Share

ULTRA SIX

ULTRA GAYS GALAXY REMAKE

2020

©iMarjayNari

Kaminari amanashi

ULTRA SIX: THE POWER OF US

SABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.

Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapkisap sa dako roon ang hibla ng kidlat.

Muli kong pinikit ang aking kaliwang talukap at dito muli kong ipinagpatuloy ang aking pagtulog. Patuloy kong naririnig ang tila rumaragasang ulan na tumatama sa aming bubong. May pagkakataong lumalakas ang buhos nito at medyo humihina. Ilang sandali pa ay biglang tumila ang ulan, kaya naman binalot ng nakakabinging katahimikan ang bawat sulok ng aking silid.

Dumagundong ang malakas na pagsabog sa buong paligid kasabay nito ang pagbalikwas ko ng bangon dito sa aking kama. Lumakas ang pintig ng aking puso na tila sasabog na ito dahil sa gulat. Bahagya akong umupo at pansamantalang sumandal sa ulunan ng kama at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Dumako ang aking tingin sa nakabukas na bintana at malayang dinuduyan ng hangin ang puting kuwartina. Binaba ko ang aking mga paa at sinuot ang panloob kong tsinelas at dali-dali akong lumabas ng silid upang tignan sa labas ng bahay kung saan nanggaling ang nangyaring pagsabog.

Mula dito sa aming bakuran ay tanaw ko ang sira-sirang gusali sa siyudad— umaapaw ang makapal na usok at mariin kong naririnig ang alingawngaw ng mga busina ng sasakyan sa siyudad. Nagsilabasan din ang mga tao sa paligid at inuusisa kung ano ang nangyayari.

"Jonel! Mabuti at nakita ka pa naming buhay."nanghihingalong wika ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng tarangkahan—si Julian at larry na kapwa nakaawang ang bibig dahil sa pagod.

"Narinig niyo ba yung malakas na pagsabog kanina? Nakakatakot 'diba?"sunud-sunod kong tanong habang binubuksan ang aming tarangkahan.

Napahawak si Larry sa kanyang dibdib at tumango-tango, "A-Ang akala nga namin di-dito bumagsak yung bu-bulalakaw. Nakakatakot at ang laki!"ani'to.

Samantala, sumalampak si Julian sa damuhan at pikit mata nitong sinimot ang malamig na hangin. "Bulalakaw nanaman? Kinukutuban na ako sa mga nangyayari. Sa tingin ko hindi na'to normal dahil ilang beses na tayong inuulan ng bulalakaw dito sa pilipinas."kinakabahan kong wika, at muli akong tumingin sa gitna ng siyudad na tila nagmukha na itong destroyed city dahil sa estado nito. Patuloy ang pag-angat ng itim na usok sa himapapawid at sa puntong ito, umalingawngaw ang sirena sa siyudad, hudyat na may kakaibang nangyayari sa dako roon.

Binalot ako ng kaba at tila may kung anong bumabagabag sa aking isipan. "Hindi naman siguro magkakatotoo ang mga iniisip ko."bulong ko sa aking sarili.

Tumayo si Juliana at nagpagpag ng shorts, "Hindi na safe dito sa lalawigan natin. Sa tingin ko may bagay tayong kailangan na malaman bago mahuli ang lahat. Hindi naman sa nag pa-panic ako pero iba nato e, parang games lang, nasa insane level na tayo."sambit nito at bakas sa mukha ni Juliana ang takot.

"Hala siya, pero I believed in you siswang Julian, pero hindi natin kailangan mag panic. It's just bulalakaw you know"maarteng wika ni Larry habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.

Tinapunan ni Julian si Larry ng matalim na tingin at tsaka inirapan. "Duh! Makapagsalita ka ng 'it's just bulalakaw' e ikaw naman yung takot na takot kanina. Pero seryoso ako, yung pagbagsak ng bulalakaw dito sa pilipinas ay malapit ng mag plateau, in my own perspective a."ani'to.

"Huwag nga kayong magisip ng ganiyan, ang mas mabuti pa siguro ay usisain natin sa labas kung anong nangyayari."sabi ko naman. Binuksan ko yung tarangkahan namin at lumabas kami ng bakuran. Dito nga ay naki-chismis kami sa mga kapitbahay.

"Kanina naglalaba ako sa likod ng bahay, nagulat nalang ako dahil biglang gumuhit ang liwanag sa kalawakan, ang akala ko binuksan ng anak ko yung ilaw sa likod pero nagulat nalamang ako noong napatingala ako—isang nagliliyab na bulalakaw! Ang laki at sumibat pababa doon sa sentro, ang akala ko nga dito babagsak."sabi sa amin ng katabing bahay namin kaya tumango-tango nalang ako.

Maya-maya ay pumamewang si Larry sa harap ako. "I told you siswang! Malaki tulad ng titi ng negro, malaki na nakakatakot pa."wika nito dahilan para kitusan ni Juliana si Larry.

"Oi Larry lagyan mo nga ng filter 'yang bunganga mo. Nakup, nakakahiya ka talaga."panenermon ni Julian, sa halip na lamunin ako ng kaba dahil sa mga nangyayari ay natawa nalang kaming dalawa ng kapitbahay namin.

Habang sa ganoong posisyon namin dito sa tarangkahan ng aming kapitbahay ay biglang nilamon ang kalawakan ng nakakasilaw na liwanag, kung kaya't muling umingay ang mga tao sa paligid. Napapikit nalang ako at hinarang ang aking mga kamay upang hindi masilaw ngunit nagulantang kaming lahat noong umugong ang malakas na kulog sa kalangitan. Nagpatuloy ang ingay na puno ng takot, hanggang sa bigla itong napalitan ng nakakabinging katahimikan. Wala akong marinig na kahit anong imik sa paligid kaya naman marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata, at bumungad ang tatlong tao na nakasuot ng hoodie robe na kulay itim. Natatakpan ng hood ang kanilang mukha kung kaya't hindi ko makita ang kanilang mukha.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at tila tumigil sa paggalaw ang mga tao maging ang mga dahon na natigil sa ere. Tumingala ako at napansin ko din ang mga ibon na natigil sa paglipad. Pero, ang tatlong tao na nakasuot ng roba ay patuloy sila sa paglalakad palapit sa aking direksyon at tinatangay pa ng hangin ang kanilang kasuotan, kung kaya't napalunok ako ng walang laway at tila binabayo ang aking puso dahil sa lakas ng pitik nito.

Napahawak ako sa kamay ni Larry at hinila ito ngunit pati sila ay nanigas na parang bato. "Diyan ka lang lamang lupa. Hindi ka namin sasaktan basta't manatili kang nakatayo sa pwesto mo."boses ng isang babae.

Umatras ako, "Sino kayo?"tanong ko.

Napansin ko ang pag-ngisi ng isa at dahan-dahan niyang inalis ang nakatakip na hood sa ulo nito. "Ako si Meiji. Galing pa kami ng Alphaverse o Alpha universe, naparito kami upang maghanap ng taong maaari naming pagkatiwalaan. Nais kasi naming ipagkatiwala ang aming kapangyarihan upang maging depensa sa mga halimaw na dumadating dito sa inyong mundo."salaysay nito, base sa itsura nito ay nasa 40 pataas ang kanyang edad, meron itong na-trim na balbas at bigote. Matanggakad at medyo singkit ang kanyang mga mata.

Binaling ko din ang aking tingin sa isa dahil inalis niya din ang hood nito at bumungad sa akin ang kaniyang mukha. "Ako naman si Phaleos, ako ang time keeper at kung nagtataka ka ngayon kung bakit natigil ang mga kasama mo sa paggalaw ay dahil iyon sa time manipulation ability ko."nakangising wika nito. Mas bata si Phaleos kaysa kay Meiji. Nakakatuwa ang stilo ng kanyang buhok dahil natatakpan ang kaliwa nitong mata.

Inalis naman ng isa ang kanyang hood at bumungad ang mukha ng isang babaeng may kulay dilaw na buhok. "Ako naman si Gira. Nandito kami upang makisanib pwersa sa inyo. Ang inyong mundo ay unti-unting pinapasok ng mga ligaw na kakatwa. Dahil iyon sa electromagnetic pulse dulot ng bumabagsak na bulalakaw dito sa inyong mundo. Hindi lang dito sa pilipinas, kundi pati ang karatig bansa. Sa oras na napabayaang mamayani ang mga ligaw na kakatwa, magdudulot ito ng pwersa na maaaring mabuksan ang dimensyon ng mga espiritu."salaysay ni Gira.

Maya-maya ay nilahad ni Meiji sa aking harapan ang kanyang nakasarang palad at unti-unti nitong binuksan. "At ikaw ang isa sa mga tao na nais naming maging alyansa upang maging depensa sa mga kakatwa."nakangising wika nito at lumutang ang kulay asul na liwanag sa aking harapan at walang anu-ano'y nilukuban niya ng liwanag ang aking mukha.

Maya-maya ay paunti-unting nawala ang liwanag sa aking mukha kasabay nito ang pagbabago ng aking paningin. Mas luminaw at tila nakikita ko ang mga tao sa kalayuan, mistulang teleskopyo ang aking mata at tila nagkaroon ako ng kakaibang kapangyarihan.

Binaling ko ang tingin sa tatlo at bakas sa kanilang mukha ang tuwa. "Anong nangyari sa akin at bakit parang kakaiba sa pakiramdam ang nilagay niyong liwanag sa aking mukha?"tanong ko sa kanila.

"Binigay ko lang naman ang kapangyarihang babagay sa'yo. Kakayahan mong lumipad at taglay mo ang kakaibang lakas na kayang gibain ang isang gusali gamit lamang ang iyong kamay."paliwanag ni Meiji kaya napatingin ako sa aking mga braso.

"Bakit niyo ito ginagawa? Hindi ba't may kapangyarihan din kayo, dapat kayo nalang ang umako sa pagliligtas ng mundo at hindi ako. Haller! Ang bata ko pa para maging isang bayani, saka wala akong alam sa pakikipaglaban noh."tugon ko naman.

"Matagal na naming inaalagaan ang inyong mundo. Ito nalang ang huling paraan upang depensahan itong planeta, wala na kaming lakas upang manatili pa dahil habang tumatagal ay unti-unting nilalason ng hangin ang aming katawan."wika ni Gira.

"Bakit kayo nalalason sa hangin namin, dahil ba lumalala na ang polusyon ng hangin?"tanong ko naman na ikinatango nilang tatlo.

"Sandali lang, 'diba tatlo kayong nag alaga sa mundo namin. Edi dapat tatlo din kami para fair, paano ko magagampanan ang tungkulin ko kung nag iisa lang ako."reklamo ko.

Ngumisi si Phaleos saka lumapit kay Larry at Julian. Dito ay hinawakan ni Phaleos ang kanilang braso hanggang sa bigla silang gumalaw.

"Sandali sino naman kayo saka anong nangyari bakit natigil ang lahat?"tanong ni Julian habang inuusisa ang mga tao sa paligid.

Tumingin si Phaleos sa'kin at ngumiti. "Sila ang magiging kasama mo."sabi nito dahilan para kumunot ang noo ni Larry at Julian.

"Ano? Hindi ko makuha ano bang sinasabi mo diyan. Pero ang pogi mo a!"wika naman ni Larry.

"Magiging bayani kayo katulad ni Jonel."tugon naman ni Gira at lumapit ito kay Julian, "ikaw ang mag aalaga sa kapangyarihan ko kaya gamitin mo ito sa tama. Sana magtagumpay kayo sa inyong totohanang laban sa buhay."ani'to at tinapat ni Gira ang palad niya sa noo ni Julian. Ilang segundo lamang ay biglang nilamon ng dilaw na liwanag ang mukha ni Julian hanggang sa unti-unti itong humupa. Lumapit din si Phaleos kay Larry at ganon din ang kanyang ginawa.

"Ngayon ay ganap na kayong tagapagligtas. Sana hindi niyo kami biguin."wika ni Meiji na noon ay nagliliwanag na ang kanyang katawan maging ang kanyang mga kasama.

"Ikaw Larry ang napili kong—"hindi natapos ang sasabihin ni Phaleos dahil biglang lumingkis si Larry sa kanyang braso habang inaamoy-amoy nito ang katawan ni Phaleos.

"Na maging kabiyak? Huwag pooo. I'm still young at gusto kong makapagtapos ng pagaaral. I have very very big dream, CHOZ! Ikaw lang sapat na."malanding sabad ni Larry.

"Larry huwag mo ngang ipakita na 'dika karapat-dapat maging tagapagligtas. Nandito na tayo sa seryosong usapan, kaya please lang a! Itikom mo nga 'yang bibig mo."panenermon ko sa kanya dahilan para umirap ito.

"Bukas ang araw ng inyong paghahasa sa pakikipaglaban, antayin niyo kami dito sa labas ng inyong tarangkahan at magtutungo tayo sa lugar na kung saan maaari kayong makapag pokus sa pagsasanay."wika ni Gira at naghawak kamay silang tatlo. "Sa ngayon ay magpapaalam muna kami."dagdag pa niya at bigla silang bumulusok pataas na para bang isang kometa na nagliliwanag.

Tahimik at walang imikan sa'ming tatlo hanggang sa bumalik ang tamang paggalaw ng oras at bumalik ang lahat sa normal.

"Heto na nadamay na kayo. Dapat maging responsable kayo sa inyong kapangyarihan. Huwag niyo itong babanggitin kung sino maliwanag ba?"bulong ko sa kanilang tatlo na ikinatango nila.

Tulad nga ng sabi bi Gira, ito na ang simula ng laban namin sa buhay.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status