Share

Ultra Gays Galaxy
Ultra Gays Galaxy
Author: iMarjayNari

ULTRA ONE

Disclaimer

This story is a work of Fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserve 2020

©iMarjayNari (kaminari amanashi)

ULTRA GAYS GALAXY

REMAKE 2020

©kaminari_amanashi

ULTRA ONE: The three warriors

Dumagundong ang malakas na pagsabog sa buong paligid kasabay nito ang pagbalikwas ko ng bangon dito sa aking kama. Lumakas ang pintig ng aking puso na tila sasabog na ito dahil sa gulat. Bahagya akong umupo at pansamantalang sumandal sa ulunan ng kama at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Dumako ang aking tingin sa nakabukas na bintana at malayang dinuduyan ng hangin ang puting kuwartina. Binaba ko ang aking mga paa at sinuot ang panloob kong tsinelas at dali-dali akong lumabas ng silid upang tignan sa labas ng bahay kung saan nanggaling ang nangyaring pagsabog.

Mula dito sa aming bakuran ay tanaw ko ang sira-sirang gusali sa siyudad— umaapaw ang makapal na usok at mariin kong naririnig ang alingawngaw ng mga busina ng sasakyan sa siyudad. Nagsilabasan din ang mga tao sa paligid at inuusisa kung ano ang nangyayari.

"Jonel! Mabuti at nakita ka pa naming buhay."nanghihingalong wika ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng tarangkahan—si Julian at larry na kapwa nakaawang ang bibig dahil sa pagod.

"Narinig niyo ba yung malakas na pagsabog kanina? Nakakatakot 'diba?"sunod-sunod kong tanong habang binubuksan ang aming tarangkahan.

Napahawak si Larry sa kanyang dibdib at tumango-tango, "A-Ang akala nga namin di-dito bumagsak yung bu-bulalakaw. Nakakatakot at ang laki!"ani'to.

Samantala, sumalampak si Julian sa damuhan at pikit mata nitong sinimot ang malamig na hangin. "Bulalakaw nanaman? Kinukutuban na ako sa mga nangyayari. Sa tingin ko hindi na'to normal dahil ilang beses na tayong inuulan ng bulalakaw dito sa pilipinas."kinakabahan kong wika, at muli akong tumingin sa gitna ng siyudad na tila nagmukha na itong destroyed city dahil sa estado nito. Patuloy ang pag-angat ng itim na usok sa himapapawid at sa puntong ito, umalingawngaw ang sirena sa siyudad, hudyat na may kakaibang nangyayari sa dako roon.

Binalot ako ng kaba at tila may kung anong bumabagabag sa aking isipan. "Hindi naman siguro magkakatotoo ang mga iniisip ko."bulong ko sa aking sarili.

Tumayo si Juliana at nagpagpag ng shorts, "Hindi na safe dito sa lalawigan natin. Sa tingin ko may bagay tayong kailangan na malaman bago mahuli ang lahat. Hindi naman sa nag pa-panic ako pero iba nato e, parang games lang, nasa insane level na tayo."sambit nito at bakas sa mukha ni Juliana ang takot.

"Hala siya, pero I believed in you siswang Julian, pero hindi natin kailangan mag panic. It's just bulalakaw you know"maarteng wika ni Larry habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.

Tinapunan ni Julian si Larry ng matalim na tingin at tsaka inirapan. "Duh! Makapagsalita ka ng 'it's just bulalakaw' e ikaw naman yung takot na takot kanina. Pero seryoso ako, yung pagbagsak ng bulalakaw dito sa pilipinas ay malapit ng mag plateau, in my own perspective a."ani'to.

"Huwag nga kayong magisip ng ganiyan, ang mas mabuti pa siguro ay usisain natin sa labas kung anong nangyayari."sabi ko naman. Binuksan ko yung tarangkahan namin at lumabas kami ng bakuran. Dito nga ay naki-chismis kami sa mga kapitbahay.

"Kanina naglalaba ako sa likod ng bahay, nagulat nalang ako dahil biglang gumuhit ang liwanag sa kalawakan, ang akala ko binuksan ng anak ko yung ilaw sa likod pero nagulat nalamang ako noong napatingala ako—isang nagliliyab na bulalakaw! Ang laki at sumibat pababa doon sa sentro, ang akala ko nga dito babagsak."sabi sa amin ng katabing bahay namin kaya tumango-tango nalang ako.

Maya-maya ay pumamewang si Larry sa harap ako. "I told you siswang! Malaki tulad ng titi ng negro, malaki na nakakatakot pa."wika nito dahilan para kitusan ni Juliana si Larry.

"Oi Larry lagyan mo nga ng filter 'yang bunganga mo. Nakup, nakakahiya ka talaga."panenermon ni Julian, sa halip na lamunin ako ng kaba dahil sa mga nangyayari ay natawa nalang kaming dalawa ng kapitbahay namin.

Habang sa ganoong posisyon namin dito sa tarangkahan ng aming kapitbahay ay biglang nilamon ang kalawakan ng nakakasilaw na liwanag, kung kaya't muling umingay ang mga tao sa paligid. Napapikit nalang ako at hinarang ang aking mga kamay upang hindi masilaw ngunit nagulantang kaming lahat noong umugong ang malakas na kulog sa kalangitan. Nagpatuloy ang ingay na puno ng takot, hanggang sa bigla itong napalitan ng nakakabinging katahimikan. Wala akong marinig na kahit anong imik sa paligid kaya naman marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata, at bumungad ang tatlong tao na nakasuot ng hoodie robe na kulay itim. Natatakpan ng hood ang kanilang mukha kung kaya't hindi ko makita ang kanilang mukha.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at tila tumigil sa paggalaw ang mga tao maging ang mga dahon na natigil sa ere. Tumingala ako at napansin ko din ang mga ibon na natigil sa paglipad. Pero, ang tatlong tao na nakasuot ng roba ay patuloy sila sa paglalakad palapit sa aking direksyon at tinatangay pa ng hangin ang kanilang kasuotan, kung kaya't napalunok ako ng walang laway at tila binabayo ang aking puso dahil sa lakas ng pitik nito.

Napahawak ako sa kamay ni Larry at hinila ito ngunit pati sila ay nanigas na parang bato. "Diyan ka lang lamang lupa. Hindi ka namin sasaktan basta't manatili kang nakatayo sa pwesto mo."boses ng isang babae.

Umatras ako, "Sino kayo?"tanong ko.

Napansin ko ang pag-ngisi ng isa at dahan-dahan niyang inalis ang nakatakip na hood sa ulo nito. "Ako si Meiji. Galing pa kami ng Alphaverse o Alpha universe, naparito kami upang maghanap ng taong maaari naming pagkatiwalaan. Nais kasi naming ipagkatiwala ang aming kapangyarihan upang maging depensa sa mga halimaw na dumadating dito sa inyong mundo."salaysay nito, base sa itsura nito ay nasa 40 pataas ang kanyang edad, meron itong na-trim na balbas at bigote. Matanggakad at medyo singkit ang kanyang mga mata.

Binaling ko din ang aking tingin sa isa dahil inalis niya din ang hood nito at bumungad sa akin ang kaniyang mukha. "Ako naman si Phaleos, ako ang time keeper at kung nagtataka ka ngayon kung bakit natigil ang mga kasama mo sa paggalaw ay dahil iyon sa time manipulation ability ko."nakangising wika nito. Mas bata si Phaleos kaysa kay Meiji. Nakakatuwa ang stilo ng kanyang buhok dahil natatakpan ang kaliwa nitong mata.

Inalis naman ng isa ang kanyang hood at bumungad ang mukha ng isang babaeng may kulay dilaw na buhok. "Ako naman si Gira. Nandito kami upang makisanib pwersa sa inyo. Ang inyong mundo ay unti-unting pinapasok ng mga ligaw na kakatwa. Dahil iyon sa electromagnetic pulse dulot ng bumabagsak na bulalakaw dito sa inyong mundo. Hindi lang dito sa pilipinas, kundi pati ang karatig bansa. Sa oras na napabayaang mamayani ang mga ligaw na kakatwa, magdudulot ito ng pwersa na maaaring mabuksan ang dimensyon ng mga espiritu."salaysay ni Gira.

Maya-maya ay nilahad ni Meiji sa aking harapan ang kanyang nakasarang palad at unti-unti nitong binuksan. "At ikaw ang isa sa mga tao na nais naming maging alyansa upang maging depensa sa mga kakatwa."nakangising wika nito at lumutang ang kulay asul na liwanag sa aking harapan at walang anu-ano'y nilukuban niya ng liwanag ang aking mukha.

Itutuloy...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
adiwahyubowo
This is one of the best story I've read so far, but I can't seem to find any social media of you, so I can't show you how much I love your work
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status