NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na.
“Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.
“Wala si Mageline dito. Iniwan niya itong cellphone niya at may nakita akong tumatawag so sinagot ko. Si Zayra 'to.” Papatayin ko na sana ang tawag nang may naisip akong bigla.
“Puwede ka ba makipagkita sa akin?” I asked her. Gusto ko siyang makausap dahil may biglang pumasok na plano sa utak ko.
“For what?” tanong niya sa akin.
“It would be my pleasure if you would join me for dinner tonight.” Ngumiti ako nang malawak. Sana lang ay pumayag siya.
“Sure. What time?” Nag-isip muna ako bago ko siya sagutin.
“6:00 PM. Punta ka na lang dito,” I said to her bago ko ibaba ang tawag.
Ang plano ko ay gamitin siya tutal kaibigan niya naman si Mageline, magpapatulong ako sa kaniya para bumalik si Mageline sa akin. Hindi ako papayag na mapunta siya sa lalaking 'yon. Hindi ko nga kilala kung sino ba 'yon. Ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya.
5:30 PM na at naghahanda na ako para sa pagdating ni Zayra rito sa bahay. Nagluto ako ng mga pagkain at inihain na ang lahat ng 'yon sa lamesa. Sisiguraduhin kong mapapapayag ko siya.
Mayamaya ay tumawag sa akin si Bliz. Wala akong balak sagutin pero mukhang importante kaya sinagot ko na ito.
Bliz asked me, “How are you feeling today?” Natawa ako bigla, 'yan ang bungad niya samantalang alam niya naman na hindi ako maayos.
“I am mad at her. But I'm fine, don't worry about me. I'm always fine,” I answered to him. Huminga siya nang malalim bago magsalita ulit.
“Marami pa naman diyan. Mas okay kaysa kay Mageline.” Narindi naman ako dahil sa sinabi niya kaya nahampas ko bigla 'yong lamesa.
“What are you trying to say? Bye. Ayaw ko nang makinig pa,” sambit ko bago ko ibinaba ang tawag.
Narinig ko na may nag-do-doorbell kaya pinabuksan ko sa katulong 'yong pinto, alam kong siya na 'yon. Nakaupo ako sa upuan at hinintay ko lang si Zayra na dumating.
“Hey,” Zayra said. Nandito na siya, lumapit ako sa kaniya at inoffer ko sa kaniya ang isang upuan. She's wearing a black dress, bagay sa kaniya dahil sa maputi niyang balat mas lalo pang tumitingkad ang kulay niya kapag nakaitim siya.
“Lagi kang naka-black,” Natatawang sambit ko. Tumitig na naman siya sa mga mata ko at naaaninag ko ang kulay asul na mata niya. May lahi siguro siya.
“None of your business. I know na nagtataka ka kung bakit lagi akong nakaitim at kung bakit kulay asul ang mata ko. Nababasa ko ang iniisip mo.” Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin.
“Bakit naman kita iisipin?” pangangatuwiran ko dahil nabalot ako bigla ng hiya. Ngumiti siya at tinitigan muli ako sa mata. Nakatutunaw nga naman talaga ang mga tinginan niya kaya pilit akong umiiwas.
“So, anong pag-uusapan natin?” tanong niya.
“I want her back and I want you to help me dahil kaibigan mo siya. Alam mo kung ano ang mga gusto at ang ayaw niya. So, I need you,” I said. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko pero kailangan ko siyang mapapayag. Kahit magalit siya ay titiisin ko, kahit bulyawan niya pa ako. Kailangan ko siyang mapa-oo.
“Tinanggihan ka na nga niya, e. Hindi pa ba sapat 'yon?” Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya hinampas ko ang lamesa at tumayo ako.
“I will pay you.” Tiningnan niya ako at pinag-iisipan niya ang offer ko.
“I don't need your money,” she answered. Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong gusto niya akong magmakaawa sa kaniya. 'Yon naman ang gusto ng iba, magmakaawa ka lang papayag na sila.
“Please, help me.” Pinaamo ko ang mukha ko at tinitigan ko siya sa mga mata.
“Okay. Magkita tayo bukas at akin na 'yang phone mo.” Napangiti ako nang mapapayag ko siya. I gave my phone and she saved her own number.
“Alis na ako.” Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya.
“Hatid na kita.” Ngumiti lang siya at hindi niya na ako pinasunod pa.
Masaya ako dahil napapayag ko siya. Sisiguraduhin ko na mapupunta sa akin si Mageline. I really love her. Gagawin ko lahat kahit magmukha pa akong desperado.
Mayamaya ay mag nag-text sa akin. Binuksan ko 'yon at nakita kong si Zayra ang nag-text sa akin.
“Wala bang thank you?” Natawa naman ako bigla sa message niya.
I replied, “Thank you.” Pinalinis ko na sa mga katulong ang kalat at umakyat na ako sa kuwarto ko.
Naghalungkat ako ng mga gamit hanggang sa nakita ko ang box na may laman na mga litrato namin ni Mageline na magkasama.
Kinuha ko 'yong picture kung saan nasa America kami. Ang saya niya sa picture na 'to pero hindi ko talaga makita-kita sa mata niya na masaya siya dahil kasama ako.
Pagkatapos ko titigan lahat ay ibinalik ko na ito sa box. Maayos ang pagkakalagay ko dahil iniingatan ko talaga 'yong mga litrato na 'yon.
Matagal na kami at sa isang iglap lamang ay nawala ang tinatawag kong kami. Hiniwalayan niya ako sa saktong third aniversary pa namin. Nakatatawang isipin na ipinagpalit niya ako sa lalaking hindi man lang siya magawang ipagmalaki.
Nakatatawa rin na naiwan ako dahil hindi niya ako nagawang mahalin sa sobrang tagal ng pinagsamahan namin.
Naiisip ko tuloy na, siguro, mahirap talaga akong mahalin.
PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na. “What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito. “Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko. Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.&
DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot. “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita
“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 
HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya. “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan.
“BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline. “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan. “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman. “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari.
“TITIG na titig ka sa akin mamaya tumulo 'yang laway mo.” Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Zayra. Nagluluto siya ngayon at tinititigan ko lang siya mula rito sa upuan. Hindi ko alam kung anong luto ang ginagawa niya pero sana hindi siya katulad ni Mageline. “Sana magustuhan mo 'to.” Kinuha niya na ang niluto niya at inilagay sa lamesa. Naghanda rin siya ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Kinuha ko 'yong dalawang baso at nilagyan ko ng tubig. Naglagay naman siya ng pagkain sa pinggan namin dalawa. “Ano ba 'to?” tanong ko sa kaniya. Umupo kaming pareho at magkaharap ang puwesto namin. &l
“AKIN na nga 'yan!” Inagaw ni Zayra ang hawak kong tickets. Naglaro kami sa World Of Fun. Inaya niya ako na rito kami pumunta kaysa kumain o kaya nama'y uminom ng kape. Mas gusto niya raw ang maglaro. Nasa counter kami at ipapapalit na namin ang mga ticket na ito. Sobrang daming nakapila at naiinip na ako pero hindi ko magawang ayain si Zayra na umuwi dahil kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang saya. “Malapit na tayo!” sambit niya. Napakalaki ng ngiti niya na ikinatutuwa ko naman nang husto. Mayamaya pa'y kami na ang binibilangan ng mga ticket. Tinitigan ko ang mga premyong puwede naming makuha. Nakita ko si Sponge Bob. Gustong-gusto ko si Sponge Bob dahil kahit itinataboy na siya ay lapi
ILANG araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Bliz at wala akong kaide-ideya kung bakit. Sinubukan ko siyang tawagan nang paulit-ulit ngunit hindi talaga siya sumasagot. Paikot-ikot ako rito sa kuwarto ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayong araw. Wala akong mapuntahan at hindi ko rin makausap si Bliz. Si Zayra naman hindi ko alam kung saan pumunta dahil hindi ko rin siya matawagan at hindi niya sinasagot ang bawat mensahe ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. May nag-message sa akin. “Ilang araw kang wala sa opisina mo?! Ano bang pinaggagawa mo?!” Galing sa ama ko ang mensahe kaya ni-repl