Share

Chapter 7

"She's Chesie Danzillo,classmate namin siya ni Gadeon. Bale sa mga naririnig ko kababata siya ni Gadeon, masyado silang close sa isat isa..."

Uh i see, I don't know why i am asking. Hindi ko alam kung bakit masyado akong na cu-curious tungkol sa kanilang dalawa. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. I'm annoyed and piss off at the same time.

"Why are you asking?" I transfixed, bakit nga ba? I shrugged my shoulder.

"Nothing,I'm just curious" Pagsisinungaling ko.bIpinatong ko ang baba ko sa dalawa kong kamay at tumitig sa kawalan.

Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria, ni hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko. Wala akong gana...ramdam ko ang titig saakin ni Eunice. I look at her, and raised my eyebrows.

"What?" I boredly asked. Umayos siya ng upo at tinitigan ako ng makahulugan.

"You know what,Chesie is pretty.Hindi imposibleng magkagusto sa kaniya ang mga lalaki..." I winced "Specially Gadeon" I rigid, what does she mean?

"And so?" Pilit akong umiwas sa titig niya. Bakit ganiyan ang sinasabi niya? Anong ibig niyang sabihin? What the hell is she saying?!

"Just want to inform you..." Rumolyo ang mata ko.

"I'm prettier than her" Mayabang kong saad, umayos ako ng upo at taas noo siyang tiningnan, I heard her chuckled.

"Okay all right.No one can beat a Decimier Jewel Avellana" Yeah right, no one can beat me. Pagdating man sa itsura oh sa yaman.

I was born to be beautiful,kaya nga itinuturing akong prinsesa ng mga Avellana. And besides ako lang ang nagiisang babae sa pamilya. Dalawa lang naman kami, si kuya Henry ang panganay he's studying in France at ako naman ang bunso.

Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Saan ka pupunta?"

"Cr lang" Dirediretso na akong naglakad na hindi siya nililingon.

Habang naglalakad sa may corridor ramdam ko ang titig ng mga estudyante. Iyong iba nginingitian ako, iyong iba naman ay pinupuri ako. Nginingitian ko nalang rin sila pabalik. Pero parang biglang may masamang hangin ang dumaan ng makasalubong ko su Chesie.

Nakangiti siya na halos ikalabas na ng gilagid niya, pero iyong ngiti niya parang nakakainsulto. She stopped infront of me.

"Hi! Remember me?" Walang gana ko siyang tiningnan, ni head to foot ko pa siya.

"No" Kunwari hindi ko siya kilala.

"I'm Chesie Danzillo,Gadeon's bestfriend"

"I'm not asking" Mataray kong saad. I can see the hatred on her eyes, kung hate niya ako mas hate ko siya patas lang kami!

"I'm just informing you"

"Bakit? Balita ka ba?" Biglang nagiba ang timpla ng kaniyang mukha.

"Look kid,i just want to be friends with you" Ang kapal, kasing kapal ng encyclopedia! Tinawag niya ba akong kid?

"First of all don't call me kid i am not a kid.And second...pumayag ba ako na maging kaibigan ka?" Biglang nangasim ang kaniyang mukha.

She's annoyed, napasinghap siya dahil sa pagtataray ko.

"Naririnig ko ang pagtrato mo kay Gadeon, you should respect him. Student council president siya--"

"And you're his knight shining armor?" Narinig ko ang peke niyang pagtawa. Hinampas niya ako ng mahina sa balikat atsaka tumawa.

"Oh my! You're so witty" Ngumiwi ako, hinampas ko rin siya ng mahina sa balikat atsaka humalakhak.

"Oh my! You're so nitty!

"What did you say?"

"Did i say anything?" Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat "Gad! I just waste my time to someone like you"

Tuluyan ko na siyang nilagpasan. Narinig ko pa ang pagtawag niya saakin pero hindi ko na uyon pinansin. Pikon! Pikon siya pikon! Akala niya uurungan ko siya? Pwes! Nagkakamali siya. Kung palaban siya mas palaban ako, kung mataray siya mas mataray ako, at kung maganda siya...bitch! Mas maganda ako.

Padabog akong naglakad papasok ng classroom. Tinamad nalang akong mag cr dahil sa Chesie na iyon. Ibinagsak ko ang katawan sa upuan at sumubsob ako sa mesa.Nakakainis! Nakakainis siya, hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kaniya. Hindi ko lang talaga siya feel na makasundo. We hate each other, sa una palang alam kong ayaw ko nasa kaniya at ayaw niya rin saakin.

I'm sleepy...palagi na kasi akong napupuyat dahil sa paglilinis ng lintik na cr iyan. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko--pero maya maya lang ay may tumawag sa pangalan ko...isa siya sa mga kaklase ko.

"Ano?!" Iritado kong sigaw sa kaniya. Ngumiwi siya at may itinuturo sa labas.Napakamot ako sa ulo. "Ano nga?!" Muli siyang tumuro sa labas. Hinampas ko ang mesa dahil sa inis "Ano ba?! Wala ka bang bibig?! Anong ngang sinasabi mo?!"

"You don't need to shout Miss Decie Avellana." I rigid, my eyes widened. My heart beats so fast--hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung dahil ba sa takot sa kaba o sa ano.

Napalunok ako ng makita siyang naglakad papasok ng classroom. Seryosong seryoso ang mukha niya at diretso ang masama niyang titig saakin. Pasimple akong umayos ng upo.

"Bakit ka nandito?" Medyo nag crack ang boses ko."Ano nanaman? May ginawa ba ako?"

Namulsa siya sa harap ko habang nakayuko saakin.

"Bakit mo sinabi iyon kay Chesie? Gusto lang naman makipagkaibigan sa iyo ng tao" Kumurap ako, parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko dahil sa pagkirot.

Nagsumbong si Chesie? Anak ng--sumbungera rin naman pala ang isang iyon.

"Wala akong maalala na may sinabi ako sa kaniyang masama" I boredly answer. Umiwas ako sa tingin niya, at lumingon sa iba.

"Kailan ka ba titino Decie?" Hinilot niya ang noo na parang pagod na pagod. Tinawag niya ako sa pangalan ko...pero mukhang galit.

"Kapag naging tatsulok na ang mundo" Nangunot ang noo niya.

"Malabong mangyari" Tumaas ang kilay ko.

"Edi malabo ring mangyari na titino ako--"

"Decimier Jewel!" Napapitlag ako dahil sa malakas niyang pagtawag sa pangalan ko.

What's wrong? Ano bang sinabi kong mali at parang galit na galit siya?

"Ano?" Iritado kong saad. Nakakapaginit ng ulo, lumalabas tuloy na kinakampihan niya ang Chesie na iyon kaysa saakin.

"Magusap tayo sa student council room" Ngmuso ako.

"Pumayag ba ako?" Sumara ang kamao niya,namumula na siya sa inis at sa galit.

Tumataas at baba ang dibdib niya at halatang pinipigilan ang sarili na sigawan ako. Medyo napalayo ako ng isandal niya ang kamay sa mesa at inilapit ang mukha sa akin.

"Sige ipagpatuloy mo ang pamimilosopo..." Tumitig siya sa mga mata ko.

"Oh ano? Ano? Anong gagawin mo?" Nanghahamon kong saad.

"Sinasabi ko sa iyo Decie.You will regret this day if you didn't follow me..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status