Share

ULTRA THREE

Ultra Gays Galaxy

REMAKE 2020

©kaminari_amanashi

ULTRA THREE: Unexpected Visitor

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa mainit na sensasyon sa aking dibdib. Parang nanunuot ang init na wari'y pinapaso ito kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at hinawakan ang aking dibdib. Napangiwi ako sa init kung kaya't sinandal ko ang aking likod sa ulunan ng kama. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at nilakbay ko ng tingin ang buong paligid, mula dito sa aking posisyon ay kapansin-pansin ang kulay puting pintura ng silid at sa gilid ng aking kama ay nakabukas ang bintana. Malayang dinuduyan ng hangin ang asul na kurtina dito sa loob at mariin kong naririnig ang sipol nito na may dalang kapayapaan sa aking kaibuturan.

Nagitla ko noong biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon. "Ahh! Gising ka na frenny, ang akala namin ni Larry ay ma titigok ka na. Mabuti nalang at hindi ka pa tinanggap ni kamatayan."pagtitili ni Julian dito sa loob at sinalubong ako ng mahipit na yakap.

Ngumiti ako at niyapos ang kanyang likod. "Ang sabi ni kamatayan, kung mamamatay man ako ay mawawalan ng mabait at cute na miyembro sa ating tatlo. Kasi sabi niya, kayong dalawa ni Larry ang pinaka chaka at sinumpa ni medusa noong kapanahunan ng mga olympian gods."hirit ko naman dahilan para itulak ako ni Julian at umirap sa ere.

"Siswang huwag masiyadong harsh, kasi sa ating tatlo ay ako parin ang tumataginting. Alam mo niyo bakit? Kasi may naka-chat ako sa gay dating site na amerikano like dzuh! Mag d-date daw kami soon."pagyayabang naman ni Larry at umupo sa sopa.

"Kailan naman ang date niyo bakla? E sa dami ng naka-chat mo sa gay dating site na 'yan, ni ultimo isa walang sumipot sa eyeball niyo. And one thing, kaya ka lang naman nila chinat kasi puro boobs naman yung photos na in-a-upload mo. Naalala ko tuloy kung bakit nahati sa dalawa yun repolyo sa bahay namin, yun pala ginamit mo bilang suso mo."pambabara naman ni Julian at umupo sa gilid ng aking hinihigaan.

Natawa naman ako. "Dumalaw rin ako doon sa profile ni Larry noong isang araw. Nagulat lang ako sa post niya, 'feeling happy' yung caption tapos yung mismong larawan e nakanguso at nakakunot noo, mukhang ewan!"puna ko naman na ikinaismid ni Larry.

Tawanan maliban kay Larry na ang sama ng tingin sa'min.

"Tawang-tawa gurl? Ang hard niyo talaga sa'kin, pwedeng sumakay nalang kayo sa trip ko. Hindi naman ako nangingialam sa tuwing tinitignan niyo yung bakat ng P.E teacher natin. Last time, pati yung mga tambay sa kanto sinisilip niyo sa tuwing umiihi sila, yuck so cheap naman!"bawi naman ni Larry at humukipkip. Hinawi nito ang kanyang buhok at binelatan kami.

"Wow! Ang galing nakapagsalita ang inosente, oh bakit sumunod ka doon sa pinagkukublian naming poste? At nakakagulat pa dahil kinuhanan mo pa ito ng larawan kahit nag wa-warning na yung cellphone mo na full storage ka na, anong ginawa mo sa picture na yun?"tanong naman ni Julian at tumayo ito ng tuwid na wari'y nanghahamon.

Umiwas ng tingin si Larry sa amin. "Wala, ginawa kong koleksyon."sagot naman nito.

"Tama na nga, baka magsabunutan pa kayo diyan e hindi naman kahabaan ang buhok niyo."pagpapatigil ko kung kaya't natamihik ang buong silid. Ganon parin naman ang aming posisyon ngunit napangiwi ako noong maramdaman ko na tila nasusunog ang aking dibdib, kaya naman hinila ko ang kuhelyo ng aking damit at sinilip ang aking dibdib.

"Huwag kang assuming teh, wala kang suso promise."ani Larry dahilan para irapan ko siya. Muli kong pinagmasdan ito nang mapansin kong may hugis tatsulok na nakaukit sa aking dibdib. Wala akong ideya o naaalala kung kailan ako nagkaroon nito at ngayon ko lang napansin ang tatsulok na marka. Ngunit ang mas nakapagtataka pa ay tila nanunuot ang init na para bang may baga sa'king dibdib.

"Bakit masakit ba 'yang suso mo? Baka naman nag b-bloom na."panguusisa ni Julian habang tinitignan ito. "Oh! Bakit may tatoo ka sa dibdib, alam ba ng mama mo ang tungkol diyan?"tanong nito sa akin kung kaya't umiling ako.

"Hindi ako nagpa-tatoo, ewan ko kung bakit nandiyan ang markang iyan. Tsaka ang init a. Parang nagbabaga takte."sagot ko naman habang iniinda ang init nito.

"Baka naman nakalimutan mo lang na nagpa-tatoo ka, saka ganiyan talaga ang mga tatoo mahapdi. Itanong kaya natin baka kasi na impeksiyon na 'yan."puna naman ni Larry at lumapit ito sa amin upang tignan ang marka sa aking dibdib.

Habang sa ganoong posisyon ay biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami rito nang makita namin ang Nurse. Kulay asul ang buhok nito na parang anime character dahil narin sa malaki nitong hinaharap, nasa 5'4 ang taas at medyo balingkinitan.

Lumapit ito sa amin habang hawak ang kanyang clipboard. "It's nice to see you awake Mr. Hernandez. Wala kaming nakita sa'yong internal organ na napinsala maging ang iyong mga buto, parang himala ang nangyari dahil wala ni isang galos o anuman ang nakita namin! Iyon ngalang dinala ka ng kaibigan mo dito sa Hospital dahil nawalan ka ng malay. Pero, pwede ka nang lumabas mamaya."magiliw nitong salaysay na ikinatuwa naming tatlo.

"Pero Nurse, nakakapagtaka lamang po dahil may marka ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha, basta naramdaman ko nalang na parang nasusunog itong dibdib ko. Pwede niyo po bang i-check?"tanong ko sa nurse dahilan para matawa ito ng marahan.

"Baka nakalimutan mo lang na nagpa-tatoo ka, alam mo bang delikado ang mga ginagamit nilang needles diyan sa mga pa-tatoo-an. Maaaring ma impeksiyon ang iyong balat at ang mas masama pa ay baka magkaroon ka pa ng HIV. Dapat aware kayo sa mga ganiyang bagay, dahil sa simpleng karayom lang na paulit-ulit ginamit ay maaari kang makakuha ng sakit."wika ng Nurse at sinuri nito ang aking dibdib. Ngunit, hindi ko inaasahan ang aking reaksyon noong makita ito.

Isang tatsulok na kulay itim, sa gilid nito ay kitang-kita ang pamumula ng aking balat sa dibdib. Kaya naman halos mabahala ako noong makita ito, samantala napasinggap naman si Julian at Larry sa nakita marahil dala ito ng gulat.

Nanlaki ang mata ng Nurse at binaling sa akin ang tingin. "Ingatan mo ang sugat mo iho, dahil hindi basta marka ang isang 'yan. Kung nakakaramdam ka ng init ay dampian mo lang ng icebag na may yelo upang hindi ka ma paso."wika nito na ikinatango ko. Pero, mistulang palaisipan ang kanyang reaksyon, may kakaiba ba sa marka ng aking dibdib?

Nahagip ng aking mga mata na napahawak si Larry sa magkabila nitong pisngi na wari'y nagulat. "Omay! Jonel, ang pangit na ng dibdib mo! Sana naisipan mo naman ang magiging kahihitnatnan ng dibdib mo kung magpapatatoo ka. Dapat bumili ka nalang ng sticker doon sa palengke, mura na nga less risk pa."gulat nitong wika dahilan para batukan ito ni Julian.

"Luh! Si Larry makapagsalita ng 'pangit ang dibdib' e yung utong niya ang itim naman. Parang utong ng barakong construction worker."sabad naman ni Julian samantalang si Larry ay napahawak sa batok nito.

"Excuse me! Pinkish ang nipples ko no! I always cleaning my utong 3 time a day, and I'm using alcohol para ma wipe away yung germs."depensa naman ni Larry

Tawanan

Napatingin sa akin yung Nurse at ngumiti. "Basta yung payo ko sa'yo huwag mong kalilimutan. Itago mo ang bagay na 'yan kung maaari. Sige alis na ako dahil may mga patient pa akong dadalawin."wika nito at tinahak palabas ng pinto.

"Sinabi niyo ba kina mama ang nangyari sa akin?"tanong ko sa dalawa.

"Hindi na dahil kilala namin yung mama mo, biglang mahihimatay kung may nangyaring masama sa'yo. Kung sasabihin naman namin ito kay Lola mo sigurado akong aatakihin ito ng kanyang high blood."sagot naman ni Larry dahilan para ngumiti ako.

"Salamat, kilala niyo na talaga ang mga magulang ko. Basta pagdating natin doon sa bahay walang iimik sa'tin a. Tsaka anong oras na ba?"

Napatingin si Julian sa suot nitong wristwatch. "Alas cuatro na, kung tutuusin ay uwian na natin ito. Tsaka anong ipapalusot natin e halos pinauwi lahat ng estudyante sa campus natin?"tanong nito.

Napaisip ako pansamantala.

"Sabihin nalang kaya natin ang totoo?"tanong naman ni Larry dahilan para umiling ako. "For sure hindi na mahihimatay si tita dahil buhay ka namang umuwi."dagdag pa niya kaya at pati si Julian ay tumingin sa akin na wari'y nangungusap. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon.

At iyon nga ang plano, lalabas na sana kami ng silid nang biglang bumukas ang pinto. Biglang kumalabog ng malakas ang aking puso dahil sa hindi inaasahang taong pumasok sa loob.

"Gosh! Papa Ian!"tili ng dalawa noong makapasok si Ian dito sa loob, suot nito ang kulay puting t-shirt at itim na cargo short. Mula sa kanyang likuran ay pumasok ang isang lalaki dahilan para mangisay si Julian at Larry sa kilig.

"Kumusta ka na? Bali-balita kasi sa department natin may estudyanteng na disgrasya kanina. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy nilang estudyante."bungad nito at inabot sa akin ang isang supot na naglalaman ng prutas.

Natuwa naman ako, "parehas pala tayo ng Department? By the way, ano yung sinasabi mong usap-usapin? Ibig mo bang sabihin kumalat sa buong campus ang pangyayari?"sunod-sunod kong tanong kaya naman tumugon ito ng isang tango.

Napatingin ako kay larry na nakalingkis sa braso ng binata na kasama ni Ian, samantala si Julian naman ay nakalingkis sa kabilang braso at kapwa nilang nilalandi ang binatang kasama ni Ian.

"Ibig sabihin nakarating na ito sa bahay, pero bakit hindi sila dumalaw?"pagtataka ko

ilang sandali pa ay bigla akong nagulat sa ideyang pumasok sa aking isip. "Shems! Baka nahimatay silang dalawa!"bulalas ko at agad akong bumababa ng kama.

"Saglit lang siswang saan ka pupunta at sino yung nahimatay?"nagtatakang tanong ni Julian habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ng binata.

Napasabunot ako ng buhok. "Kumalat sa buong department natin ang nangyari sa akin. So it means baka naibalita doon sa bahay."natataranta kong sagot.

"Oh tapos?"tanong naman ni Larry na abala sa pagpisil sa ilong ng binata.

"Edi alam na nila mama at lola, baka nahimatay silang dalawa kaya hindi sila nakadalaw dito."tugon ko naman dahilan para bumitaw silang dalawa sa binata at tila bumalik sila sa katinuan.

Napakamot naman ng ulo si Ian. "Hindi niyo ba pinaalam sa mga magulang ni Jonel ang nangyari?"tanong nito at sabay-sabay kaming tumango nila Julian at Larry.

"Kung ganon mga tol dapat umuwi na kayo para malamang safe si pareng Jonel."puna naman ng binata.

"Maka tol ka naman wagas, pwedeng Jonel nalang."sabi ko naman.

Napatingin si Ian sa binata at tila naguusap sila sa mata. Maya-maya ay binaling ni Ian ang tingin sa akin at ngumiti. "Lee, kunin mo yung kotse ko doon sa groundfloor. Sunduin mo kami main gate ng hospital, ihahatid na natin si Jonel sa bahay nila."wika nito sabay abot ng susi kay Lee (yung binatang kasama ni Ian). Kinuha naman ni Lee ang susi at lumabas ng silid.

"Naku, nakakahiya naman kung ihahatid mo pa kami sa bahay, tsaka hindi mo naman ako ka close. Bakit ang bait mo sa'kin."nakayukong usal ko.

Ginulo ni Ian ang aking buhok dahilan para mas lalo akong makilig. "Pasasalamat ko na yun sa tiyaga mong manood ng practice namin."sagot naman nito.

"Sana all! Ikaw na talaga Jonel at wala ng iba."kantiyaw naman ni Julian at bigla akong tinulak dahilan para sumubsob ako sa dibdib ni Ian. Amoy na amoy ko ang pabango nitong blackwater kaya naman halos mangatog ang aking mga tuhod noong maamoy ang pabango nito.

Itutuloy..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status