Share

Chapter Seven: I Cried Because of You

              “YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish.

              “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. 

              “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. 

              “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro.

              “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 

              Nandito kami sa bahay nila dahil pinapunta niya ako rito, tuturuan niya raw ako. Maganda ang bahay nila, kulay itim na may halong puti ang pintura. 

              “Ano pala 'yong tunay mong pangalan? 'Yong buo,” tanong niya habang dahan-dahang umuupo sa tabi ko. 

              “Zach Grey Javier, ikaw ba?” sagot ko sa kaniya. 

              “Ako, ang pangit ng pangalan ko pero sasabihin ko sa 'yo. Ako si Zayra Blu Jaiden.” Tumawa naman ako kaya natigilan siya. Hindi naman pangit ang pangalan niya, sa katunayan ay napakaganda nga nito.

              “Sabi na nga ba, pangit.” Tatayo sana siya nang hawakan ko ang kamay niya. 

              “Ang ganda,” I said kaya bumalik siya sa puwesto niya. 

              Tinuruan niya pa ako ng maraming salita at pinipigilan ko ang pagtawa dahil hindi ko sinasabi sa kaniya na marunong ako ng wikang Spanish. Wala man lang siyang kaide-ideya.

              “Yo quiero hacer el amor.” Lumaki ang mga mata niya at pinaghahampas ako. Tila gulat na gulat siya sa mga sinabi ko.

              “Aray! Bakit ba?” Pinapatigil ko siya pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paghampas sa akin. 

              “Marunong ka mag-spanish?! Bakit hindi mo sinabi? I hate you! Tsaka, yo quiero hacer el amor? Kanino?” Tumawa ako dahil sa sinabi niya kaya tinitigan niya ako nang masama. 

              “I want to make love, siyempre kay Mageline,” saad ko sa kaniya. 

              “So gross,” she said na nagpangiti sa akin.

              “Gusto mo ba sa 'yo ako makipag...” Bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya napahinto ako sa sinasabi ko.

              “Manahimik ka nga! Marinig ka pa ng papa ko!” Tumingin-tingin siya sa paligid at natawa ako sa naging reaksyon niya.

              “Okay, okay. Hindi na pero gusto mo ba?” Tinitigan ko siya at pilit siyang umiiwas sa mga tinginan ko. Hindi ko alam pero ang sarap niyang biruin.

              “Joke lang. Si Mageline lang ang gusto kong maka-sex,” saad ko sa kaniya na dahilan ng pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya.

              “Mabuti, hindi rin kita papatulan, mahiya ka nga,” aniya kaya tumawa lang ako sa kaniya.

              “Haranahin ko na rin kaya siya?” Humarap sa akin si Zayra at parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. 

              “Marunong kang kumanta?” namamanghang tanong ni Zayra. 

              “Hindi pero kakayanin ko,” sagot ko naman sa kaniya. Sa totoo lang, hindi ko pa nasubukan ang kumanta sa harapan ng isang tao. Kung sakali, ito ang kauna-unahan.

              “Sige, ano ba ang kakantahin mo?” tanong niya sa akin. Ilang minuto akong nag-isip bago ko sinagot ang tanong niya. 

              “Grenade,” I answered. 

              “Grenade? Magandang kanta. Punta lang ako sa kusina.” Lumakad siya palayo sa akin hanggang sa maiwan na lang ako na mag-isa.

              Iniisip ko kung tama ba na Grenade ang kantahin ko pero 'yon ang gusto ko. Ang nilalaman ng kantang 'yon ay ang mga gusto kong sabihin kay Mageline. Gusto kong iparating sa kaniya na kaya kong gawin ang lahat para lang sa pagmamahal. Kaya kong isakripisiyo kahit na ang sarili ko.

              Naisipan kong kantahin 'yon at inalala ko muna ang lyrics. Nang pumasok na sa isipan ko ang buong kanta ay sinimulan ko na ang pag-awit.

              “Easy come, easy go

That's just how you live

Oh take, take, take it all

But you never give...”

              Tumigil ako sa pagkanta nang marinig ko si Zayra na nagsalita, “Ang galing!”

              Tumingin ako sa kaniya at nakita ko na may dala-dala siyang cookies at juice. Lumakad siya patungo sa akin at inilapag niya ang mga pagkain na dala niya.

              “Magaling kang kumanta, nakaka-turn-on.” Nanatili lang akong tahimik at hindi na umimik.

              “Mukhang magugustuhan kita,” dugtong niya pa. Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang iparating sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Sa halip ay sinubukan ko na lamang siyang biruin sa ibang paraan.

              “Ingat ka,” sambit ko bago ko ipagpatuloy ang pagkanta. 

              “Should've known you was trouble

From the first kiss

Had your eyes wide open

Why were they open...”

              Bumuntong hininga ako at tumingin kay Zayra na taimtim na pinapakinggan ako sa pagkanta. 

              “Gave you all I had and you tossed it in the trash

You tossed it in the trash, you did

To give me all your love is all I ever ask...”

              Ramdam ko ang mga luhang gustong-gusto nang magsilabasan mula sa mga mata ko pero pinipigilan ko 'yon, ayaw kong magmukhang duwag sa paningin ni Zayra. Ayaw kong magkalat ng mga luha sa harapan ng ibang tao.

              “Because what you don't understand is

I'd catch a grenade for ya

Throw my head on a blade for ya

I'd jump in front of a train for ya

You know I'd do anything for ya...”

              Ngunit hindi ko inaasahang iiyak ako, sobra-sobrang luha ang naubos ko dahil sa kaniya. Hindi ko na napigilan pa at nagsialon na ang mga luhang kanina ko pa iniingatang huwag tumulo.

              Unti-unting bumagsak ang mga luha ko at kasabay nito ay ang pagpiyok ko sa pagkanta. 

              Sinubukan ko pa rin na kumanta kahit hindi ko na kaya, susubukan ko pa rin lahat kahit ayaw na niya, kahit ayaw na ni Mageline. 

              Sobrang sakit, ang sakit-sakit! 

              Sa gitna ng aking pag-iyak ay may mga bisig na biglang yumakap sa akin. 

              “Huwag ka nang umiyak, please. It hurts seeing you like that, I may not know you that well but fuck I don't want to see you crying so please stop. Hindi bagay sa 'yo.” Pilit niya akong pinapatahan pero hindi ko na kaya, tuluyan nang lumabas ang pagiging mahina ko. Pagdating sa kaniya nagiging mahina ako. 

              Mas lalong humigpit ang yakap niya at mas lalo lang na lumakas ang pag-iyak ko. 

              “Sino ka para gawin sa akin 'to! I gave everything, I gave all of me,” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa pagbabakasaling baka mabawasan ng kahit kaunti man lang ang kirot.

              Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Zayra at ipinagtapat niya ang mukha naming dalawa. 

              “Babawiin natin siya, don't worry.” Ngumiti siya sa akin at niyakap niya akong muli. Pagkasabi niya ng mga salitang 'yon ay nakampante akong bigla. Huminahon ako at nawala ng para bang bula ang mga luha ko.

              Naisip ko na ang suwerte ko ngayon dahil may isang babaeng nandito sa tabi ko para iparamdam sa akin na magiging maayos din ang lahat. 

              Napakasuwerte ko dahil, ito ang kauna-unahang beses na umiyak ako nang may karamay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status