Share

Chapter 2

CHAPTER TWO

Halos buong hapon akong naglinis ng bahay kahit masakit ang katawan ko dahil baka magalit nanaman si Tyron kapag naabutan niyang

ang bahay.

Paano ko ba naman kasi magagawa ang mga inuutos niya kung palagi na lang kapag uuwi siya, lasing. Tapos paulit-ulit nanaman akong sisihin, sasaktan at ikukulong. Wala ng bago, paulit-ulit ang takbo ng buhay ko, masasaktan, iiyak, pero patatawarin siya, dahil hindi ko naman talaga kayang magalit sakanya kahit ano pang sama ng trato niya saakin. Paulit-ulit na rin akong nagpapaka-martyr at nasanay nalang ako na hayaan siyang gawin ang gusto niya, basta makasama ko lang siya ay ayos na ako.

Matapos kong linisin ang buong bahay ay naupo na ako sa sofa upang makapag-pahinga. Naghihintay na bumalik si Tyron habang lumilipas ang oras pero sa tuwing naiisip kong kasama niya ang asawa niya ay hindi ko maiwasang masaktan.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero sobrang sakit, nasasaktan ako. Nanatili ako sa tabi niya dahil alam kong may pakialam pa rin siya saakin, pero ngayong nalaman ko na may asawa siya bukod sa akin ay nadudurog ang puso ko at hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko.

Sumasakit ang dibdib ko.

"Maganda kaya siya? Mahal ba siya ng asawa niya?" Hindi ko maiwasang mapangilidan ng luha habang iniisip ang tinutukoy ni Tyron na asawa niya. Kung may asawa siya, ano nalang ako? Sino nalang ako sa buhay niya? Ano nalang ang lugar kong gustong magmahal sakanya?

Pinahid ko ang luhang nangingilid sa aking mata nang mapagmasdan ko ang sarili kong mga sugat at pasa na imbis na gumaling ang mga ito ay lalong lumalala at mas dumarami.

Paano niya nagagawa sa akin ang mga 'to? Hindi ko talaga siya maintindihan, hindi ko maisip kung anong ginawa kong kasalanan para tratuhin niya ako ng ganito.

Napahinto ako sa kakatitig sa mga pasa ko at agad na napahawak sa dibdib ko nang maramdaman kong biglang pumitik ang puso ko. Napaawang ang labi ko nang lalo ko pang naramdaman ang kirot nito.

"Aaaaaah!" Hindi ko na napigilan pang mapahiyaw nang tumundi ang sakit, tila ba'y may pumipigil sa pagtibok ng puso ko, dahilan para mas mahirapan akong huminga.

A-ayoko nito, bakit may ganito.

"A-aray! Aaaaaaah!! Ang sakit!" Nagsimulang mangilid ang mga luha ko dahil pilit akong naghahanap ng hangin sa ere para makahinga.

Tyron.. Asan ka..

Dahan-dahan kong sinulyapan ang pintuan, umaasang darating siya, pero agad akong nanlumo nang maalala kong hindi nga pala siya uuwi.

Sinimulan kong pakalmahin ang sarili ko at ilang beses na suminghap ng hangin at magpakawala ng mabibigat na buntong hininga upang gumaan ang pakiramdam ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman kong unti-onti nang humuhupa ang sakit sa dibdib ko.

"Hindi na nga ako magkanda-ugaga sa sakit ng katawan ko, sumabay ka pa ba naman," nanghihinang pakikipag-usap ko sa puso ko.

Naisipan kong umalis muna saglit para makapagpa-check-up. Baka hindi na ako magtagal pa sa mundo kung babalewalain ko lang ang nararamdaman kong ito.

"Ayos lang po kayo, Mam?" Napalingon ako sa taxi driver nang tanungin ako nito.

"Ayos lang po, manong." Nakangiting tugon ko pero inilingan lang ako nito.

"Hindi maganda ang lagay mo, hindi ka dapat nagtitiis kung pasakit lang naman ang ibinibigay sayo." Mapait ang ngiting kumurba sa labi ni manong driver nang mapansin niya ang mangilan-ngilang pasa sa mukha at katawan ko.

"Ayos lang po, mahal ko eh." Nakangiting tugon ko pero muli lang ako nitong inilingan at hindi na tinugunan pa.

Sa gitna ng biyahe ay napahinto sa pagmamaneho si manong driver.

"Mukhang traffic pa ata," nag-aalalang saad ni manong nang huminto kami sa edsa. Napatingin naman ako sa stop light at nakakulay pula ito.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay manong ngunit may nahagip ang mata ko sa hindi kalayuan.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako, pero, "Tyron?" Wala sa wisyong sambit ko at pinaka-tititigan itong mabuti.

Siya nga.

Napangiti ako at tatawagin na sana siya, pero napansin ko na may kasama pala itong babae sa loob ng kotse. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't-isa. Nakita ko pa kung paanong sumilay ang ngiti sa labi ni Tyron nang halikan siya ng babae sa pisngi.

"T-tyron.." nauutal na tawag ko rito, pero napadaing ako sa sakit nang naramdaman ko nanaman na sumisikip ang dibdib ko.

Sinubukan kong buksan ang bintana ng kotse para tawagin ito kahit hirap na hirap na akong huminga.

"Tyron!" Sigaw ko sa napakahinang boses ngunit sapat na para marinig niya.

Nakita ko pa siyang napalingon sa may gawi ko ngunit alam kong hindi niya na ako nakita pa dahil tuluyan na akong bumagsak.

"Mam!"

[ Tyron's pov ]

Napakunot ang noo ko dahil parang may narinig akong boses sa hindi kalayuan na tinawag ang pangalan ko.

"Who's that?" Naguguluhang tanong ko sa sarili. Sigurado akong may tumawag sa akin, pero sino?

"Hey, are you okay? What's bothering you?" Napatingin ako sa direksyon ni Hannah nang marinig ko ang boses nito.

"Ha?"

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito habang nakakapit sa braso ko. Bahagya naman akong ngumiti sakanya.

"I'm okay, don't mind me, may.. iniisip lang," nakangiting tugon ko.

"Sigurado ka?" Tanong nito, tila'y hindi naniniwala sa sagot ko, kaya nginitian ko na lamang ito bago inihinto ang kotse sa may carpark malapit sa entrance ng mall.

"We're here." Saad ko at agad bumaba ng kotse para pagbuksan siya ng pinto.

"Thank you, hony." Nakangiting sambit niya.

"Welcome, hony." Halos pabulong nalang ang ginawa ko dahilan para makiliti siya at hampasin nanaman ako sa dibdib.

Anak ng! Hindi naman halatang mapanakit ang babae na 'to, 'no?

Nang makapasok kami sa loob ng mall ay agad na tumakbo si Hannah sa kung saan.

"Hony, look! It's so cute! Omg!" Pumunta ako sa kinaroroonan niya at tinignan kung ano 'yung sinasabi niyang cute.

Panigurado ako na hindi naman cute 'yon dahil siya lang naman ang cute sa paningin ko.

Psh, ang corny mo, Ty, hahahaha!

Napatingin naman ako sa tuta na tinutukoy ni Hannah na ngayon ay pinaglalaruan niya na.

"Parang gusto ko nalang yatang maging tuta," pagpaparinig ko nang buhatin niya ang tuta at nakipag-nose to nose pa.

Psh, that should be me!

"Ano yon?" Kunot noong tanong niya.

"Ha? Ano.. you want that?" Pag-iiba ko sa sinabi ko kanina lang. Agad namang nagningning ang mga mata niya nang tanungin ko iyon.

"Pwede ba?" Nakangiting tanong nito habang nag p-puppy eyes pa.

I pinched her cheeks.

"Of course, why not? Kung para naman sa magiging nanay ng mga anak ko." Saad ko kasabay ng pagkindat. Ngunit agad ko ding pinagsisihan dahil nakatikim nanaman ako ng hampas sakanya.

"Stop it!"

"Ang sadista mo talaga." Nakasimangot na saad ko habang iniinda ang hampas niya sa braso ko. Tss! Ang bigat bigat ng kamay niya.

"Bahala ka, hindi kita bibilihan niyan." Pagsusungit ko at nag cross arms pa. Nagtatampo.

"Ito naman! Hindi ka mabiro!" Natatawang saad nito pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Joke nga lang eh!" Saad niya pa at lumapit sa akin.

"Baby, sorry na." Nakangiting sabi nito, dahilan para matigilan ako.

"A-anong sinabi mo?" Parang tangang tanong ko habang nakangiting aso.

"Sorry?"

"No, hindi 'yan! The word before that!" Sambit ko habang nakangiti.

"The word before dot?" Pag-uulit niya sa sinabi ko, napatango naman ako.

"Mmm.." kunot noo itong tumingin sa kung saan na para bang malalim ang iniisip niya.

"Aha! Ink!" Ngiting-ngiti na tugon nito dahilan para magkasalubong ang dalawang kilay ko. 

Ha? Ano raw? Ink?

Ilang segundong nag-loading ang utak ko habang pinag-iisipan ang sinabi niya, pero hindi ko talaga nagets.

Where the heck did she get her answer?

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang sabi mo kasi, 'yong word before 'dot', edi ink! Hindi ba, kapag nag-dot ka, syempre may lalabas na ink bago ka makagawa ng dot?" Pagpapaliwanag niya pa.

"Anak ng tupa," napasapo nalang ako sa sarili kong noo dahil sa pinagsasabi niya.

Ano bang sinasabi niya.

"Kung ano anong pumapasok sa utak ng asawa ko, tara na nga!" Nahihiyang saad at hinila siya, dahil tinatawanan na kami ng sales lady.

"Pero 'yung--"

"Sa susunod na kita bibilhan."

Hindi ko alam kung bakit 'yun pumasok sa utak ng babae na 'to. Ang sinabi ko, that. Hindi dot! Hays, sasabog ata ang utak ko sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status