Share

Chapter 5

TANYA spent her whole night studying until midnight. Hinatidan lang siya ni Mike ng pagkain sa kwarto niya at ito na din ang nagpatulog kay Kit dahil ayaw siya nitong abalahin pa. Pagkatapos niya kumain ng dinner, bumalik siya sa pag-aaral at muling huminto ng makatanggap ng text mula kay Sixto.

From: Kuya 🤣

Have you watched The Legend of the Blue Sea?

Nangunot ang noo niya bigla. Why the hell he's asking that kind of question now? Agad niya dinampot ang cellphone saka nagtype ng pang-reply dito.

To: Kuya 🤣

Nanonood ka nyan? Didn't expect it.

Binaba niya ang cellphone saka muling nagbasa mula sa notes niya. Imbis na reply ang natanggap ay tumawag lang ito sa kanya. Hindi niya malaman ngayon kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Tinitigan niya lang ito hanggang sa tuluyang matapos ang pagring noon.

From: Kuya 🤣

Answer it please 

To: Kuya 🤣

Ano ba kailangan mo? I'm busy studying.

From: Kuya 🤣

Just want to ask something. Curious ako sa mga korean drama.

She burst into laughter when she read Sixto's reply. Hindi niya magawang ma-imagine ang itsura nito habang nanonood ng korean drama. Hindi niya sukat akalain na maku-curious ito sa mga gano'n at natural lang naman iyon pero hindi pagdating kay Sixto. He's respected in MSC like Alfred that's she didn't see it coming.

To: Kuya 🤣

Watch that first before bugging me. Baka ma-spoil kita sa ending niyan.

Hindi na siya natanggap ulit ng reply dito kaya nagpatuloy siya sa pag-aaral hanggang sa matapos siya ng mag-a-alas onse na ng gabi. Inayos niya ang mga gamit niya saka nahiga na kama niya. She checked her social media account newsfeed to get updated a little bit. There, she saw a post tag to Mike and Alfred. It was Sixto with a girl named Quincy Altamirano watching Legend of the Blue Sea with a caption What happen to him? End of the world? Nagbrowse siya sa comment box noon at nabasa ang comment ni Mike.

|Doc Mike Salazar: Nagagawa pag inlove. #Kuyazoned

|Seven Altamirano: Inlove ang kuya ko? That's new mom must know this.

|Alfred Morales: May God save this man. Wait until she graduate from college.

|Doc Mike Salazar: Whoo, dad is here hahaha!

Naiiling niyang tinigil ang pagbabasa noon at pinatay na ang data connection niya. She fixed her eyes on the ceiling and count sheeps in her mind until she fell asleep. Kinabukasan, naabutan niya sa dining room sina Tita Letty niya, si Alfred at Kit. na nag-almusal. She greeted them good morning and kissed Kit on his cheeks. Naupo siya sa pwesto niya at sinulahan ang mga ito sa pagkain.

"Mid term mo na next week?" tanong ni Tita Letty niya.

"Yes po and I'm reviewing na po." Tugon niya dito.

"Is Altamirano bugging you?" Napatingin siya kay Alfred bigla at sumunod sa tita Letty niya.

"Sixto? Why? Is he courting Tanya?" Bigla siya napaubo nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang tiyahin.

"I don't know. Maybe? You answer it Tanya," ani Alfred dahilan upang mapatingin sa kanya ulit ang tiyahin niya.

"Hindi po. Wala po akong time sa ganyan, tita," A smile flashed on her Tita Letty's face.

"No one told you not to entertain suitors, hija. Don't mind this grumpy older brother of yours."

Kit giggles as if he understand what his lola said to her. Batang supporter ni Sixto dahil mula nung isang araw pa nito binibuild up sa kanya si Sixto. She smiled back to her tita and choose not to answer it. Alam niya wala naman pumipigil sa kanya na mag-entertain ng manliligaw pero choice niyang huwag tumanggap muna habang nag-aaral pa siya. Ayaw niyang maantala iyon dahil sa isang pangyayari na pinapasok niya sa buhay niya.

After breakfast, sabay silang pumasok ni Alfred at binaba lang siya nito sa CEU. She immediately walked towards her locker and notice a rose taped on her locker's door. She saw a small note there and she decided to read it.

To brighten up your day, Ate

Napaikot niya ang mga mata niya bigla nang marealize kung kanino galing iyon. She immediately hide it when her classmates starts to go near her. Siningit niya na lang iyon sa libro para gawing bookmark. Kinuha niya ang note noon at sinuksok sa bulsa niya.

Dumirecho na siya sa classroom nila at doon na nagbasa habang naghihintay sa kanilang professor. She continue to review and highlight important word on her book that she needs to remember. Kailangan niya manatili sa Dean's List para naman umayos ang trato sa kanya ng kanyang papa. Disappointed ito dahil mas pinili niyang sumunod sa yapak ng kapatid nito na tatay ni Alfred kaysa dito na isang abogadong politiko.

She doesn't want to get filthy someday. Gusto niyang paghirapan ang lahat bago niya makuha ang mga iyon upang masabi niyang worth it ang mga bagay at achievements niya. She's lucky to have her cousin and auntie who always there to support her in achieving her dreams. Without them she maybe miserable and she thanked God for giving them.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status