Share

Chapter 3 - Anemone

The following month was the busiest and full of surprises. Lalo pa at ilang araw na lang, Valentines Day na. Mas dagsa ang mga customer kapag ganitong buwan. Mabuti na lang at nakauwi na rin si mommy galing sa probinsya. Kung kami lang ni kuya ang nasa shop, baka hindi na kami magkandaugaga sa pag-aasikaso ng mga customers.

Mom really knows how to handle pressure, 'yon siguro ang dapat naming matutunan pa ni kuya mula sa kanya.

Umaga palang, sobrang busy na namin. Ilang oras ng sunod-sunod ang pagdating ng mga customers at online orders. Para akong hihingalin kaka-sales talk at kakasagot ng tawag sa phone kaya nang maubos ang tao sa shop, agad akong umupo sa wooden chair sa lounge area at pinatong ang paa ko sa coffee table.

"Pagod ka na?" kantyaw ni kuya habang inaabutan ako ng isang baso ng tubig.

"Nakakapagod kayang dumaldal," katwiran ko.

Magtatanghali na rin kaya ramdam na ramdam ko ang pagod at gutom.

"Kelly, put your feet down," suway naman ni mommy mula sa counter nang makitang nakapatong ang mga paa ko sa coffe table.

Nagmatigas pa ako kaya pinandilatan na ako ng mata ni mommy. Natatawang nag-peace sign na lang ako sa kanya at binaba na ang paa ko.

"Good afternoon ma'am. Delivery po!"

Napalingon kami sa front door nang may pumasok na isang lalaki na nakasuot ng green long sleeve shirt at black pants. Kumunot naman ang noo ko nang dumako ang tingin ko sa dala niyang kulay green na delivery bag.

"Pero hindi naman po kami umorder kuya," sambit ko.

Napakamot naman sa ulo si kuyang delivery boy. "Pero ma'am dito pa kasi naka-address."

Lumapit naman si kuya para i-check 'yung order form. Dito nga sa shop naka-address at bayad na rin siya.

"Sige po kuya, salamat." Kinuha na lang ni kuya 'yung isang bucket ng fried chicken, isang box ng pizza, isang pan ng family spaghetti at tatlong klase ng milk tea.

Nang makaalis si kuyang nagdeliver, manghang-mangha pa rin kami ni kuya. Free foods. Wow!

"Kanino naman kaya galing 'to?" nagtatakang tanong ng kuya ko.

"Sigurado ba kayong sa atin 'yan? Baka mamaya nagkamali pala," sabat ni mommy.

"Sa atin talaga mommy, address ng shop natin ang nakalagay eh," kuya replied.

Umupo na siya at nilapag na sa lamesa ang mga pagkain namin. Pati si mommy, lumabas na rin sa counter para i-check maigi 'yung mga foods.

"Wala naman sigurong lason 'yan no?" bulalas ni mommy.

Natawa tuloy ako. "Kain na lang tayo mom, gutom na ko."

Habang masaya kaming nananghalian, biglang tumunog ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin kaso ring nang ring kaya dinukot ko na 'to sa bulsa ng pantalon ko.

"Hey, natanggap niyo ba 'yung pinadeliver ko?"

Hindi nakaregister 'yong number sa phone ko pero sa boses palang, kilala ko na siya. 

"Brix!"

Napatakip naman ng tainga si kuya. Napalakas pala ang boses ko. Sorry naman.

I heard Brix chuckled on the other line. "Easy."

"Nakabalik ka na? Kailan pa? Bakit hindi ka nagsabi? Bakit iba na number mo?" sunod-sunod na tanong ko.

"Sorry, nawala kasi ang phone ko. Kahapon pa ko dumating kaso dumiretso na ko agad ng ospital para magreport," paliwanag niya.

"Hala. Thank you sa food. Nag-abala ka pa."

"Naisip ko kasi ganitong month busy kayo, baka hindi pa kayo kumakain kaya nagpa-deliver na ako. Wala rin akong nabiling pasalubong kaya 'yan na lang muna...Sige Kels, tawag na lang ulit ako mamaya. Duty na ko ulit. Regards kina tita."

"Okay. Thank you ulit."

"Kain ka na. Daan ako diyan kapag may free time. Ingat!"

After I hang up, doon ko lang na-realized na tumigil sa pagkain sina mommy at kuya. Nakatitig lang sila sa akin.

"Bakit?"

"Nakabalik na si Brix? Pasalubong ko?" tanong ni kuya.

"Wala. Ito na lang daw. Hindi siya nakabili."

Galing kasi sa U.S si Brix, may nursing congress siyang pinuntahan. Halos isang buwan din siya doon.

"Invite him for a dinner anak kapag may free time siya, para naman makapagpasalamat ako sa kanya. Nakakatuwa talaga ang batang 'yon. Napakabait." Giliw na giliw na sambit ni mommy.

I couldn't agree more. Brix is really a nice guy, sobrang dedicated pa sa trabaho niya. Nagmana talaga siya sa parents niya na ubod ng sipag at mababait din. Kaibigan din ni mommy ang mga magulang niya.

Parehas doctor ang parents ni Brix. Monthly meron silang free medical check up sa bawat barangay. Bilang pasasalamat din ni mommy sa mga tulong ng magulang niya, monthly din na pinapadalhan sila ni mommy ng mga fresh flowers.

Akala ko nga magdodoctor din si Brix gaya ng parents niya, pero sabi niya, okay na daw siya bilang nurse. Nakasuporta naman sa kanya ang magulang niya kung anuman ang gusto niya.

Nakakahanga sila. Nakakahanga rin si Brix.

The apple doesn't really fall far from tree, I guess.

***

8:00 p.m

Danika:

Kels! OMG! Inaccept na ni Aiyah at ng mga kabanda niya ang friend request ko. Finally!

Syeeeet na malagkit! Friend ko na ang Capotes. Huhu

Kelly:

Nice.

Danika:

Sayang talaga hindi ako nakapagpa-picture sa kanila noong nameet ko sila. Inggitin ko sana mga friends ko.

Kelly:

Hahaha. Okay lang 'yan. May next time pa naman.

Danika:

Mabuti na lang talaga may friend akong kaibigan nila. Hihi.

Balitaan mo ko kapag binisita ka ni Aiyah, ha.

Kelly:

User. Haha 

Danika:

HOOOOOY! Ang sakit naman. Me is crying na.

Kelly:

Adik mo. Hahaha.

Danika:

Balik ka na sa social media. Kahit facebook lang.

Ay joke. Huwag na pala. Erase erase!

Kelly:

Wala naman talaga akong balak bumalik.

Danika:

Good! May makikita ka lang na hindi kaaya-aya sa paningin.

Nilapag ko sa tabi ko ang cellphone ko at hindi na nagreply pa kay Danika. Ayoko na rin siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng huling text niya. Curiosity might kill the cat.

Nakaranas ako ng cyber-bullying noon after ng break up namin ni Gabriel kaya nag-deactivate ako ng mga social media accounts.

Kilala kasi si Gabriel sa buong campus, maraming kaibigan, maraming humahanga. Kaya nang pumutok ang issue namin ni Brix, maraming nagalit sa akin. Lahat sila ako ang sinisi sa pag-drop out ni Gabriel sa university at umalis patungong States para doon na magpatuloy ng pag-aaral.

Akala ko paglipas ng ilang araw, o buwan, makakalimutan na rin nila ang maling nagawa ko pero hindi 'yon nangyari. Kalbaryo ang naging buhay ko noong college. Halos lamunin ako ng lungkot, kundi lang dahil kina Danika, Jules at Brix baka bumigay na ako. 

Araw-araw, ako ang laman ng mga usapan ng bawat estudyante. They were calling me names. Slut, malandi, social climber at kung anu-ano pang masasakit na salita. Araw-araw, mga mapanghusga at mapanuring mga mata nila ang sumasalubong sa akin. Hanggang sa hindi ko na kinaya, tumigil ako sa pag-aaral ng isang taon para makapagpahinga, para magkaroon ng peace of mind.

Hindi ko na magawang bumalik sa social media. Gabi-gabi akong hindi makatulog noon dahil sa mga hate messages na natatanggap ko. Parang napakasama kong tao sa paningin ng iba. Ayoko na ulit maranasan ang gano'ng klaseng panghuhusga mula sa mga taong hindi naman ako kilala at hindi rin alam ang totoong nangyari. Ayoko na ng bangungot na 'yon.

Malalim akong napabuntong-hininga, sumandal ako sa sofa at bumalik sa panunuod ng movie.

"Anak, matulog ka na."

"Maaga pa naman, mommy." I groaned. Gusto ko pa kasing tapusin ang pinapanuod ko.

"Ayan, tigas na naman ng ulo. Hilig na naman magpuyat. Kaya ka hindi tumataba, eh. Pagalitan mo na nga 'yan, mommy." panggagatong ni kuya. Binelatan ko na lang siya.

"Sige na, Kelly. Sleep ka na," masuyong pakiusap ni mommy. Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang sa kanya.

***

Sumapit ang Valentines Day, dumoble ang bilang ng mga taong dumagsa sa shop namin. At hindi ko rin inaasahan na sa araw na 'yon, makakatanggap pa ulit ako ng isang surpresa. Hindi na 'yon galing kay Brix, wala akong kamalay-malay sa surpresang, ang tadhana na mismo ang naghatid.

"Thank you for coming! Balik po kayo," matamis ang bawat ngiti ko sa mga customer na pumapasok at lumalabas sa shop.

Nakakatuwa dahil ang laki ng sales namin ngayong araw, halos maubos na ang mga bulaklak namin. Maya-maya siguro ay magsasara na kami.

My brother and I planned to watch a movie with mom. Tutal parehas naman kaming walang date ni kuya, kaya kaming tatlo na lang nila mommy ang lalabas. Kuya Mike already bought a movie ticket for us.

Masaya akong nagpupunas ng mga vase. Wala pang customer kaya may paghum pa ako. Ilang sandali pa ay tumunog ang chime sa front door. Magiliw kong hinarap ang bagong dating na customer habang hawak pa rin ang maliit na ceramic vase na pinupunasan ko.

"Good afternoon, sir!" bati ko sa customer.

Isang lalaki na blonde ang buhok ang tumambad sa akin. Matangkad at tisoy na tisoy ito. Foreigner ata dahil green eyes siya. Mapapalaban ata ko ng english. May kasama pa siya kaso nasa likod niya lang ito.

"How can I help—" napaawang ang bibig ko nang lumantad sa harap ko ang lalaking kasama nito. "...you...H-How can I help you, sir?"

Nawala ang sigla sa boses ko. Bigla akong nanlamig. Bahagya akong napaatras nang magtama ang mga mata namin. His cold stare sending shivers in every fiber of my being.

"G-Gab," I mumbled.

Nanginginig na ang mga kamay ko kaya nawalan ako ng kontrol at nabitawan ang basahan at vase na hawak ko. Ang pagbagsak nito ay gumawa ng napakalakas na ingay.

"Kelly, ano 'yan?" naalarmang tanong ni kuya nang lumabas siya sa design room. Hindi ako makakibo. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Dumako ang tingin ni kuya sa mga customer na dumating. Maging siya ay labis din ang pagkagulat nang makilala si Gab.

Lumapit si kuya sa amin. Bakas ang pag-aala sa mukha niya para sa akin. 

"G-Gabriel! Nakabalik ka na pala. Kamusta?" My brother tried to strike a casual conversation but to no avail. Gab just stared blankly at my brother.

"You know them?" tanong ng lalaking kasama ni Gab.

"No," he replied coldly.

Sa puntong 'yon, parang gustong malaglag ng puso ko sa sahig at sumama sa mga nagkalat na basag-basag na piraso ng vase.

Napatiim ang bagang ni kuya. His hand was ball into fist. I looked at him and pleaded through my eyes. Mukhang naintindihan naman niya ako kaya malalim siyang napabuntong-hininga. He's trying his best to calm down and compose himself. 

"Anong kailangan niyo?" diretsong tanong niya. Sa kabila ng ngiti niya, hindi nakawala sa paningin ko ang inis na bumabalatay sa mukha niya.

"I want a bouquet of roses, for my girlfriend." Gab replied not looking to anyone of us.

"Mine is tulips," tugon naman ng lalaking kasama ni Gab. Oblivious at the building tension between the three of us. 

Tumango lang si kuya at tinignan ako. Sinenyasahan niya ako na sumunod. I gathered all my strength to be able to walk and followed my brother. Mabuti na lang at wala pa si mommy, hindi niya makikita kung paano ako naging miserable sa harap ni Gab.

Nang makarating kami sa design room, pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko kaya pasimple akong humawak sa mahabang lamesa para maalalayan ang sarili ko. Ayokong ipakita kay kuya ang panghihina ko.

Nagprisinta siya na siya na lamang ang gagawa ng mga bouquet at manuod na lang daw ako, pero matigas ang ulo ko. Hindi ako pumayag sa gusto niya.

Ako ang gumawa ng bouquet ni Gabriel. Ang bouquet na ibibigay niya sa girlfriend niya. Nice.

Akala ko magiging masaya ako kapag nalaman ko na naka-move on na siya sa akin. Akala ko hindi na ako masasaktan pero parang pinaplastik ko lang pala ang sarili ko. 

Ang sakit. Ang sakit sakit pala.

Labis ang pagpipigil ko sa sarili ko na maiyak habang tinatanggalan ng mga tinik ang rosas. Nanlalabo na ang paningin ko kaya napatingala na lang ako para pigilan ang pagtulo ng nangingilid kong luha.

I fought so hard to keep my emotions at bay and I succeeded. Kahit hanggang matapos ko ang bouquet, hanggang pagbalik ko sa counter para muling humarap kay Gabriel, hanggang makaalis na sila sa sa shop, hindi ako bumigay. 

Tagumpay akong nakapag-panggap sa harapan niya, na parang hindi ko din siya kilala.

I felt my brother lightly tap me on my shoulder. Napalingon ako sa kanya.

"Iiyak mo na," masuyong sambit niya.

Tuluyang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Kaming dalawa na lang ang nandito kaya malaya na akong hubarin ang maskarang nagtatago sa sakit na nararamdaman ko.

Hinila ako ni kuya palapit sa kanya para yakapin ako. "Pakawalan mo na."

Mas lalo akong napahagulgol. Dapat dati pa. Dapat noon ko pa ginawa. Ako naman ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito.

Mahal ko pa siya, pero hindi na pwede. Matagal ng hindi pwede.

"Anemone," bulong ko sa pagitan ng paghikbi  ko. 

"Huh?" naguguluhang tanong ni kuya sa akin. Yumakap lang ako ng mahigpit sa kanya.

Mapait akong napangiti. "If you're going to move on and say goodbye to someone, the anemone flower can be a wonderful gift to left behind."

***

"Hey man, are you alright?" curious na tanong ni Smith sa kaibigang si Gabriel habang nagmamaneho.

Kanina niya pa napapansin ang pananahimik ng kaibigan mula nang manggaling sila sa flower shop.

"Nothing," tipid na sagot ni Gabriel. Hawak-hawak niya ang isang bulaklak ng anemone na napansin niyang nakaipit sa gilid ng bouquet ng mga rosas.

And he knows what it means. Goodbye.

Pagak siyang natawa. He doesn't need a goodbye from her. Hindi niya kailangan ng kahit anong closure mula pa sa kanya. Matagal na siyang naka-move on kahit hindi niya ibinigay ang closure na gusto niya.

Binuksan ni Gabriel ang bintana ng kotse at walang pag-aalinlangang itinapon niya ang bulaklak sa gitna ng kalsada.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status