Share

Chapter 2 : The Montreal University

                   𝗫𝘆𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗝𝗲𝗮𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩

                      - 2 Days Later -

Tingin sa kanan.

Tingin sa kaliwa.

Kahit saan ako lumingon ay hindi ko mahanap ang sagot kung bakit naandito ako. It's been 2 days simula nang dumating ako sa bahay na 'to — Bahay ni Tito Toni — Ang nag-iisang kamag-anak na kilala ko. Step brother s'ya ng namayapa kong ina.

"Mom." Nakuyom ko ang kamao ko ng magsimulang bumalik ulit lahat ng ala-ala ko sa kan'ya 13 years ago. "Stop it!" Ayoko nang maalala lahat ng 'yon, ngunit ang nakakapagtaka lang ay kung paanong nakilala ni Uncle Julyo si Tito Toni? Ang pagtira ko dito? At ang pagpasok ko sa Montreal University? Don't tell me, pinagplanuhan n'ya lahat ng ito?

Bumalik ako sa ulirat ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko."Come in." Nang sabihin ko 'yon ay pumasok ang isang babaeng may payat na pangangatawan at may suot na napakalaking salamin sa kwarto ko.  It's Ella, My cousin.

"Hi Xyrine, ibibigay ko lang sana 'tong uniform mo para bukas," nahihiya n'yang sambit.

"Ilapag mo na lang sa tabi," walang lingon kong sagot. Nagtaka ako ng ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa din s'ya umaalis. "May kailangan ka ba?" walang expression kong tanong.

"Uhm, ano, uhm..." Tila nauutal at kinakabahan n'yang tugon. Nagulat na lang ako nang bigla s'yang lumuhod sa harapan ko. "Xyrine, pakiusap! Lumipat kana lang ng ibang University! Piliin mo na ang lahat 'wag lang ang Montreal! pakiusap!"

Nagtaka ako sa kinilos n'ya. Gusto ko s'yang tanungin pero tinatamad akong magsalita."Alam kong alam mong wala akong kinalaman sa pagpasok ko sa Montreal," napilitan kong sambit dahil hindi pa din s'ya tumatayo.

Tila nawalan s'ya ng pag-asa sa sinabi ko. "Alam ko, pero... uhm... Sige, gan'to na lang. May ipapakiusap na lang sana ako sa'yo." Nag-angat s'ya ng ulo pagkaway punong pag-aalinlangan s'yang tumingin sa'kin. "Pwede mo bang Ipangako na kahit ano mang malaman mo sa Montreal tungkol sa'kin ay wala kang sasabihin kay Daddy?"

Agad akong napatingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit bakas ang takot sa muka n'ya, and I wonder where her desperation coming from.

Kahit tinatamad ay tumayo ako at lumapit sa kan'ya. "Founder lang ng Black Brother ang sinusunod ko. Makakalabas kana," bulong ko.

Nagtaka s'ya sa sinabi ko pero agad din s'yang tumayo. "Sorry, lalabas na ako," pagkasabi n'ya noon ay lumabas din s'ya agad.

Nang maiwan ako mag-isa sa kwarto ay nadako ang tingin ko sa uniform na iniwan n'ya. It's a white top blouse with a black coat partnered with a black mini skirt. Yeah, A cleaché sailor uniform for a normal University Student. Mabilis akong tumayo at tinapon 'to sa trashcan.

"Never in my wildest dream na mag-susuot ako ng gan'tong klaseng bagay," bulong ko pagkaway pabagsak na humiga sa ulit sa kama. "There's no way..." I murmured again. Nakatingin pa din ako sa kawalan nang maalala ko ang sinabi ni Ella.

"What's with her? What's with The Montreal University?"

                          

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang alarm clock sa tabi ko.

"Shit! Alas-onse na!" bulalas ko kasabay ng paghilamos ng palad ko sa muka ko. Napasobra ata pag-iisip ko kagabi kaya tinanghali ako ng gising.

Pag-bangon ko ay naligo ako agad at nagbihis. Nasa trashcan pa rin 'yung uniform ko kaya nag Black shirt and pants na lang ako. Paaalis na sana ako nang makita ko ang isang note sa side table sa gilid.

"Good morning, Xyrine. Uhm I just want to say na, Please please please wear your uniform—" Napatingin ako sa sarili ko. Well, sad to say pero nakabihis na ako. "— and please please, 'wag na 'wag mo 'ko lalapitan sa school. Makita mo man ako, umiwas kana lang. Please!"

Weird.

Pagkabasa ko ng note ay sinuot ko agad ang black cap ko at mabilis na lumabas.

   

               [ Montreal University ]

"Ah! ma'am... hangang dito na lang po ako. Exclusive for student's vehicle lang po kasi 'yung parking lot sa loob," sambit ng Grab driver na sinakyan ko.

Wala na akong nagawa kung hindi bumaba at pagmasdan kung gaano pa kalayo 'yung kalsadang lalakarin ko mula sa kunatatayuan ko.

"Shete na buhay 'to! Paano ba kasi ako napunta sa gan'to? Paano?!" bago pa magbago ang isip ko ay nag simula na akong maglakad patungo sa pinaka dulo ng daan na kinaroroonan ko. Ilang minuto pa ay narating ko din sa wakas ang napakalaking gate ng Montreal University.

"Hoy ineng! sa'n ka pupunta?"

Tila nag-panting ang tenga ko sa narinig ko. Hoy? seriously? mariin akong pumikit at huminga ng malalim dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

"Papasok sa loob," punong pagtitimpi at walang lingon lingon kong sagot.

"Bawal pumasok ang outsider dito, Ineng."

Yeah, sure. Hindi ko rin naman gustong pumasok sa loob. "Okay," walang buhay kong pag-sang ayon. 

Patalikod na sana ako nang magsalita s'yang muli. "Sandali, anong pangalan mo?" ysisa nito na parang may naalala s'ya bigla.

Psh! He is really a bug, at pangalan ko? Baka lumuhod s'ya bigla 'pag sinabi ko kung anong totoo kong pangalan. 

"Xyrine Jean Guevara." Well, Let's just use Uncle Julyo's Surname and play safe.

"Guevara? Teka, 'wag mo sabihing.." napailing na lang s'ya ng hindi ako umimik. "Aish! Yawa!" rinig kong pabulong na mura nito. "Ah, eh... Nasa class A ka pala hahaha. Hindi mo sinasabi."

Tinitigan ko s'ya ng matalim, "kasalan ko?"

"Ah, eh. Hahaha! sige, makakapasok kana ma'am," natatawa ngunit kangiwi n'yang saad.

"Tabi," Sambit ko na lang dahil wala na akong gana makipag-usap sa kan'ya.

Pagkatapos ng ilang dekada ay nakapasok na din ako sa loob, dahil sa nagugutom na ako ay inuna kong hinanap 'yung Cafeteria kesa sa Admissions Office. Sa sobrang laki ng University na 'to ay hindi ko na alam kung saang direksyon ako pupunta at hindi ko alam kung bakit wala akong makitang estudyante kahit isa!

Ilang lakad pa ay may nakita din akong bulto ng isang estudyante 'di kalayuan mula sa'kin. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit nakatayo s'ya sa gitna ng field. Habang papalapit ng papalapit sa kan'ya ay napansin ko ang placard na na nakasabit sa leeg n'ya.

"DON'T DARE TO TALK. IT'S SPADE'S PROPERTY."

"Oh." Muntikan na akong mapamaang sa nabasa ko.

This is odd. I don't mind if he's standing here for years under the heat of scorching sun, but what bothers me is the pronoun used to addresses him.

This is Montreal University, A very well known University for elite students in Asia. It's stupidity to think that they got a wrong use of pronoun even for some shit like this, right? It doesn't make sense. 

So, why the hell it's IT instead of HE?

Well, I've never been in any school or University before. I have no idea na normal lang ang mga gan'tong bagay sa mga University. Yeah, tagging a student as a their property. What a total crap.

Hindi ko na pinansin ang warning na nakasabit sa kan'ya pagkaway tumitig ako sa kan'ya. He's pale and thin. Is he a human? Pathetic. "Excuse me, naliligaw na kasi ako. Alam mo ba kung saan 'yung Cafeteria?" walang gana kong tanong.

Tumingin muna s'ya sa kaliwa' t kanan n'ya bago s'ya humarap sa'kin. "Miss, hindi mo ba nababasa 'tong placard na nakasabit sa'kin?" tila balisa at kinakabahan n'yang tanong.

"Nabasa ko."

He move closer to whisper, "then why do you keep on asking?" 

Malapit na akong maubusan ng pasensya kaya walang ano-ano'y hinila ko na s'ya.

"Hey! Do you know what you are actually doing?! You puting both of us in danger!" He said in a flustered voice.

"Look, sobrang laki kasi nitong University na 'to, so better if sasamahan mo na lang ako, saka pwede bang tangalin mo 'yang tabla na nakasabit sa leeg mo!" pagkasabi ko n'un ay ako mismo ang humugot nito sa kan'ya at ihinagis ito.

"Waaah no!" dali dali n'yang kinuha ang placard at sinuot ito ulit.

Napakunot na lang ako ng noo.Tss. Whatever! habang papalapit kami ng papalapit sa Cafeteria ay padami na din ng padami  ang mga estudyanteng nakikita ko.

Medyo namangha pa ako nang makita ko kung gaano ito kalaki. Sa sobrang mangha ay hindi ko na napansin na pinagtitinginan na pala kami.

"Miss, please stop doing this. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari 'pag tinuloy mo pa 'to."

"Du'n tayo sa dulo. Bakante." Pagbabalewala ko sa sinasabi n'ya. 

"Hindi mo kasi naiintindihan! I'm Spade's toy. Not just me, dalawa kami! We are both on hotlist. 'pag nalaman ni Spade na may kumausap sa'min pati ikaw mapapahamak! kaya please, stop this!"

I get it somehow but I still don't GET it or wala lang talaga akong pake sa sinasabi n'ya.

"So, hindi lang ikaw ang may weird na placard sa leeg? so, sino pa 'yung isa?"

Pasagot na sana s'ya ng biglang may umalingawngaw na sobrang lakas na boses sa loob ng cafeteria dahilan para mapatingin kaming lahat dito. 

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU THAT ALWAYS BRING THAT EFFIN SANITIZER?! YOU EFFIN FREAK!"

Napatitig ako sa sumigaw.

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ito.

Monique? pero bakit — Ah right! wala sa sariling napangisi ako. Kay Xander Montreal nga pala 'tong University na 'to. Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na 'yon? lihim kong nakuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit.

"BE THANKFUL HINIRAM KITA KAY SPADE. YOU HAVE PRIVILAGES TO HANG OUT WITH ME TAPOS ITO LANG GAGAWIN MO, MAG TATANGA TANGAHAN KA PA?!" sigaw ulit nito sa kawawang babae na nasa harapan nito.

What a real shit. Indeed. 

"It's her!" napatingin ako bigla sa werdong kasama ko.

"What are you saying?"

"S'ya 'yung kasama ko!" turo n'ya babaeng sinisigawan ni Monique.

Napatingin naman ako dito.

Muling bumilis ang pintig ng puso ko ng maaninag ko ang pamilyar na mukha ng babae.

"Ella?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status