BRING YOUR CRUSH TOMORROW
BRING YOUR CRUSH TOMORROW
Author: viagloriane

CHAPTER 1

"Hi, Mr. Carreon. Good morning" naka-ngiti kong bati sa kaniya pagka-pasok na  pagka-pasok ko pa lang sa room namin, and then I winked. Greeting him everyday used to be my daily routine. Sanay na sanay na ako sa pagpapapansin.

Since then, may crush na ako kay Cael. Hearing his name is already intriguing, what more when you see his actual appearance? He's a tall guy with a kissable lips, beseeching eyes, pointed nose and a fierce-looking man. He is well known as a university basketball player, kaya gano'n na lamang siya pag-agawan at pagkarandapaan ng kababaihan, sa loob or labas man ng university na pinapasukan namin. Bihira mo lang siyang makikitang ngumiti, that's why it feels heaven when you see he does. May pagka-masungit. He easily get annoyed over small things. Nonetheless, he's still the reason why I'm enjoying those disgusting slash boring subjects. Isang titig lang sa kaniya parang ayaw ko nang matapos ang oras ng klase.

Sinundan ko siya ng tingin. Pagka-upo na pagka-upo niya ay agad niyang kinuha ang kaniyang earphones at isinuot ang mga 'to. He's a lil bit mysterious, that's why I want to know him more, he's like an ocean that I want to dive in, he's like words that I want to put rhyme, and a song that I want to memorize pero paano naman? Eh ilang taon na rin akong nagpapapansin sa kaniya, he just ignores me everytime. Ga-graduate nalang kami nang hindi man lang siya nakaka-kuwentuhan.

Sino nga ba namang magkakagusto sa typical na babaeng katulad ko? Maliit na maingay. Hindi katalinuhan, hindi kagandahan, hindi ako 'yong tipo na pagtitinginan kapag paparating na or dadaan sa harap ng karamihan. I'm just a plain girl na sa isang Cael Carreon pa nagka-gusto. Dream high, Ava Monteza. Siguro, ako 'yong babaeng hindi niya gugustuhing kausapin. It is so obvious after all.

Hours move fast, philosophy na nga namin and it would be our last subject but because our teacher wasn't coming yet, I decided to fix my things para ready na sa pag-uwi. I glanced at him again, he's still wearing his earphones; tila walang pakiaalam sa nangyayari sa paligid niya.

Napaalis naman ang tingin ko sa kaniya when our teacher already entered the classroom.

"Good afternoon!"

"Good afternoon, ma'am," sabay-sabay naming pagbati pabalik.

"Sorry if I am super ultramega late, there was a meeting kase kanina sa baba kaya hindi agad ako naka-akyat." She took a glimpse on her wristwatch, "and oras na pala," ani niya pa, "but anyway, I just came here to announce something." She roamed her eyes around the classroom and looked at us one by one, "Magkakaroon tayo ng graduation ball---" the whole class cut her off.

"Yey!"

"Suliittt."

"Exciting."

Kani-kaniyang sigawan. Tila nagwala ang bawat isa, tiningnan ko naman si Cael and as usual, wala pa ring reaksyon.

"Shhhhh! Manahimik muna kayo, hindi pa ako tapos." They kept on screaming out of excitement. "Sige, hindi kayo makakauwi, oras na, oh?" Natahaimik naman ang lahat at tinuloy na ni ma'am ang sasabihin niya. "That will happen by the end of next month pa naman, marami pang panahon para makapaghanda. Mag-prepare na kayo for that, graduation ball 'yon, so ini-expect ko na makakapunta ang lahat. Makakapunta ba?"

"Yes, ma'am," agad na sagot ng karamihan.

"Sana pumunta siya," bulong ko sabay tingin kay Cael.

"Okay, ingat kayo sa pag-uwi. Deretso uwi na, ha? Oras na."

"Yes, ma'am."

Pagkauwi ay agad naman akong nagpalit ng damit. I took my phone and opened mg messenger.

Naisipan kong buksan ang conversation namin ni Cael.

"Hi Caelq."

-seen, July 12, 2015.

"Hi, Cael. Good morning, see yah later!"

-seen, July 13, 2015.

"Good evening, nakauwi ka na ba? Hehe. Ang kyut mo kanina, lagi kitang tinitingnan kaso lagi mo akong snob, huehue."

-seen, July 14, 2015.

I kept on scrolling on our conversation and all I got was seen from him. Sobrang cold niya talaga.

"Chat ko kaya ulit?"

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko ang reply niya noon.

"Oh, may nireplyan naman pala siya," I whispered.

"Hi, Cael. Ingat sa pagpasok. See yah!"

-sent, July 28, 2015.

"U too, thanks!" that was his reply.

"Yieeee. Nag-reply siya."

-seen.

Nag-scroll ako nang nag-scroll, puro chat ko lang naman 'to. Ang korni, kaya siguro hindi niya ako gusto. Nakarating ako sa dulo ng convo namin. Sa akin pa rin 'yong last chat.

"Caelllqqq. Ingat ka lagi, I love you."

-seen, March, 2016.

"Hi, Cael. Pupunta ka ba sa grad ball natin? Sayaw mo ako, ha?" I typed. Too desperate, no?

Erased...

I started to compose again. "Cael, punta ka sa grad ball, ha? Sige ka, hindi ako pupunta kapag hindi ka pumunta." Mukha namang feelingera. As if may pake siya, hays.

Delete. Delete....

I was about to compose a message again when the three dots pop out. Jesus Christ, he's typing. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Ang lakas ng kabog. Napasigaw ako sa kawalan.

Sa sobrang kaba, nabitawan ko ang cellphone ko. What the f*ck! Ang tagal mo nang nagpapapansin, Ava. Bakit ngayon ka lang kinabahan ng ganiyan!?!?

Tumayo ako't naglakad-lakad, patingin-tingin sa cellphone ko na nakalapag sa kama, shezz, typing pa rin siya.

I walked toward my door at saka bumalik, saktong pagbalik ko ay siya namang paglabas ng chat niya. Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko.

"Hi, Ava. Good evening, hehe. I want to ask you sana, actually kanina ko pa pinag-iisipan kung paano kita tatanungin..."

Kaya pala ang tagal mag-type.

"nakailang ulit ako ng compose ng message before it was finally sent, nahihiya kase ako kase I used to ignore you pero ngayon lalakasan ko na ang loob ko."

Wahhhhhh! Ano kayang sasabihin niya? Baka gusto niya rin ako? Hays, do not assume, Ava. Aasa ka na naman.

Nagpa-suspense muna ako. Kunwari 'di kinikilig. "Hmm, ano 'yon?" reply ko.

"Ava..." his response.

You make me feel nervous, baby. Pabitin.

"Yes?" sagot ko.

"Would you be my date on our grad. ball?"

Wahhhhhhhhhhh! Napalukso ako sa tuwa. Sabi ko na.

"Shezz, kahiya!" dugtong niya pa.

"Totoo?"

"Baka wrong sent ka?"

"Totoo ba 'to?"

"Talagang-talaga?"

Sunod-sunod kong chat sa kaniya.

"I'm serious. Oy, baka isipin mo pinagtitripan lang kita kase, diba? Hindi kita pinapansin sa school, hindi naman kase ako mahilig makipag-close kahit kanino."

"Hindi, ah. Hindi lang ako makapaniwala."

"So, what's your answer? It's yes or it's ano?" tanong niya.

Mama, payag ka ba mamamatay na ako? Ahhhhhhhhh! 'Yong puso kong puno ng kaba kanina, nag-uumapaw sa tuwa.

"Magiging choosy pa ba ako? Alam mo namang patay na patay ako sa 'yo. Ofcourse, yes. Actually, ichachat sana kita kaso bigla kang nag-type. Owweemjii, Caelq, kinikilig akooooo."--sent.

I reread my message while waiting for him to seen it. Napa-OA naman yata. Ava, kalma. Baka magbago isip niya.

Inhale...

Exhale!!!

"So, see yah there?" sagot niya.

"See yah, my Cael."

"Seen mo na 'to, Ava. Have a great night."

"You already made it great," agad kong reply.

"Kulit. Sabi ko, seen nalang eh."

Bahagya naman akong napangisi. "Sige, babay na."

"Bye."

I seen his last chat and already turned my phone off. I closed my eyes while wearing my smile. Ahhhhhh, nagtaklob ako ng unan. Sobrang saya ko ngayon.

Just try to think of it, 'yong crush na crush ko, inaya ako bilang date niya sa grad. ball namin, gusto kong magwala sa tuwa. Parang gusto kong linisan ang buo naming bahay nang dis-oras ng gabi. I just can't explain how happy I am right now. Words are not enough to express the bliss I feel.

Napaiktad ako't dali-daling kinuha ang cellphone nang muling tumunog ang messenger ko.

Omgggg, he chatted again!!!

"And oo nga pala, 'wag mo sanang iisipin na ayaw ko sa 'yo dahil sa kakulitan mo, actually tuwang-tuwa nga ako sa mga jokes mo and I really appreciated na nag-aalala ka sa akin, it's just that I don't really know how to interact with others, boring kase ako, haha. Seen mo nalang ulit 'to. Goodnight!"

Jesus Christ, is this real? Nanaginip ba ako?!? Napapasaya ko siya? Naaappreciate niya ako?!?

Gusto kong tumalon nang tumalon at sumigaw nang napakalakas sa kakiligan. Akala ko wala lang sa kaniya lahat ng pagpapapansin ko, naaappreciate niya rin pala. Wahhhhh!!!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status