Share

SS003

SS003: Together by Ne-Yo
        

"Good morning, party people!"

Napabangon ako nang marinig ko ang malakas na tili ni Arie. Nilingon ko pa sila Aeika na malakas pa rin ang hilik. Talagang bagsak sila kagabi, 'no?

"Arie!" saway ko sakanya nang magtatatalon siya sa kama.

Anong oras na ba? Hinanap ko ang cellphone ko sa side table at nakitang 9AM na ng umaga.

Late na pala. Hindi ito ang usual na gising ko.

Tumayo ako at inayos ang buhok ko. For sure, lahat kami ay mukhang sabog dahil sa itsura namin.

"Cy," yumakap sa'kin si Arie. Hindi man siya magsalita ay alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Nandito lang kami," bulong ko.

Sinamahan niya akong bumaba ng kwarto dahil halata namang ako talaga ang magluluto para samin.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong ni Arie na nakahalumbaba sa'kin, pinapanood akong magluto.

Umiling ako dahil wala naman talaga. Sabado ngayon, e. Jinojoke ba 'ko ng batang 'to?

"Pero aalis ako," sagot ko sakanya.

Naging mabilis lang naman ang pagluluto ko dahil usual breakfast lang naman ang niluto ko para samin.

Fried rice, ham, hotdogs and pinagtimpla ko kami ng kape.

Nasa akto na ako ng paghahanda ng agahan namin nang sunod-sunod nang dumating sila Aaliyah sa hapag.

Lahat sila ay magugulo ang buhok. Hindi mo mahahalatang may ambag din ang pamilya nila sa lipunan. Ito 'yung isa sa moments na alam kong mas kilala ko pa rin talaga sila kesa sa mga taong nakakasalamuha nila.

"Hep!" Pagpipigil ko nang akma na silang kukuha ng pagkain. "Pray muna tayo."

Ngumiti sila sa'kin, halatang antok pa at nagsimulang magdasal.

At nang matapos ay wala akong choice kundi ang makipag-unahan din sa kanila dahil kung hindi ko sila uunahan ay ako ang mauubusan.

"May mga lakad ba kayo ngayon?" tanong ko sa kanila.

Akala mo nagdodorm kami dahil ako ang nasa pinaka-unahang kabisera, dahil nga ako ang "ate" kaya ako ang nasa pinaka-harapan kung saan nakikita ko silang lahat.

"Wala, bukod sa vlog vlog." sagot ni Aaliyah.

"What if, mag-challenge tayo diyan sa vlog mo, Al?" singit ni Saffia.

Nagtanguhan naman silang lahat bilang pagsang-ayon habang nanatili lang akong nakikinig. Mostly, ganun ang ginagawa ko since minsanan lang naman talaga akong sumingit sa kanila. Pero kahit na ganun ay sinasabayan ko sila sa trip nila.

"Hmm, what about i-challenge natin si Cy?!" tili ni Aeika, napailing na lang ako. So childish. I still love her, though.

"Yeah, I agree with that. So that Cyrelle could have some spice in her life." napapalakpak si Luella.

Sa huli ay pumayag naman sila sa challenge kuno sa'kin. Talaga nga naman ang mga batang 'to, oo. Ang lalakas ng loob. Kung mag-usap, akala mo wala ako rito. Pero kung sa ikakasaya naman nila, handa akong ibigay 'yon.

"Okay, so, we'll challenge Cyrelle for today's vlog. Ang tanong, anong klase naman?" tanong ni Aaliyah.

Umiinom ako ng tubig nang magsalita si Arie.

"Dapat may isang lalake siyang mapapaharana niya sa kanya!"

Nasamid ako.

What the hell?

Nailapag ko ang baso sa lamesa at hinarap silang lahat. "Wag 'yon, iba na lang. Mahirap!"

"Hindi 'yan, andito kaya kami! Kaya go na girl!" Saffia winked at me.

Napanganga na lang ako.

Disaster.
     
  

"Ano? Wala pa ba?"

Weird kong tinignan si Aaliyah na vinivideohan ang paligid. Samantalang, parang detective kuno sina Saffia, Luella, Arie at Aeika na naka-black cap at raybans pa.

Nandito kami sa Starbucks. Mali, sa harap ng Starbucks at kasalukuyang naghahanap ng 'biktima' raw para sa challenge ko.

Yamot pa rin talaga ako hanggang ngayon.

"Wala kayong makikita rito," bored kong sinabi.

"Shh!" pananaway nila sa'kin. Kukulit talaga.

Nag-suot na lang ako ng earphones habang hinihintay silang makahanap ng biktima. Pati mga salita nila, pang-shunga.

Tinapik tapik ko ang kamay ko sa lamesa hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang shop 'di kalayuan.

SERENITY.

Tumayo ako at naglakad papunta ro'n. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa'kin pero hindi ko na sila pinansin.

Pagpasok ko ng shop ay namangha ako dahil puro 'yon mga CDs na nakadikit sa mga pader. May mga shelfs din na puro CD.

The Beatles, Queen, Black Parade, Air Supply, Bon Jovi, Madonna, Eraserheads, Hale, Cueshe, Parokya ni Edgar, Kamikazee...

Umatras ako para mas makita pa ang mga nakalagay nang may bumangga sa likod ko.

"Sorry—"

Napaharap ako at nakita ko ang lalaking kagabi lang ay hinangaan ko.

Halatang nagulat din siya nang makita ako kaya napayuko na lang ako.

"Uy, ikaw 'yong kagabi, diba?" tanong niya.

Tumango lang ako. Ano ba yan, nakakahiya!

Narinig ko pa ang pagtawa niya kaya tumingin ako sakanya na nakakunot ang noo.

"Bakit ka tumatawa?" takang tanong ko kaya umiling lang siya.

Bumuntong hininga ako nang maalala kong may girlfriend na pala siyang tao kaya ekis na siya. Tapos Montefierro nga pala siya kaya mas lalong ayoko.

"Sige," sabi ko at tumalikod para maghanap pa ng ibang CD.

"Uy, teka!"

Napalingon ako sakanya na nakasunod na pala sa'kin kaya mas lalo akong nagtaka.

"Bakit?"

Umiling lang siya at iminuwestra sa'kin ang isang player. Mukha na 'yong ancient kaya nakakatakot galawin.

"Kuha ka ng CD tapos i-play natin dito."

"Ha? Nako, wag. Baka hindi 'yan pwedeng galawin."

Natawa na naman siya kaya nagtaka na naman ako. "Bakit?"

"Pwede kasi 'yan. Ngayon ka lang ba dito?"

Ngumuso ako at napatango. Nakakahiya ka talaga, Cy!

Bumuntong hininga siya, at ngumiti na parang na-a-amuse sa akin, pagkatapos ay siya na ang kumuha ng CD na mula sa RnB.

Iniligay niya ang plaka sa player at ibinigay sa'kin ang isang headset.

Napapikit ako nang pumalangit ang boses ni Ne-Yo sa tenga ko.
      

Since the day that we met girl
I never had anyone make me feel this way
And my heart is sure it wants to be with you
Wanna give you the whole world
If you make the promise to me, You're gonna stay
Without you guiding me, I'm lost and so confused

What will it take to show you I'll be by your side
    

Natigilan ako sa boses na 'yon kaya naman dinilat ko ang mata ko at nakitang nakikisabay siya sa kanta.
    

Girl I got you and I want to give you what you never had
Girl everyday I hope to make you part of my life
Cause you know me and I know you
Girl your love is where it's at
      

I don't know if the destiny's playing with me because this is exactly what Saffia challenged me to do. To have someone that will serenade me and this is it. Sobrang ganda ng boses niya.
     

I'm gonna be the love that's gonna last
And be the one that got your back
Ain't nothing ever that bad that we won't be together
     

He opened his eyes and smiled at me. I smiled at him, too. Kung ganito lang palagi ang challenge sa'kin, kahit hindi na ako sure kung challenge pa ba ito, ay gugustuhin kong araw araw na lang.

He removed his headset and offered his hand to me. It's so soft.

"I'm Xyvier," he introduced.

I know.

Kilala na kita. Gusto kong sabihin 'yan but I don't want to spoil our moment so I just introduced myself, too.
   

And though we both made our mistakes
And some we never wish we made
But we'll be okay if we just stay together
   

"Cyrelle. Nice to meet you, Xyvier."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status