Share

CHAPTER 1.1

Younis's POV

"Ms. Younis Killpack congratulations you're hired, Welcome to Arme company." Napatayo bigla ng marinig ko ang salitang iyon. nagbow ako at hindi maalis ang ngiti ko sa mga labi. Finally I got hired in a years of searching a job.

"Thank you so much, sir and ma'am. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko!" Lumapit ako sa kanila para kamayan. Tumango lang sila sa akin bago bilang sagot.

Lumabas na ako dala ang magandang balita. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kent Swanson my bestfriend.

Sumakay ako sa elevator pababa habang hawak ang phone kona nakatapat sa tenga at hinihintay na sagutin ni Kent ang phone call ko.

"I'm busy, why?" Lumabas ako ng elevator.

"Tanggap ako!" Masaya kong sabi at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatakbo sa labas ng building. Gusto ko ng umuwi at mag celebrate.

"So?" Napahinto ako sa pagtakbo at naglakad na lang. Bungol ba ang lalaking ito.

"Anong so? Pektusan kita d'yan eh." Siguro kaya gan'to ang lalaking ito pura gamot na lang ang nasa utak.

"So saan tayo?" Automatic akong napangiti at bumalik sa paglalakad.

"Bahay lang syempre, wala pa akong sweldo!" Sabi ko dito. Wala pa nga akong nasisimulan gusto n'ya agad gumala.

"I come with you after my class!" Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na ng monggol. Bastos talaga ng kaibigan ko na 'yun.

Tumalikod ako para tignan ang kabuuan ng building ng Arme. Ang pangarap kong makapagtayo ng ganitong katagumpay na kumpanya ay sisimulan ko na sa maliit kong kakayahan.

Nakarinig ako ng busina kaya agad akong napalingon. Nanlaki ang mata ko ng muntik na akong mahagip ng isang itim na kotse kaya agad akonv napaatras pero na out of balance ako. Napaupo ako sa kalsada, pero ang bwisit na kotse ay hindi man lang huminto.

Sinamaan ko iyon ng tingin pero nawala din dahil sa bilis magpatakbo nun. Masama lang talaga magsami ng mamasamang words pero sana maflatan ka monggol na driver na 'yun.

Tumayo ako at pinagpagaan ang puwitan kong nagkaroon ng dumi.

"Bwisit na 'yun!" I murmured.

Inis kong inayos ang sarili ko at naglakad na palayo. Ang ganda ganda ng araw ko sinira lang ng isang 'yun.

Naglakad lakad muna ako dito para makabisado ko na ang paligid ng work place ko. Limang Company na ang pinag applyan ko at ang Arme lang ang nakakita ng galing ko, kaya pagbubutihan ko talaga.

Napahinto ako sa isang maliit na shop na hindi kalayuan sa building ng Arme. Pennent's shop ang pangalan. Pumasok ako para tignan ang loob. Hindi kalakihan ay limitado lang ang customer na pwedeng pumasok.

Nilibot ko ang paningin ko, pumunta ako sa gilid at humawak ng isang pen. Nagtry akong magsulat duon.

"EmerArt is the best!" Sinulat ko sa papel. Agad kong binalik ang pen at lumabas na ako. Sa lahat ng pen shop na napupuntahan ko ang EmerArt pa rin talaga ang pinaka maganda sa lahat. 

Umuwi na ako sa apartment namin ni Kent. Magkasama kami ni Kent, pero magkaibang kwarto. Nagpalit ako ng damit at umupo sa study table ko dito. Kinuha ko ang lapis at nagsimulang magdrawing.

Nakadisplay lahat ng drawing sa akin ni Snipe. Wala na akong balita sa kan'ya at hindi ko alam kung nasaan s'ya or nag-aaral pa rin ba ito ng medical.

Baka sa susunod na pagpunta ko sa hospital s'ya na ang makita. Kahit gusto kong makita si Snipe hindi ko na s'ya hinanap pa. Gusto ko na rin na matahimik ito at alam kong galit s'ya sa akin dahil sa pag iwan ko dito.

Limang taon na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami at baka meron ng s'yang iba. Tinigilan ko na ang pagdradrawing, dahil tinamad na ako.

Lumabas ako ng kwarto ko, para kumuha ng pagkain.

"Your here!" Napalingon ako at tinaasan ko ng kilay si Kent na nasabahay na dito.

"Akala ko mamaya ka pa?" Tanong ko sa kan'ya. Binaba nito ang bag n'ya at umupo sa sofa.

"Maraming namamatay sa maling akala." Sagot nito. Lun daming alam eh akala mo naman gwapo.

Nilapitan ko s'ya at tinignan. Nakasalamin na s'ya at nakasuot ng uniform nito. Isang medical student si Kent, hindi ko alam kung ano  ang alam ko lang medical s'ya.

"Sana mauna ka!" Biro ko dito, pero hindi naman n'ya ako pinansin.

"Kung mauuna ako walang magpapatahan sayo pag umiiyak ka!"

"Ahhhh!" Napahawak ako sa noo ko ng pitikin n'ya iyun. Sinamaan ko ito ng tingin, pero ang loko dinilaan lang ako.

"Sa unang sweldo mo libre mo ko!" Sabi n'ya at naglakad pa puntang kusina.

"Sino ka!?" Tanong ko at sumunod dito.

"By the way, nabalitaan mo ba ang balita?" Tinignan s'ya sa mga pinagsasabi nito.

"Na?" Tanong ko sa kan'ya. Ang daming balita sa paligid at wala naman akong balak na hulaan pa iyun isa isa.

"Emerson passed the board exam." Tumango lang ako duon.

"Matalino kasi s'ya." Sabi ko na lang dito. Kumuha ako ng manok sa ref para lutuin.

"Bakit 'di mo na lang balikan iyun?" Natawa ako ng mahina sa tanong ng lalaking ito. May ubo or na overdose sa gamot utak ng kaibigan ko na ito.

Noong patay na patay ako kay Emer support s'ya nung naging kami na saglit lang naman. Ayaw na n'ya tapos ngayon pumasa lang sa board pinapabalik na naman n'ya ako.

"Kung gusto mo ikaw ang bumalik." Sagot ko. Nilagay ko sa fraying pan ang manok. Simula ng dumating si Snipe, wala na ang lahat.

"Hirap sayo, iiyakan mo 'yung lalaking ipaglalaban ka dapat pero iniwan mo!" Natigilan ako sa sinabi ni Kent.

"May dahilan ako." Seryoso kong sabi sa kan'ya. Napatingin ako sa taas. Nararamdaman ko na naman ang tubig sa mata ko. Pag s'ya ang pinag-uusapan ay bigla na lang akong naiiyak.

"Kung ano man iyun, hindi iyun sapat." Hinarap ko si Kent na ngayon ay naglalakad na palayo sa akin. Agad kong pinunasan ang luha ko at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Younis, 'di ba kakalimutan mo na s'ya?" Pinaypayan ko ang mata ko gamit ang kamay ko. Kainis na mga mata ito. Ang tagal tagal na nun, pero hindi pa rin makalimutan.

Si Snipe kinalimutan na ako nun kaya dapat ako din. Hindi na kami magkikita kahit kailan at ayoko na rin s'yang makita pang muli.

Nilagay ko sa plato ang niluto ko at kinain ko iyun mag-isa. Wala ng dahilan para iyakan ko pa si Snipe pinili kong mawala s'ya kaya dapat ay kalimutan ko na ang lahat.

Naabutan kong nanunuod si Kent sa sala kaya tumabi ako sa kan'ya. Tinignan n'ya lang ako saglit at binalik na ang tingin n'ya sa pinanunuod nito.

"Kailangan ka magsisimula?" Tanong n'ya sa akin. Huminga ako sa lap n'ya na normal lang naman sa amin. Bata palang kami magkasama na kami.

"Arme's stuff email me that I can start tomorrow morning and sent me my schedule for a whole week baka late na ako umuwi lagi." Sagot ko sa kan'ya.

"Edi ayos walang maingay dito!" Tinignan ko ang mukha ni Kent kahit up view lang ang nakikita ko dito at ang adams apple n'ya.

"Masmaingay ka nga sa akin eh!" Sagot ko sa kan'ya.

"Wag na tayong maglokohan dito!" Hinampas ko ang braso nito at tinawanan s'ya dahil sa reaction n'ya.

"Wag kang magdadala ng babae dito!" Paalala ko sa kan'ya.

Nagulat ako ng itulak n'ya ako at dumiretso ako sa floor.

"Ahhh!" Daing ko ng tumama ang braso ko sa sahig. Agad akong tumayo at sinamaan ng tingin si Kent na ngayon ay patawa tawa lang.

"Gusto mong pektusan kita d'yan?" Hinarang n'ya ang kamay nito sa pagmumukha n'ya ng balak kong pektusan ang ulo n'ya. Pinaghahampas ko na lang ang braso nito dahil sando lang ang suot nito.

"Ouch! Shit Younis stop!" Tumigil na ako ng sobrang namumula na ang braso ni Kent. Isang masamang tingin ang binigay n'ya sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

Nauna s'ya tapos magagalit s'ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status