Share

CHAPTER 2

Matapos kong i-seen ang huling chat ni Cael ay agad kong cinontact ang mga kaibigan ko.

Contacting...

Fatie joined the video call.

"Ano na naman ba 'yon? Matutulog na 'yong tao, oh?" bungad niya.

Sheena joined the video call.

"What's goin' on? Bulabog naman. I'm talking with my bebe, eh" sambit niya naman.

"Ang sasama ng ugali niyo, ha? May chicka nga kase akoo," sambit ko't saka tumili nang tumili.

Teen joined the video call.

"Ano'ng meron? Ingay niyo. Istorbo kayo eh, 'noh?"

"Ewan ko ba rito kay Ava, nambubulabog na naman," ani Fatie.

Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

"Oh, eh ano ba 'yong chicka at kung makatili ka r'yan ay para kang kinatay na baka?" sabat ni Sheena.

"Baka talaga?"

"Eh ano nga ba 'yon?" usal ni Teen.

Muli akong tumili bago tuluyang mag-kuwento.

"Ganito kase 'yon..." I sighed, "eh diba nga may grad. ball tayo, tapos kanina I was planning to chat Cael," pagpapatuloy ko.

"And?" asked sheena.

"What happened next?" Fatie exclaimed.

"Let me guess, he just seen it again," Teen stated.

"You're wrong Teen." I guffawed.

"Eh ano nga?" sagot niya.

"Okay, okay. Hindi natuloy. Hindi ko siya na-chat kase..." Sumimangot ako't tila pilit na pinapaluha ang mga mata. Let's have a good time, first.

"Oy, are you ok?" Sheena asked again.

"Kuwento ka. Hindi pa pala ako inaantok," pambabawi ni Fatie.

"We're here, beshy, ha? Nag-paalam na ako sa bebe ko, beshy time muna. What happened ba?" ani Teen.

"Kase..."

Mga nakanganga sila sa harap ng camera na tila'y alalang-alala sa akin. Aww. I'm really the luckiest when it comes to friendship.

"Kase siya ang nag-chat sa akin." I screamed in a jolly tone.

"Weh?"

"Hindi kami naniniwala."

"Ava naman, akala namin kung ano. Nag-iimagine ka na naman lang pala."

"Hoy, parang timang 'tong mga 'to. Totoo nga. He chatted me first."

"Show us the proof."

I grabbed my phone and opened our conversation of Cael and showed them.

"Oh, ayan oh," I uttered while slowly scrolling down our convo, para mabasa nila.

"Ow Em Jiiiiiiiiiiii!" Fatie screamed.

"Totoo ngaaaaa!"

"Wahhhhhhhhh. Congrats!"

Sabay-sabay silang nagtilian.

"Omyghad, beshy. He asked you to be his date on our graduation ball," Sheena yelled; she seems more excited than me.

Actually, silang tatlo. Mukhang mas excited pa sila sa akin. True friends indeed.

"Akala ko sinaktan ka niya, eh. Nako, kahit crush mo 'yon, masisipa ko 'yon sa harap mo if ever," Teen---the pinaka-maldita in barkada.

"Thank you, beshieessss."

"We're so happy for you. First step na 'yan, galingan mo," wika ni Fatie.

"Go! Go! Go!" sigaw nila.

Wahhhhhh! Sobrang supportive talaga.

"But before that, let's have beauty rest na," usal ko.

"Oo nga, may pasok pa pala bukas."

"Halaaaa, maaga pala tayong papasok bukas. Hays, akala ko vacant."

"Kaya nga, let's sleep na," pagyayaya ko sa kanila.

"Good night, bye."

"Babay, sleep well."

"Babayyyyy."

Kani-kaniyang pagpapaalam.

____________

Sa sobrang excited na makita si Cael, sa sobrang saya na rin na nadarama, ako ang pinaka-maagang dumating sa room namin.

I seated on my chair and took out my earphone inside my wallet. Volumes up, music on. Napabuntong hininga nalang ako, ganito pala talaga kapag inlove.

Only Cael made feel this way, I only feel this with him. It's his fault.

Umub-ob naman ako sa desk while the music still plays. Ang aga pa pala talaga.

Minutes passed and I was still enjoying every beat of my favorite song when there's suddenly chucked my shoulder. Napaiktad ako sa gulat kaya naman itinaas ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko.

"Can you share me that?" I know this voice. 'Yong malalim na malagong pero malambing na boses.

Owwemmjiiiii!!

Dahan-dahan akong lumingon sa dako kung saan nanggaling ang tinig. I saw he was standing behind me, tumingin ako sa kaniya and oh gosh! He really looks an angel descending from heaven.

"S-sure," I stuttered.

Ang aga-aga, namumula na agad yata ako.

I was staring at him while sitting beside me. I handed him the other pair of my earphones.

"Is this your favorite too?" tanong niya nang agad na napakinggan ang kanta. Napalingon ako sa kaniya at bahagyang tumango. "This is nice, actually I always sing it whenever I'm taking a bath, I listen to it whenever I'm sad." My eyes got widened, is this really my Cael?

"Sorry. Madaldal na bang masyado?" usal niya. Jesus Christ, why this man in front of me is so cute?

"Nah. I-it's o-okay." Kinakabahan pa rin ako. Bakit ganito? I used to tease him everytime ang greet him every morning pero bakit ngayon, natatameme akoooooo?

"Natutuwa lang ako kase may kapareho pa pala ako ng taste pagdating sa music.

Tumango nalang ako bilang tugon. Mukhang napansin niya ang pagkatameme ko.

"Oy, am I making you feel uncomfortable? Baka hindi ka komportble, ha? Aalis nalang ako."

"No!" pabigla kong sabi.

"Syempre hindi. Gustong-gusto ko ngang naandiyan ka." Bahagya akong napatungo sa kahihiyan.

"Crush mo talaga ako, 'no?" Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang natigilan sa tanong niya.

d. "Kidding!" said he. Nag-ngiti-ngitian na rin lang ako habang rinig na rinig pa rin ang kabog ng dibdib ko.

"Anyway, I was serious about last night, ha? I want you to be my date."

I'm running out of words. Hindi ko kayang tumingin sa kaniya nang tuwid. Kasalanan niya rin, kinikilig akooooo.

"A-ah, yeah," marahan kong sagot.

"Oh. Tapos na 'yong kanta." Inalis niya naman ang kabilang earphone at ibinalik 'to sa akin.

"Ava?" he said while I'm acting busy fixing my earphones.

"Sorry for how I treated you before, ha?"

I put back my earphones inside my wallet as I've finished to fix it.

And this time, humarap ako sa kaniya nang walang ni katiting na kabang nadarama. Gustong-gusto kong pakinggan ang boses niya, gustong-gusto kong mas makilala pa ang taong ginusto kong gustuhin.

"Eh bakit nga ba?" tanong ko kasabay ang pagtaas ng kaliwang kilay.

Ito 'yong matagal ko nang hiniling; to have even just a small talks with him.

Napatungo naman siya. "Eh kase I'm not that really type of a person na makikipag-usap sa kahit na kanino. Lalong-lalo na sa mga babae."

"Bakit naman?"

"Years ago, someone left me dumbfounded. She left me without saying a goodbye, simula no'n feeling ko, lahat ng sasabihin ko ay mali, dahil kung naging tama man, why did she leave me without telling me the reasons why? Kung naging tama man, bakit hindi siya naniwala sa mga sinabi ko't nilisan pa rin ako nang walang paalam?" usal niya.

Napasimangot naman ako sa narinig ko.

"Malay mo may dahilan 'yong tao, 'tsaka ano'ng mali ka r'yan, tingin ko nga, ikaw na ang tama sa akin." Alam kong korni pero kiligin ka naman. "Ang totoo niyan, I consider myself now as the luckiest girl alive," added I.

"Bakit naman?" pagtataka niya.

"Kase kausap ko ang isang Cael Carreon. Nagkukuwento pa siya sa'kin ngayon, tapos crush ko pa siya, hindi mo ba matatawag na s'werte 'yon?"

Bahagya naman siyang napangisi. "You know what? You never failed to make me smile."

Sheettt. Ang init ng pakiramdam ko, para akong matutunaw sa titig niya.

"I wasn't just replying on your chats before kase I don't want you to find me boring, baka madisappoint ka o kaya, ma-turn off?"

"Hoy. Ano ka ba? Sobrang dami ko ngang chats sa 'yo na sineen mo lang, hindi ako na-disappoint or na-turn off man lang, paano pa kaya kapag may reply na?" Sabay naman kaming nagtawanan. "Wala eh, crush talaga kita," mahina kong sambit.

"Ano 'yon?" Narinig yata.

"Ah, wala. Sabi ko ang cute mo talagaaaaa."

Muli siyang tumawa. His laugh was so sexy, it can seduce anyone who can hear it. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

I didn't expect this to happen. Sobrang saya ko, sobrang kinikilig akoooo. Wala pa sa wanport ng talambuhay niya ang naikuwento niya pero sobrang saya ko na dahil siya ang nag-kuwento.

"May kaklase na tayong paparating," sambit niya nang mapalingon sa labas ng classroom. "Thank you, Ava. Kahit na sobrang konti ng sinabi ko sa 'yo, sa 'yo ko lang nagawang mag-kuwento, it's just that I'm already comfortable with you, siguro dahil na rin sa araw-araw mong pangungulit." Muli kaming nagtawanan at tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan. "Do'n na ako sa upuan ko, babay," dagdag niya pa.

Hinintay ko siyang makabalik sa upuan niya't muli siyang nginitian bago tuluyang tumalikod sa kaniya.

Minahal niya pala talaga si Catricia kaya gano'n niya nalang balewalain ang mga nagkakandarapa sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status