Share

Behind The Lies
Behind The Lies
Author: Nekohime

Prologue

"Kailan mo pa ako niloloko?!!"

Halos mabingi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng galit na boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.

Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya. Punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now.

"Saan ba ako nagkulang, Kelly?" may panlulumong tanong niya.

I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin.

Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.

Napayuko na lamang ako. Hindi ko magawang tumitig sa kulay brown niyang mata. Kung noon, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin ako sa magagandang mata niya, ngayon ay parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata niyang iyon. Baka hindi ko na kayanin.

"Kaya ka nakipag-cool off 'di ba? Kasi may iba ka na pala? At bestfriend ko pa talaga? So, totoo talaga ang naririnig ko patungkol sa inyo?!"

Iling lang ako nang iling. Gusto ko magpaliwanag, pero sobrang gulong-gulo na ng utak ko. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito.

"Magsalita ka naman, Kelly! Please, sabihin mong hindi totoo na may relasyon kayo ni Brix. Parang awa mo naman!"

Parang naging isang malakas na pag-agos ng ilog ang mga luha ko. Tuluyan itong bumagsak sa mga mata ko nang marinig ko ang pagsusumamo niya.

Huminga ako ng malalim. Buo na ang desisyon kong tapusin na ang lahat sa amin.

"I-I'm sorry, Gab...I-I'm sorry...Totoo lahat ng 'yan...T-Totoong may relasyon kami," halos pabulong na pag-amin ko. Hindi ko gustong saktan siya, pero heto ako, dinudurog ko ang puso niya.

Nakatitig lamang ako sa mga litratong hawak-hawak niya na kanina lang ay pinagpepyestahan ng mga estudyante sa bulletin board. Lukot-lukot na ito dahil naiipit ang mga ito sa nakakuyom niyang kamao. Picture namin 'yon ni Brix na magkayakap.

Kumalat na ang picture na 'yon sa buong campus. Marahil ay pinag-uusapan na nilang lahat ang cheating issue namin ni Brix. Napakadali talagang manghusga ng mga tao kahit hindi naman nila alam ang buong kwento.

Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Gab ng hangin kasabay ng pagtigas ng boses niya. "Kailan pa kayo?!"

Nanatili akong nakayuko, pikit-matang sinagot ang tanong niya. "T-Three months na kami."

"T-Three months," he repeated. Walang buhay. 

"Gab. Sorry...I'm really sorry!" 

I apologized over and over again. Sa mga sandaling iyon, parang iyon lamang ang mga salitang alam ko.

"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya.

Tila binalot ng lamig ang buong sistema ko. Parang yelo na ang boses niya. Hindi ako makapagsalita. Para akong tatakasan na ng lakas. Patuloy ako sa pag-iyak. Siguro iniisip niya, napaka-kapal ng mukha ko. Kung umiyak ako sa harapan niya, parang ako pa ang biktima.

"S-Silence means yes," his voice cracked. "Putangina."

Marahas niyang itinapon sa harap ko ang hawak niyang mga litrato. Tinipon ko ang lahat ng lakas na meron ako upang muli siyang tignan. Nanlumo ako nang makitang lumuluha na rin siya, pero mabilis niyang pinunasan iyon. Para akong mapapaso sa apoy ng galit na nakikita ko sa mata niya.

"Hindi ko alam na ganyan kang babae. Tangina naman, Kelly. First year highschool palang mahal na kita, ginawa ko naman ang lahat para sa'yo. Hindi ko akalain na magagawa mo pa akong lokohin. Tangina! Magsama kayong dalawa. Mga manloloko!" matatalim ang bawat salitang binitiwan niya pero tinanggap ko ang lahat ng iyon kahit nagdurugo na ang puso ko.

"It's over between us. Hindi ako gago para magpakatanga pa sa'yo. Huwag na huwag ka nang lalapit pa sa akin. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo." He said coldly as he looked at me with disgust.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Naiwan akong mag-isa. Wala akong lakas pa para habulin siya. Iyak na lamang ako nang iyak habang pinagmamasdan ang tuluyang paglayo niya sa akin.

Iyon ang huling pagkakataon na nagkausap kami. At sigurado ako, kailanman ay hinding-hindi na niya talaga ako mapapatawad pa.

In his eyes, I'm the worst.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status