Share

CHAPTER 1.2

Younis's POV

"Tsk!" Bigla itong tumayo na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Whatever!" Bigla akong natawa sa sinabi n'ya.

"Bakla ka ba?" Sabi ko at kinuha ang unan sa sofa at hinampas ko sa kan'ya.

"You bitch!" Sabi nito kaya napatigil ako at naging seryoso ang mukha. Tinitigan ko s'ya ng diretso na pinagtaka nito.

"Oy wag kang pikon!" Sabi n'ya sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hawak ko pa rin ang unan na pinanghahampas ko sa kan'ya.

"B-bakit gan'yan ka makatingin?" Gusto ko ng tumawa dahil sa mukha n'ya. Para s'yang natatae putek.

"Hey! Ang pangit mo pag seryoso!" Wala pa rin akong reaction duon. Bigla itong lumapit at sinundot ang braso ko.

"Ok sorry na!" Hinigpitan ko ang hawak ko sa unan sabay hampas sa kan'ta.

"Gotcha!" Sabi ko sabay takbo at patuloy itong iniinis. Ang mukha nito ay hindi maipinta at isang Kent look ang binigay sa akin. Mukha kasing devil pag pikon na.

Binato ko sa kan'ya ang unan nahawak at pumasok na ako sa kwarto. Baka maiyak pa s'ya at magsumbong kay tita. Humiga ako sa kama mag aalas otso na pala. Kailangan ko pang pumasok ng maaga bukas.

Kinuha ko ang phone ko at nag alarm ng 5 A.M para hindi ako malate. It's really different the school and work place. It should be productive every to impress your employer. I'll give my all effort to be the best.

Kinuha ko ang kumot ko para matulog na. Medyo nakakatulog na rin ako ng mabilis ngayon simula ng mawala si Snipe. Sana ok lang ang lalaking iyun baka nasa ibang bansa na s'ya at nag-aaral ng medicine.

Kinabukasan ay nagising ako sa lakas ng tunog ang phone ko. Agad akong bumangon kahit na tinatawag pa ako ng kama para humiga. Ngayon na lang ako nagising ng ganito kaaga.

Bumangon na ako para maghanda. Paglabas ko ng kwarto ay si Kent ang bumungad sa akin na nakauniform na at mukhang aalis na.

"I made you a breakfast!" Sabi n'ya habang inaayos nito ang necktie n'ya.

"Aalis ka na?" Inaantok ko pang tanong sa kan'ya.

"Yeah!" Sagot nito. Para akong zombie na naglalakad papunta sa kusina. Narinig ko ang pagsara ng pinto at malamang na lumayas na si kent.

Fried rice, egg and ham ang nakalagay sa table. Lagi na lang s'ya ang gumagawa ng breakfast. S'ya kasi unang umaalis saka ako naman sa dinner wag s'yang umarte duon.

Inubos ko na iyun at nagligo na ako pagkatapos ay nag-ayos ako ng sarili. I put a light make up on my face.

Lumabas na ako at bus ako sasakay para aircon. Buti na lang at maluwag ang bus na sinakyan ko kaya nakaupo ako. Sa tapat ako ng bintana umupo para kita ko ang labas nito.

Hindi ako kinakabahan sa trabaho ko. Kinakabahan ako sa mga makakasama ko. Sana naman mabait sila kung hindi baka makapektus ako ng tatlo agad duon.

A half hour will take after I arrived to my destination. I went out the bus and suddenly stop on the front of huge building of Arme Company. I gently smile and take a several step to go inside the building.

"Goodmorning po!" I greeted the guard. I can't remove the smile on my face and continue greeting the people around.

I went inside the elevator and push the 6th button. I do a bow as a greet to the person with me inside the elevator.

I carried my string bag on my back. Hindi pwedeng wala ito kahit na sa trabaho pa. Paglabas ko sa elevator ay sa marketing department agad ang punta ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nag half bow ako sa kanilang lahat.

"Goodmorning everyone, my name is Younis Killpack. I'm glad to be with you, guys!" Masaya kong bati sa kanila.

May lalaking tumayo at nakangiti ito sa akin. Lumapit ito sa akin kaya tinignan ko ito.

"Wow I like your energy! By the way, you're part of my team here. My name is Team leader Wendell!" Inilahad n'ya sa akin ang kamay nito na agad kong tinanggap.

"Gladly to see you, Team leader Wendell!"  Nagshake hands kami. Nakita ko sa likod ng swivel chair ang surname ko kaya naglakad na ako papunta duon.

"Nice meeting you guys!" Masaya kong bati sa kanila at para akong kakandidato sa ginagawa ko. Umupo ako at meron ng mga papel dito at panigurado ito ang kailangan kong gawain. Ito siguro ang mga naiwan ng pinalitan ko. 

Sinimulan kong basahin iyun isa isa ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. 

"Hi!" I heard that someone greeted me beyond. I pay him my attention and started to smile at him. Yes he's a guy with a cute smile. I guess were the same level of age.

"Hi!" I greeted back. I can't ignore him dapat mabait ka dahil bago ka palang dapat bida bida ka ganun. 

"My name is Kevin!" I offer his hand on me and accept it immediately. 

"Younis!" Sabi ko sa kan'ya. Pinakita ko sa kan'ya ang hawak kong papel na sabihin na I'm busy. Mukhang agad naman n'yang na gets. Next time na lang s'ya makipag usap pag free time namin. 

"Uhh Younis!" Napalingon ako kay Team leader Wendell ng tawagin n'ya ang pangalan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa kan'ya. 

"Yes po?" Tanong ko. May binigay sa akin itong papel. 

"Paabot ito kay Team leader Smith ng production department sa 4th floor!" Tinignan ko ang papel na hawak ko at tumango kay Team leader Wendell. Tumalikod ako sa kan'ya at lumabas ng office. Sumakay ako ng elevator pababa sa 4th floor. Nililibot ko ang paningin ko para makabisado ko syempre ang mga bagay bagay dito. 

Pagdating ko sa 4th floor ay hinanap ko agad ang office ng production department na hindi naman ako pinahirapan pa. Kumatok ako ng dalawang beses bago ko ito buksan. 

Tahimik kong nadatna ang mga tao duon na may sariling ginagawa. Hindi ko alam kung sino si Team leader Smith sa kanila at wala naman naka upo duon sa table nito. 

"Ahh Kay Team leader Smith po!" Sabi ko sa kanilang lahat. May lumingon na babae at nagtaka ako sa ginagawa nitong pagpunit ng papel at sa floor tinatapon. Luh anong trip n'ya sa buhay. 

"Yes?" Tanong n'ya sabay taas ng kilay. Attidute si girl kapal naman ng kilay. Kalma Younis mabait tayo. 

"Pinapaabot po ni Team leader Wendell!" Binigay ko sa kan'ya ang papel at agad n'yang kinuha sabay talikod sa akin. Pektusan ko kaya ng isa ang babaeng ito. Tumalikod na rin ako sa kan'ya at iniwan ko sila duon. Buti na lang at hindi ako duon napunta kung hindi gulo ang mangyayari sa amin ng Smith na iyun.

Bumalik ako sa elevator at nakita ko ang isang lalaking lumabas sa loob ng elevator na may hawak ito na kape. Bigla tuloy akong nainggit. Bumaba ako sa ground floor para bumili din. Tutal nasalabas na rin naman ako at mukhang mabait naman si Team leader Wendell 'di gaya sa production. 

Lumabas ako ng elevator at may nakita akong coffee shop dito sa malapit. Paglabas ko ng building ay nakita ko agad iyun. Tinulak ko agad ang pinto ng coffee shop at hindi ko sad'yang maunahan ang babae sa pagbukas. Pumasok na ako at hindi muna isinara ang pinto at hinintay ang babaeng makapasok. 

"Salamat!" Sabi nito kaya nginitian ko s'ya. Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong pumunta sa counter para umorder na.

"One macchiato please!" Sabi ko lalaking nasa counter. 

"Name ma'am?" Tanong sa akin ni kuya at may hawak itong cup and pilot. 

"Younis, Y.O.U then nis!" Paliwanag ko sa kan'ya. Marami kasing na misspelling ang pangalan ko.

Nilibot libot ko muna ang mata ko sa shop hanggang sa napaharap ako sa babaeng kasabay kong pumasok dito. Maganda s'ya at simple ang suot nito ang amo pa ng mukha. Nginitian ko s'ya. 

"Are you employee here?" Tanong ko sa kan'ya.

"Oo" Tipid n'yang sagot at halata sa kan'ya na nahihiya ito sa akin. Gan'yan din ako dati kaso kumapal mukha ko dahil kay Kent the monggol. 

"By the way, Younis." Inoffer ko ang kamay ko sa kan'ya at tinignan n'ya iyun. Malay mo magkadepartment pala kami. Edi may tropa na agad ako. 

"Xyra!" Sagot nito at agad na tinanggap ang kamay ko. Nagshake hands kami. 

"Anong department ka?" Tanong ko pa sa kan'ya. 

"Production ako, ikaw?" Balik n'yang tanong sa akin. Ah production pala s'ya 'yun ang pinuntahan ko kanina.

"Marketing department ako, first day ko nga ngayon kaya kinakabahan ko." Natatawa kong sagot sa kan'ya. Nakita ko itong tumawa. 

"Pareho pala tayo eh!" Saad n'ya. 

"Macchiato!" Humarap ako sa counter ng marinig ko ang order ko. Pagkaabot ko ay humarap ulit ako sa kan'ya. 

"Kailangan ko na umakyat!" Paalam ko sa kan'ya at tinapik ko ang balikat nito bago ako umalis duon, para bumalik sa office. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status