Share

SS009

SS009: Out Of My League by Stephen Speaks
       
      
     

"Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."

Yumuko naman ako bilang pagbibigay ng pasalamat sa lahat ng nakinig. Pagtapos ay agad na akong bumaba at sinalubong ng naka-ngiting si Eleny.

"Girl, wala ka talagang kupas! Uuwi ka na ba?" nakangiting tanong niya.

Iaabot na niya siguro sa akin ang talent fee ko. Tinignan ko muna ang wrist watch ko at nakitang alas nuebe pa naman ng gabi at ang alam ko'y mayroong gig ngayong gabi sina Xyvier. I wanna watch him, too.

"Hindi, El. Manonood muna ako rito. Is that okay?"

Agad na nanlaki ang mata niya at tumango. "Of course, Cyrelle. Walang problema. I was just worried about you, you know. Ikaw lang mag-isa," ngumiti siya.

"No. I'm actually with someone right now."

And as if on cue, naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakitang si Xyvier iyon na naka-ngiti.

"Galing mo kanina, ha." puri niya. He looked so proud.

Ngumiti lang ako, nahihiya at walang mahanap na salitang sasabihin. He's the main reason why I came up with that song. "Thanks."

"Wait, girl. Are you with him?" tanong ni Eleny. Nandito pa pala siya.

Nahihiya man ay tumango na lang ako. Tumawa lang si Eleny tsaka tinapik ang balikat ko, nagpapaalam. "Ganun ba? Ingat ka lang. Balita ko maraming babae 'yan."

Kumunot ang noo ni Xyvier samantalang wala naman akong reaksyon. I know, El. Kaya nga ako natatakot. Umiling na lang ako sa naisip at pinanood na makaalis si Eleny sa harap namin bago kami tumingin sa isa't isa.

"You are friends with Eleny Credo?" tanong ni Xyvier.

Nakatingin pa rin ako sa dinaanan ni Eleny at nakitang may mga kakilala na siyang nakasalubong kaya naman bumaling na ako kay Xyvier. "Yup, classmate noong highschool."

Tumango-tango lang si Xyvier kaya naman hindi na rin ako nakaimik. Parehas kaming naglalakad papunta sa isang couch ngayon. Natanaw ko ang couch kung saan puro Montefierro at isang hindi kilalang tao ang nandoon.

"Cy and Xy, here."

I saw Izrael Montefierro waving on us kaya naman niyaya ko na si Xyvier na maupo. Magkatapat lang ang upuan namin at sa gitna ay may nakalagay na lamesa kung saan puro ice bucket at stallion na case ang nakalagay.

Constantine, Izrael and Zed Montefierro is on the right side of the couch. Samantalang kaming dalawa naman ni Xyvier ang nasa kaliwa.

"Okay, unang baso para sa Saysay couple." sambit ni Constantine Montefierro at nilagyan kami ng baso sa harapan.

Napalingon ako kay Xyvier nang maramdaman ko ang pagtitig niya. Nakitaan ko sa kaniyang mata ang pagaalala. Bakit? At para saan?

"Ayos lang ba sayo?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Palagi kaming nagsusunog ng baga ng mga kaibigan ko kaya sanay na ako. "Yes. I'll be fine."

Tumango lang din siya at inagaw kaagad kay Zed Montefierro ang bote ng alak.

Humalakhak ang kaniyang kapatid na ipinagkalito ko naman. Why? Bakit sila natatawa?

"Ito namang si Xyvier, obsessed. Hindi naman sila!" Nagtawanan silang lima kasama na rin ang drummer ng kanilang banda na kanina'y tahimik lang sa isang gilid.

Kahit hindi ko ma-gets ay nanahimik na lang ako dahil nakikitaan ko na ng pagka-irita si Xyvier na mukhang konting kalabit na lang ay ihahampas na sa ulo ng kaniyang mga kapatid ang hawak niyang bote.

"Tangina niyo, ha!" mura niya tsaka siya bumaling sa akin. Kinuha ko naman kaagad ang inabot niya at bottoms up itong ininom. Nakita kong napanganga ang mga kalalakihan sa lamesang iyon nang may narinig kaming isa pang boses.

Napalingon kaming lahat at nakita ang kanilang nag-iisang babaeng kapatid na si Frea Vien Montefierro, na naka-black body con dress at nakangiti sa amin. "Hi, guys!"

Simula noong dumating si Frea Montefierro ay natahimik na lahat ng tao sa lamesang ito. Napasulyap pa ako kay Constantine na mukhang namromroblema at badtrip sa hindi malamang dahilan. Bakit kaya?

"Oh, guys. Why are you so silent?" Frea chuckled. Napabaling naman ito sa akin at lumawak ang kaniyang ngiti. "You must be Cyrelle? Xyvier's soon to be girlfriend?"

Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita'y nagawa na iyon ni Xyvier para sa akin.

"Frea, you're making her feel uncomfortable." Xyvier said, coldly.

Pabiro lang siyang inirapan ni Frea Montefierro na para bang hindi iniinda ang pagka-badtrip sa kaniya ng kapatid.

However, bumalik naman ang mood ng magkakapatid noong tinawag na ang kanilang pangalan.

"Let's welcome, The Mythicals!"

Isang masigabong palakpakan ang yumanig sa buong Rock & Destroy. Hindi ko alam na ganito rin pala sila kasikat. Dito kasi sa R&D, parang pantay lang din sila ng bandang Major Kronos kung saan si Supremo Montefierro ang bokalista. Pero sa bigger screen, Major Kronos is way popular. Nakakapag-world tour na sila, bagay na hindi pa nagagawa ng The Mythicals sa ngayon.

Tumayo sina Xyvier, sa pangunguna ni Izrael Montefierro. Lahat sila ay naging seryoso na akala mo'y nasa isang business meeting at trabaho ang pupuntahan. I badly wanted to cheer for them ngunit nahihiya ako kaya naman nanatili akong tahimik.

Umakyat na ang magkakapatid at ang drummer nila sa entablado at nag-ayos. Meanwhile, napagdesisyunan kong kausapin na lang si Frea Montefierro na nasa kaniyang mga kapatid na rin ang atensyon.

"Hi," panimulang bati ko.

Agad naman siyang napa-tingin sa akin at nakitaan ko ng lungkot ang kaniyang mga mata. Agad din naman itong nawala nang mapansin niyang masyado ko na siyang tinititigan.

Napalitan ang kaniyang lungkot ng ngiti. Ngiting alam kong peke at hindi makatotohanan. Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo'y alam ko na kung alin ang totoong ngiti sa hindi at ngayon ay alam kong pinoprotektahan niya lang ang emosyon na meron siya kaya hinayaan ko na lang.

"Hello, Cyrelle..."

I bit my lower lip before extending my hand to her. Bumaba ang kaniyang tingin d'on. "I just wanna introduce myself to you, formally. Mukhang mali-maling impormasyon ang binibigay sayo ng kapatid mo, e."

Natawa siya sa biro ko at agad na nailing. "You're like a female version of my brother, Cyrelle." she smiled at me.

Hindi ko pa iyon nakuha nang marinig na namin ang boses ni Izrael sa stage. Nilibot ko ang tingin sa buong R&D at nakitang nasa kaniya rin ang buong atensyon ng mga tao. Nakita ko rin si Eleny na tutok na tutok kay Izrael doon. Hmm.

"Good evening, Ladies and Gentlemen. We are The Mythicals."

Nakita kong nagsimula nang magstrum ng gitara si Xyvier at pumikit.
     

It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way 
      

"They're really passionate..."
          

All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes, and she plays with me
Sittin' there, slacked-jaw and nothing to say
      

Napalingon ako kay Frea na may hawak na baso sa kaniyang kaliwang kamay at naka-dekwatro. "Right, Cy?"
      

'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again
      

Hindi ko siya sinagot at ibinalik ang titig sa harapan. Nakita kong parang malayang-malaya sila sa kanilang ginagawa. Na para bang ang kanilang pagkanta ang susi sa kanilang emosyon.
      

It's a masterful melody
When she calls out my name to me
As the world spins around her
She laughs, rolls her eyes
And I feel like I'm fallin' but it's no surprise
      

Lumipad ang tingin ko kay Xyvier at ang kaniyang paraan ng pag-gigitara. Ngayon ay baka mas maintindihan ko na si Frea. We're both the version of ourselves. I can't help but to admire Xyvier because of his passion in music.
      

'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes, she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again
     

Hindi ko maiwasang humanga sa kung paano niya paglaruan ang string ng kaniyang gitara ng walang hirap. Na para bang napakadali na lang ng bagay na ito sa kaniya. Na para bang talagang nakatatak na sa kaniyang isip ang piyesa kaya naman hindi na niya kailangan pa ng kung anong guide.
      

It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
        

Xyvier Montefierro is really something. Behind those smiles... Those laughters... I know that there's something else. Hindi ko alam ngunit gusto ko siyang kilalanin. Gusto kong malaman ang iniisip niya at gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kaniya.
     

Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
As she purses her lips, bats her eyes, and she plays with me
Sittin' there, slacked-jaw and nothing to say
        

Kahit na malayo siya sa akin at alam kong mahirap siyang abutin. I still want to be with him. Hindi lang ngayon at hindi pagtapos ng sampung dates na hiningi niya sa akin kundi sa mga susunod pa.
     

'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes, she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again
      

I don't care if he's out of my league. But I really want to become a part of Xyvier Montefierro's life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status