Share

ULTRA FIVE

ULTRA GAYS GALAXY

REMAKE 2020

©Kaminari amanashi

iMarjayNari

ULTRA FIVE: Black and White

Alas dos ng hapon noong nagtungo kami nina Larry at Julian dito sa athletic field. Tulad ng aming inaasahan ay tirik ang araw na may dalang kaunting init sa aming balat. Naupo kami dito sa pinakadulong stand at pinagmasdan ang lawak ng athletic field, ngunit sa bandang gilid nito ay makikita ang malaking crater dulot ng bumagsak na bulalakaw. Bakante namin ngayon at dito ang kalimitan naming pinagtatambayan sa tuwing wala kaming guro sa classroom.

"Kailangan pa talagang lumayo ng classroom para lang sa isang panaginip na ibabahagi mo friend?"tanong ni Larry habang naglalagay ng lotion sa kanyang braso, samantalang si Julian ay nakatodo ang pagpaypay sa sarili.

Bumuntong hininga ako bago sinimulang magsalita, "Ganito kasi, napanaginipan ko yung sarili ko kahapon. Dahil nga may lakad tayo kahapon ay hindi ko na'to na-kwento pa, okay heto na. Ganito kasi yun, nandoon daw ako sa isang gubat na puro nalantang puno ang nakatanim, tapos kahit tumakbo ako at pilit na lumayo sa lugar na 'yon ay pabalikbalik lang ako sa mismong kinaroroonan ko."nangangapos hininga kong salaysay.

"Ayun na 'yon?"taas kilay na tanong ni Larry dahilan para umiling ako.

"Gaga pwedeng huminga naman ako? Kanina pa ako kinakapos ng hininga."tugon ko naman at saka ako tumikhim, "'diba nakita niyo na yung tatak sa bandang dibdib ko? Nakausap ko yung nagbigay nito sa akin, hindi ko alam kung maniniwala kayo sa'kin pero nagsasabi talaga ako ng totoo. Ang rason kung bakit daw ako nagkaroon ng ganitong tatak dahil doon sa nangyaring pagbagsak ng bulalakaw dito sa field. Ang ibig sabihin daw ng marka sa aking dibdib ay power of human sacrifice."muli kong salaysay at kapwa sila napatango (Julian at Larry) sa aking sinabi.

Humalukipkip si Julian sabay tapon ng nagtatakang tingin sa'kin. "Beshy hindi naman sa pinaghihinalaan kitang naka-high pero, nag du-drugs ka ba?"kunot noo nitong tanong na ikinaismid ko.

"Gusto ko lang sabihin na wala tayo sa magic world tulad ng napapanood natin sa telebisyon, alam ko namang humahanga ka sa mga anime na series. Pero beshy advice ko lang a no offense, magpakunsulta ka na kaya sa doktor. Ibang level na ang panaginip mo friend."puna ni Larry at hindi ko alam kung nag-aalala ba sa'kin o nangaasar.

Napakamot ako ng ulo dahil sa pagkadismaya. "Totoo talaga ang sinasabi ko, hindi ako nababaliw! Sabi pa niya e magiging tagapagligtas daw ako ng mundo."giit ko dahilan para magtinginan si Larry at Julian sabay tawa.

"Jonel, sino ba kasi ang nagsabi sa'yo niyan?"natatawang tanong ni Larry sa'kin.

"Si Kitsune, ang isang maalamat at higit sa karaniwang nilalang sa mundo. Bahala kayo kung maniniwala kayo sa akin, ang gusto ko lang ay malaman niyo ang panaginip ko dahil parang totoo talaga, as in!"pagpupumilit ko sa kanila ngunit bakas sa mukha nila ang pagtataka sa mga sinabi ko.

"Bahala na, kung totoo man 'yan edi nandito kami ni Larry na damayan at suportahan ka. Basta ako malaki ang problema ko ngayong araw."ani Julian sabay bukas ng mamon at walang anu-anoy sinakmal nito sa harapan namin.

"Oh bakit ano naman ang pinagdadaanan mo ngayon?"panguusisa ko naman dahil kanina pa ito nalulungkot at wala sa mood. Tumingin si Julian sa akin pati kay Larry.

Pumakawala ito ng isang buntong hininga at niyuko ang kanyang ulo, "Si Tito kasi dumating kahapon galing siya ng states. Miyembro siya ng US Navy at talaga namang maton at galawang barako siya, sa hindi ko inaasahang pangyayari sa aking buhay ay hinila niya ako papasok ng kanyang silid which is silid iyon ng mga bisita."ani'to dahilan para mapasinggap si Larry.

"Wait anong nangyari? Ituloy mo lang!"excited na wika ni Larry

"Si tito ipapasok ako sa military academy pagkatapos kong mag Senior High. Kinakabahan ako mga siswang kasi hindi ko linya ang pagiging sundalo. Hindi ko pinangarap humawak ng baril pero pinangarap kong humawak ng baril ng isang barako."pagpapatuloy nito na ikinagusot ng mukha ni Larry, ewan ko kung anong in-e-expect niya pero ako, parang naaawa ako kay Julian sa kalagayan nito lalo na't ang angkan nila ay mga sundalo.

"Matagal pa naman, pero 'diba ikaw mismo ang pipili ng career path mo. Bakit sila ang pipili non sa'yo?"panguusisa ko naman.

"Kasi nga lahat ng lalaki sa angkan namin ay sundalo. Ang gusto nila ay sumunod ako sa kanilang yapak, pero hindi ko talaga gusto at wala akong balak na pumasok sa military academy. Pangkalawakan ang ganda ko at hindi pangdigma."tugon naman nito.

Umusad ako palapit kay Julian at niyapos ko ang kanyang likod, para naman malaman niya na nandito lang kami para sa kanya. "Sabihin mo sa kanila ang tunay mong hangarin, hindi ka naman robot para kontrolin. May sari-sarili tayong gusto sa buhay at alam iyon ng tito mo, ba't 'dimo sabihin ang tunay na nais mo?"tanong ko naman.

"Baka magalit siya sa'kin. Ayoko namang kagalitan ako ng buong pamilya ko dahil lang sa hindi pagpasok sa academy na 'yan."sagot nito habang kagat-kagat ang kanyang kuko.

"Well, wala tayong magagawa mga sis. Kung sakaling papasok ka ng military academy soon, goodluck nalang sa'yo. Pero dapat ipaglaban mo ang mga karapatan mo, huwag kang papaapi!"sabad naman ni Larry habang nakadukdok sa cellphone niya.

"Kausap mo te?"taas kilay na tanong ni Julian.

"Malamang kayo, napatingin lang ako sa page ng baranggay natin dito sa facebook. May magaganap daw na Miss Gay talahiban. Parang bet ko sumali pero wala akong time sayang."ani Larry.

"About nga pala diyan sa marka ng dibdib mo. Huwag mong ipagkalat sa mga classmates natin at baka mapagkamalan ka pang baliw."puna ni Julian.

Habang sa ganoong pag-uusap namin ay biglang lumitaw ang isang kulay itim na pentagram sa aming harapan at may kung anong liwanag na bumabalot dito. Nagitla kami sa susunod na nangyari, lumabas ang isang nilalang mula sa naturang pentagram. Hindi ito pangkaraniwang nilalang dahil mistulang si Kamatayan ang kanyang anyo, ngunit sa halip na mahabang karit ang hawak ay nakahawak ito ng isang punyal na may tatlong patusok animo'y trident.

Malayang tinatangay ng hangin ang kanyang itim na balabal, at nakakapangilabot ang kanyang tindig kahit na wala itong mukha at mata. Halos magdikitdikit kaming talo at mapayakap sa isa't-isa noong makita namin ang nilalang na'to. Namayani ang takot at tila natuod kami sa aming kinauupuan. Walang eksaktong ideya na pumapasok sa aking utak at nilamon ng sindak ang aking sistema.

"Ito na nga yung sinasabi ko sa inyo! Totoo ang napanaginipan ko."natatakot kong bulong habang nagsisiksikan kaming tatlo.

"Nabanggit mo kanina na magiging tagapagligtas ka ng mundo. Okay ito na yung time para gampanan 'yang pagiging superhero mo."natatarantang wika ni Larry habang nakapikit ang mata.

"Oo nga siswang! Sinabi mo kanina ang bagay na yun kaya go!"sabi naman ni Julian at bigla ako nitong tinulak sa harapan ng nilalang. Dito ay sumubsob ako sa harapan ng nilalang na'to at amoy na amoy ko ang matapang na pormalin sa kanyang kasuotan.

Pikit mata akong tumayo at pinagmumura sina Julian at Larry sa aking isip. "Mga bwisit kayo! Bakit niyo ako tinulak mga walang hiya!"galit kong sigaw at muling nakisiksik sa kanila ngunit pilit nila akong tinutulak palayo.

"Friend huwag dito please doon ka na. Sabi nila kung sino daw ang pinaka mabait sa grupo ay siya ang mauunang kukunin ni Kamatayan, kaya go na!"wika naman ni Julian at sabay silang tumili ni Larry.

Gumalaw ang nilalang at lumapit pa sa amin kung kaya't mas lalong binalot ng tili at sigaw ang buong grandstand. Wala akong nagawa kundi itulak ang Grim Reaper sa harapan namin ngunit hindi manlang ito natumba at tila isang malaking bato na mahirap itulak.

Napanganga ako sa nangyari habang ang nilalang naman ay nakatingin ng tuwid sa akin. "Ma-Ma-Malakas siya hindi ko kayang itulak. Ikaw nalang kaya Julian tutal mas malaki ka pa sa bato."sigaw ko naman at dali-daling tumayo si Julian habang nakapikit ang mata, inumpog niya ang kanyang katawan sa nilalang ngunit walang nangyari. "Mahirap itumba ang isang 'to. Ang tanging paraan nalang na pumapasok sa isip ko ay tumakbo at alarmahin ang mga tao sa campus."wika ni Julian ngunit bigla itong hinablot ng Grim Reaper at sinakal gamit ang braso nito sabay tutok ng hawak na punyal sa leeg ni Julian.

"Julian!"sigaw ko at naramdaman kong uminit ang aking dibdib na wari'y napapaso ito. Napahawak ako sa bandang dibdib at halos mapasigaw ako sa hapdi dulot ng init.

Samantala natuod nalang si Larry sa pwesto nito at hindi na makagalaw dahil sa takot. Napatingin ako kay Kamatayan at kinuyom ko ang aking dalawang kamao, "bitawan mo si Julian, huwag mong tangkahin na idikit Ang talim ng punyal mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!"sigaw ko.

"Hindi mo siya kakayanin bata, umalis ka sa harapan niya dahil hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin sa'yo."narinig kong boses ng isang babae mula sa likuran ng nilalang kaya tumagilid ako upang tignan ito, tumambad sa'kin ang nakasuot ng kulay puting roba na may hood kung kaya't natatakpan ang kanyang mukha.

May apat na concentric circles na kulay lila sa suot nito bilang disenyo. Isa sa hood at dalawa sa bandang dibdib at sa dulo ng robe. "Ang isang 'yan ay tinatawag na Jinn, pinaniniwalaan ng mga arabe na ang Jinn ay isang mababang uri ng espiritu. Kaya nilang magbago ng anyo at kontrolin ang isang tao. Sinumpa ang Jinn na 'yan at naghahanap ng kalulwa upang maging pagkain. Ang bawat tusok ng kanyang punyal ay may kahulugan, Ang oro, plata at mata. Sila ay kumakatawan sa bawat balanse ng mundo."nakangising paliwanag ng babae at walang anu-ano'y bigla siyang nagkaroon ng pakpak na gawa sa yelo at lumutang ito sa ere na Hindi man lang pinapagaspas ang kanyang pakpak.

Binitawan ng Jinn si Julian at tinulak ito sa aming kinalalagyan kung kaya't na subsob siya, agad naman namin itong inalalayan at pinaupo sa aming tabi. Maya-maya ay humarap ang Jinn sa babaeng nakalutang sa ere at biglang lumitaw ang kulay itim na usok sa likod ng Jinn.

"Anong nangyayari sa kanya nag e-evolve na ba?"nanginginig na tanong ni Larry pero nagkibit balikat lang ako. Ilang sandali pa ay tumubo sa likod ng Jinn ang isang pakpak na katulad sa paniki at walang anu-ano'y lumipad patungo sa babaeng nakalutang.

"Mag ingat ka dahil mukhang mapanganib ang isang 'yan!"sigaw ko at natawa lang ang babae. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at binalot ito ng kulay puting usok, hanggang sa unti-unti itong humubog ng espada na gawa sa Yelo.

"Mamatay ka!"sigaw ng babae at sumibat ito palipad sa direksyon ng Jinn. Muling pinagaspas ng Jinn ang kanyang itim na pakpak at lumipad din upang salubungin ang atake ng babae. Dito ay tinutok ng babae ang kanyang espada sa Jinn at walang anu-ano'y hinataw nito ng buong lakas ngunit sinalag lang ito ng Jinn gamit ang kanyang punyal.

Kapwa sila umatras upang dumistansya sa isa't-isa at napangisi ang babae. "Magaling ka pero hindi kita hahayaang mabuhay dahil sigurado akong uubusin mo ang mga tao dito."sambit niya at muling lumipad papunta sa direksyon ng Jinn, mabilis niyang hinataw ang kanyang espada ngunit muli itong nasalag ng Jinn. Pero, mabilis na umikot ang babae at sinipa pataas ang ulo ng kalaban at hinampas niya ang espada sa katawan ng Jinn kung kaya't nahulog ito sa field at pumakat ang katawan sa damuhan.

"Dito na natatapos ang iyong panggagambala, masiyado kang mahina upang labanan ako. Wala ni isang tao ang kayang pumantay sa aking galing sa pakikipaglaban."wika ng babae at itinaas niya ang hawak nitong espada, nabigla ako noong nagbago ang anyo nito. Kanina ay espada lang pero ngayon ay naging sibat na ito na gawa sa Yelo!

Pero mas namangha kami sa susunod na pangyayari dahil lumitaw ang kulay puting pulbos sa likod ng babae. Maya-maya ay umikot at nagtipon-tipon ang mga ito hanggang sa humubog ng tatlong dambuhalang yelo. "Ang katulad mo ay dapat binubura sa kasaysayan."huling sambit ng babae at kusang gumalaw ang mga dambuhalang yelo pabulusok sa direksyon ng Jinn. Bumagsak ito sa kinalalagyan ng kalaban dahilan para sumabog ito at kumalat ang pulbos ng niyebe sa paligid.

Nag iwan ng malawak na butas ang pinagbagsakan ng dambuhalang yelo sa field. Para bang binagsakan ito ng malaking bulalakaw dahil sa mistulang crater nito. Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog ang alarm ng aming campus dahil siguro sa na-detect nitong pagsabog.

Lumipad ang babae papunta dito sa grandstand at dahan-dahan itong lumapag na para bang bulak.

"Si-Sino ka naman?"nanginginig sa takot na tanong ni Larry doon sa babae.

Ngumiti ito, "Miyembro ako ng PUTA."sagot naman ng babae.

"Ano PUTA? So ibig sabihin puta ka?"natatawang tanong ni Julian maging ako ay natawa sa sinabi nito.

"Philippine Unknown Thugs Association o PUTA, hangarin naming maging lider sa buong pilipinas kasama ang mga iba pa naming alyansa sa karatig bansa. Matuto kayong lumaban para sa inyong sarili sapagkat nagsisimula na ang tunay na digmaan."paliwanag nito at bumaling ang tingin sa akin. Nakita ko ang pag ngisi nito at batid kong ako ang kanyang tinitignan kahit na nakahood siya.

"Ikaw"sabay turo sa akin. "May tatak ka sa'yong dibdib 'diba? Lagyan mo lang ng malamig na Yelo tiyak kong mapapawi nito ang init na nanunuot sa'yong dibdib. Ingatan mo 'yan dahil sa oras na nalaman nila ang tungkol diyan, kalulwa mo mismo ang kukunin nila."nakangisi nitong wika. Maya-maya ay tumalikod ito at bumaba ng grandstand, pagdating nito sa field bigla siyang tinangay ng malaking uwak at nilipad pataas.

Halos mapanganga tuloy kami nina Larry at Julian sa nakita. Punong-puno ito ng palaisipan na halos hindi ma-digest ng aming utak. Nagtataka tuloy ako sa sinabi nitong 'May tatak ako sa dibdib' paano niya ito nalaman?

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status