Share

[03]: Evangeline

Chapter 3

Nakita ko na naman siya sa restobar. Palagi ko siyang binibigyan ng mga bulaklak pag pumupunta ako rito. Paborito niya kasi ang uri ng bulaklak na yun. Ang ganda pa rin ng boses niya. Kahit dalawang taon na akong nagpapabalik-balik dito sa tinatrabahuan niya, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang boses niya sa tuwing kumakanta siya.

Heto ngayon, pinapakinggan ko siya habang kumakanta. Hindi ko mai-aalis ang tingin ko sa kanya. Nakasombrero ako para hindi niya ako makilala pero mas bilis pa sa kidlat na napansin niya akong nakatitig sa kanya. Ngayon lang ako naglakas-loob na tingnan siya ng malapitan. Noon kasi, nakaupo lang ako sa dulo at pinapakinggan ang maganda niyang boses.

Nakatapos na sila ng limang kanta. Nakaupo ako walong metrong layo sa kinaroroonan niya. Sinenyasan ko ang babae at nakuha naman niya kung anong ibig sabihin non.

Nakita kong humingi si Sella ng tubig kay Hanz, ang anak ng may ari ng bar. Nakalabas na siya ng bar at papunta na sa parking lot ng nagulat akong nahimatay siya. Pero bago pa ako makaabot sa kinaroroonan niya, may tatlong lalake ang pumunta sa tulog niyang katawan.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila ng makita na hinihila nila ang babae ko tsaka sinuntok ang isa sa kanila. Sinipa ko sa tiyan ang isa pang lalake at akmang susuntukin ako ng isa pang lalake, nakaiwas agad ako at ang suntok ng lalake ay napunta sa kasama niya. I punched them in the face, and kick them in the stomach again and again. May kinuha ang una kong sinuntok ng maliit na kutsilyo at tumakbo papunta sa'kin.

Mabilis kong naiwasan ang atake niya at dali-daling bumunot ng baril, hinila ang gatilyo at pinaputokan ang paa nilang dalawa. Napahiyaw silang dalawa dahil sa hapdi ng bala sa loob ng paa nila. Pumunta ako sa isa at hinila ang kuwelyo niya saka siya sinuntok sa mukha ng paulit-ulit. Malayo-layo ang parking lot sa bar saka medyo maingay sa loob kaya hindi dinig ng mga tao kung anong nangyayari sa labas.

"Don't you dare touch my girl again or I'll cut your hands off." I warned him like he's gonna die tomorrow. Mali, papatayin ko pala siya ngayon. Walang pwedeng humawak kay Sella, ako lang.

Nawalan siya ng malay at sinunod ko naman ang isa. Pero tinapakan ko ng medyo may kalakasan ang dibdib niya saka tinanong.

"May nag-utos ba sa inyo na kunin ang Jenna ko?" Diretso kong tanong.

"Wala ho, boss." Takot niyang tugon.

May pinagdududahan akong gumagawa nito kay Sella pero hindi ako sigurado kung siya nga ang may kagagawan nito sa loob ng tatlong taon. Pinaimbestigahan ko ang taong yon pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang totoong pangalan niya. Nagtatago siya sa pangalang 'fucking demon'. Magaling siyang magtago pero alam kong mahuhuli ko siya sa oras na alam kong siya talaga ang pinagdududahan ko.

Tinanong ko siya ulit. "Sinong nag-utos sa inyong kunin niyo ang Sella ko?" Napuno na ng galit ang utak ko pero binigyan ko pa sila ng pagkakataong mamuhay. Gusto ko na sanang pumatay ng tao ngayon pero may konsensya ako sa mga taong to.

Nang hindi siya sumagot, sinuntok ko siya ng sobrang lakas para mawalan siya ng malay.

"Bro, pakilinis na lang ng mabilis ang kalat ko mukha niya. Napakalambot ng balat niya na parang gusto kong mahawakan 'to ng buong buhay ko. Kahit na masakit ang nakaraan niya, nagagawa pa rin niyang ngumiti ng walang kaalam-alam. Sorry, Sella ah. Di kita naalagaan ng mabuti di bale, babawi ako. Magsisimula tayo ulit at pangako, hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko noon. Ang sakit-sakit ng mga naranasan niya noon, sana ako na lang nakaramdam non at hindi siya.

Pinuntahan ko ang bulaklak at pinulot yon. Hinanap ko ang basurahan saka tinapon iyon. 'Ano na naman ba ang gagawin nila ngayon sa kanya?' Hindi na to pwedeng maulit pa, baka sa susunod mas lala pa ang gagawin nila kay Jenna. Nilagyan ko siya ng seat belt at nagmaneho papunta sa condo na tinutuluyan ko. Inilagay ko sa tenga ko ang earbud saka tinawagan ang isang kaibigan ko.

"Heya! Gabi na ahh. Bakit?" Si Daniel, ang kaibigan kong pulis.

"Dan, imbestigahan mo si Hanz, anak ng may ari ng restobar."

"Bakit bro, may kinalaman ba siya kay Jenna?" Tanong niya.

"Kakausapin na lang kita sa susunod na araw. As for now, do your job man. Thanks."

"O sige, sige. By the way, kasama mo si Jenna noh?" Hula niya. "Hm.." Tugon ko.

"Night, man. See yah soon, I'm busy you know." Binabaan niya na ako. Nambababae na naman tong gagong to.

Nakarating na kami at saktong mag-aalas onse-imedya na ng gabi ng nakapasok kami sa unit ko.

Papunta kmi ng kuwarto ko ng dinilaan niya ang leeg ko. I felt goosebumps down to my spine. Nagulat ako sa ginawa niya. Kaya dali-dali kong inilapag siya sa kama.

"Ang init." Gising na reklamo niya pero nakapikit parin siya. Tumalikod ako para abutin ang remote ng aircon at akmang papaandarin na, ng inisa-isa niyang hinubad ang mga damit niya. Mabilis akong pumunta sa kanya at pinigilan siya.

"Bitaw! Naiinitan ako." Reklamo niya habang nakapikit ang mga mata niya. Alam ko na ang nangyayari sa kanya, kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit pero nagpupumilit parin siyang hubarin ang mga damit niya.

"Tama na, Jenna, Tama na." Mainit ang katawan niya epekto 'to siguro ng nainom niya kanina, kaya bakit siya nagkakaganito. Hinagod ko ang likod niya at pinakalma siya. Maya-maya lang, nawalan na siya ng malay. Nakatulog siya sa mga braso ko, sa mga yakap ko. Namiss ko ang lahat ng sa kanya.

Inabot ko ang telepono at nagdial. "Hello? Please send a female employee to unit 298. Asap thanks." Tinawagan ko ang info desk dahil hindi naman pwedeng ako ang magbihis kay Jenna noh. I'm not taking advantage of her just because she's not in her right mind. I love her for so many damn years but I respect her with my whole fuckin life, I know it's cheesy but I'm just protecting her and I would not let other guy steal her away from me again. She may have forgotten me right now but someday, in the right time I will take all the risks to let her remember me once again.

May kumatok na sa pinto saka pinuntahan ko ito at tinignan ang kumakatok mula sa peephole. Nang makumpirma ko ang tao, binuksan ko ang pinto at pinapasok siya sa loob.

Nagulat ang babae sa kay Jenna. "Please change her clothes. Call me if you're done, I'll be at the balcony." Binigay ko sa kanya ang tshirt saka shorts ko saka pumunta ng balkonahe.

*

"Sir tapos na po." Hinarap ko ang babae at binigay sa kanya ang sobre. "Pero, sir." Tinignan ko siya ng walang emosyon.

"It's a tip. Don't ever think of telling this to anyone, even her if there's a chance. Forget her face, everything. Coz if you will, I'll fire you. Now go, thanks by the way." Banta ko. Natakot ata ang babae kaya nagpaalam na siya at umalis na.

Natulog ako sa tabi niya dahil sa sobrang pagod at hindi lang nagtagal ay naramdaman kong nagising na siya. Nanatili akong pumikit para hindi niya maramdaman na gising pa pala ako. Nakarinig ako ng tunog ng pagkagulat at siguro dahil yun sa binihisan ko siya. Naramdaman ko ang mga titig niya sa mukha ko at nagulat ako ng hinawakan niya ang pisngi ko. Humihikbi siya. Nalungkot rin ako na ang taong mahal ko ay umiiyak. Babangon na sana siya ng hinila ko ang kamay niya at ipinatong ang paa ko sa paa niya at itunong-tong ang kamay ko sa likod niya tsaka hinapit siya papalapit. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko, I suddenly felt goosebumps inside me again. Iminulat ko ang mga mata ko at binati siya.

"Good morning, Sella." Bati ko.

"H--a-l-a. S--i-n---o k-a?" Uutal-utal niyang tanong. Haha, ang cute.

Tinikom ko muna yung bibig niya. "Shh.. matulog ka muna alam kong masakit yung ulo mo."

"Sorry talaga ah. Hindi kasi ako sanay na walang katabi matulog." Tukoy ko.

Pansin kong natulala siya sa mga mata ko. Hindi siya makapagsalita ng makita ako. Nanatiling nakatikom ang bibig niya at tiningnan lang ako. Natulala ata.

"Aray!" Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya dali-dali akong pumunta ng banyo at kumuha ng gamot. Di nga siya nagtanong kung anong gamot ang iinumin niya basta-bastang kinuha lang niya yon at ininom.

"Oh, inumin mo yan para kumonti yung sakit ng ulo mo." Tinanggap niya yun at diretsong ininom. Kailangan lang niya ng matulog dahil sumasakit talaga ang ulo niya. Ipinikit niya ang mata niya para siguro hindi maglilibot ang mga mata niya. Salamat naman at nakatulog na siya. Binigyan ko siya ng pampatulog para makatulog siya ng mahimbing. Para naman hindi siya matakot sa nangyayari sa paligid niya. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero susugal ako.

"God, Jenna, I've missed you so much already. I can't just appear in front of you and confess that I'm your fiance. But promise, what ever happens, I will make you remember me again. I Love You, my bunny. Hope you can say that again to me someday." I caressed her face. God, I really, really missed her so much. I kissed her forehead and left her alone in the bed.

I went to the kitchen to grab something to bite when my phone suddenly rang.

(Hoy! Saan mo dinala si Jenna, ha? Don't tell me sa condo mo naman. Nag-aalala na si mommy dito, oh. Ibalik mo na ngayon si Jenna kung hindi, hindi na kita papayagan pang lumapit sa kanya.) Tumawag naman ang babaeng 'to. Ang ingay-ingay kausap.

(Andyan ka pa ba?) Tanong niya.

(Oo, andito pa ako. O sige-sige, ibabalik ko na siya pasalamat ka nga inalagaan ko siya eh.) Pagbigay ko sa babala niya. 'Tong babaeng 'to, ang ingay-ingay at mahilig mangblackmail basta makuha lang ang gusto. Tch, spoiled brat.

(What do you mean?) Naguguluhang tanong niya.

(Wala, ikukuwento ko na lang pagdating ko dyan mamaya.) Ibinaba ko ang cellphone ko at pumunta sa kwarto ko. Itinupi ko ang damit niya at inisprayhan ko ito ng pabango ko tsaka inilagay sa paper bag. Sana matatandaan niya ang amoy na 'to.

Binuhat ko siya papunta sa sasakyan ko habang dinadala ang paper bag at inihiga sa backseat. Itinabid ko ang buhok na tumatabid sa mukha niya at tiningnan ang mala-anghel niyang mukha. Nagmaneho ako papunta sa bahay ni Aliane at ng makarating na ako dun, isinalubong niya ako ng galit na itsura.

Pinangko ko siya at dinala sa kwarto niya nang makasalubong ko ang mga magulang ni Aliane na nag-aalala.

"Oh hijo, saan mo ba dinala si Jenna?" Tanong ng nanay niya.

"Sa condo ko lang po. Hindi ba isinabi sa inyo ni Aliane?" Nagtatakang tanong ko. Nakatanggap ako ng batok mula likod.

"Hoy! Ikaw ang bata ka! Walang kang sinabi sa'kin na sa condo ni Rydyer dinala si Jenna noh. Mabuti naman at maayos lang lagay niya." Wika ni tita Lisa. Nilagpasan ko na lang sila at dumetso sa kuwarto nila ni Aliane.

"Until next time, Sella. Next time." Sinulyapan ko muna ang mala anghel niyang mukha. I kissed her lips and went downstairs.

"Oh, ano ng nangyari?" Umupo kami sa sala at ikinwento ko lahat sa kanya ang nangyari kanina. Bati yung pagrereklamo ni Sella.

*

"Tangina Rydyer! Pinapunta mo dun si Kiana para kausapin ako at para makuha si Jenna? Ha? Ano ba, Rydyer! Hindi ka ba nagiisip? Ilang beses na kitang sinasabihang wag kang lumapit ng maiigi kay Jenna dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya ng dahil sayo!" Totoo yun, hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. Pero hindi ko mapigilan eh! Sobrang miss na miss ko na siya na hindi ko kayang mawala siya ulit sa buhay ko sa ikalawang pagkakataon! Gusto kong protektahan si Jenna ng lahat ng makakaya ko, pero hindi pwede.

Ginulo at hinila ko ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Pumipilit si Kiana'ng sumama sakin kanina. Kahit anong banta ko, wala akong magagawa! Kaya sorry! Hindi ko kasalanang gumanyan si Jenna, pasalamat ka ngang tinulungan ko siya eh!"

Inaamin kong isa akong masamang tao at hindi ko gustong malaman niya ulit kung sino ang totoong ako. Nagbago na ako dahil sa kanya pero ngayon, bumabalik naman ako sa dating gawi ko. Hindi ko mapigilan! Gusto kong nandyan lang siya palagi sa tabi ko at maprotektahan siya laban sa mga taong gusto siyang kunin sakin. Ngayon, hindi ko na yun magagawa ng matagal dahil nakataya ang buhay ko sa ibang tao. Gusto ko siyang makasama at maibalik ang dati namin sa lalong madaling panahon, pero isang taon na lang natitira at mawawala na ako sa buhay niya. I don't wanna lose you again my evangeline.

End of Chapter 3...

If you liked it, don't forget to vote/rate this story and share it with your friends! Salamat sa pagbabasa! I love yaaahh..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status