Share

Chapter 4

Halos isang linggo na akong naglilinis ng cr. At may isang linggo pa ako. Tamad akong naupo sa bench, i fix my hair while staring at the other students. Iyong iba ay nakatingin saakin, iyong ibang mga lalaki ay kinukunan ako ng litrato. Binalewala ko na lang iyon at pinagpatuloy ang pag aayos ng buhok.

Sa tuwing naglilinis ako ng cr ay dumadating si Gadeon, i know that he's thinking that i will escape--duh? Ako tatakas, kung hindi nga lang makakarating ito kay dad ay tatakas talaga ako. He's always watching me while I'm cleaning, hindi ko alam pero minsan naiilang ako sa titig niya. Like he's memorizing the every part of my body.

Sandali akong natigilan ng makita ang tatlong lalaki, sila iyong mga humabol saakin noon. They're standing infront of me,namumula sila na para bang nahihiya. Pinagtaasan ko sila ng kilay.

"Miss.Avellana I'm Esten Salvacion,the student council vice president" Inilahad niya ang kamay saakin. Walang buhay akong tumitig sa kaniya.

"I didn't ask for your name" Naparolyo ang mata ko ng marinig ang hagikhikan ng dalawa niyang kasama. Napakamot siya sa kaniyang batok.

"U-umm,ay ipinapadalang mensahe si pres." I raised my eyebrows, siniko niya iyong katabi niya.

"I-I'm Erwy Gonzales,the student council secretary." He gulped "Pinapasabi ni pres.na hindi raw siya makakapunta mamaya para samahan ka sa paglilinis. He has something to do" I sarcastically laughed.

"Kailangan pa ba iyon sabihin? Wala akong pakialam kung wala siya oh nandiyan. Mas panatag ang loob ko kapag wala siya." Nagsalita naman iyong isang lalaki.

"I'm Dan Garcia,t-the student council treasurer.Pwedeng kami ang magbantay sa iyo--" I cut him off, i raised ny right hand.

"No need,hindi naman ako tatakas"

"Pero--"

"Hindi ko kailangan ng kasama.So go shoo!" Lumapit ang iyong Esten saakin, napatingin ako sa kaniyang kamay, he's trembling...i see.

"Pero mahigpit na bilin saamin ni pres--" Tumayo ako at tiningala sila.

"Hindi niyo ba kayang suwayin si Gadeon kahit isang beses lang?" Kumunot ang noo nila, humagikhik ako.

"Ms.Avellana--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Enough for Ms.Avellana masakit pakinggan sa tainga. Call me Decie" I smiled a bit, biglang nagliwanag ang mukha nilang tatlo.

"Decie..." Sabay sabay nilang saad tumango ako at ngumiti.

"Pwede bang pa picture?!"

"Can i have an autograph?!"

"Me too!"

My jaw dropped, so...they admired me.I smiled at them.

**

Ipinuyod ko ang buhok ko pataas,naglagay rin ako ng panyo saaking ulo para hindi iyon magulo. Kinuha ko na ang mop at naglakad papunta sa may cr. Nakakabingi ang katahimikan, palibhasa wala ng masyadong estudyante.

Si Eunice naman nauna na dahil may pupuntahan pa sila ng mga magulang niya. I think i need to call my driver...

Pumasok na ako sa cr at sinimulan na ang paglilinis. Nakakadiri itong linisan pero sa loob ng isang linggong paglilinis ko nasanay narin ako. I hate cleaning,sinanay ako ni dad na may katulong but when my mom is still alive she's always teaching me to clean a house.

Wala sa sariling napangiti ako,i miss that day...the day when my mom is still there at my side. She's like my queen and I'm her princess--but it fades away when the accident happened.

I bit my lower lip,naramdaman ko ang nagbabadyang luha kaya mabilis kong ipinilig ang ulo ko at huminga ng malalim.

"Aww" Napadaing ako sa sakit ng maramdaman ang hapdi saaking kamay, medyo sira na kasi ang hawakan ng mop kaya nagasgasan ang daliri ko.

"You ugly mop! Sinugatan mo pa ako!" Para akong tanganv kinakausap ang mop, wala sa sariling iniuntog ko pa ito sa dingding at sinisi sa naging sugat ko.

"Damn you! You jerk! Bwisit! I didn't let my self to get wounded but damn you!--"

"Ms.Avellana" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses niya.

Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Singhal ko sa kaniya, medyo nanlaki pa ang mga mata niya.

"I'm sorry,ginulat ba kita?"

"Obvious ba?" Inirapan ko siya at kinuha ang mop na nahulog. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis. "A-akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon?" Napatikhim ako.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Mmm,hindi na ako tumuloy" Napatango tango na lamang ako.

Gusto ko sanang tanungin kung saan dapat siya pupunta pero huwag na, baka sabihin masyado akong matanong. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilang magsalita, tumingin ako sa kaniya nakita ko siyang nakatitig saakin kaya mabilis akong umiwas. Muli nanaman akong napatikhim.

Ang ackward,muli akong tumingin sa kaniya napasinghap ako at muling iwas. Bakit parang nakakahiya? Bakit parang naiilang ako?

"Gusto mong magtanong?" My eyes widened. Ngumuso ako at mabilis na umiling.

"H-hindi ano namang itatanong ko?" Napagdiin ko ang aking labi ng mapagtantong nanginig ang boses ko. Shit! Anong nangyayari saakin?

Bakit parang feeling ko umiinit ang mukha ko? What is happening to me?!

"May aasikasuhin akong bisita sa bahay.She's my bestfriend,but i refused to go there dahil mas inaalala kita" Huh? I-inaalala niya raw ako?

Ows? Hindi nga Pero teka...she? Ibigsabihin babae?

"H-hindi naman ako nagtatanong" Pinilit kong tumalikod para hindi niya mapagmasdan ang mukha ko. Bigla akong nahiya...

"I can feel that you want to ask,so inunahan na kita" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Pinilit kong ibahin ang usapan.

"Bakit ka b-ba palaging nandito? Hindi naman ako tatakas..." I said in a low tone.

"Sa tingin mo ba kaya palagi akong nandito dahil ang iniisip ko ay tatakas ka?" I flinch when he walks toward to me,napaatras ako. Tinitigan niya ang mga mata ko,pilit akong umiwas sa titig niya.

Why i am so nervous?

"O-oo...iyon naman ang iniisip mo kaya palagi mo akong binabantayan hindi ba?" He tilted his head, mas mariin siyang tumitig saaking mukha na parang kinakabisa bawat parte nito.

"Iyon ba talaga ang tingin mo saakin?, Hmm Decie?" I rigid, this is the first time he called me by my name.

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy saaking katawan ng banggitin niya ang pangalan ko. It sounds so good when he mention my name. Parang mas lalong gumanda ang pangalan ko ng siya ang bumanggit.

Tumaas at baba na ang aking dibdib dahil sa kaba. He bend down to me, he caressed my chin.Napaiwas ako ng tingin, but he made me faced to him.

"Eyes on me..." What the hell is he doing? Is he fliriting?

"U-uh,u bitaw..." Nagkakautal-utal na ako dahil sa ginagawa niya. I can't take this anymore! Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib to push him away, pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Is he flirting with me?

"Palagi akong nandito hindi para bantayan ka kung tatakas ka" He look at my lips "Palagi akong nandito dahil gusto kong masiguro na uuwi ka ng maayos..."

Nagpumiglas akong makaalis, but he's too stronger than me.

"H-ha?" My voice trembled.

"I'm worried..."

What?! Seryoso siya?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status