Share

Chapter 31

HANGGANG pagpasok sa opisina kina-lunesan ay dala pa din ni Tanya ang mga nangyari over the weekend. Talagang pinanindigan ni Aicel ang gusto nitong regalo galing sa kanilang dalawa - kapatid. Parang gusto na mag-shutdown sandali ng utak niya para matigil na kakaisip. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng biglang may gumagap sa kamay niya. Pagsipat niya si Sixto ang bumungad sa kanya na buong akala niya'y naka-alis na papuntang Singapore. Mabilis siyang dinala nito sa office cafeteria kung saan walang masyadong tao.

    "Di ba ngayong ang alis mo?" Nakita niyang sumilip ito sa labas bago natuon sa kanya ang tingin. "Bakit nandito ka pa?" Another question she thrown to Sixto that he didn't answered. Natatandaan niyang sinalo nito ang meeting na dapat si Alfred ang dadalo dahil nagkasakit si Kit. Kanina katakot takot na explanations pa ang kailangan nila sabihin kay Aicel para payagang umalis ito. Masasayang ba yung effort niya kaninang umaga para lang mapaganda ang mood ng anak nila?

    "Gusto lang kita makita bago ako umalis. Na-move yung oras ng meeting sa dinner time kaya after lunch pa ang flight ko," tugon nito sa kanya. 

    She scoffed. Anong sabi niya? Gusto siya nitong makita bago umalis? Kanina pa niya gustong umalis ito dahil nagugulo lalo ang isipan niya kapag nasa paligid ito. Napalis ang ngising nababakas sa mga labi niya ng lumapit ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay saka pinanlakihan ng mata. Hindi sila pwedeng makita ng kahit sino doon na magkasama kahit alam na sa buong kumpanya na ito ang tatay ng anak niya.

    "Gerry, medyo lutang si Ms. Tanya ngayon saka kakaunti ang utos niya sa 'yo." Nadinig niyang salita galing sa labas kaya naman dali dali siyang humanap ng matataguan. Papunta kasi doon ang mga nagsasalita na hula niya ay sina Gerry at Colette iyon.

    "Baka may LQ sila ni Sir Sixto pero alam ko magkasama na sila sa iisang bahay ngayon." Gusto niya sabunutan si Gerry dahil pambubuko na iyon sa kanya.

    Tinulak niya si Sixto para pigilin pumasok ang dalawa doon.

    "Sir, akala ko umalis na kayo?" tanong ni Colette dito.

    "Paalis na din may tiningnan lang ako kaya nandito pa ako." Kinurot niya ang braso nito dahil imbis na paalisin ang dalawa'y kinausap pa. Paano kung mahuli sila? Pero wala naman silang ginagawang masama? Wala nga ba? Nadinig niya ang paghampas ni Sixto sa pader na ginawa nitong harap para pigilin sina Gerry na pumasok. "Magkakape kayo?"

    "Yes sir," ngiming tugon ng assistant niya.

    "I'll make two for both of you." Kunot noo siyang napatingin dito. Seriously? Akala pa naman niya paalisin nito yung dalawa. Magkaroon talaga siya ng mini heart attack dahil dito. Tila nakumbinsi naman nito yung dalawa dahil lumakad papunta sa coffee maker si Sixto at naghanda ng dalawang baso. Ang isa'y tinapat nito sa coffee maker na binukas nito.

    "Altamirano!"

    Halos pabulong niyang tawag dito. Tumingin ito sa kanya saka lumapit at masuyong hinawakan siya sa leeg. He inclined her face across his face and without a warning he kissed her on the lips. Sandaling nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang labi nito sa ibabaw ng labi niya. Unti unti at marahan sinara niya iyon saka sinundan ang bawat galaw ng mga labi nito.

    Bakit pakiramdam niya'y may napunang bakante sa loob niya ang halik na iyon? Time suddenly stopped and surroundings became blurry in an instant. Iyong ingay unti unting nawala at napalitan ng malakas na kabog kanilang mga puso. Does she missed being kissed by the man whose owning her lips now?  Questions inside her mind were shut temporarily when Sixto deepen their kiss.

    She opened her mouth so he could pushed his tongue inside. Her arms went up and she wrapped it around Sixto's nape. They continue kissing each other passionately until Colette interrupted them by asking Sixto a question. Nadinig pa niya ang tunog ng paghihiwalay ng kanilang mga labi. Habol hininga siyang tumingin dito at hindi pa muna inalis ang mga kamay niyang nakapalupot sa leeg nito. 

    "Sir, kasalan na ba ang sunod na mangyayari sa inyo ni Ms. Tanya?" tanong ni Colette.

    Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. "If she would say yes to me, papakasalan ko siya kahit saang simbahan," Marahan nitong kinalas ang pagkakapalupot ng braso niya saka umalis ito sa harap niya at pinagpatuloy ang paghahanda ng kape para sa assistant niya at kay Colette. Bago ito tuluyang lumabas, binalingan siya nitong muli. "See you in two days," bulong nito hinalikan ang pisngi niya.

    Naiwan siya doon na tulala, magulo ang isipan at binabalik balikan yung oras na magkalapat ang labi nilang dalawa. Isang bagay lang ang nasambit niya ng mga oras na iyon. 

    Ang rupok ko talaga... 

~•~•~

    "MARUPOK ka nga talaga pero umamin ka na-miss mo 'yon," tukso ni Dessa sa kanya.

    Kasama nila ito ngayon sa unit ni Sixto bilang sa Wednesday pa ang balik nito. Aalis naman sila sa gabi papuntang Hong Kong para doon i-celebrate ang birthday nito at ni Aicel. Naalala niya ang saya sa mukha ng anak niya ng makita ang passport nito at ticket nila sa Disneyland. Parang gusto na nga nito hilahin ang araw at sumapit na ang Wednesday kaya sinabing niyang magrelax lang ito. Kinausap na din niya si Mike at binigyan sila nito ng go signal na maari na mag-travel ito.

    "Akala mo ba natutuwa ako? Lalo kaya gumulo ang isipan ko dahil sa ginawa niya. Tapos ang worst is hindi ko siya pinigilan, Dessa," reklamo niya sa kaibigan. Mabuti na lang tulog na si Aicel at hindi na nadidinig ang mga rant niya patungkol sa tatay nito.

    "Sabi naman sa 'yo 'di nakakatulong ang pagdedeny ng feelings. Start anew na kasi with Sixto at pakiramdam ko sa Hong Kong niyo mabubuo yung kapatid na hinihingi si Aicel." Binato niya ito ng unan dahil doon. Hindi talaga ito nakakatulong sa kanya ever since na bumalik sa buhay nilang mag ina si Sixto. Panay ang push nito sa kanya palapit sa dating kasintahan.

    "We can be friends again pero maging tatay ulit ng kapatid na hinihingi ni Aicel, hindi."

    "Ay, h'wag ka nagsasalita ng tapos mars. Baka mabulunan ka, ikaw din marupok ka pa naman,"

    "Bwisit ka talaga kahit kailan!" singhal niya dito. Tinawanan lang siya nito at nung mapalakas ay sinaway niya. "Sasabunutan kita kapag nagising ang inaanak mo. Mahirap siya patulugin dahil hinahanap niya si Sixto,"

    "Alam mo ikaw lang naman ang deny pa more dyan. Yung anak mo nga maka-tatay na ngayon,"

    Tama ito, maka-Sixto na nga ngayon si Aicel at hindi magandang ideya na umalis ang ex niya. Kanina kailangan niya tawagan ito para lang makausap ni Aicel at makatulog na dati namang hindi nila ginagawa. Parang kapag aalis si Sixto at natatakot si Aicel na baka 'di na naman ito bumalik sa kanila. Siya naman natatakot na mapalapit dito at muling masaktan dahil lang sa pinairal niya ang puso kaysa utak. Pero yung halikan nila kanina, may napunan talaga iyon na nabakante sa loob niya ng matagal na panahon.

    "Natatakot ako Des," aniya sa kaibigan. 

    "Tell that to him para ma-assure ka niyang hindi isa pang pagkakamali na piliin mo siya uli ngayon,"

    "Paano kung ulitin niya?"

    "Hindi nga niya ginawa diba kasi fake yung video, Tanya. He's with his older sister that time and that alibi has been proven,"

    "Natatakot pa rin talaga ako,"

    "Ganyan ang sinabi mo noon pero sumugal ka kaya anong pagkakaiba ng pagsugal mo ngayon?"

    Hindi siya nakasagot agad at naglugmok sa pag-iisip. Hindi niya masabi kung naging padalos dalos ba siya noon nang sagutin niya si Sixto. Pero tama si Dessa na totoong sumugal siya noon nung pumayag siyang maging boyfriend ito. Susugal ba siya ulit? Niyakap niya ang mga binti saka nalugmok sa malalim na pag-iisip.

    Kinabukasan, naging abala siya sa opisina kaya walang chance na maisip niya si Sixto ngunit nung sumapit ang lunch, bigla na lang may dumating na bulaklak, chocolates at pagkain sa opisina niya. Akala niya galing kay Jeron pero mali siya dahil nabasa niya ang pangalang nakasulat sa card na kasama noon. It was from Sixto. Paano ito nakapagpadala gayong nasa Singapore ito? Hindi kaya ginogoyo lang siya nito at wala naman talaga sa ibang bansa? She stood up and exited her office immediately. She went straight to Sixto's office and asked Charity about his whereabouts.

    "Pina-order niya po sa 'kin iyan kasi baka malimutan mo daw po kumain sa oras. Sinamahan na po siya ng flowers pampa-good shot," anito sa kanya. 

    "Siguradong nasa Singapore siya at wala dito sa Pilipinas?" Naninigurado niyang tanong sa pobreng assistant nito na napagdiskitahan niya.

    "Yes ma'am. Nasa meeting na nga po siya ngayon doon at ni-re-relay niya po yung minutes of the meeting via zoom." Natutop niya ang bibig niya bigla. Bakit ba kasi siya pabigla biglang sumusugod doon? Nahiling niya tuloy na sana bumuka ang sahig at lamunin na siya noon. "Tatawagan niya daw po kayo mamaya, ma'am."

    "Pakisabi kahit h'wag na at magtrabaho siya ng mabuti," aniya saka umalis na doon.

    Sa sobrang ka-impulsive niya ayon ang napapala niya. She interrupted a business meeting just because of a hunch. Sobra niya ngayon kung paghinalaan ito na dinaig pa niya ang isang girlfriend. Well, he's the father of her daughter but they don't have any relationship. Kaya may konti siyang karapatan para maghinala... yata?

    Hay, Tanya ang gulo gulo mo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status