigi ako sa pagsuklay.Wait!Napaawang ang bibig ko, at biglang kinabahan. Hinawakan ko ang wrist ko."Oh, my god! Where's my bracelet?!" anas ko sa sarili ko.Inabot ko ang gown ko. Baka nasabay lang sa pagalis ko, pero pinagpagan ko 'yon pero walang nahulog.Tiningnan