Share

Chapter 4

ALMIRA

Next Day...

Madaling natapos ang first day ko. Pero atleast, walang masyadong gulo na nangyari. I mean, bukod sa sigawan ng mga babae kapag nakikita ang mga hinahangaan nila, typical first day of school feels lang ang nangyari.

Wait. Hinahangaan? Well, wala 'yon sa vocabulary ko. Kasi ako mismo ang hinahangaan ng mga boys.

Si Jessy naman, hanggang matapos ang uwian, halatang asar na asar doon sa babae: kay Tori. Eh paano ba naman kasi, natapos 'yong first day na laging nakabuntot sa kanya si Tori. 

Kung anu-ano ang tinatanong. At kung dumikit ito sa kanya, eh halos tumalon si Jessy at kumaripas ng takbo sa sobrang pandidiri. Yeah, may fangirl na agad siya.

"Girl! Parang ayoko na tuloy pumasok doon!" asar na sabi ni Jessy habang tinatahak na namin ang daan papuntang school. 

"Then? Is it becase of your fangirl?" tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay.

He rolled his eyes. "Fangirl ka d'yan! Nakakadiri kaya ang babaeng 'yon." 

"Ano ka ba, ok lang 'yan." I said as I cheered him up. "Masasanay ka rin."

"Anong ok! Ok ba 'yong inaamoy-amoy niya 'yong kamay niya, matapos akong makipagshake-hands sa kanya. Ok ba 'yong nakatulala siya sa'kin na parang ewan, ok ba 'yong buntot ng buntot siya sa'kin, habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko? Jason here... Jason there... argh! I hate my name!" mahabang litanya niya sa sobrang inis.

"Ohh, chillax! Ok lang ang lahat 'yan!" confident na sabi ko.

"Almira naman, you don't understand me-" 

"That's a proven na talagang hindi ka niya nakikilala." sabad ko. "I mean, hindi niya alam na bakla ka. Na you are a handsome guy, para sa kanya. In that way, wala talagang nakakahalata sa'yo na bakla ka. At malamang sa malamang, kapag nalaman ng kuya mo na may fangirl ka na, baka dagdagan niya pa ang allowance mo!" 

Napaisip si Jessy. 

"Hmm... may point ka d'yan teh!" sabi niya saka ngumiti.

"Maam... nandito na po tayo," sabi ni Manong Driver

Binuksan ko ang pinto ng kotse. 

"Thanks Manong..." sabi ko. At saka bumaba na kami. 

"Pero girl, I bet, bagay kayo ni Tori, maganda siya, gwapo ka. Oh diba? Perfect match?" pang-asar ko sa kanya kasabay ng pagtawa.

He laughed sarcastically. "What a big joke!" 

Nasa hallway palang kami nang may tumakbo na lalaki at dumaan sa gitna namin. Masyadong matulin ang pagtakbo niya dahilan para matumba ako. 

"Aray!" Napaupo ako bigla sa sahig. 

Napatingin ako sa likuran ko: sa lalaking bumungo sa akin. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa amin.

Biglang kumulo agad ang dugo ko nang mamukhaan ko ang lalaki.

Evan Fernandez!

"Sa susunod kasi 'wag kayong haharang-harang sa daan." walang emosyon na sabi niya.

Tinalikuran niya kami, habang  nakapamulsa na para bang walang nangyari. So ganoon na lang? Ni hindi man lang ako tinulungang tumayo? Or magsorry man lang sa'kin?

Inis na hinubad ko ang black shoes ko na may 2 inches na takong, at binato kay Evan.

"How dare you jerk!" sigaw ko at tinamaan siya sa likod.

"Aray!" sabi ni Evan at kaagad na nilapitan ako umupo siya, saka kwenelyuhan ako. 

"Evan!" Jessy said.

"Ba't mo 'yon ginawa?! Hindi mo ba ako kilala?!" sabi niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. 

Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya, dahilan para mapaupo siya ng tuluyan sa sahig ng hallway. 

Mabilis akong tumayo. 

"Wala akong pake kung sino ka! But once you messed up with me. Your whole life will be on mess!" galit na sabi ko sa kanya. Saka tinalikuran siya para umalis.

"W-Wait Almira." habol ni Jessy sa akin habang dala-dala ang mga gamit ko na nagkalat sa hallway. 

Umagang umaga pinapainit agad ulo ko. Mukhang hindi niya na ako nakilala, na ako 'yong babaeng hinalikan niya na lang basta-basta noong enrollment day. 

Bwisit talaga siya!

"Ok ka lang girl?" tanong ni Jason.

"Sa tingin mo?!" taray ko sa kanya. 

"Ohh? Highblood?! " 

Umismid lang ako sa kanya. Nakakainis kasi ang lalaking 'yon. Napaka-antipatiko ng loko na 'yon. Pati tuloy si Jessy napagbuntungan ko ng inis ko.

Nakarating na kami sa classroom. Nakayuko siya sa armchair at parang natutulog. Tae! Pumasok ka pa sa school kung matutulog ka rin lang naman.

Ang sarap mong tirisin! Pinipigilan ko talaga ang sarili kong kamay na sabunutan siya. 

"Good Morning Class."

"Good Morning Sir!" nagsitayuan kaming lahat. 

"I'm Mr. Gomez... I'm your Professor and at the same time I will teach you how to discipline yourself. Now, Put your bag on the armchair." sabi ng teacher na nasa harap namin. Sa awra niya strikto talaga siya tingnan.

And that was based on his facial expression. 

"Ha? Bakit naman daw?" bulong ni Jessy sa'kin.

Nagkibit-balikat na lang ako. I don't have an idea too. Isang classmate namin sa unahan ang binuksan niya ang bag. 

"May I see your bag?" tanong nito sa classmate namin na girl. Tumango lang 'yong girl.

Then naghalukat na 'yong teacher namin sa bag nito.

At saka may nilabas na... Ahm what's that? Makeup kit? 

"To all girls... tommorrow I don't want to see this thing in your bag. You can place it in your locker but not on your bag. Especially during my class. Or else hindi niyo na 'to makukuha sa'kin, ok?." 

"Huh?" 

"What?? Are you kidding us?" Reklamo ng ibang girls.

"May dala ka ba d'yan? " bulong ko kay Jessy. 

"Oo... pero good thing bukas niya pa titingnan lahat ng bag natin." sabi ni Jessy. Napahinga ako nang maluwag. 

"Bakit kailangan mo pang magdala ng makeup kit? Lalaki ka dito, remember?" pabulong na sabi ko sa kanya. 

"I don't know. Maybe, just... just in case of emergency, you know!" sabi niya sa kinindatan ako. Nakuha ko naman ang gusto niyang i-mean kaya napailing na lang ako.

"That's my rule." Mr. Gomez said.

"Oo nga naman girls! Hindi pwede 'yan sa klase na 'to!" Sabi ng mga boys at Nakikisabayan pa 'yong dalawang barkada ni Evan na nasa likod namin. 

And si Evan naman ayon, nakayuko parin sa arm chair.

Mukhang nakita ni Mr. Gomez ang natutulog na si Evan kaya naman kumuha siya ng eraser at binato sa kanya. Sapol sa ulo si Evan.

"What the f- " bulagta ni Evan na mayroong mga chalk sa buhok at sa side ng mukha.

"What's up? Parang ginawa mo ng kwarto mo ang classroom na 'to ah?" sarcastic na sabi ni Mr. Gomez. 

Walang nagawa si Evan kundi sumimangot.

Napatingin ako kay Jessy, nakuha niya naman ang ibig kong sabihan. Sabay kaming napahalakhak habang nakatingin kay Evan.

"Gurang!" pagtutukso ko, halos mamatay kami sa kakatawa habang tinuturo turo namin siya. 

Pero kami na din ang tumigil kasi halos lahat ng classmate namin and si Evan ay nakatingin samin ng nakasimangot.

Hindi man lang sila natawa sa itsura ni Evan. 

In the end kami na lang ang tumahimik. Dahil kami lang ang tumatawa ni Jessy. 

Awkward...

Pero hindi ko parin mapigilan ang tumawa ng mahina sa nakita ko.

May kumalabit sa'kin mula sa likod. Napalingon ako.

"Are you done?" seryosong tanong ni Evan sa akin. Tinutukoy niya ay 'yong pagtawa namin sa kanya. 

"So?"  taray ko sa kanya. Then binehlatan ko siya. 

************

EVAN

Lunch time. 

"Hi Sweetheart..." sabi ng babae at saka binigyan ako ng halik. Syempre tumugon naman ako. I kissed her much deeper. "Samahan mo naman ako sa Mall mamaya please?" 

"Babae na naman?" bulong ni Darren sa akin.

"Tss... 'di ka pa nasanay kay Evan." sabi naman ni Kris.

"If I'm not busy." sagot ko sa babae.

"Pero aasahan ko 'yan ah? Ok See you..." hinalikan niya ulit ako saka umalis na. Adik din 'to sa halik eh 'no?

"Pre, 'diba siya 'yong babaeng mamatay na sa kakatawa sa'yo kanina sa classroom?" turo ni Darren doon sa babae na bumibili sa cafeteria. 

Yeah! Siya nga 'yon Nang-aasar nga siya. Siguro dahil sa nangyari kaninang umaga na nabunggo ko siya. 

"Pero alam mo parang kilala ko siya."ani Kris na waring iniisip kung saan niya ito nakita. "Ayon! Sa magazine, si Almira Schalante... model 'yan sa bansang New york ata 'yon" 

"Ba't mo alam?" tanong ni Darren.

"Idol na Idol 'yan ng girlfriend ko. Biro mo kung ano ang damit na minomodel n'yan binibili 'non." 

"Yeah! Kilala ko din siya." sabi ko. 

"Huh?" sabay pang sabi ng dalawa. 

Napatingin ako sa knila. 

"Baliw na baliw din d'yan si Ate Flor eh." Sabi ko . Halos lahat kasi ng latest fashion niyan meron si Ate. Mapadamit man o magazine lahat meron 'yon.

Napatango ang dalawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad. 

"Evan, paano ka nga ba nagkakaroon ng maraming babae?" pagiiba ni Darren.

"Bakit? May balak ka ba?" sabi ni Kris saka tumawa. 

"Wala, I am just curious 'di hamak na mas gwapo naman ako sa'yo." patawa niyang sabi. 

"Gusto mo bang malaman kung paano ko nagiging girlfriend ang isang babae?"

Tumango ang dalawa. Halatang gusto nilang malaman ang sekreto ko. 

"Well... watch and learn." I said at saka tiningnan ang direksyon ng babaeng pinagtawanan ako kanina. Almira ang pangalan niya right? "After 10 minutes. Girlfriend ko na ang babaeng 'yan." 

"Woah! Sige nga." sabay pang sabi ng dalawa.

After ko 'yan halikan. Alam kong hahabulin na ako niyan. Nagsimula akong maglakad papunta kay Almira. 

"Siya pa talaga napili niya ah?" narinig kong sabi Kris saka tumawa.

"Tingnan na lang natin ang mangyayari." Darren said. 

Lumapit ako sa kanya na kasalukuyan naglalakad. I pinned her to the wall. 

"What the- " nabigla niyang sabi. 

"Hi..." I said habang seryosong nakatingin sa kanya. 

"There you are! You stole my first kiss!! You're such a jerk!" pasigaw niyang sabi sa 'kin at saka tinulak ako.

T-teka? Ayos lang siya?? Hinalikan ko na daw siya? What the hell... baka hahalikan palang.

"Woah! I don't know what you're saying." nasabi ko sa kanya. Then I closed the space between us. 

Lalo naman siyang nataranta. 'Yan ang gusto ko sa babae. haha!!

"Hindi ako nagkakamali. Ikaw ang humalik sakin noong enrolment day," galit na sabi niya. 

Enrolment day? I don't even remember. 

"Oww.. Enrolment? Sorry, pero wala akong maalala." I said as I smirked.

"I'd kissed 20 girls on that day. Maybe, you are one them. " dugtong ko pa. 

"What?!" hindi makapaniwalang sabi niya. 

Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag matawa sa reaksyon n'ya. Ang cute niya kasi.

"But maybe if I kissed you again. Maalala ko na."

Magsasalita pa sana siya... But i shut up her mouth with my lips.

I kissed her na lalong ikinabigla niya. Surprise kiss lang ang nangyari. It last almost 10 seconds. 

At wala akong balak na igalaw ang labi ko. Gusto ko lang namnamin niya ang tamis ng halik ko. 

"Masarap ba?" tanong ko sa kanya with a smirk after ko siyang halikan.

Pakipot ka pa. Alam kong gusto mo naman. Ilang segundo siyang napatulala, then huminga siya ng malalim at ngumiti.

Sabi ko na magugustuhan mo din. Huli ka sa bitag ni Evan Fernandez! 

"Nope... pero eto ang masarap!" tinaas niya ang kamao niya. 

It's too late para umiwas pa ako. She punched me, na ikinaupo ko sa sahig. Full force ang ginamit niya tapos ang lapit ko pa sa kanya, kaya naman napatumba niya agad ako. What the! 

"Kung sa tingin mo ang dali kong makuha sa pahalik-halik mong 'yan, you're very wrong! Mr. Jerk." she said with a smirk saka umalis.

"Woah!" narinig kong sabi ni Darren at Kris at hindi makapaniwala sa nakita nila. 

Napahawak ako sa panga ko. Masakit pero hindi naman dumugo.

Nilingon ko siya. I found myself smiling while watching her walking on the hallway.

**********

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status