Share

Chapter 2 - Spring Crocus

My mind is on haywire. It keeps heading back on the night that we went to that bar, and I swear I won't go back there anymore. It was a worst experience ever! But then I smiled at the thought of that facemask guy. My heart flutters when I think that maybe, it was Gabriel.

Pero malamang sa malamang, nanaginip lang talaga ako ng gising. Gab is not the only one who owned a deep set of eyes. Isa pa baka nililinlang lang ako ng mga mata ko no'n dahil medyo nahihilo na rin ako. 

Kung sino man siya, salamat sa kanya dahil naturuan niya ng leksyon ang nambastos sa akin.

"Spongebob na naman 'yang pinapanuod. Lipat mo nga 'yan."

Umupo si kuya sa tabi ko at pilit na inaagaw sa akin ang remote ng tv. Kainis! Kanina pa ako dito sa sala at tahimik na nanunuod, tapos bigla siyang manggugulo.

Napasimangot na lang ako nang maagaw niya ang remote sa akin at nilipat ang channel sa CNN para manuod ng balita. So tito.

Sana makapag-asawa na siya para lumipat na siya ng bahay at wala na akong kaagaw sa t.v.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Nakinuod na rin kahit labag man sa kalooban ko. Hindi na ko nakipagtalo pa sa kanya na ibalik niya kay Spongebob. 

Naramdaman kong sinalat niya ang noo ko. "Mainit ka na naman, magpahinga ka nga ulit sa kwarto mo."

"Ayaw. Mainit do'n. Sira ang aircon. Dito na lang ako," paglalambing ko sabay higa sa kandungan niya.

"Pasaway kang pusa ka, kahit kailan." Mahina niyang pinitik ang noo ko.

"Aray naman," reklamo ko.

"Mahina lang naman 'yon. Ang arte."

"Tse!" Irap ko. Bumalik na lang ako ulit sa panunuod ng balita.

"Naka-bonet ka pa, feeling mo winter?" pang-aasar pa nito nang mapuna ang suot-suot kong yellow na bonet.

Hilig talaga manira ng trip nito. Hindi ko na lang siya pinansin. Nanahimik kami parehas habang nanunuod sa sala. Ilang sandali pa, na-bored na ako sa pinapanuod naming balita kaya nagsimula akong dumaldal.

"Kuya. Bumalik na si Gab sabi ni Danika. Anong gagawin ko kapag nakita ko siya?" baling ko sa kanya.

Gabriel lives in the same city kaya posibleng magkita talaga kami.

"Kung hindi mo siya kayang harapin, umiwas ka na lang. Pero kung handa ka nang itama ang maling nagawa mo, ipaliwanag mo sa kanya ang lahat lahat. Stop lying to him, stop lying to yourself. I know you still love the guy," he replied, his gaze still fixed on the televison.

"But sometimes, kailangan natin magsinungaling 'di ba? Kung sa ikabubuti naman nila ito."

Tahimik na ang buhay ni Gab na wala ako. Ayoko na siyang guluhin pa.

Marahas na napailing si kuya. "Hindi pa rin tama 'yung paraan mo. Hanggang kailan mo mapapanindigan ang kasinungalingan na yan?"

"Hanggang kaya ko. Kahit dalhin ko pa hanggang sa hukay. Huwag lang niyang malaman pa ang totoo," mahinang saad ko, pilit na nilalaban ang pagtulo ng luha ko.

May sasabihin pa sana si kuya pero biglang tumunog ang door chime. Bumangon ako para maupo at sumandal sa sofa. Si kuya ang lumabas para pagbuksan ng gate kung sino man ang dumating.

"Magandang tanghali mga kapuso! Kami ang sugod-bahay gang!"

Napalingon ako nang marinig ko ang isang boses na katulad ng boses ni Wally Bayola. Natawa ko na si Jules lang pala, kasama niya si Danika.

Ang galing talagang manggaya ng boses ni Jules. Isa 'yan sa talent niya. 'Yan din ang puhunan niya sa trabaho niya. He's a DJ actually. Hindi lang halata sa itsura niya. Minsan nga napagkakamalan pa itong gangster dahil sa porma niya lagi na bad boy look tapos marami pang piercing sa tainga.

But don't judge a book by its cover. Jules is really a soft guy.

"Mangugulo na naman kayo dito. Bawal. May sakit si Kelly. Shoooo!" pabirong pagtataboy ni kuya sa kanila.

"Kaya nga kami nandito, dinadalaw siya," sagot naman ni Jules.

"Oo nga kuya Mike. Hindi mo kami pwede itaboy, no. May dala kaming food. Nag-lunch na ba kayo?" Inangat ni Danika ang bitbit niyang box ng pizza. Si Jules naman, may bitbit na maliit na bilao ng sushi.

"Tara sa dining area. Kainin na natin 'yan," pag-aaya ni kuya sa kanila. Kailangan pa talaga siyang suhulan para umamo.

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko para sundan sila.

"Mukha kang egg yolk," natatawang komento ni Danika nang lingunin ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Doon ko lang napansin na kulay yellow nga ang lahat ng suot ko. Mula sa medyas, sa jogging pants, oversized kong t-shirt at yellow na bonet.

Hindi naman masyadong halata na mahilig ako sa color yellow. That's why I love spongebob.

"Sunflower kaya ko," giit ko. Tama bang i-compare ako sa egg yolk?

"Hindi pa naliligo yan," sabat pa ni kuya.

"Kaya pala. Ligo ka na Kels," pang-aasar ni Jules sabay takip ng ilong.

"Oo nga. Baho mo na," gatong pa ng best friend ko.

"Sunflower na mabaho," kuya Mike added.

Naghagalpakan naman sila ng tawa. Nakakainis po sila.

***

Around 5 p.m nang magpasyang umuwi na sina Danika at Jules. Masyado silang nawili sa pagtambay sa bahay namin. May dala pang flash drive si Jules na naglalaman ng dinownload niyang mga bagong movie, kaya movie marathon kami ng bongga.

I really appreciate their efforts and company. Kapag hindi sila busy, they really make sure to spend time with me. Kahit na mag-boyfriend at girlfriend na sila, hindi pa rin nila ako kinakalimutan.

My brother invited them for dinner but they declined. May plano na pala silang mag-dinner with Jules parents at 7 in the evening. Mabuti pa sila, masaya ang relasyon nila.

After namin makapaghapunan ni kuya, umakyat na ko sa kwarto at humiga sa malambot kong kama. I heaved a deep sigh while staring at the white ceiling of my room. Masyado pang maaga kaya kinuha ko muna ang cellphone ko sa bedside table para maglaro ng games.

Hindi ko na ito masyadong nagagamit. For games, text at tawag na lang talaga siya. Lumang model na rin ito ng smart phone, hindi na ko bumili ng bago dahil gumagana pa naman ng maayos. Matibay.

Napangiti ako nang pagmasdan ko ang wallpaper. It was me and Gab. Nakayakap siya mula sa likuran ko habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Nakadikit naman ang labi ko sa kaliwang pisngi niya. We looked so in love.

I wish I could travel back to the time where his heart is still beating for me, where he look at me with those captivating eyes, where he holds me in his arms while whispering sweet nothings to my ear.

Pero hanggang isang malaking sana na lang ang lahat. It was all in the past now. Kahit anong gawin ko, hindi na ako makakabalik pa sa panahong 'yon.

Siguro naka-move on na siya, samantalang ako, patuloy na nabubuhay sa nakaraan at binabalik-balikan ang masasayang alaala namin.

I could compare myself into a flower called spring crocus. Nabasa ko noon that spring crocus is the saddest flower kaya tinatawag din itong penitent's rose. It represents our heart or soul, the eternal part of our being, which blooms when someone we love forgives us.

Am I able to bloom into a beautiful flower again?

"Muning."

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakasilip si kuya Mike.

"Bakit?" tanong ko.

"Nothing. I'm just checking on you. Nakainom ka ba ng gamot?"

"Opo. Kanina pa."

"Good. Sige, pahinga ka na. Huwag na magpuyat," bilin nito bago isara ulit ang pinto ng kwarto ko.

***

Maaga akong gumising kinabukasan. Naging maayos na rin ang pakiramdam ko kaya naligo na ako at nagbihis. Dressed in my denim jumpsuit and white t-shirt sa panloob, bumaba na ako para makapag-breakfast.

Pagpunta ko sa dining area, nadatnan ko si kuya na sumisimsim na ng kape.

"Saan punta mo?" nakakunot-noong tanong nito.

"Sa flower shop, malamang."

Sarado ang shop kahapon dahil nilalagnat ako at buong araw akong binantayan ni kuya.

"Take a rest, sabi ni mommy. Ako na lang muna doon. Papasok na rin naman si kuya Dan."

"Okay na ko," giit ko.

"Huwag matigas ang ulo, please?" seryosong pakiusap ni kuya.

"Ayoko maiwan sa bahay," I pouted.

"Sumunod ka na lang, Kelly."

"Sama na kasi ako. Kung nag-aalala kang mabibinat ako, uupo na lang ako doon, promise!" pangugulit ko.

Minsan nakakainis na rin kapag masyado nila kong bine-baby. Kulang na lang huwag na akong padapuan ng lamok.

"Tigas-ttigas ng ulo mo. Kanino ka ba nagmana? Masunurin naman ako, si mommy rin naman hindi matigas ang ulo."

"Baka kay daddy?" Sumalangit nawa. Huwag mo kong multuhin dad.

"Baka nga," pagsang-ayon ni kuya.

Naalala ko kasi kapag ako ang nag-aalaga kay daddy noong may sakit siya, pahirapan din bago ko siya mapainom ng mga gamot niya. Minsan nga nagsisinungaling pa siya sa akin na nakainom na siya kahit hindi naman. Pasaway din.

Sa kanya nga talaga ko nagmana.

***

Kuya drove his red honda car, heading to our flower shop. I was sitting in the front seat while my head is bouncing to the song that was playing inside my his car.

When I call you at home and he answers the phone,

Or I get your machine and I don't hear me

When I lie in my bed with the thoughts in my head

When we danced and we sang and we laughed all night

I sang at the top of my lungs not minding if I'm out of tune.

Oh the bop bop baby please don't let me go

Can't live my life this way

Oh the bop bop baby please just let me know

And put my mind at ease for sure

Sinabayan na rin ako ni kuya pagdating sa chorus. Para kaming nag-coconcert sa loob ng kotse niya. Kung may makakarinig lang sa amin, baka nabuhusan na kami ng malamig na tubig. Parehas pa naman kaming walang talent sa pagkanta.

Hindi na matapos-tapos ang masayang tawanan namin ni kuya kahit nang makarating na kami sa shop.

8:15 pa lang ng umaga kaya medyo mahaba pa ang oras para ayusin ang store. 9:00 am kasi nagbubukas ang flower shop namin.

Habang nagwawalis ng sahig sa may lounge area, tumunog naman ang phone ni kuya. Nagmamadali siyang sinagot ito.

"Hello? Yes, mom, nasa shop na ko. Si Kelly? Opo, nasa bahay lang  nagpapahinga. Sure, mom. Sige po, ingat kayo diyan. Ako na po bahala dito. Bye, mom."

Tinignan agad ako ni kuya nang matapos silang mag-usap ni mommy.

"Bakit?" tanong ko.

"Hinahanap ka. Sabi ko nasa bahay ka lang. Lagot ka, kapag nagvideo-call 'yon," pananakot pa sa akin ni kuya.

I just shrugged. "Hindi 'yan."

But I was wrong. Nag-ring ang phone ko at tumatawag na nga si mommy. Buti na lang simpleng tawag lang at hindi video call. Nagtatakbo ako papunta sa design room para hindi marinig ni mommy ang mga ingay ng sasakyan sa labas ng shop.

"Hello, mommy?"

"Hello, Kelly my baby. Kamusta na pakiramdam mo? May lagnat ka pa?" nag-aalalang tanong ni mommy.

"Okay na po, mommy. Magaling na."

"Pauwi na ko next week, anong gusto mong pasalubong?"

"Mommy, umuwi ka lang okay na ko. I miss you so much po," paglalambing ko.

"I miss you too, bunso. Take care of yourself, lagi makikinig kay kuya ha? Huwag matigas ang ulo," bilin niya. Muntik na kong masamid.

"Okay, mom. Ingat ka din po. I love you."

"I love you too, baby. Sige na, baba ko na, ha. Tumawag lang talaga ko para i-check ka."

"Okay po."

The moment our call ended, bumalik na ako sa lounge area para ipagpatuloy ang pagwawalis. Si kuya naman nasa counter at pangisi-ngisi sa akin habang nagpupunas. Nakakaasar.

***

Gaya ng pinangako ko kay kuya, wala akong ginawa sa shop kundi umupo at kumain lang habang pinapanuod siya na inaasikaso ang mga pumapasok na customer. Such a bummer!

"Alis na muna ko ulit, Kelly. Magdedeliver lang," paalam sa akin ni kuya Danny. Ang delivery man namin. Nakakatatlong delivery na siya ngayong araw, napakasipag talaga.

41 years old na ito at mag-isa na lang din niyang pinapalaki ang dalawang anak niyang babae. Sumakabilang bahay kasi ang asawa nito. Napakabait na tao ni kuya Danny, kaya nga naawa ako sa kanya nang magloko ang asawa niya at iwan sila. Kaya ayan doble kayod din siya para mabigyan ng magandang buhay ang anak. Pagsara ng shop, may isa naman siyang part-time job. Halos wala na siyang pahinga.

"Ingat po sa pagmamaneho," paalala ko. Nginitian naman niya ko bago lumabas ng shop at sumakay na sa motorsiklo niya.

Gusto ko sanang tumulong sa shop kaso ayaw talaga ni kuya dahil baka mapagod lang daw ako at mabinat. Pauuwiin niya daw ako sa bahay kapag hindi ako sumunod, kaya wala akong magawa kundi tumunganga ng ilang oras o kaya maglaro ng candy crush sa phone ko.

"Welcome to Kelly's Bloom! What can I do for you ma'am?" masiglang bati ni kuya nang pumasok sa shop ang isang may ka-edarang babae.

Nasa 60's na siguro ito pero sobrang fashionable pa rin. She's wearing a black sleeveless and khaki with fedora hat. Kaya lang mukha naman itong masungit dahil nakaarko ang manipis nitong kulay na parang isang guhit lang ng eyeliner. Hindi rin ata ito marunong ngumiti dahil blanko lang ang mukha nito.

Lumapit ito sa counter. "Hijo."

"Yes ma'am?" attentive na sagot ni kuya. He was flashing his most radiant smile.

Sapat na ang isang ngiti na 'yon para matunaw ang blankong mukha ng customer namin at napalitan ito ng isang maaliwalas na mukha. Dapat pala maningil din ako kapag may nakakakita ng nakakasilaw na ngiti ng kuya ko. Mahal kaya ang ngiti niya.

"I'm going to my husband's grave. Can you give me a basket full of peonies?" the old lady smiled sweetly.

Nangiti naman pala.

"Sure, ma'am! Maupo muna kayo, just wait a minute po," magalang na paalam ni kuya bago pumasok sa design room.

Habang naghihintay, nagtingin-tingin muna sa paligid 'yung customer. Ako naman bumalik sa paglalaro sa cellphone ko. Ilang sandali pa, lumabas na si kuya sa design room na bitbit na 'yung isang basket ng peonies.

"Thank you." Hindi mawala ang ngiti sa labi ng customer nang iabot na sa kanya ni kuya 'yung basket.

"You're welcome, ma'am. Come again," my brother replied.

"Sure, hijo. Babalik talaga ko dito. Ang gaganda ng mga bulaklak niyo," puri nito. "Anyway, pwede ko bang makuha number mo?"

"P-Po?"

"Your number. Pwede kong makuha?" the old woman repeated.

Napatingin sa akin si kuya. Gusto kong tumawa nang malakas pero pinipigilan ko. Iba rin talaga ang charm ng kapatid ko.

Kumuha na lang si kuya ng business card at inabot ito sa customer. "Tawag na lang po kayo diyan ma'am if ever gusto niyong umorder sa amin. We will deliver it on the same day."

"Okay, hijo. Salamat." Magiliw na saad nito.

When the old woman finally left the shop, kumawala ang malalakas na tawa ko.

"Lakas talaga ng kamandag mo kuya...type ka ata..." nahihirapang sambit ko dahil hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ng malakas.

Sinamaan naman niya ko ng tingin. "Sige tawa pa. Sasabihin ko talaga kay mommy na nandito ka at hindi mo siya sinunod," naiinis na banta niya.

I quickly stopped myself from laughing so hard while sticking out my tongue to him. Pikon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status