Share

Chapter 3 : Who are them?

                            Ella's POV

"I'm so sorry, Monique. Pag-kaka alala ko kasi ay nilagay ko na sa bag ko 'yung sanitizer kani––" SWISH!

Napaigtad na lang ako nang maramdaman kong may bumuhos na malamig na likido sa ulo ko.

"Shut up! kahit anong sabihin mo, stupida kapa din!" singhal n'ya na nagpatigalgal sa'kin, lalo pa akong napayuko nang marinig kong nagtawanan ulit ang mga kasama n'ya maging ang lahat ng estudyante sa Cafeteria.

Pakiramdam ko ay nanginginig na ang tuhod ko sa kahihiyan. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakakainis! Hindi ko man lang maipagtangol ang sarili ko. Sa sobrang panlulumo ay tumulo na lang ang luha ko.

"Now, get out of my sight! Ang sakit mo sa mata!" bulyaw n'ya ulit sa muka ko.

Paalis na sana ako nang may kung sinong pumatid sa'kin dahilan para mabitawan ko ang tray na hawak ko na noo'y puno ng mga pagkain. Tila slow motion ang nangyari at dahan dahang lumanding ang mga laman n'un sa pinaka 'di inaasahan kong tao. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan ang 'di maipinta n'yang muka.

No... Hindi 'to nangyayari.

Nang dahan dahan s'yang tumingin sa'kin ay halos mapigil ko ang hininga ko.

"WAAH! YOU BITCH! LOOK WHAT YOU'VE DONE TO MY UNIFORM!"

Nanginig ako ng husto ng sumigaw pa s'ya sa harapan ko. Tuluyan na akong napapikit nang makita kong mabilis na umangat ang kamay n'ya papunta sa muka ko ngunit 'di gaya ng inaasahan ko ay walang dumapong palad sa'kin.

"DARE TO TOUCH EVEN THE TIP OF HER HAIR, YOU'LL SEE WHAT YOU'VE NEVER WANTED TO SEE."

Agad akong napadilat ng mata nang may narinig akong nagsalita, ngunit agad din akong napatda ng marealized ko ang pamilyar na muka ng babaeng pumigil sa kamay ni Monique. Kahit bahagya s'yang nakayuko at natatakpan ng itim sa sumbrero ang kalahati ng muka n'ya ay 'di maiitanging s'ya ang pinsan ko. 

It's Xyrine.

"GET YOUR HANDS OFF BITCH! WHO THE HELL DO YOU THINK YOU ARE TO STOP ME? DON'T YOU KNOW ME? I'M MONIQUE HERNANDEZ! THE 'SOON-TO -BE-DAUGHTER' OF THE OWNER OF THIS UNIVERSITY!" gigil na gigil na sigaw ni Monique kay Xyrine ngunit napangisi lang ang huli sa sinabi nito. 

"Soon to be daughter? Okay, so how about mine, would you mind asking who am I?" tanong nito habang nakayuko at mariin pa ring nakahawak sa braso ni Monique.

"OUCH! I SAID GET YOUR HANDS OFF! AND WHY WOULD I BOTHER MY SELF TO KNOW YOU FR––" Naputol ang sasabihin n'ya ng tangalin ni Xyrine ang cap n'ya.

Ilang segundo muna s'yang natulala dito bago s'ya tuluyang namutla. "I-ikaw?" namumutla n'yang tanong, "no! it can't be..." Pagkasabi n'ya nu'n ay buong lakas n'yang hinatak ang braso n'ya at tumakbo palabas.

Nadatnan ko na lang ang sarili ko na nakatulala ako habang unti-unting napupuno ng bulong ang buong Cafeteria.

Teka, anong nangyari? bakit parang mag-kakilala sila? pero bakit gan'to? dapat ba akong matuwa sa ginawa ng pinsan ko o dapat ba akong mas matakot. I know Monique. There's something bad will happen 'pag binanga mo s'ya.

Nakatingin pa rin ako sa kawalan ng marinig kong nagsalita si Xyrine. "So, this is what you mean?" Hindi ako nakapagsalita. "Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pansinin kita dito at kung bakit ayaw mo akong pumasok sa Montreal?"

Napahawak ako sa palda ko. She is right. Ayokong malaman n'ya at baka masabi n'ya pa kay daddy ang mga nangyayari sa loob ng Unibersidad na 'to. Ordinaryong business man lang si daddy. For sure, once na mag-sumbong ako at may gawing hakbang si daddy, pati s'ya ay mapapahamak. Kumpara sa mga halimaw na namumuno sa eskwelahang ito ay para lang kaming langam sa kanila.

Hindi biro ang pamilya ni Monique dahil s'ya lang naman ang Heiress ng Montreal Group of Company. Ang 'Soon-to-be-daughter' ng may-ari ng University na 'to. Kaya hanga't maari, titiiisin ko ang lahat ng paghihirap ko dito hangang makatapos ako o makatapos ang 4 kings o si Monique.

"Hey!" bumalik ako sa ulirat ng bigla n'ya akong tapikin."Alam mo, kung ano man 'yang iniisip mo, labas na ako doon. Hindi kita papakialaman. Gusto ko lang makakain ngayon dahil gutom na gutom na ako," nakakunot noo n'yang sambit.

Tila ba nawala ang lahat ng alalahanin ko dahil sa sinabi n'ya. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko alam kung sino o ano s'ya bago s'ya dumating sa bahay namin. ang alam ko lang ay hindi s'ya dapat gutomin dahil pumapatay s'ya — 'yon ang sabi ni daddy. Hehe. Sino nga namang 'di makakapatay 'pag gutom 'di ba?

"Sige, ililibre na kita," tugon ko saka ako ngumiti sa kan'ya.

"May kasama ako."

Napalingon ako agad sa kan'ya.

Paanong first day n'ya pa lang dito ay may kaibigan na s'ya? "Sino? nasaan?" nang mag-angat s'ya ng daliri upang ituro ang tinutukoy n'ya ay agad akong nanghina.

Pakiramdam ko ay dahan dahang nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy n'ya. Nakatalikod ito sa'min pero alam ko kung kaninong likod ang nag mamay-ari nito.

LORD GOD. Please, sana hindi ako tama. Sana hindi si Tong 'yung tinutukoy n'ya.

Kinusot ko ng ilang ulit ang mata ko ngunit mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanang s'ya si Tong nang makita kong humarap s'ya at mabasa ko ang placard na nakasabit sa leeg n'ya. Napasalampak na lang ako sa sahig sa sobrang panghihina.

"Anong nagyayari sa'yo?" walang ka alam alam n'yang tanong.

"Hindi Xyrine, ANONG MANGYAYARI SA ATIN..." Nakatulala kong sambit.

"Ano?"

"Kilala mo ba kung sino 'yung tinuturo mo?"

"Sino? 'yung kasama ko?"

"S'ya si Tong! Ang toy ni Spade!"

"Toy? Spade? as in baraha? Nagsusugal kaba o nag aadik ka?"

"No xyrine... Hindi 'to totoo! hindi 'to nangyayari. Ok pa sanang bangain si Monique pero ang 4 kings..." Napalunok ako ng ilang ulit. "We're going to be dead soon."

"Ha?"

"Si Tong, hindi mo ba naiintindihan?! Pag-mamay ari s'ya ni Spade! Ang leader ng 4 kings at ang President ng class A!"

"What? sino bang Spade? And ano bang 4 kings? At anong kalokohan ba 'yang sinasabi mo?"

Tumayo ako at mabilis ko s'yang hinila pati na rin si Tong sa isang sulok. "Ganito, makinig kang mabuti!" umiwas lang s'ya ng tingin dahil sa sinabi ko. Arg! Jusko naman talaga! Bahala na nga! "Listen up, ok? Ang eskwelahang ito ay minamanage ng class A. Sila ang mga anak ng tagapagmana nang naglalakihang kompan'ya dito sa Pilipinas. Both local and international.

"Yung babae kanina. s'ya si Monique Hernandez. S'ya ang nag-iisang tagapagmana ng Montreal Group of Companiee. S'ya din ang nag iisang babaeng myembro ng class––"

"Ayokong marinig ang pangalan ng babaeng 'yon," putol n'ya sa'kin.

"O-okay, chill. Muka ngang magkakilala kayo but you still don't know her yet! s'ya ang pinaka demonyong babaeng nabubuhay sa mundong ibabaw!"

"I am not intere—"

"Pwede ba, makinig ka muna?!"

Napabuga na lang s'ya ng hangin ng 'di ko sinasadyang magtaas ng boses.

"I'm sorry, If you don't want to hear something about Monique, fine! But, you better should know who is the 4 Kings!"

"Fine and?"

Akk! Ano ba s'ya?!

"Binubuo ng apat na lalaki ang 4 KINGS, Pinaka una sa kanila ay si Tennessee Stanphil. Half american Half Filipino. Kilala ang pamilyang Stanphil sa Food, Pharmaceuticals, and manufacturing industry. Kilala din s'ya sa pangalang Ten. s'ya na ata ang pinaka fvckboy na nakilala ko. Ay hindi! dalawa sila ni Ren!"

"Then?"

"Speaking of Ren, Si Ren Nagasa. Isa din s'ya 4 kings. Half Japanese half filipino and half Babaero arggg! kilala naman ang Nagasa family sa news and media, music and entertainment and energy industry! Lahat ata ng model nila ay natikman n'ya na. He is Certified Manwhore! at hindi lang 'yon, madaming nagsasabing mafia member s'ya or mafia leader something."

"Mafia?"

Napangiwi ako. "I am not sure, sabi sabi lang. Moving forward, next on the list, si Louren Choi. Isa s'yang pure korean. Pero marunong s'ya magtagalog cause he is multi linguistic mad genius...S'ya ang pinaka lowkey na member ng 4 kings. Kilala ang pamilyang Choi sa hospital and electronic industry.

"Wala akong mas'yadong alam sa kan'ya. Pero may narinig ako na isa s'yang secret agent sa isang private agency na naka base sa US."

"Secret agent?" ulit n'ya na parang nakuha nito ang atensyon n'ya.

Napangiwi ako. "Chismis lang din 'yon. Hindi pa sure." Teka, bakit ba s'ya putol ng putol sa'kin!?

"At ang pinaka huli at pinakatatakutan ng lahat. Ang leader ng 4 Kings. Ang british/chinese/ filipino na Si Spade Inigo Sy. Kilala ang ang pamilya Sy sa Aviation, Telecommunication at education industry. Best Reminder lang. kung gusto mo tumagal sa University na 'to, umiwas ka sa kan'ya! iwasan mo ang taong 'yon! 'wag na 'wag ka magpapakita sa kan'ya!"

Napakamot na lang ako ng noo ng bigla s'yang humikab. "Arg! Ang pamilya ng 4 kings ang pinaka malaking stock holder sa Montreal University. Kaya lahat ng gustuhin nila ay nagagawa nila. Even to toyed you! Naiintindihan mo ba?"

"Tapos ka na ba?"

"Arg! seriously?! Ano?! Sa lahat ng sinabi ko 'yon lang ang masasabi mo?" 'di makapaniwala kong tanong.

Palibahasa'y di n'ya pa nararanasan ang lahat ng nararanasan ko. Ewan ko na lang talaga sa kan'ya bukas. Dahil sa Malamang sa malamang alam na ni Spade ang nangyari ngayon.

Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. "Xyrine, pag mamay ari ng 4 kings ang pinakialaman mo, at sobrang powerful nila! don't fight with them! naiintindihan mo ba?!" na-iistress ko ng tanong. Jusko!

"Hindi at ayoko intindihin. Isa pa, wala akong pinakikialaman na pag mamay ari nila. At wala pa akong ginagawang hakbang para kalabanin sila at kung kakalabanin ko man sila. Sinasabi ko sa'yo..." Tumingin s'ya ng seryoso sa 'kin dahilan para mag tayuan ang balahibo ko sa batok. "Limang segundo lang ang kailangan ko para mawala sila sa mundong 'to."

I got chills ng tumitig ako sa mata n'ya."Sino kaba talaga?" wala sa sarili kong tanong.

"I am the ACE."

Simple lang 'yung sagot n'ya pero hindi ko maintindihan.

"Ayos! The Ace and the Four Kings hehe."

Napatingin ako kay Tong. "Isa kapa! ano bang tingin mo nasa wàttpad tayo?" anas ko sabay sakal sa kan'yang nerd s'ya. Kainis e!

Pero tama s'ya. 

Ang Ace at ang 4 kings? Anong mangyayari once they meet? pero isa lang alam ko ngayon.

Bukas. 

We are DEAD.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status