Share

Chapter 4

CHAPTER FOUR

Ciara's pov

Nararamdaman ko ang bigat at sakit ng aking katawan kahit pa nakapikit ako. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago tuluyang dumilat. Ngunit kataka-takang puro puti ang bumungad sa akin.

Tanging hininga ko lamang ang naririnig ko, maliban sa maingay na machine na nasa gilid ko.

Inilibot ko ang paningin ko para suriin ang paligid at napagtantong nasa hospital pala ako. Dumapo ang paningin ko sa lalaking natutulog ngayon sa gilid ng kinahihigaan ko.

'Teka, hindi ba't si Manong Driver ito?'

Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga para gisingin si Manong Driver. Kawawa naman siya, siguradong hindi siya nakapag-pasada nang dahil sa akin.

Tinapik-tapik ko naman ang likuran nito para gisingin.

"Manong, gising na po." Bahagya akong nagulat nang biglaan itong napatayo at nagpanik.

"B-bakit? Asan, asan? Naasan ang sunog?" Natatarantang tanong nito kaya bahagya akong natawa.

"Wala hong sunog, Manong." Natatawang sabi ko rito.

"Nako, Mam! Pasensya na po. Buti naman at gising na kayo, kumusta naman po ang pakiramdam ninyo? May masakit pa po ba sa katawan ninyo? Jusko, ako'y nanyerbyos po sainyo, Mam, nang mawalan jayo ng malay, mabuti na lamang at gising na kayo. " Nagaalalang tanong sa akin ni manong, dahilan para kumurba ang ngiti sa labi ko.

"Pasensya na po pero ayos na ho ako, medyo may masasakit pa po, pero ayos lang. Maraming salamat po. Saka pasensya na sa abala dahil sa akin ay hindi po kayo nakapag-pasada ngayon, wala po tuloy kayong kinita." Paghingi ko ng paumanhin.

"Wala ho 'yon, Mam! Prioridad po naming mga driver na asikasuhin at tulungan ang mga pasahero namin." Saad ni Kuya habang nakamot pa sa batok.

"Pasensya na po talaga at maraming salamat na din. Napaka-laki ng utang na loob ko sa inyo. Kaya hayaan niyo po akong bigyan ko kayo ng pabuya." Nakangiting sambit ko at agad na kinuha ang bag ko para kumuha ng pera.

"Naku! Hiwag na po, Mam! Mas kailangan niyo iyan." Pagpigil niya.

"Anong hindi, Manong. Kailangan mo po ito. Wala kang kinita ngayon nang dahil sa akin, kaya tanggapin mo na po ito, bilang pasasalamat ko." Sambit ko at iniabot ang pera na nagkakahalaga ng limang libo. Ikinagulat niya naman ito.

"Ay, naku Mam! Sobra sobra po iyan." Nahihiyang sambit ni Manong.

"Hindi po, sakto lang 'yan. Salamat po sa pagdadala sa akin dito, tapos binantayan niyo pa po ako, parang ama ko na rin po kayo." Nakangiting sambit ko na agad din namang napalitan ng lungkot, dahil naalala ko nanaman ang mga magulang ko na ngayon ay kinamumuhian na ako.

'kring.. kring..'

Napalingon ako sa telepono ni Manong nang tumunog ito.

"Sa'yo po ata 'yon, Manong." Agad niya namang kinuha at sinagot ang tawag sa telepono niya.

"Hello?- A-ano?!- Nasaan kayo? Anong nangyare?- Bakit?- Sige, papunta na ko, hintayin niyo ako, papunta na ang tatay." Nakita ko kung paanong pigilan ni Manong ang kanyang mga luha.

'Ano kayang nangyari?'

"Mam, pasensya na po. Kinakailangan ko na pong umalis, nadisgrasya po ang bunso ko."

"Hala, sige na po. Go ahead Kuya, mag-iingat po kayo," nag-aalalang sambit ko.

"Maraming salamat po, Mam. Mauna na po ako." Paalam nito.

Pagkaalis ni Manong ay siya namang pasok ng doctor na babae sa kwarto ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo, ija? May masakit pa ba sa sugat at pasa mo?" Tanong nito sa akin, ngumiti naman ako.

"Maayos naman na po, medyo may kaonting mga kirot nalang." Sagot ko, magaan na ang pakiramdam ko ngayon, kumpara nitong mga nakaraan.

"Ganoon ba? It's Good to hear that. Pero mukhang hindi maayos ang takbo ng puso mo, ija." Saad nito.

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. May halong lungkot ang mga mata ng doktora, nakikita ko 'yun.

"Ano po bang ibig ninyong sabihin?" Kinakabahan na tanong ko. Nagtaka pa ako nang hinawakan nito ang magkabilang kamay ko at ngumiti ng mapait.

Ano bang nangyayari?

"Pina-ecg ka namin kanina at nung lumabas ang result, napag-alaman namin na.." tumingin ito sa ibaba, tila ayaw niya ng sabihin ang kasunod.

"A-ano pong result?" Kinakabahang tanong ko.

Matiim ako nitong pinaka-titigan sa mata.

"You have a heart disease." Sambit nito, dahilan para matigilan ako at bumagsak ang mga balikat ko.

"Heart disease?" Halos mapiyok na tanong ko. Dahan-dahan namang tumango ito bilang tugon.

"May allergy ka sa mga alikabok o sa balahibo ng mga hayop, kaya hindi malabong magkasakit ka sa puso kung napapadalas ang paglalagi mo sa maruruming lugar." Paliwanag nito, napailing ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"Pero sa hitsura mo, mukha namang malinis ka sa katawan. Nakakapagtaka lang kung bakit ganito nalang kabilis humina ang puso mo?" Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko ang ginagawang pagkulong sa akin ni Tyron sa abandonadong kwarto.

Naramdaman kong nangingilid na ang luha ko kaya agad ko itong pinigilan, ngunit sadyang pasaway ang mga luha ko kaya tuloy-tuloy na nagsi-bagsakan ito.

"Hindi normal ang takbo ng puso mo. Hindi ka pwedeng mapagod, iwasan mo ang maalikabok na lugar at ang mga bagay na mabilis makakapagpapagod sa iyo." Seryosong saad nito.

"At mas lalong.." Napatingin ako sa doktora nang tumigil ito sa pananalita at tinitigan ang katawan ko.

"Iwasan mo ang taong gumagawa niyan saiyo." Seryoso ako nitong tinignan sa mata kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Sinasaktan ka ng asawa mo?" Tanong nito pero nanatili akong walang imik at nakababa ang tingin. Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

Ayokong aminin, ayokong sabihin na sinasaktan ako ng asawa ko.

"Ija?" Muling tanong nito, agad naman akong umiling.

"H-hindi po, masyado lang po talaga akong hindi maingat sa katawan ko, k-kaya ganito." Mabilis kong tugon sa kanyang tanong, pero inilingan lang ako nito at parang sinasabi na pang tanga ang sagot ko.

"Hindi 'yan laro, ija. Kaya kung maari lamang, nakikiusap ako sa iyo. Alagaan mo ang sarili mo at lumayo ka sa hindi makakabuti sa kalusugan at puso mo." Saad nito at tila binibigyan ako ng babala.

Tinutukoy ba nito ang asawa ko?

"Huwag mong sanayin na tinatago ang mga hinanakit mo dahil iyan ang lalong makakapag-pasama sa takbo ng puso mo."

"Ipahinga mo kung ayaw mong ikamatay." Makahulugang sambit niya na nagpakabog sa dibdib ko.

Ikamatay?

"Hangga't maari, iwasan mo ang dapat iwasan. You have a choice, ija. Leave or Die." Seryosong saad nito at tinapik ang balikat ko bago tumayo.

Taka akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Tila may pinahihiwatig siya sa huli niyang sinabi.

"Maaring makapag-sinungaling ka sa akin, pero hindi mo maitatago ang katotohanan sa sarili mo." Saad nito.

"Mauuna na ako, magpahinga ka muna at pwede ka ng umuwi bukas din."

Tumango naman ako at ngumiti ng mapait.

Tama siya. Alam ko sa sarili ko ang totoo. Kaya na sa akin ang desisyon kung pababayaan ko na lang ba na ipahamak ang sarili ko sa kanya o lumayo para mabuhay ng mapayapa.

Pero hindi ko kayang iwanan si Tyron. Mamatay naman ako kung mananatili ako.

'What if, I die?'

Matutuwa kaya sila? Ganito na ba ako kawalang kwentang tao, kaya dapat ay mamatay na lang ako?

Siguro nga ay mas matutuwa pa sila kung mawawala ako. Lahat ng tao ay kinamumuhian ako, lalong-lalo na ng sarili kong magulang, hindi ko alam kung bakit galit na galit sila.

Ginagawa ko naman lahat ng gusto nila, pero bakit parang ako pa rin ang mali?

Related chapters

DMCA.com Protection Status