Share

SS008

SS008: La Vi En Rose by Daniela Andrade

Ilang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa ring mahanap na salita.

"So, where do you wanna go next?" Xyvier asked. Nandito na kaming dalawa sa kaniyang chevrolet. Kanina pa kaming walang imikang dalawa. Para bang binibigyan niya muna ako ng panahon para mag-sink in sakin lahat ng sinabi niya kanina.

I mean, sino bang hindi mapapaisip d'on? Maraming tao kanina at alam kong aware siya r'on. Plus the fact that his family has a say when it comes to politics. Isa siya sa mga Montefierro. At kapag sinabing Montefierro, sinisigaw n'on ang kapangyarihan.

And me? I'm nothing but a college girl with high hopes. Mataas ang aking pangarap at marami akong gustong mangyari sa buhay ko. Would that be enough? And why am I thinking about these things? Hindi kami pwedeng dalawa ni Xyvier... at hindi ko alam kung bakit masakit sa puso ang katotohanang iyon.

Bumalik lang ako sa realidad nang maramdaman kong may marahang tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Xyvier na ngayon ay may pag-aalala na sa kaniyang mga mata.

"What are you thinking?" he asked, worried.

Umiling lang ako at lumunok. Hindi naman niya siguro nabasa ang iniisip ko 'di ba? Mabuti na lang din at hindi na nakipagtalo pa sa akin si Xyvier at umayos ng upo.

"Where do you wanna go now?" tanong niyang muli.

I looked at my wrist watch that says that it's already 7:00 in the evening. Ganoon ba talaga katagal ang oras ng pagsasama namin mula kaninang umaga? Sa huli ay sinabi ko na lang kung saan kami pupunta.

"Idaan mo muna ako sa apartment. Kukuhanin ko lang ang gitara ko. I still have a gig sa R&D tonight." malumanay ang boses kong sinabi.

Hindi naman siya umimik at sinunod lang ang gusto ko. Sa buong byahe ay hindi kami nagsasalitang pareho. Iniisip pa rin ba niya iyong nangyari rin kanina?

"Cy," tawag ni Xyvier.

"Hm?" sagot ko. Hindi ako lumingon sa kaniya. Ayokong mapaso sa paraan ng kaniyang pagtingin.

I can see in my peripheral vision that he was biting his lower lip. Nasa daan ang tingin niya ngunit panaka-nakang tinitignan ako. Na para bang sa paraang iyon ay makukuha niya ang atensyon ko.

"Just so you know... I'm really sincere about what I've said earlier... I hope you will not judge me dahil lang  napagkamalan mo akong may girlfriend na iba. Ayokong isipin mong kagaya ako ng ibang lalake." he muttered under his low husky voice.

Halos mapapikit naman ako d'on. I'm charged guilty dahil totoo ang kaniyang sinabi. I doubted him the first time I saw him at kaya rin ayokong idikit ang sarili ko sa kaniya ay dahil sa parehas na dahilan.

Hindi na siya nagsalitang muli kaya naman nang makarating kami sa apartment ay akala ko'y hindi na niya ako pagbubuksan ng pinto gaya nang ginawa niya kanina. But I was wrong... sinalubong niya ang tingin ko ng kaniyang tingin.

Ang emosyon sa kaniyang mga mata'y hindi ko mapangalanan. Pinaghalong sakit, pag-asa, pagmamahal at pagkagusto ito. Hindi ko na alam ang totoo.

I cleared my throat. Nagbabaka sakaling tumabi na siya sa aking daraanan ngunit hindi niya ginawa. Instead, he placed both of his hand beside me and placed his hand on my cheeks. Halos mapapikit ako sa paraan ng kaniyang paghaplos.

Naramdaman ko ang ilong niya sa aking pisngi at ang kaniyang paghinga sa aking leeg. Halos mapudpod ang labi ko sa pagkakagat nito.

I felt him kissed the side of my lips at pumitik na ang pasensyang kanina ko pa pinanghahawakan. Humaplos ang kamay ni Xyvier sa aking braso pababa sa aking baywang at ang isang kamay niya ay humaplos sa aking leeg at tuluyan na akong hinalikan.

Paglapat pa lang ng aming mga labi ay agad na akong napapikit. Halos mahigit ko ang aking hininga at agad na ipinalibot ang aking braso sa kaniyang leeg. Mas lalo ko pang hinila palapit sa akin si Xyvier. Naramdaman kong kinagat niya ang pang-ibabang labi ko, agad naman itong napaawang.

My lips escaped a moan when I felt his palm under my left boob. Halos gustuhin ko nang bumigay sa kaniya kung hindi lang siya humiwalay. Gusto kong mahiya para sa sarili ko dahil sa nangyari. Damn, Cyrelle! Really?

He tipped our nose and kissed my forehead. Nakapikit pa rin ako ngunit namatay na ang init na kanina lang ay namumuo na sa aking katawan.

"I respect you, Cyrelle... I will wait for you," he whispered.

Wala sa sariling napabitiw ako sa kaniya at mabilis na tumakbo papasok ng apartment. Napahawak ako sa aking labi at napasandal ako sa pinto. Shit! Anong nangyari?

Sa huli ay wala sa sariling kinuha ko ang gitara ko at lumabas na. Natanaw ko si Xyvier na nakasandal sa kaniyang kotse at nangingiti pang mag-isa. May sira na ba siya sa ulo?

Umiiling akong lumapit at agad naman niyang pinagbuksan. Sumampa na ako sa kotse at agad niyang sinarado ang pinto. Pagka-ikot niya'y halos hindi na ako makatingin sa kaniya. Asan na ang tapang mo ngayon, Cyrelle?

I heard him chuckled kaya naman tumingin ako sa kaniya, nakakunot ang noo. "What?"

Umiling lang siya at mabilis na nag-drive palayo ng apartment. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na niya binuksan pa ang topic tungkol sa nangyari kanina.

Nakarating kaming dalawa sa R&D at pareho pa rin kaming tahimik.

"Ihahatid na kita? Saan ang dressing room mo?" tanong niya.

Iniwas ko na sa kaniya ang gitara ko nang akma niya itong kukuhanin mula sa akin. "It's fine."

Hindi na rin siya nagreklamo kaya pumasok na kaming dalawa ng R&D. Sumalubong sa amin ang mataong lugar na ito. Kahit saan ay puro mga taong kilala sa lipunan ang dumadalo. Nakita ko rin si Tatianja Lademora na bestfriend ni Eleny at magkasama sila.

"Ihahatid na kita, Cyrelle..." pangungulit ni Xyvier na agad kong hinindian. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
   

"Xyvier, bro!"

Napatingin kami sa pinanggalingan ng tumawag at nakitang sina Izrael Montefierro ito pati na rin ang mga kapatid nilang nakasabay ko sa sasakyan ni Xyvier noong nakaraan.

Mabilis na lumapit sa amin sina Izrael at agad na inakbayan ang kapatid. Halata sa mukha ni Xyvier ang pagka-irita sa hindi ko malamang dahilan.

"Ano?" yamot niyang tanong kay Izrael na natatawa. Napatingin sa akin si Izrael at mukha pang nagulat.

"Look what we have here. Hi, Cyrelle..." hahawakan na sana ni Izrael ang kamay ko nang tampalin ito ni Xyvier.

Nagtawanan sina Izrael, Constantine at Zed sa nangyari.

"Ito naman, possessive. May marka mo ba?" pang-asar na tanong sa kaniya ni Izrael.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Xyvier. "Fuck off."

Napailing na lang ako. Boys and their conversations. I really don't get it. Sa huli ay nagpaalam na lang ako dahil maaga ang schedule ko ngayon.

"Una na ako. Pupuntahan ko pa si Eleny," sambit ko sa kanila at umalis nang hindi pinapansin ang pagkatigil ni Izrael nang marinig ang pangalang binanggit ko.

Mabilis akong nakalapit kay Eleny na agad namang humarap sa akin.
  

"Cy, you're here! Are you ready?" tanong niya.

"Yes, El. Kanina pa." pabiro ko siyang inirapan.

Natawa naman siya at nag-excuse sa mga kakilala niya bago ako hinatid sa dressing room ko.

"Sunduin kita rito mamaya, ha? I still need to entertain some guests, e..." malungkot niyang ani.

Ngumiti lang ako at tinapik siya sa kaniyang balikat. "It's fine, El. Puntahan mo na sila."

Lumiwanag naman ang kaniyang mukha at agad na tumango. "Alright, ang stylist na ang bahala sayo. Galingan mo, okay? Gotta go, girl."

Tumalikod na si Eleny at tuluyang nakaalis. Agad naman akong inasikaso ng mga stylist katulad ng kaniyang gusto at naging mabilis naman ito.

Agad ko nang hinanda ang sarili ko para sa panibagong gabing magaganap at nang tinawag ang aking pangalan ay alam kong ito na muli ang simula.
     

"Ladies and Gentleman, please welcome, The Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal! Please give her a round of applause!"

Halos mabingi na naman ako sa lakas nang palakpakan ng mga tao sa loob ng R&D. Lumakad ako palapit sa high stool kung saan nakapwesto ang mic stand ko.

I strummed my gitar string at inayos ang mikropono. "Good evening, people of R&D! Tonight is another night and tonight is of course, another song. I hope that you'll like what am I going to sing for you. So, here it goes..."

Malakas na tilian ang sumakop sa buong R&D kaya naman napangiti ako. Saglit na hinanap ng mga mata ko ang taong paghahandugan ko ng kanta para sa gabing ito at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa dagat ng mga tao.

Yumuko ako at nagsimulang pumikit.
       

Hold me close and hold me fast
This magic spell you cast
This is la vie en rose
When you kiss me heaven sighs
       

Sa unang liriko pa lang ay halos manginig ako. Naalala ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang mag-sink in sa akin na lahat ng iyon ay talagang nangyari.
       

And though I close my eyes
I see la vie en rose
When you press me to your heart
I'm in a world apart
      

Alam kong sobrang magkalayo ng mga mundo namin ni Xyvier. Langit siya at lupa ako. Masama ba kung hihilingin ko na sana ay dalawa na lang kami sa mundo ko?
     

A world where roses bloom
And when you speak angels sing from above
Everyday words seem to turn into love songs
Give your heart and soul to me
     

I'm willing to give my heart and my soul to him...
      

And life will always be
La vie en rose
And when you speak angels sing from above
Everyday words seem to turn into love songs
Give your heart and soul to me
And life will always be
     

At aaminin ko, unti-unti ko nang nararamdaman... Unti-unti na at hinihiling ko'y kapag nabuo ko na'y tugunan niya...
     
    

La vie en rose.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status