Share

AYFWART CHAPTER 8

Mrs. Perez POV

Kailanman ay hindi ko magawang magalit kay David. Kahit sa pag lihim niya kung bakit kami lumipat ng matitirahan at mag bagong buhay.

Hindi ko siya masisisi kahit ako gagawin ang ganun para sa anak namin. Nag iisa na lang si Cindy at ayokong mawala pa siya.

Pagkatapos ng isang mahigpit na yakap ay parang nalusaw na lahat ng tampo ko sa kanya.

"Mommy bat po naging ganyan si daddy? Nag away po ba kayo?" Nagtatakang sabi ni Cindy.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo kaya umisip na lang ako ng idadahilan. Pasensiya na anak dahil hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Ahm anak nag kausap lang naman kami ng daddy mo about doon sa school mo at kinausap ko na rin siya na may dorm kayo ni Trisha kaya hindi na dapat siya mag alala." Kasinungalingang sabi ko.

"Ahh kaya po pala nagdradrama si Daddy." Wala sa sariling napailing na lang si Cindy.

"Mommy diba po mag dedecorate tayo ng room ko?" Pag iba ng usapan ni Cindy.

"Hala oo nga pala baby sorry at nakalimutan ni Mommy."

"Ok lang po yun. Tara na mommy punta na tayo sa kwarto at mag ayos kaso kailangan muna nating mag paalam kay daddy."

"Hon mag aayos lang kami ng kwarto no Cindy ha?"

"Ok Hon. Tawaginnyo lang ako kung kailangan nyo ng tulong." Sagot naman agad ni David.

Agad naman kaming pumunta sa kwarto ni Cindy pagkatapos magpaalam.

"Mommy ngayon ko lang po napansin na parang ang laki naman po ng kwarto ko yung tipong pang dalawahang tao?" Nagtatakang sabi ni Cindy

Totoo naman kasi. Hati lang sila ng kwarto ni Catherine bago ito mamatay. Dati kasi napaka close niyang kambal na yan nung nagsilakihan lang parang Di na sila magkakilala.

"Hindi baby para sa iyo lang talaga yan. Pinalakihan ko lang para may mapaglagyan ka ng ibang gamit na gugustuhin mo." Pagpapaliwanag ko.

"Grabe kasi mommy napakalaki eh." Nahihiyang sabi ni Cindy.

"HAHAHAHA masasanay ka rin baby." Sabi ko pa.

Tawa na lang ang sagot niya sa akin. At nagsimula ng mag ayos ng kama.

Ako naman ito nagpapalit ng kurtina para maging mas kaaya ayang tignan.

Naayos na rin namin yung mga damit na nabili namin nilagay na ng maayos sa walk in closet niya. 
Maayos na ang lahat ng gamit sa kwarto niya dahil pati si Daddy tumulong. Hindi ko napansin na nandyan pala siya dahil busy ako sa kurtina. Ngunit nakita niya akong nahihirapan kaya ayun siya na daw sa kurtina.

"Jon diba sabi ko na kung di nyo kaya at nahihirapan kayo tawaging nyo ako." Pag aalala ng sabi ni Daddy.

"Hon kaya ko naman kasi eh."

"Kaya? Eh bat mukhang pagod na pagod kang mag sabit? Siguro dahil Di mo abot?" Pang aasar ni Daddy.

"Sorry na." Wala na suko na ako.

"Salamat mommy at daddy sa pagtulong sa pag aayos ng kwarto ko. Tsaka mommy naglalambing lang yang si Daddy." Pang aasar sa amin ni Cindy.

"Cge na at magpahinga muna tayo at magluluto pa ako ng pagkain natin."

"Tulog po muna ako mommy at daddy." Masayang sabi ni Cindy. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status