Share

Chapter 2

NANG maihatid nila ako ng mga magulang sa Academy ay agad na rin silang umalis dahil may mahalaga silang gagawin sa company namin. May meeting sila sa isang mataas na tao na galing pa sa Japan. Kaya mag-isa ako ngayong tinatahak ang hallway ng building ng Grade 12 Senior High School Department.

Pero dahil Grade 12 STEM student ako'y nasa ikahuli o ikapitong palapag ng building ang classroom namin. So basically, malayo pa ang lalakarin ko bago ako makapunta sa destinasyon.

Mukhang mahihirapan din ako sa pag-akyat, lalo na't nasa 4th floor palang ako, kung saan narito ang tatllong classroom ng mg ABM students. Marami pasikot-sikot na daan, at ang haba ng hagdan. 

Kung bakit kasi nagpatayo sila ng napaka-taas na building tapos walang elavator? Mas mapapadali sana ang pagpasok sa klase kung mayro'n, pero 'di bale na, at least my aircon naman kaya mapapawi rin ang pagod ko mamaya. Tsaka sabihin ko na rin ito kay Ninong Israel para ma-aksyonan niya.

"Hey, bago ka?" isang lalaki ang tumakbo palapit sa 'kin. Mukhang papunta rin siya sa klase niya.

I nodded, "Yes," matipid akong ngumiti na agad naman niya itong ginantihan.

"Saan ba ang klase mo? Para ihatid na kita." ay turn on, huh? Hindi pa nga niya ako kilala pero ihahatid na'ko. Iba ka rin no? Dumada-moves ka na agad, huh?

I shook my head, "no need. Tsaka baka rito lang ang klase mo. Kase sa 7th floor pa'ko, ihh." 

"What the! So, isa ka sa bagong kaklase namin?" kitang-kita ko ang galak sa kan'yang mukha.

"Hindi ko alam, baka hindi ako. Kasi 'di ba tatlong section ang STEM?" 

"Hindi, bale dalawa lang kasi kayong transferees, tapos sa 1st section kayo inilagay, which is sa section namin." paliwanag niya na ikinasaya ko. 

Finally, may makakasama ako sa pagpasok ng klase. Nakakahiya kasi 'pag mag-isa lang ako, tapos ang malala pa'y baka nag-start na ang klase.

Inilahad niya ang kamay, "so." He chuckled, "I'm Klein Collins." 

Inilahad ko naman ang aking kamay, "Greyn Sundae Watson. Pero tawagin no na lang akong Greyn." I smiled.

"Greyn, such a beautiful name." hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi niya pero bigla na lang akong natawa, at sinabayan naman niya.

"Nga pala, kailangan na nating bilisan. Late na tayo ng mga five minutes." Napakamot siya ng ulo, at napahagikgik pa. Baliw!

"Halika na!" aniya bago tumakbo nang matulin. Wala na rin naman akong nagawa kun'di tumakbo't sundan na rin siya.

NAMALAYAN na lang naming dalawa ni Klein na nasa harap na kami ng pintuan ng classroom namin. Hindi ko alam kung totoo ba 'tong nangyayari dahil mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. Parang dati na kaming magkakakilala kung kaya't mabilis naming nakuha ang tiwala sa isa't isa.

"Game?" Tumango ako sa kaniya bago niya katukin ang pinto, at pihitin ang door knob.

Huminga ako nang malalim, "Good morning everyone," sabay naming bati na umagaw sa pansin ng lahat. 

Awkward!

"Mr. Collins, you're late again, huh? And looked what you've brought. Who is she?" Tanong ng babaeng nasa harap ng klase. And I think, she's our teacher for this period.

"I'm Greyn Sundae Watson, Ma'am. And I'm a transferee," tipid akong ngumiti.

"Oh, welcome Ms. Watson. Come inside, and join me here. And Mr. Collins take your seat, papalampasin muna kita ngayon kasi dinala't tinulungan mo si Ms. Watson na mahanap ang klase niya," turan ng guro na ikinagalak ni Klein.

"By the way, Ms. Watson, I'm Ms. Therese Go, your teacher for Physics 2." I nodded, and smiled. "So, since you're a transferee, maaari bang magpakilala ka muna? At ano ang dahilan mo kung bakit ka lumipat dito?"

I took a deep breathe as I smiled in front of the whole class. "Good morning! I'm Greyn Sundae Watson, but you can call me Greyn. I studied at Texas University. And sorry because even me I don't know my main reason why I transferred here. But when I heard the name of this Academy, there's something inlet into my mind that I can't explain. The school's name sounds so familiar to me, that here's something that I don't know what is it that pushed me here to continue my School." I looked at them, and my eyes got widened. Isang nakakapagtakang tingin ang ipinukol nila sa 'kin. Parang hindi sila makapaniwala sa 'king tinuran o ako mismo na nagsasalita sa kanilang harapan. Hindi naman ako gano'n ka-famous, pero bakit?

"Any problem?" I chuckled.

Naglakad papalapit sa 'kin si Ms. Go. "Marahil ay nagtataka sila, kasi parang may pagkakahawig kayo ni Kolyn Watson. Ang kaklase nilang na-akasidente't namatay two years ago. And to be honest, parang magkamukha kayo. Kapatid ka ba niya? I mean kakambal? Kasi parehas kayo ng last name. Or are you related with each other?" nagtatakang tanong ni Ms. Go sa 'kin dahilan upang magtaka ako't kabahan.

"Wala akong kilalang Kolyn Watson, at wala akong kaanu-ano na nagngangalang Kolyn. Baka nagkakamali lang po kayo." Pinilit kong ngumiti kahit naiilang na ako. Nakakahiya!

I gritted my teeth.

Ngunit hindi ko maikakaila na pamilyar din sa 'kin ang pangalan na Kolyn. Sa katunayan, parang pamilyar silang lahat sa'kin, itong mga kaklase ko, parang nakilala ko na sila rati pa, gayundin itong si Ms. Go.

A familiar guy raised his right hand. "Ms. Go, may I asked Ms. Watson?" Tinanguhan naman agad ito ni Ms. Go.

My heart beat so fast. I'm so nervous. Hell! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"By the way, I'm Dwight Lopez. So, Ms. Watson, I just want to clear something. Sino nga ulit ang 'yong mga magulang?" He asked.

Bakit kailangang malaman nila? Ano bang nangyayari rito? Jeez!

"Mr. and Ms. Holland Watson. Why?" nagtataka kong tanong kay Dwight. Sobrang pamilyar niya sa 'kin. Parang kilala ko na siya rati. Magaan ang loob ko sa kaniya. Damn! I love his baritone voice. Parang nangungulila ako sa tinig niya.

Napuno ng pagtataka't bulungan ang klase.What the hell is happening?

"Guys, settle down," Dwight ordered the the class. "Hindi natin alam ang totoo, okay?

Anong totoo? May hindi ba ako nalalaman?

I heard Ms. Go chuckled. "Find and take your seat Ms. Watson. Sorry for what happened," Ms. Go gave her apologize to me na tinanggap ko naman.

I nodded before I take a step going to a vacant seat na katabi ngayon ng lalaking nagtanong kanina. Pero napatigil ako bigla't humarap kay Ms. Go. 

"It's okay Ms. Go, that was really a great show. They were asking me, my life. It's either they just want to know me well, which is I really like. I love them all." Ramdam ko ang galak sa'king sarili. Ngunit naiilang pa rin ako.

Nang hindi na sumagot pa si Ms. Go ay tumuloy na ako, at nagtungo sa upuan na katabi ni Dwight. Yeah, his name is familiar too.

"Hi," bati ko sa kaniya bago umupo. Binati rin naman niya ako pabalik, at nag-shake hands pa kami.

MATAPOS ang isa't kalahating oras na klase namin sa Physics ay dumating naman agad ang pangalawang guro namin, si Prof. Gio Hontiveros. And as what I did in our Physics subject, I introduced myself. But I begun to doubt because our Prof. asked me also with the same question that Dwight, and Ms. Go asked in our Physics subject. Pinukulan niya rin ako ng nagtatakang tingin na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

Makalipas nang ilang minuto'y naagaw ang pansin namin sa lalaking kusa na lamang pumasok sa klase. Ni hindi man lang ito nag-excuse na pumasok or even greet our Professor, at umupo na lang sa harap, sa tabi ng baklang pamilyar din sa 'kin. Kung saan ito na lang din ang bakanteng upuan sa 'ming silid. At siya siguro ang tinitukoy ni Klein kanina na lalaking bagong lipat din, kagaya ko.

"Yes mister?" our Prof. asked the guy with a blonde hair.

Hindi ko mapigilang humanga sa lalaki. Napaka-perpekto ang hugis ng kanyang mukha. Mahaba't makapal ang mga pilik mata, at kilay. Matangos ang ilong, at perpekto ang hugis ng kanyang labi. Kahit medyo malayo siya sa 'kin nang very slight ay kitang-kita ko ang ganda ng mukha niya. Para siyang anime character.

"So, you want me to introduce myself, right?" matinis na wika ng lalaki.

Ngunit sa halip na humanga ako sa galing niyang magsalita ng English ay nayayabangan ako. Biglang nawala ang paghanga ko sa kaniya dahil sa kanyang pangit na ugali. Bastos! Nakaka-turn off!

"Exactly," pambabarang turan ni Prof. Gio kaya napangisi ako. 

"I'm Luxurious Clark Miller," the handsome boy said.

Huh? Luxurious? Halos mapanganga ako nang marinig ang pangalan niya. Really? Hindi ba siya 'yong lalaking nangu-ngulit sa 'kin kagabi?Luxurious Clark Miller? Fuck! Siya nga!

"What a small world!" I whispered.

"How are you related with Mr. Jones Miller?" Prof. Gio asked.

"He's my father, do you have a problem with my dad?" I froze because of what I heard again.

So, anak siya ni tito Jones? Really? How?

"How about Shunter Miller? Kapatid mo ba siya?" tanong ulit ni Prof. Gio. Pero bakit sobrang dami niyang tanong? Ano bang nangyayari? Job order, gano'n? Kailangang alamin nila ang lahat ng mga bagay-bagay, at dito pa sa klase? Seriously?

The mysterious guy shook his head. "Wala akong kapatid, at hindi ko kilala ang tinutukoy mo." He said in monotonous voice, and visited without an order from our Prof.

"So, since wala na rin naman akong magagawa pa kasi naka-upo ka na't mukhang ako pa itong may kasalanan. Kaya ipagpapatuloy na lang natin ang klase." Our Prof. said sarcastically.

Napailing na lang ako dahil sa naganap.

"Kailangan pa bang sabihin 'yan Prof? Parang nagiging patawa ka lang. Arghh!" I mentally said.

"Look, parang kahawig niya rin si Shunter, ang boyfriend ni Kolyn. Kasama rin siyang namatay sa aksidente, at gaya sayo'y nagtataka rin kami sa kaniya. Kung bakit kasi parang kamukha niyo 'yong yumao kong mga kaibigan?" Dwight said with a shrug. 

"Kung totoong namatay nga sila," histerikal na wika pa niya.

I looked at him seriously. Damn! Kung kamukha ko raw si Kolyn, ay pamilyar naman sa 'kin itong lalaking 'to gaya ng lalaking atitadura na 'yon. Palagi rin silang nagpapakita sa'king panaginip. Anong ibig sabihin nito?

~ginisamyxx

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status