Share

Chapter 9

"HOLY SHIT!"

Napalingon siya sa gawi ni Dessa nang marinig ang pagmura nito. Hinayon niya ang tingin sa dahilan noon at doon nakita niya sina Mike, Alfred at Sixto. Pare-parehong naka-beach short, sando, tsinelas at nakasuot ng shades. Lumapit sa kanya si Dessa saka umabrisete.

"You didn't told me that you're related to them," sumbat nito sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa Camp Netanya sa Batangas para sa quick long weekend getaway na pinlano ni Mike. Nadawit lang sila ni Alfred dahil ang tita Letty na niya mismo ang pumilit sa kanilang dalawa. Ito na daw ang bahala kay Kit. Sinama niya si Dessa para hindi lang siya ang babae kaso tingin niya maiiwan din siya nito dahil kanina pa may tanong ng tanong dito na mga lalaki.

"Alfred is my cousin tapos best friend niya yung dalawa," aniya dito.

Tinuloy niya lang ang ginagawa niya at sinubukan h'wag pansinin yung tatlo lalo na si Sixto. Eversince that confusing day happened, apektadong apektado na siya sa presense nito palagi. Kahit nga wala itong gawin mabilis kung tumibok ang puso niya sa tuwing nasa malapit ito.

"I think you have to take this off, Tanya," wika ni Dessa sa kanya saka hinila pababa ang isang manggas ng suot niyang gray pull over.

Her black lace floral bralette cami tank top showed. Agad niya tinaas iyon saka hinayon ang tingin sa gawi nina Sixto. Bigla nag-init ang magkabila niyang pisngi nang makitang nakatingin ito sa kanya. His hands were crossed and trying to make an eye contact with her. Una siyang nag-iwas ng tingin dito at tinuon ang buong atensyon sa pagprepare ng pagkain nila.

It was not her idea to wear that lacey garments. Si Dessa ang nagpasuot sa kanya at wala naman daw kaso doon dahil resort naman daw yung pupuntahan nila. But she has no plan of getting laid just like Dessa's plan. Kasama niya ang pinsan niyang parang tatay na nga niya sa pagiging over protective. Well, the past few days, Alfred's grip on her loose a little. Hindi na niya kailangan mag-explain dito kung sino kasama niya at kung bakit siya ginabi ng uwi. But it doesn't mean she'll take advantage of the situation. May tiwala ito sa kanya at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit maluwag ito ngayon sa kanya.

"Kaya ba tayo sumama dito para maging alalay nila?" tanong sa kanya ni Dessa uli. "Come on, Tanya let's enjoy the resort. May dala kang camera 'di ba? Magpictorial tayo doon bilis!" Tinuro nito ang pool side sa kanya saka parang bata na nag pa-cute para lang sumama siya.

"Tapusin ko lang ito." Pumalakpak pa sa tuwa si Dessa nang pumayag siya. Tinulungan na siya nito sa ginagawa niya para mabilis matapos. After finishing it, Dessa pulled her towards the pool side. Doon ito nag-pose ng nag-pose na parang model at bilang supportive siya, kinukuhaan naman niya ito ng larawan sa iba't ibang anggulo. Maganda din na naisipan niyang kayagin ito doon dahil kapag kasama niya nito hindi siya nabo-bore.

She was in the middle of scanning all the shots when someone approached her.

"Hi! Ikaw ba yung girlfriend ng kapatid ko?" Maang siyang napatingin dito. Kapatid? Hindi ko nga siya kilala? Kailan pa ako nagka-boyfriend? Gusto niya tanungin iyon kaso baka masyadong mataray ang dating noon kaya sinarili na lamang niya at nanatiling nakatitig dito. "You're Alfred's only cousin, right? Tanya Margarette Morales?"

She knew my whole name while I don't know her. Nag-isip siya dahil na-meet niya ito somewhere dahil sobrang pamilyar ng mukha nito.

"Ate Una..." Napunta sa pamilyar na tinig ang kanyang atensyon. Tila may bumbilyang umilaw sa isipan niya nang makita si Sixto. Magkamukha nga ang dalawa at mukhang takot dito si Sixto. "Don't scare her, ate and for Pete's sake, hindi ko pa nga girlfriend,"

"Why? Nahirapan ka manligaw? Good job on that, Tanya. Pahirapan mo ang isang ito kahit ngayon lang siya nagtino." She pursed her lips to conceal a smile. Sobra ang pagkabahag ng buntot ni Sixto sa harap ng kapatid nito. "I'm Una Seraphine Altamirano, older sister nitong si Sixto at anim kaming kapatid niyang babae,"

"She knows that, ate," sabat uli ni Sixto.

"Oh? Then, let mama meet her." Pumaywang ito sa harap nilang dalawa ni Sixto. "Isama mo siya sa family dinner mamaya, Sixto."

Iyon lang saka tumalikod na ito at nagmartsa paalis doon. She was left with Sixto who has an apologetic face now. Dessa stood right beside her and asked why does Una Seraphine talked to her. Na-shocked siya na iyon pala ang sikat na model na rumarampa sa mga fashion show abroad kaya pamilyar sa kanya ang mukha nito dahil nakapanood na siya ng isang fashion show na rumampa ito.

"Sorry about that, Tanya. Masyado siyang straight forward dahil nasanay siya sa kultura ng ibang bansa," Sixto said to her. Dessa excused herself and joined a foreigner who keep on looking to her friend awhile ago.

"Its okay. Sina Alfred nasaan?" Sinabit niya sa leeg strap ng camera na hawak niya. "Balik na ako sa room namin. Mukhang nakabingwit na yung friend ko," aniya saka tinalikuran ito at naglakad na patungo sa direksyon ng room niya.

Wala naman siyang ibang sasabihin dito at hindi pa gano'n kakapal ang mukha niya para itanong kung tungkol saan yung dinner na sinasabi ng kapatid nito. Hindi rin siya ang girlfriend kaya wala siya karapatan na sumama dito doon. Naniniwala siya sa kung hindi pa sigurado, h'wag muna ipakilala sa pamilya para hindi marami ang masaktan kapag hindi success ang relationship.

Bakit ba niya iniisip iyon? Hindi ba't nasabi na niyang hindi siya interesadong pumasok sa isang relasyon? Dahil talaga iyon sa nangyaring nakakalitong gabi kaya siya gano'n ngayon. Napailing siya habang patuloy na lumalakad pabalik sa room niya. Lukewarm shower siguro ang kailangan niya para mawala ang tension sa katawan niya.

She got shocked by the sudden approached of Una Altamirano. Sobrang nakaka-intimidate ito na umabot sa puntong pati pagtingin ng diretso sa mga mata nito'y hindi na niya magawa.

Hindi ako dapat ganito... aniya sa isipan.

KINAGABIHAN, inaya siya nina Alfred at Mike na kumain sa malapit na dampa restaurant sa Camp Netanya. Hindi nila kasama si Sixto dahil may family dinner ito sa family house nito na minsan lang daluhan ng binata. Hindi na niya tinanong kung bakit at palagi naman nababanggit ni Mike ang tungkol sa family issues ni Sixto. Si Dessa naman kasama nung foreigner na nabingwit nito at nagsabi sa kanyang sa pag-uwi na babalik sa room nila. Buong dinner, kung ano ano lang pinag-usapan nilang tatlo. Mike on his hospital topics while Alfred on his business stuffs. Tahimik lang siyang nakikinig sa dalawa at nagbibigay ng comment kapag natatanong.

"Why do I feel like na hindi tayo ang gustong kasama ni Tanya?" tanong bigla ni Mike kay Alfred. Napatingin siya dito sunod sa pinsan niya. Random na tao lang din talaga ni Mike at sobrang daming napupuna. "Shall I call back Sixto? Malamang binubully na iyon ng mga kapatid niya,"

"Parang kang sira, Mike. Imagination mo naman ang pinapagana mo," tugon niya dito.

"You want dessert, Tanya?" tanong naman ni Alfred.

"Libre mo?" Hindi siya sinagot nito at tinawag ang isang crew para mag-order. Iyon ang gusto niya kay Alfred, alam kung ano ang gusto niya. A smile flashed on her face upon hearing what dessert ordered.

"Spoiled cousin. Iyong isa din ini-spoil ka," komento ni Mike.

"Sino?" tanong niya.

"She doesn't know and Sixto doesn't really know how to court," sabat ni Alfred.

Mike scoffed. "Parang pareho lang kayong dalawa. Gamit na gamit niyo na naman ako." Hindi niya maiwasang matawa sa pagdidiskusyon ng pinsan niya at Mike. Nung dumating ang dessert, agad niyang tinabi ang unang kinakain at iyon na ang nilantakan. "Tanya, wala ka ba talaga nararamdaman para kay Sixto?" Nabitin ang pag-subo dahil sa tanong na iyon ni Mike. Maang siyang tumingin dito maigi upang masigurong hindi pa ito lasing. Panay panay kasi ang inom nito ng wine mula pa kanina. Nakita naman niyang napailing na lamang si Alfred. "You're so dense, Tanya."

"Hindi naman napipilit ang feelings, Mike. Kusa iyong nararamdaman, okay?" tugon niya dito.

"You still don't feel any after what he did the past few days?" Si Alfred.

"Hindi ko kayo gets na dalawa," wika niya.

Binalikan lahat ni Mike yung mga random na ginawa ni Sixto para sa kanya. Isa na doon yung paghatid sundo nito sa kanya na ang buong akala niya utos lang ni Alfred. May isa pang scenario na bigla siyang nag-craved sa mango graham isang beses kaya siya napa-post ng status sa social media at kinahapunan meron na sa ref nila noon na may kasama pang ice cream. Hindi niya natanong kay Lea noon kung kanino galing iyon dahil mas inuna niya punan ang cravings niya. Alfred added that Sixto wasn't hanging out lately. Diretso uwi na daw ito after office hours which for her cousin was odd.

"He changed his self little by little just to be pleasant in your eyes, Tanya. Pangumbinsi na din dito sa pinsan mo na dense din katulad mo," sabi ni Mike

"Ang daldal mo Mike," iritang sabi ni Alfred. "May tama na 'to, ihahatid ko na sa room niya. Ipa-take out mo nalang lahat tapos sumunod ka na sa amin."

Tumango lang siya bilang sagot sa utos ng pinsan niya. Gano'n nga ang ginawa niya at hinintay na ma-take out ang mga pagkain na tira nila. Pagkalabas niya sa dampa restaurant, naglakad na siya pabalik sa Cam Netanya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang front porch ng tinutuluyan nilang villa. Doon naabutan niyang naka-upo sa wooden bench si Sixto at nakatanaw sa pool. Ngumiti ito nang makita siya at kaya imbis na pumasok siya sa kwarto niya, nakiupo siya sa tabi nito. Binukas niya ang natirang dessert at nilantakan iyon.

"Kamusta ang family dinner niyo?" tanong niya dito.

"Riot. Dad came home and my sisters didn't like it. Nagkabalikan na pala sila ni mama ulit," tugon nito sa kanya. "Buti na lang hindi kita sinama kung 'di makikita mo pa ang mga nangyari,"

Tumango tango lang siya habang patuloy na kumakain. "Gusto mo? Best comfort food ang sweets. Alam mo na iyon bilang ikaw pala ang nagpapadala ng desserts sa bahay lately," she heard him chuckles.

Tumingin ito sa kanya at hindi naman siya nagpatinag dito. She offered again the dessert to him. Kinuha nito iyon saka binaba at sumunod nitong ginawa ay hindi niya inasahan. His lips landed into her lips. Ang kamay nito'y nanatiling nakahawak sa leeg niya habang patuloy siya nitong hinahalikan. Nanlaki ang mga mata at hindi niya alam kung ano ang gagawin. It was her first kiss and Sixto took it like a candy. Napakit siya nang maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito sa ibabaw ng mga labi niya. She tried to follow his lips movement but he ended the kiss.

"Masarap nga and its really comforting," anito sa kanya na dahilan ng pamumula ng mukha niya.

Mabilis siyang tumayo at dali daling pumasok sa kanyang kwarto. Pagkasara niya noon, napansandal siya sa dahon noon at matama niyang dinama ang tinatambol niyang dibdib. She touched her lips and closed her eyes tight. Gano'n ba ang feeling nang mahalikan? It was unexpected like Sixto only want to taste his favorite food. She locked her door and dive to her bed.

Tinakpan niya ang mukha niya ng maalalang sinubukan niyang sabayan ang galaw ng mga labi nito. Hindi siya tumanggi o tinulak man lang ito bilang pagprotesta sa ginawa nito. Hinayaan niya itong halikan siya at nararamdaman pa din niya sa mga labi niya ang mga labi nito.

Inalis niya ang unang nakatakip sa mukha niya saka malalim na bumuntong hininga. Hindi niya na alam kung annoyance pa ba ang yung nararamdaman niya ngayon. Last time he held her hand now he kissed her. Ano susunod?

At umaasa ka pa talagang may susunod siyang gawin, Tanya Margarette?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status